10/23/2009

Sabi ni Tatay Ipagpatuloy ang Pagsusulat, Pero Nasaan si Tatay?

Sabi ni Tatay Ipagpatuloy ang Pagsusulat, Pero Nasaan si Tatay?

Ika-tatlo na ng umaga. Kalagitnaan ng kahimbingan ng mga kasambahay ko sa pagtulog. Humihilik si Kuya, nagsasalita habang tulog si ikalawang Kuya. Nakahiga na sa paanan ng kama si Bunso. Kina unica hija at Mama, tahimik ang kwarto nila. Mahimbing silang nagpapahinga. Tahimik ang gabi. Napakalamig, ngunit nakasindi ang bentilador. Malamok kasi. Baka daw magka-leptospirosis ako sabi ni Insan. Di na ako umangal n’on, ang mahalaga’y nag-alala siya sa akin. Oktubre na, at animnapu’t walong araw na lamang ay ang kapanganakan ni Hesus, petsa na itinakda ng tao. Kung ano ang batayan, Malay ko ba? Di pa naman ako buhay noong panahon na iyon.

Pero kung babalik tayo sa intro ko: Ano ang naiisip mo kapag ang isang lalake e gising pa sa kalagitnaan ng wee hours? Walang bastusan dahil matino ako. Hindi ako nagpupuyat para lang maglaro sa facebook (barn buddy, ffs, rc, o fv). Kung di mo alam yung nasa parenthesis hindi talaga tayo naglalaro n’on. Isa pa, masyadong maiksi ang buhay para lang magsayang ng enerhiya’t panahon sa di kapakipakinabang na bagay. Kung naglalaro ka ng mga iyan, huwag mong iisipin na galit na ako sa inyo (dahil marami kayo). Isipin mo na lang wala kang nabasa tungkol dun. Hindi ba? So, okay na tayo ulit? Ok, prosid!


Hindi ako nagpuyat ng gabing iyon. In pakt, natulog ako ng maaga. Nagising ako ng dahil sa nangingilid na luha at basang unan. Nagkaulirat at pilit inaalala ang nagyari sa aking pagtulog. Hindi ko maaninag. Malabo ang panaginip. Bakit nga ba ako umiiyak ng magising sa oras na tulog ang tao? (except call-center agents, pokpok, at bugaw). Di ko talaga maalala. Ipinaling ko ang ulo ko sa pader. Ayun, may signal na ng kaunti. Nakita ko ang selpon ko, naalala ko na ng makita ko ang wallpaper nito na larawan ni Mama at Tatay gamit ang una kong kamera pon. Ng magkaroon ako, sila ang una kong kinuhanan ng litrato. Masakit! Emosyong bumalot sa puso ko ng maalala ko na ang panaginip. Bago noon, ilang araw na rin ako nangungulila ng makakausap ukol sa mga bagay na hindi nakikita ng iba ngunit nakakaapekto ng higit sa akin. Humihingi raw ako ng payo sa aking tatay, wala ng eksaktong detalye ang pangyayari. Sinabi niya na kung ano ang gusto ko ay ang aking sundin. Kung gusto ko sa kaliwa, pwede daw ako kumanan, pero habang di pa nakakalayo kumaliwa na daw ako kapag gusto ko at habang may panahon pa. Si Tatay talaga, hindi naman siya ganoon sa tunay na buhay. Seryoso siya kapag tungkol na sa kapakanan namin. Di nga lamang ako nakapagpasalamat sa kanya.

Nako, tatlong talata na wala pa tayo sa climax. Mahirap talaga gumawa ng maiksing blogpost. Sa panahon ngayon kasi ang gusto ng Kabataan (karamihan) ay ang mga maiiksi lamang. Maliit na ang attention span nila – sa pagsusulat. Pustahan tayo kung Farmville iyan pagpupuyatan pa! Gusto na ng karamihan yung spoon-feeding. Mga mahilig na sa kowts pero takot sa paliwanag ng teorya. Nakakaasar dahil ang mundo ngayon, ginagawa ng bano ang mga tao sa mga bagay na dapat ay pinag-iisipan ng husto. Sabi nga ni Pareng Bob, dumarami na ang mga walang ginagawa kesa sa mga gumagawa ng wala. Ang tao ngayon ay bulag na, sarado ang isip, at bingi. Ngunit ingat ka dahil kung ano ang kakulangan nila sa tatlong naunang sensorya e siya namang bawi nila sa bibig. Tama! Puro salita na lamang tayo. Kaya naman (insert expletive word) na ng tao ngayon. Napansin mo bang di magkakaugnay ang mga tinutukoy ng talata? Ayos lang iyan. Huwag kang mag-alala dahil normal ka pa. Isipin mo na lang di mo nabasa ulit ang ika-apat talata.

Bago ang panaginip na iyon, ilang gabi na ako nagkakaroon ng pangamba sa mga pangarap ko. Alam mo maimpluwensya ang pagkakaroon ng pangarap. Ito ang nagbibigay halaga sa buhay mo. Alam mo ba na ang tao lang ang ginawa ng Dios na may kakayahang mangarap? Kaya kung wala kang konkretong pangarap aba e pag-isipan mo kung ano ka ba talaga. Mahirap ang magin lagalag na walang patutunguhan. Marami akong pangarap, pero ewan ko ba at di ko pinangarap ang affluent living na ikinamamatay pa ng maraming tao! Di ko alam kasi kung saan ako tutungo. Kaliwa ba o kanan?

