gravatar

Suicide Letter of an Agnostic

Suicide Letter of an Agnostic
---
Dear Humanity, three years ago, I was stuck with the feud between religions. One said that they are the divine light. Then the second said that he was the prophet and that God has made him as instrument for the people on the earth to believe and worship him! Others just simply said that they were the messiah. And that their religion is the truest of all. I was static at that time. My faith has been bombarded with many lies! One would tell me to do that! Not to do this and everything that they might wish me to do. I was a kind of big dummy that time. At that very moment, I never realized that I was selling my freedom, my pursuit for happiness, and my life. Now, I am tired to be a victim of all that fallacies. I want to revolutionize the situation --- now. Here is a man writing his last letter. The last collective ideas of his own. Nowhere to run and nowhere to hide.

Last night was my wonderful moment. My family had left me because of religion. My friends despised me because I wasn’t like them: religious and full of kindness as they may say. People loathe me because of my non-conformist belief! I guess this is the payment for what my freedom to decide what I want to believe. Though the pangs of angst had just hit me, I tried to be strong. Then the situation kindled my little faith. The world had just turned their backs on me.

I remember the little good things I have contributed for humanity. Those acts never required me to be a part of any clergy nor a laity congregation. And I guess that was the essential thing that the world has just forgotten: Doing little things without any label. But before you leap into a conclusion let me clarify things for you to fathom the worsening situation. I believe In God! With no hypocrisy, no rules, no manipulation, and no hesitations. I am just tired of what the arduous situation of the religion has brought me up. It’s unhealthy and it is a hideous idea not to spare your self from that. And now I am giving up to the system. Again, nowhere to run and nowhere to hide.

Dear God, I was wrong believing that your existence is not provable: my sincerest apology. I am only but a human. Perfectly imperfect. If Catholics were right and that their religion is the right one, apology for leaving out its portals. If by fate that Buddhism is the gateway to Nirvana, sorry for not going into its side. If Hinduism was the sole religion, I regretted that I never recognized it. If Allah was the King of heavens, sorry because I never went to Mecca. And if by chance of serendipitous events, that Christians own the exact religion, forgive me for not joining them. But not ever that I would surrender the chance that if no one of those is the right religion, then this letter shall be read by humans so that they will know the truth.

Lord, my unknown lord. My lord whom I have never seen but saw me a million of million times, I offer you my soul oozing with sins, doubts, and lies. Yes! I am an Agnostic. A man who believes that religion is a manipulation, morality is man-made, and God is amoral. A man who deems that there's only one gender; human, one race; mankind, and one nation; the world. Isn’t it a nice precept? Now, it’s time to end this blasphemy. Forgive me and forbid anything that may happen worse than this. The moment to kill the Agnostic has just arrived.

P.S. I have a family no more. My friends left me alone in solitude. Whoever will read this letter, kindly send this to God and I repent with all these sins.

Sincerely,
The Agnostic

---
Original Fiction by Carlo H. Andrion

gravatar

LABING-ISANG UTOS NG MGA AGNOSTIKO

LABING-ISANG UTOS NG MGA AGNOSTIKO

Sa wakas, matapos ang tatlong linggo, may maita-type na ako. Akala ko eh patuloy nang magtatae ang aking panulat. Sa pambihirang pagkakataon, nagkaroon ako ng tinta sa di sinasadyang pangyayari. Bihira kumbaga dahil di ko naman ito gawain. Natuto lamang ako sumagot.

Galing ako sa eskwelahan matapos kong maipag-maneho ang Nanay ko papunta sa eskwelahan. Krismas parti kasi ng klase niya. Grade Six yata at si Nanay ang nagluto ng pagkain ng mga bata sa bahay bago pumasok. Dahil public iyon, iilan lamang sa mga batang iyon ang nakakaranas ng sarili nilang selebrasyon ng masaganang hapag tuwing pasko. Ang marami sa kanila’y hirap pa din sa araw-araw na pantustos ng kanilang pag-aaral. Siyempre, umalis ako roon baon ang mga ngiti ng bata. Yung tipong ikaw na rin ang nag-abot ng masarap nilang pagkain ng araw na yaon. Umuwi ako para makapasok na rin. Masaya ang araw na ito. Akala ko…

Pagpasok pa lang ng gate ng bahay, matapos i-park ang sasakyan, maraming tao sa bahay. Bihis ng palda ang mga babae at naka-polo at itim na pantalon ang mga lalake. Kausap nila ang kapatid kong babae. Akala kung ano na. Mga miyembro pala sila ng isang sekta. Mga Saksi ni Jehovah yata. May inabot silang papel sa kapatid ko. Tapos ng akmang papasok na ako, kinausap ako ng isang lalake.

Iniabot niya ang isang pulyeto, imbitasyon para sa isang malakihang selebrasyon ng kapaskuhan sa lugar na malayo sa amin. “Sana makadalo ka.” Aniya. “Hindi po salamat na lang.” ang naisagot ko lang.
Humirit ang manong. “Ano ba relihiyon mo?” “Agnostiko ho ako.” Tumalikod at umalis na ang lupon ng mga mananampalataya-kuno. Bakit ko nasabi ito?! Naranasan mo bang manlimos? Yung tipong pinaghalong awa, galit, at diri ang tingin?! Yun ang natanggap ko. Iniisip ko kung paano pa nila naatim na mag-sign-of-the-cross. BULOK!!!

