Tete-a-tete With a Virtualist
Maraming milagro ang nangyayari sa isang webpage. Lalo na sa ym (yahoo messenger). Isang gabi habang tahimik na nagba-bloghop sa blogspot may nagbuzz sa YM. Tae siya. Sabi na ngang busy sa status nang-aabala pa. Pero dahil malakas siya sa akin, (dahil siguro pro-grammar siya, anti text-talk at kontra sa mga sakit sa ulo na conyo) pinagbigyan ko na rin naman.
<.-.>: Hay! I would like to consume just a bit of your time.
Ako: Me? For what?:)
<.-.>: May itatanong lang ako sa iyo.
Ako: Ano iyan?:))
<.-.>: Ah mali. May mga itatanong lang pala ako sa iyo.
Ako: I suppose marami yan.:))
<.-.>: Dahil marami sisimulan ko na. Answer them briefly ha?
Ako: Bakit ang hilig mo sa “brief”.=))
<.-.>: Kupal ka. Full name?
Ako: Dahil pinagkakatiwalaan kita..
***Last message received on 1:04:56 AM
<.-.>: Bakit may iba pa ba?
Ako: Carlo Andrion y Hernandez:)
<.-.>: Adik ka. Alam na ng lahat iyan. Naisumpa ka na nga sa campus namin dahil sa articles mo.=))
Ako: Talaga? Mabuti naman. Buhay pa rin pala ang witchcraft at wizardy sa mundo.
<.-.>: At showing na sila ngayon. Shet yan!:D
Ako: Tama ka. Shet=tagalong ng kalokohan.
<.-.>: Isang napakalaki.:P
Ako: Ano na? Para matapos na at ako’y matutulog na.
<.-.>: Oo nga pala. Tanga ko. Posibleng mag-doubt ka sa mga tanong ko. Kaya ‘pag sinabi ko sayo sagutin mo agad ha at ‘wag ka magtanong ng “Seryoso ka sa tanong mo?”
Ako: Mukhang madugo ‘to ah.
<.-.>: Hanggang sa blog mo na “Welcome to the Heartbreak” , nakapag-moved-on ka na ba?
Ako: Single and available.:))
<.-.>: Ahaha. Kakaloka. :D:D:D Random questions na lang ha. Kelan ka nagagalit?
Ako: Ewan Kapag siguro di na nakayanan ng hypothalamus ko ang emosyon at ng cerebrum ko ang pag-intindi sa mga bagay na dapat intindihin.
<.-.>: Kelan ka umiiyak?
Ako: Pag gabi, malakas ang ulan, patay ang ilaw at tumutugtog ang Dance With My Father. Pwede na rin ang 3Gatsu 9Ka ng Remioromen yung OST ng One Liter of Tears.
<.-.>: Ganda noh??? Love ittt! Kelan ka Masaya?
Ako: Araw-araw. Wala namang araw na malungkot ang tao. Meron lamang Masaya, mas Masaya, at pinakamasaya. Kung malungkot ka ngayon ibig sabihin eh mas Masaya ka lang kahapon.
<.-.>: Bakit gusto mo si Doraemon?
Ako: Simple lang. Robot siya. Mapagbigay pero di mainggitin. Minsan nga naiisip ko mas may puso pa pala ang robot kung minsan. Minsan lang ha?
<.-.>: Bakit ayaw mo ng Twilight?
Ako: Dahil ayaw ko ng lason.
<.-.>: Okie.:)) PUP or UP?
Ako: WDYM? (what do you mean)
<.-.>: Sino mas tipo mo?
Ako. Though pareho sila matalino, I would go for PUP. Masasalamin mo doon ang tunay na kalagayan ng estudyanteng Pinoy. Teka bakit walang PLM, MIT, o TIP man lamang sa pagpipilian?:)))))
<.-.>: Kung naglagay ako eh di useless ang tanong ko.:P:P:P
Ako: Next!:)))))
<.-.>: Sinong mayaman na as in ‘posh’ ang gusto mong tularan?
Ako: Bukod kay Jose Protacio Mercado Rizal y Alonso Realonda eh wala na. Siguro kung mayaman na si Bob Ong pwede din.:P
<.-.>: Bakit ka nag-ba-blog?
