10/23/2009
Sabi ni Tatay Ipagpatuloy ang Pagsusulat, Pero Nasaan si Tatay?
Sabi ni Tatay Ipagpatuloy ang Pagsusulat, Pero Nasaan si Tatay?
Ika-tatlo na ng umaga. Kalagitnaan ng kahimbingan ng mga kasambahay ko sa pagtulog. Humihilik si Kuya, nagsasalita habang tulog si ikalawang Kuya. Nakahiga na sa paanan ng kama si Bunso. Kina unica hija at Mama, tahimik ang kwarto nila. Mahimbing silang nagpapahinga. Tahimik ang gabi. Napakalamig, ngunit nakasindi ang bentilador. Malamok kasi. Baka daw magka-leptospirosis ako sabi ni Insan. Di na ako umangal n’on, ang mahalaga’y nag-alala siya sa akin. Oktubre na, at animnapu’t walong araw na lamang ay ang kapanganakan ni Hesus, petsa na itinakda ng tao. Kung ano ang batayan, Malay ko ba? Di pa naman ako buhay noong panahon na iyon.
Pero kung babalik tayo sa intro ko: Ano ang naiisip mo kapag ang isang lalake e gising pa sa kalagitnaan ng wee hours? Walang bastusan dahil matino ako. Hindi ako nagpupuyat para lang maglaro sa facebook (barn buddy, ffs, rc, o fv). Kung di mo alam yung nasa parenthesis hindi talaga tayo naglalaro n’on. Isa pa, masyadong maiksi ang buhay para lang magsayang ng enerhiya’t panahon sa di kapakipakinabang na bagay. Kung naglalaro ka ng mga iyan, huwag mong iisipin na galit na ako sa inyo (dahil marami kayo). Isipin mo na lang wala kang nabasa tungkol dun. Hindi ba? So, okay na tayo ulit? Ok, prosid!
Hindi ako nagpuyat ng gabing iyon. In pakt, natulog ako ng maaga. Nagising ako ng dahil sa nangingilid na luha at basang unan. Nagkaulirat at pilit inaalala ang nagyari sa aking pagtulog. Hindi ko maaninag. Malabo ang panaginip. Bakit nga ba ako umiiyak ng magising sa oras na tulog ang tao? (except call-center agents, pokpok, at bugaw). Di ko talaga maalala. Ipinaling ko ang ulo ko sa pader. Ayun, may signal na ng kaunti. Nakita ko ang selpon ko, naalala ko na ng makita ko ang wallpaper nito na larawan ni Mama at Tatay gamit ang una kong kamera pon. Ng magkaroon ako, sila ang una kong kinuhanan ng litrato. Masakit! Emosyong bumalot sa puso ko ng maalala ko na ang panaginip. Bago noon, ilang araw na rin ako nangungulila ng makakausap ukol sa mga bagay na hindi nakikita ng iba ngunit nakakaapekto ng higit sa akin. Humihingi raw ako ng payo sa aking tatay, wala ng eksaktong detalye ang pangyayari. Sinabi niya na kung ano ang gusto ko ay ang aking sundin. Kung gusto ko sa kaliwa, pwede daw ako kumanan, pero habang di pa nakakalayo kumaliwa na daw ako kapag gusto ko at habang may panahon pa. Si Tatay talaga, hindi naman siya ganoon sa tunay na buhay. Seryoso siya kapag tungkol na sa kapakanan namin. Di nga lamang ako nakapagpasalamat sa kanya.
Nako, tatlong talata na wala pa tayo sa climax. Mahirap talaga gumawa ng maiksing blogpost. Sa panahon ngayon kasi ang gusto ng Kabataan (karamihan) ay ang mga maiiksi lamang. Maliit na ang attention span nila – sa pagsusulat. Pustahan tayo kung Farmville iyan pagpupuyatan pa! Gusto na ng karamihan yung spoon-feeding. Mga mahilig na sa kowts pero takot sa paliwanag ng teorya. Nakakaasar dahil ang mundo ngayon, ginagawa ng bano ang mga tao sa mga bagay na dapat ay pinag-iisipan ng husto. Sabi nga ni Pareng Bob, dumarami na ang mga walang ginagawa kesa sa mga gumagawa ng wala. Ang tao ngayon ay bulag na, sarado ang isip, at bingi. Ngunit ingat ka dahil kung ano ang kakulangan nila sa tatlong naunang sensorya e siya namang bawi nila sa bibig. Tama! Puro salita na lamang tayo. Kaya naman (insert expletive word) na ng tao ngayon. Napansin mo bang di magkakaugnay ang mga tinutukoy ng talata? Ayos lang iyan. Huwag kang mag-alala dahil normal ka pa. Isipin mo na lang di mo nabasa ulit ang ika-apat talata.
