The Battle of the Ogres has yet to come. For there can only be one! Mag-ingat ka sa mga iboboto mo. Isang dosenang rason kung bakit marami ang umaayaw na maging Pilipino. Isang dosena sila ngayon at dadami pa!
||Villar - sipag at tiyaga. Kupit at paipit.
|| Legarda - Eto na naman. Kapag natalo magpa-file ng protest at igigiit na nadaya.
|| Fernando - O well. Isulong ang batas trapiko. Pink na ang kulay ng araw at bituin sa watawat ng Pilipinas. Hindi na rin masama kung sa ikauunlad. Basta "Let's DUET again!"
|| Binay - “Tara na sa Makati!” Utopia na ba ang Makati? I don’t think so.
|| De Castro - “Pag-ibig ang kasagutan! Kabayan” Aanhin ang pabahay kung hindi naman mabili sa mahal?
|| Teodoro - needs improvement. Trapo din ang dating.
|| Villanueva - very hopeful talaga. Di na nadala.
|| Roxas - [insert coin] laglag na ito.
|| Madrigal - Pagkatapos ng “ja-ja-ja-jamby” ano ang susunod kinabukasan? Aanhin namin ang sayaw?
|| Erap - kupal. pagod na ang tao sa iyo. Once convicted and will always be convicted.
|| Lacson - puputak kapag wala ng maasahan
|| Escudero - Action speaks louder than words. Madaldal pa kay Boy Abunda. Face-to-face kaya kayo ni Mo! Puro Escudero ang trapo sa Sorsogon!
|| Aquino - Kung wala kang nagawa sa probinsya ng Tarlac, ano ang aasahan namin sa iyo para sa bansa ng Pilipinas? Bago mo paunlarin ang lupain, mamigay ka muna ng lupain. Ano ang nangyari sa mga mangagawang pinatay sa Hacienda Luisita? Patay pa rin. Ni hindi nabuhay ang kanilang layunin. Sabi na ba at Ooo ka rin eh pinatagal mo pa! Epal. Tsss!
Sa nangyayari ngayon, kawawa naman ang Pilipinas. POLITICS (n. orig. Latin) - “POLI” - full, “TICKS” - bloodsucking creatures.
Bumangon ka Jose! Bangon! Save the Philippines! Mulat na nga tayo sa pagboto, eh ang mga iboboto mulat na ba? Walang natututo sa mga nangyayari. Ang saklap. Wasak!
Marvin Agustin for President! Tootsie Guevarra for VP! (Bog Ong, 2003)
Maaring itanong mo sa akin na:
"Sino ang iboboto mo?"
Sa tanong mo na iyan, nahaharap ako sa isang malaking desisyon. Sino ang iboboto ko? walang nararapat. Pero kung hindi ako boboto walang mangyayari. Hindi ko maatim na isulat ang mga nasabing pangalan sa 'computerized' ballot ko pero mas mahirap pagdesisyunan na sa ISANG MALING BOTO, anim na taong sumpa ang mararanasan, hindi lang ako kundi sampu ng nalalabing 94,999,999 sa 95 milyong na milyong Pilipino.
Sa sandaling ito. WALA pansamantala. Marami pa ang dapat mangyari at hindi dapat tayo magmadali at mabulag kung sino ang ating iboboto. Gamitin natin ang limang sensorya ng ating katawan. Tumingin, makinig, umamoy, magsalita, at makiramdam. Huwag tayo pasisilaw sa PANGALAN. Hindi dahil maayos ang puno ay gayundin ang bunga. Minsan ang puno e nagbubunga ng bulok, hilaw, at maantang prutas. Nasa ating mga kamay ang kinabukasan ng ating bayan.
"Ang tunay na kapangyarihan ay hindi kapangyarihan sa kamay ng iilan. Bagkus ay ang kaalaman sa kamay ng karamihan.: - John Naisbitt
I care for the Philippines. Not for them! I am tired of drama! Enough said.
may tama ka pare -Sobrang LAKI ng TAMA mo, sa totoo lang nakakasawa na ang paulit ulit na pangangampanya ng bawat kandidato, maraming proyekto sa pangangampanya; at pag nakaupo na.. ano na.. magiisip ng madaming proyekto para madaming kunsumisyon este commission pala; at ang mga proyektong naisip? ayun MULTO "GHOST PROJECTS" pala, mga PROYEKTONG nag eexist lang sa mga papeles pero wala naman talaga. Masaklap isipin madaming nakakawawang pilipino sa KADUPANGAN ng mga POLITIKO sa bansa natin.
ReplyDelete@ Vinmark: Salamat sa kumento parekoy! Marami sila ngayon. Ang nakakaasar e hindi na sila nauubos. Negosyo na ang pagpaparami sa kanila. Patuloy silang dadami tulad ng pagkakalat ng AIDS sa mundo.
ReplyDelete