Ako: Kasi marunong ako magcomputer at siguro dahil nabubuhay ako.
<.-.>: Kahit na nakakasakit na ng ibang tao?
Ako: There are no apologies for truth.:)
<.-.>: Bakit parang being a judgmental ang tema ng articles mo?
Ako: Kasi sinusuri ko ang mga bagay. Kung titignan ko lang ito at di susuriin, di hindi ko na lang sana tinignan. Nagiging analytical lang naman ako. At hindi ko tinatapos dun dahil naghahain naman ako ng sulusyon at nangunguha ng pagbabago.
<.-.>: Hindi mo ba kayang magbago mag-isa?
Ako: Kaya! Pero magiging futile kung ako lang. Kahit anong ganda ng gusto kong pagbabago magiging worthless ito kung wala akong kasama.
<.-.>: Sasamahan kita! Hahaha. Sino ang bet mo sa Pres. At VP?
Ako: Di pa nagkompirma ang pinagkakatiwalaan ko. Pero baka di na rin siya matuloy dahil mahina siya sa media hype at malulunod din siya ng mga TV Ads ng mga trapo. Pero kung no choice sana mapag-isipan ni Marvin Agustin at ni Tootsie Guevarra.:)
<.-.>: Bakit sila?
Ako: Nabasa mo na ba ang Ang Paboritong Libro ni Hudas?
<.-.>: A oo nga pala. Ang slow ko.:P:P:P Wahahaha. Kakaloka.
Ako: Matagal pa ba??
<.-.> : Konti na lang.:P Masarap bang maging Pilipino?
Ako: Oo naman. Parang ampalaya. Mapait pero masustansiya.:P
<.-.>: Waw! Eto medyo conservative na tanong. Naniniwala ka sa Pre-marital sex?
Ako: Wahaha. Sarcasm is all over the place. Oo. Kasi nangyayari eh. Baka naman kung pro ako? Isang malakeng HINDE! Siguro boto ako dun kapag morally upright na ang incest.
<.-.>: Anong religion mo? Nagagampanan mo ba nang maayos?
Ako: Catholic. Siguro OO. Humihingi ako ng tawad at nagta-tithe ako sa simbahan. Pinipilit kong maging mabuting halimbawa pero syempre nagkakamali din ako tulad nga mga pagkakamali mo.
<.-.>: Humahalik ka ba sa rebulto?
Ako: Hindi. Mapait daw eh. At saka kung diyos yung mga bagay na yun bakit hindi sila tumutulong sa mga nangangailangan? Katoliko ako pero ang Diyos ko ay nasa itaas.
<.-.>: Diba paborito mo ang Simple Plan? Ang mamahal ng album nila, Bumubili kaba?
Ako: Pinaka. Pero wala pa akong album nila kahit isa. May foundation naman kasi sila eh at dahil di ko ma-reach ang foundation nila idinedeposito ko na lang sa bank account ng Kapuso Foundation ang pera na sana’y pambili ko.
<.-.>: Bakit mo paborito ang Champagne Supernova?
Ako: Ang kumanta kasi ay “Oasis”. Pangalan pa lang ng banda may magandang implikasyon na. Palaging may oasis sa disyerto ng buhay. Siguro yun kasi Champagne ang paborito kong alcohol, paborito ko rin si Super Mario at ang Nova. Kaya yun Champagne Supernova.:P Pero kung ayaw mong maniwala sa mga tsubibo ko eto kasi yung lines: “Someday you will find me caught beneath the landslide..” “How many special people change? How many lives live in strange..” “Cause we will believe that we’re gonna get and wait for the summer. ‘Cos you and I will never die, the world keeps spinning around we don’t know why...” Gets mo yung lyrics?
<.-.>: Ahaha. Diba meron pang “why why why......hooooo-oooooh…” Ahaha.
Ako: Nagda-drugs ka ba?
<.-.>: Enervon! Ahaha.:P
Ako: zzzzzzzzzz….
<.-.>: O eto na pala. Hahaha. Kung magiging libro ka ano iyon at bakit?