Bago ang panaginip na iyon, ilang gabi na ako nagkakaroon ng pangamba sa mga pangarap ko. Alam mo maimpluwensya ang pagkakaroon ng pangarap. Ito ang nagbibigay halaga sa buhay mo. Alam mo ba na ang tao lang ang ginawa ng Dios na may kakayahang mangarap? Kaya kung wala kang konkretong pangarap aba e pag-isipan mo kung ano ka ba talaga. Mahirap ang magin lagalag na walang patutunguhan. Marami akong pangarap, pero ewan ko ba at di ko pinangarap ang affluent living na ikinamamatay pa ng maraming tao! Di ko alam kasi kung saan ako tutungo. Kaliwa ba o kanan?
Kaliwa, lohikal na aspeto ng utak. Matematika, siyensya, at iba pang uri ng aral na nangangailangan ng tamang sagot. Yung may proof, teorya, matibay na rason, at ebidensya. Mga tipong nakakapagpasakit ng ulo. Tipo ng kaalaman na hindi pwedeng isagot ang ‘maybe’. Nakakapagod, nakakaduling at nakakapagpasabog ng utak. Apat na taon na ako sa Engineering at masasabi ko na unti-unti kong natanggap ang malungkot kong kapalaran. Sanamabits!
Kanan, nasa bahaging paggawa ng bagong bagay at ideya. Yung tipong pagkamalikhain. Peynting, isketsing, drowing, desayning, writing, at lahat nga may –ing. Bawal ang kissing, necking, petting, at ang mga kamag-anak pa nila.
Kaliwa ba o kanan?
Ag ko la anta no anto so gawaen ko natan. Nangingirasan ak lan maong ed bilay. Amayamay so nununuten, papasakit, balet no masabiy balon agew, impanswertek ya ta abilay ak ni natan. (Thoughts in Pangasinan language)
Sa ngayon hindi ko alam kung saang daan ako tatahak. Sa kaliwa na kung saan buhay, pera, panahon, at pangarap ang nakataya o sa kanan na sa parehong kadahilana’y napagta-tiyagaan ko pa rin? Sa ngayon, kailangan ko munang gumitna. Kung may pagkakataong pumaling ako sa kaliwa o sa kanan magiging madali lamang para sa akin ito. Pero ang kaibaha’y hindi ko maaabot ang pinaka-kanan at ang pinaka-kaliwa. Gets mo? Ang marapat kong gawin, kelangan ko munang namnamin ang pagkakataong magkaroon ng edukasyon. Pagkakataong maikulong ang aking sarili base sa dikta ng lipunan. Bull crap! Pero kailangan ko rin naman tamasin ang tamis ng kalayaan. Malayaang pagpapahayag ng saloobin ng walang anupamang uri ng pagkondena. Tama! demokrasya. Pipiliin ko ang kalayaan kasama ang sugal na hatid nito. Wala ng libre sa mundo. Lahat ay may kaakibat na sugal.
Tutuloy ako sa pagsusulat. Sana. Kailangan ko ito dahil mababaliw ako kapag hindi ko nailalabas ang emosyon. Wala kasi gustong makinig sa lahat ng bagay na nais kong sabihin sa tunay na buhay. Lahat ay may sariling mundo na tanging ako lamang ang hindi makapasok. Gusto kong magsulat. Gusto ko makinig at mapakinggan. Minsan masarap mabasa ang mga katagang tunay mong likha sa site ng iba dahil sa nagustuhan nila iyon. (Marami sila sa fs, fb, at dito rin). Kahit na medyo nakaka-agrabyado dahil sila ang nakakakuha ng pag-ayon mula sa mga bagay na pinag-isipan ko. Pero ayos lang. Mapagbigay ako huwag lang lulubos. Gusto ko pa matuto at ang mga kaalaman na maidudulot nito. Kung ang bibig nabubulok ilang oras lang matapos ka na hindi makapagsalita, paano pa kaya ang utak?
“Caloooooo-oooy! Papasok ka ba (insert again expletive word) tanghali na!” Panibagong araw na naman kasabay ng panibagong kaisipan. Magsusulat ako, may babasa man o wala. Pero nasaan si Tatay?
***
“I have made this longer than usual because I lack the time to make it shorter.” – Blaise Pascal
RIPPERS ARE LOSERS!
Copyright:
Carlo H Andrion
http://caloycoy.blogspot.com
Oct. 23, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
nakakatawa ka talaga.. ooppss.. mas tama sigurong sabihing nakakatuwa ka..