Kaliwa, lohikal na aspeto ng utak. Matematika, siyensya, at iba pang uri ng aral na nangangailangan ng tamang sagot. Yung may proof, teorya, matibay na rason, at ebidensya. Mga tipong nakakapagpasakit ng ulo. Tipo ng kaalaman na hindi pwedeng isagot ang ‘maybe’. Nakakapagod, nakakaduling at nakakapagpasabog ng utak. Apat na taon na ako sa Engineering at masasabi ko na unti-unti kong natanggap ang malungkot kong kapalaran. Sanamabits!

Kanan, nasa bahaging paggawa ng bagong bagay at ideya. Yung tipong pagkamalikhain. Peynting, isketsing, drowing, desayning, writing, at lahat nga may –ing. Bawal ang kissing, necking, petting, at ang mga kamag-anak pa nila.

Kaliwa ba o kanan?

Ag ko la anta no anto so gawaen ko natan. Nangingirasan ak lan maong ed bilay. Amayamay so nununuten, papasakit, balet no masabiy balon agew, impanswertek ya ta abilay ak ni natan. (Thoughts in Pangasinan language)

Sa ngayon hindi ko alam kung saang daan ako tatahak. Sa kaliwa na kung saan buhay, pera, panahon, at pangarap ang nakataya o sa kanan na sa parehong kadahilana’y napagta-tiyagaan ko pa rin? Sa ngayon, kailangan ko munang gumitna. Kung may pagkakataong pumaling ako sa kaliwa o sa kanan magiging madali lamang para sa akin ito. Pero ang kaibaha’y hindi ko maaabot ang pinaka-kanan at ang pinaka-kaliwa. Gets mo? Ang marapat kong gawin, kelangan ko munang namnamin ang pagkakataong magkaroon ng edukasyon. Pagkakataong maikulong ang aking sarili base sa dikta ng lipunan. Bull crap! Pero kailangan ko rin naman tamasin ang tamis ng kalayaan. Malayaang pagpapahayag ng saloobin ng walang anupamang uri ng pagkondena. Tama! demokrasya. Pipiliin ko ang kalayaan kasama ang sugal na hatid nito. Wala ng libre sa mundo. Lahat ay may kaakibat na sugal.

Tutuloy ako sa pagsusulat. Sana. Kailangan ko ito dahil mababaliw ako kapag hindi ko nailalabas ang emosyon. Wala kasi gustong makinig sa lahat ng bagay na nais kong sabihin sa tunay na buhay. Lahat ay may sariling mundo na tanging ako lamang ang hindi makapasok. Gusto kong magsulat. Gusto ko makinig at mapakinggan. Minsan masarap mabasa ang mga katagang tunay mong likha sa site ng iba dahil sa nagustuhan nila iyon. (Marami sila sa fs, fb, at dito rin). Kahit na medyo nakaka-agrabyado dahil sila ang nakakakuha ng pag-ayon mula sa mga bagay na pinag-isipan ko. Pero ayos lang. Mapagbigay ako huwag lang lulubos. Gusto ko pa matuto at ang mga kaalaman na maidudulot nito. Kung ang bibig nabubulok ilang oras lang matapos ka na hindi makapagsalita, paano pa kaya ang utak?

“Caloooooo-oooy! Papasok ka ba (insert again expletive word) tanghali na!” Panibagong araw na naman kasabay ng panibagong kaisipan. Magsusulat ako, may babasa man o wala. Pero nasaan si Tatay?

***
“I have made this longer than usual because I lack the time to make it shorter.” – Blaise Pascal

RIPPERS ARE LOSERS!
Copyright:
Carlo H Andrion
http://caloycoy.blogspot.com
Oct. 23, 2009

10 comments:

  1. nays wan parekoy. ituloy ang pagsusulat! pero alam ko na alam mo kung nasan si tatay mo ngayon, lalo na kung alam mo sa sarili mo na naging mabuti siyang tao hindi lamang sayo kundi para sa lahat!

    **

    we have freedom to write! gag us not!

    isang basong tubig para sayo pareng caloy! tsiirrs!

    ReplyDelete
  2. @Vinmark: Haha. Tubig lang? Haha! Pwede din!:)) Salamat ng marami parekoy!=)

    ReplyDelete
  3. @Vinmark: Pareho tayo. Haha! Acidic din at bawal talaga sa akin. Pwera COKE FLOAT. Ahaha

    ReplyDelete
  4. This comment has been removed by a blog administrator.

    ReplyDelete
  5. This comment has been removed by a blog administrator.

    ReplyDelete
  6. Delete shis text plz. Sorry

    ReplyDelete
  7. This comment has been removed by a blog administrator.

    ReplyDelete
  8. This comment has been removed by a blog administrator.

    ReplyDelete
  9. This comment has been removed by a blog administrator.

    ReplyDelete

Leave your mark.