Ako: Pwede tatlo: To Kill a Mockingbird – Harper Lee, Les Miserables – Victor Hugo, Lord of the Flies – William Golding. Para malaman mo kung bakit? Basahin. Kailangan mabasa mo sa sarili mo para maramdaman mo na dapat may mabago.
<.-.>: Okie. Eh sino naman ang mga influences sa pagba-blog mo?
Ako: Leo Tolstoy, Mark Twain, Charlotte Bronte, Paulo Coelho, at sa mga tatlong nabanggit ko. Pero sa mga Pilipino sina Jose Rizal, Lualhati Bautista, Bob Ong, Conrado Macapulay Jr.at ang mga bulok na Pilipino.
<.-.>: Sino yung Conrado?
Ako: Late EIC ng TIP Voice. Di kasi kailangan ng malalalim na salita para maging “magaling”. Lalo mo lang kasi ibinabaon ang kaisipang dapat mong ilabas.
<.-.>: Ah sooo sorry. Sayang naman siya.
Ako: Oo nga eh. Sana hindi siya ang huli sa mga tulad niya.
<.-.>: Eto nahuli pala. Naniniwala kang may diyos?:)
Ako: Kung wala kailangan ko pang gumawa para may rason ang bawat pangyayari sa mundo.
<.-.>: Sa mga atheists?
Ako: Hindi sila makakatapak sa mundo ko!
<.-.>: Oo nga. Sila kasi yung mga tao na ipinagpipilitan na maniwala tayo sa wala. Paano kung nataon tayo sa World War II. Yung holocaust, pagpatay sa mga Hudyo? Would you die for your God? Country? Faith?
Ako: No. I WILL KILL FOR THEM.
<.-.>: Ahaha. Wagi!
Ako: Paano kung mamatay ka ngayon? May pagsisisihan kaba?
<.-.>: Wala akong pagsisisihan pero marami akong gustong balikan. Pero ang nakalipas ay lipas na. Dapat kong kalimutan at may natutunan.
<.-.>: May chastity ka pa ba?
Ako: nakow! Nakakagulat ang shifting ng questions mo. Chastity diba sa babae yun. Virginity naman sa lalake. ****censored****.:))))))))))
<.-.>: Ahahaha. Tawa ako ng tawa.:P Kailangan pa bang maging Congressman si Pacquiao para makatulong?
Ako: Hindi na kailangan. Pwede namang ipamudmod niya iyon sa pagpapaunlad ng lugar niya at pagpapa-aral sa mga Kabataan at mabuhay ng simple para makatulong. Kung wala kang magagawa kung nasaan ka ngayon wala kang magagawa saan ka pa man mapunta. Simple.
<.-.>: Oo nga noh? Parang yung mga trapo din? Kung talagang gagawin nila ang ipinapangako nila di dapat noon pa.
Ako: Tumpak! Akala ko ba konti na lang?
<.-.>: Konti na lang. Pramis. Naniniwala ka bang mababait ang mga matatalino?
Ako: Hindi. Kailangan pumili sila ng isa. Kilala mo si Einstein? Napakatalino pero hindi ko makita ang puso niya ng imbentuhin niya ng formula sa paggawa ng bombang atomika na pumulbos sa lungsod ng Hiroshima at Nagasaki. Kahit nung pinanood ko yung pelikulang Pearl Harbor naawa ako sa mga Japanese na namatay ng walang laban kahit na sobra ang pagka-villain nila sa istorya. Imagine, Lungsod ang binomba, City yun!
<.-.>: Masaya bang mag-aral sa State Univ.?
Ako: Masaya kasi mababa ang tuition. Hehe.
<.-.>: Kahit na mahirap ang pinag-aaralan?
Ako: Wala namang madali sa taong buhay.
<.-.>: Bakit Masaya?