ReplyDeletesinasabi mo ang sinasabi ng utak mo.. sinasabi mo ang sinasabi ng puso mo.. ilan na lang ang taong nakikita ko na tulad ninyo.. lalo sa mundong nakasanayan ko na..
halatang.. miss mo na papa mo..
nakakatawa ang ikaapat na talata.. habang binabasa ko.. tumatakbo na sa isip ko.. "bakit parang naiiba na ang kwento.. ay naku.. ang isip ni carlo.. tumatalon na naman.." hanggang mabasa ko ang huling pangugusap.. "aware naman pala siyang iba na ang nasusulat nya"
"Talk less.. but Listen more" isa sa prinsipyong dinadala..ko.. pero kahit karamihan sa kakilala ko eh talagang mahilig magsalita ng di muna nag-iisip, pinapakinggan ko pa rin sila.. kahit madalas di nila pinapansin ang mga sinasabi ko at kahit nadadaya sila sa paningin at inaakalang mababaw akong tao dahil mababaw lang ang aking kaligayahan..at kahit hindi pinapansin ang sinasabi ko .. pinapakinggan ko pa rin sila..
mahirap talaga maipit sa dalawang bato.. mahirap pumili at mahirap pagpilian.. kahit ilang tao pa ang magbigay ng suhestyon.. ikaw pa rin ang magdedesisyon..
andaya.. di ako nakakaintindi ng salita sa Pangasinan.. di ko tuloy naintindihan kung ano ang nakasulat ron..
ang sinulat mo.. talagang puno ng iyong emosyon..
mahirap pumili ng daan na pupuntahan.. sana sa pagpili mo ng daan.. matagpuan mo ang hinahanap ng puso mo at ng pagkatao mo.. kung maliligaw ka man.. makakatagpo ka rin ng mapa pabalik sa daang hinahanap mo..
Sana mahanap mo na ang sagot sa katanungan mo..
Godspeed.!
Natutuwa ako sa iyo, sa inyo dahil naiintindihan ninyo ako. Haha. Pasensya na. Namiss ko ang magsulat. Marami akong gusto ikuwento pero walang panahon.
ReplyDeleteYung sa tumatalon, gusot ko kasi may naisisingit na kontemporaryo para di malaos. Haha. Salamat Arlyn!=)
"Tutuloy ako sa pagsusulat. Sana. Kailangan ko ito dahil mababaliw ako kapag hindi ko nailalabas ang emosyon. Wala kasi gustong makinig sa lahat ng bagay na nais kong sabihin sa tunay na buhay. Lahat ay may sariling mundo na tanging ako lamang ang hindi makapasok. Gusto kong magsulat. Gusto ko makinig at mapakinggan. Minsan masarap mabasa ang mga katagang tunay mong likha sa site ng iba dahil sa nagustuhan nila iyon. (Marami sila sa fs, fb, at dito rin). Kahit na medyo nakaka-agrabyado dahil sila ang nakakakuha ng pag-ayon mula sa mga bagay na pinag-isipan ko. Pero ayos lang. Mapagbigay ako huwag lang lulubos. Gusto ko pa matuto at ang mga kaalaman na maidudulot nito. Kung ang bibig nabubulok ilang oras lang matapos ka na hindi makapagsalita, paano pa kaya ang utak? "
ReplyDelete-YESSS! Nakakatuwa kasi magbasa ng mga likha mo, kuya e. Nakakaaliw. Ako kase parang nawalan na nang gana utak ko sa pagsulat. Hanggang sa pagbabasa na lang.
Iilan lang mga katulad mong tao kuya! Ambilis mag-isip ng isusulat. :)
[Kuya na nman. Hehehe. :)]
God Bless Kuya!
Marmaing salamat!=)
ReplyDeletenasaan na po ba talaga si tatay?
ReplyDeleteganun di po tanong ko sa sarili ko eh.:)
Nasaan ba si tatay mo?:))
ReplyDeleteUhm...nasa China po sya.Kausap ko nga po sya ngayon eh.:)
ReplyDeleteGood thing for the both of you.=)
ReplyDeleteat kailangan mong ilabas lahat, dahil kung hindi, mababaliw ka, lalo na kung nag-iisa ka't pakiwari mo'y wala kang kaibigang malalapitan, o kung meron mang mga kaibigan, walang mga totoong kaibigan na handa kang pakinggan sa lahat ng oras. yung mapaglalabasan mo ng sama ng loob....
ReplyDelete(lalim, 'no!)
I love this. This is exactly how I feel. And this is one of the very reasons why people like us can't just stop writing. =)
ReplyDeleteOy, namiss ko rin pumasok sa isipan mo. Hahaha.
ReplyDeleteAno nga pala yung 'RC' na application sa Peysbuk? Ang alam ko kasing RC e reward challenge sa Survivor. Tagal ko inisip, di ko maisip. Haha
Totoo yung sinabi mong sobrang iksi ng attention span ng mga tao ngayon. Natawa nga ko sa kaibigan ko, nagrereklamo, ang haba raw ng post ko, iksian ko naman daw sa susunod, tinawag ko tuloy na goldfish. E ang siste, pipigilan ko ang sarili ko mag-isip para lang ma-please ang ibang tao? Kung talagang interesante ang nakasulat, may magbabasa naman e, basta ba may sinasabi kang makabuluhan. Wala. Opinyon ko lang. Madalas kasi lumilipad isip ko ngayon, wala lang panahong ipagsigawan sa blog.
Ayun. Wala na. Hahaha.
Isa na lang pala. Welkam bak!
ANg galing mo! Tumbok pareng Japi!
ReplyDeleteThanks for accepting the truth!=)
ReplyDeleteResto City! Lolz.
ReplyDeleteMarami akong gusto i-kwento, kaso walang tinta talaga ang panulat ko. Ayun.
Bakti naka-segue way ang survivor? I admire Suzuki nung kagabi, sanamabits, good lang yun kay Myka. The hell. Haha
Tama. Golfish. Merong memory span na 3 minutes?
Better to write for yourself and have no public, than to write for the public and have no self.
—Cyril Connolly
Iyon na ang mantra ko.=)
Aaa. Nyetang Resto City yan, ginawa akong waitress ng kaibigan ko di ko lam. Siyet! Haha. Kasi yun unang pumasok sa isip ko nung RC, Reward Challenge. Hahaha
ReplyDeleteSuzuki for the win pa mandin ako. tinablan ako, gusto ko rin maiyak, kasi sabi niya. "Lola, wala na." Waah! Yes, I was screaming kagabi na kay Mika ibigay. Pesteng babaeng yun, best decision ni Zuki kagabi so far. Uber hate Tara for giving Charles the finger, walang breeding. Same with Echo, her whole existence last night screams ampalaya bitter herbs. Hahaha.
ewan ko. Basta, maiksi attention span ng isda. Haha.
Tamang bagong pananaw yan. :))
Yung nga ang pangit e. Tapos may nag-pm sakin. Humihingi ng saging? Sabi ko saan? Sa fv pala. Mga tae sila. Kaya nga offline na ang chat ko. nagloloko ang firefox pag may msg galing fb. buti pa ang multiply matibay. Nyahaha.:D
ReplyDeleteAy o, nakalimutan ko yung sa survivor. Di ko napanood yung mga suckers na girls. Nag-iba tuloy tinging ko sa babae. Nyahaha. Weel, at least safe si Justin. Boooh!:))
ReplyDeleteAko nga hinihingan ng coins dahil binigyan niya ko. ano gagawin ko dyan? totoong pera ba yan? Napa-status tuloy ako ng walang magsesend sakin ng mga kung anu-anong walang kwentang bagay, mukha ba akong pumapatol sa mga larong yan? Ayun. ang taray ko raw. Eff. HAhaha.
ReplyDeleteOnga, kaya ako, multiply poreber e.
Haha. LOL. Inlab pa rin kay Justine. Di nila napapansin na pag pinaghiwalay si Mika at Amanda, mawawalan ng powers yang dalawang yan. Isa lang tanggalin mo, pilay yan e. Loved Justine's expression nung in-announce name ni Zuki. :P
ReplyDeleteAhahaha. Ginawa ko din yan. Na ide-delete ko yung friewnds na magse-send sa akin. lolz
ReplyDeleteANo b anasabi niya? Diba na yes lang siya? Haha
ReplyDeleteYep. Napayuko pa sa sobrang tuwa. ang gulat ko nga. Hehehe. Last night's TC was heartbreaking, kasi ayaw ko matanggal sila both.
ReplyDeletewhew
ReplyDeleteNaiiyak na ako kuya caloy.
ReplyDeletei quote, " ayos 'to wah!!ang galing!! "...
ReplyDeletesome people say mahirap pumuri ng ibang tao baka kasi lumaki ulo..
sabi ko naman.."the hell i care!" pupurihin ko ang kapuri-puri(parang santo lang..^_^) and kibit balikat na lang sa hindi.
Like it talaga..nice one!
Haha. Sorry naguluhan ako sa comment.:) Tnx anyway.
ReplyDeletehaha..^__^ gulo pala.!!
ReplyDeletebasta i like your blog site! esp. this specific blog!
cheers!
Thanks naman.=)
ReplyDelete