Ako: Simple lang kasi. Magsuot ka ng payak. Walang problema. Kahit nga bulok ang sapatos mo at kupas ang pantalon pwede dahil nagkakaintindihan din naman kayo. Wala naman sa damit ang utak ng tao. At saka wala nang kaartehan. Midterms at Finals lang. Di na kailangan ng maraming major exams para lang mapilitang magbayad ang estudyante. At ang mganda sa State Univ. pwede ang promissory note at maraming nagbibigay ng promo product. Last week Gatsby, tapos chippy na green, at nova. Kahapon clear, ponds, at sombrero ng bigay ng isang kumpanya na nagpapautang ng motorsiklo. Sabi nga nung loko kong classmate “Wala bang frenzy?” Wahaha
<.-.>: Ahaha. Kewl. Eh sa mga posh na pumipila sa scholarship grants?
Ako: Mga sakit sa ulo. Tae sila. Para lang masabing isko pumipila eh mas marami ang ibang nangangailangan na nararapat. May mga DOST at CHED isko sa main pero yung pera na bigay nila ipinangbibili lang ng cellphone at ibang bagay na pwede namang mabuhay ng wala ang tao.
<.-.>: Eh sa pet society at farm town?
Ako: Tsssss. Pwede magmura??? Di ako mahilig sa ganyang kababawan. Napaka-superpisyal na ng mundo.
<.-.>: Eh sa mga nag-gm?
Ako: Ok lang naman sa akin basta may kondisyon. Dapat may quote di lang yung simpleng “Haay kakain na naman ako. Soo nakakataba but I looove chocolates.” Daig mo pa ang naka-ON sa fanatext. Waddahell. Anong purpose ng superficiality na yun?
<.-.>: Oo nga. Care mo ba sa kanila. Eh sa mga text-talker?
Ako: Alam mo na ang sagot dyan. Kaya nga complete ang words natin dahil complete ang utak natin.:P
<.-.>: OO nga. Nakakainis din kasi yun pewoh, akuh, poeh, muxtah, nila. Mga inggrata.
Ako: Cool lang. Hehe.:P Malapit na?
<.-.>: Malapit na talaga. Sa mga camwhore sa multiply?
Ako: Ahaha. Good question. Mga narcissistic ba kamo? Mukha nila! Ahaha
<.-.>: Oo nga. Wala kasing maisulat na sa blog kaya pinipuno na lang ng photos nila.
Ako: Minsan pa nga guestbook lang. E di nag-plurk na lang sana siya. Pero mas okey kung may sensible blogs at maraming photos pa. Tulad nila: *censored, censored*, *censored (Inalis ko yung link para di lumaki ulo nila.:P)
<.-.>: sa tingin mo matalino ka?
Ako: Hindi. Dahil marami pa akong hindi nalalaman.
<.-.>: Give me the best quote about humans
Ako: “If you pick up a starving dog and make him prosperous he will not bite you; That is the principal difference between a dog and a man.” – Mark Twain
<.-.>: Para saan ang porn?
Ako: Ginawa ang porn para may alam ka tungkol sa sex nang hindi nakikipagintercourse sa tao.:P
<.-.>: Well said. Naniniwala kang may kaluluwa tayo?
Ako: Ano ang matter?
<.-.>: According sa elem. Teacher ko. Anything that occupies space and has mass.
Ako: May damdamin ba ang matter? Namamatay ba ang matter? Nag-iisip ba ang matter?
<.-.>: Tatlong hindi. Ahaha. Great answer.
Ako: So di lang tayo matter. Meron tayo na gawa ng isang supreme being. Kaya nga naguguluhan ako sa mga thinker na sinasabing atheist sila eh sila ang nag-mold ng prinsipyo ng siyensya.
<.-.>: Feeling nila immortal sila. Ahihi
Ako: Kung ang mga romantiko nga hindi maipaliwanag ang mga napakadetalyadong pangyayari sa serendipity eh ang kalawakan pa!
Ako: Pagod na ako. Tulog na tayo.:)
<.-.>; Di pa tapos eh!
Ako: Next time na lang.:P
<.-.>: Sige. Ipapabasa ko ito sa prof ko. Hahaha
Ako: Di ipabasa mo. Gaganti ako.
*<.-.> is now offline
Ayan nakaganti na ako.:)
Carlo H Andrion
7.22.2009
This comment has been removed by the author.
ReplyDelete