Bago ang giyera, himayin muna natin. Pakiusap. Huwag kayo mapang-husga sa mga Agnostic. Magkaiba ang Agnostic sa Atheist. Diba? Diba? Ispeling pa lang iba na. Ang layo kaya. Now you know. Pero kung marunong ka gumamit ng dictionary, ang Atheist o atiyesto ay ang mga taong naniniwala na walang Diyos. Ang Agnostiko ay ang paniniwala na imposibleng mapatunayan na may Diyos. Pero teka! Meron kaming Diyos pero hindi si Allah, Jesus, Buddha, Hitler, pera, pagnanasa, kayamanan, droga, korapsiyon, o kahit si Pangulong Arroyo. May Diyos kami pero tulad ng aking nasabi imposibleng mapatunayan, ergo, di pa nga namin kilala.

Agnostiko ang relihiyon ng mga taong walang relihiyon. Futile ba? Para sa akin ang relihiyon ay isang malaking manipulasyon. Business kumbaga. Konting puhunan malaking tubo. Mas maalaking puhunana sobrang laking tubo! Bakit ka yuyuko sa pareho mong tao? Sa kahoy? Sa altar na may Diyos na hindi naman gumagalaw o ni nakakakita? Bakit kami papatay ng tao para lang maitago ang mga bulok na sikreto ng sektang bumibihag sa isang tao? Bakti kelangan ng holocaust? Bakit kelangan ng di-makataong pag-aalay? Bakit? Bakit nga ba?

Eto ang nakalagay sa ‘about me’ section ng aking mga profile:

Here lies an Agnostic. A man who believes that religion is a manipulation, morality is man-made, and God is amoral. A man who deems that there's only one gender; human, one race; mankind, one religion; humanity and one nation; the world. Isn't it a nice precept?

Eh ano ang mga ginagawa ng mga Agnostiko?! Dahil wala naman ako kakilalang tulad ko na palaging nakikita, iyong akin na lang.

LABING-ISANG UTOS NG MGA AGNOSTIKO

1. Nagdarasal ako. Di mo alam kung paano? Wala. Ang gamit kong pronoun eh “Ikaw”. Alam ko namang maririnig ako ng Diyos na kayhirap palitawin sa mata ng mapang-husgang tao. Basta ang importante’y naniniwala akong meron kasabay ng aking paniniwala na kayhirap nitong patunayan.

2. Ikalawa, di ko inihihiwalay ang sarili ko sa mga taong nakapaligid sa akin dahil lang mag-kaiba kami ng relihiyon. Sumali ako dati sa relihiyon na tatawagin kang ‘Bro’ at ‘Sister’ pero kapag nakatalikod ka at nabuntis pa ng wala ka pang asawa eh pinagtsi-tsimisan ka hanggang sa ikaw na rin ang umalis dahil sa nakakairita na. Pero asa ka, di ka nila hahabulin. Gain nila ‘yon. Dapat kasi malinis ang profile ng mga sasali at dapat malaki ang contribution para lumaki ang simbahan at bahay ng pastor. Para bang aalisin nila ang mga lumot sa grupo para ang matira ay mga taong ‘cleansed by their Lord’ na raw.

3. Di kami Kill joy. Ngayong buwan lang, inimbitahan ako ng mga Katoliko na magbigay ng maiksing talumpati slash mensahe hinggil sa PAGKAKAISA. At sa palagay ko naipa-intindi ko naman sa kanila iyon kahit sa mga hindi nakarinig ng mensahe ko.

4. Nagsisimba din kami. Hindi sa mga simbahang may mandurukot, may mapang-husgang pag-iisip o dili kaya’y may matinding pagnanasa na magkaroon ng pera. Nagsisimba ako kung saan ako nakatutulog ng mahimbing at tahimik. Doon isa-isa kong inaamin ang mga kasalanan ko at humihingi ng tawad kahit na araw-araw ko namang inuulit. Pero sa totoo lang naman, may pagbabago dahil unti-unti ng nababawasan ang dalas ng mga kasalanang iyon. AT inaasahan ko namang mawawala na iyon.

5. Hindi ako kabilang sa relihiyon ng mga bobo. Ayaw ko sanang isali ito dahil tutol ako sa IQ discrimination na kung saan sinusukat ang halaga ng isang indibidwal base sa talino at mas mababaw pa eh dahil lamang sa eskwelehang pinapasukan mo. At sa sarbey ko, tatlo ang di ko personal na kilala ngunit kilala ko sa isip at mukha eh matatalino, mga taong may sariling prinsipyo at matinding kaisipan. Bakit matalino? Ang hirap kayang kumawala kapag na-brainwash ka na ng relihiyon at lipunan mo kung ano ang basehan ng kabutihan at pagiging tao.

6. Basta hindi kami satanista. Kasi hindi naman nag-i-exist si Satan sa mga agnostic. Kung saan tumubo ang lason, doon lamang siya naninira. Hindi ko rin sinasabing mabuti o Diyos kami. Iyan lamang ang iniisip mo kasi nga na-brainwash ka uli na ang nagsasalita o sumusulat ng ganito ay nagli-linis-linisan. Madalas kasi nagiging marumi ang mundo dahil ikinikulong natin ang sarili natin sa paniniwala ng iba.

7. Hindi kami pwede sa pulitika dahil sa una pa lang talo na kami dahil wala kaming partido. Bago pa kami manalo eh na-repeal na ng COMELEC ang human rights namin para makatulong sa pag-unlad ng bayan. Halata iyan nang tanggalin nila ang LADLAD. Ngayon, nakatira tayo sa bansa na kung saan ang demokrasya at karapatang-pantao eh nairarasyon lamang sa mga taong malapit sa kusina.

8. Mortal din kami. Nasusugatan, nasasaktan, at namamatay. Kaya kapag nasalubong mo kami, huwag niyo ako gulpihin sundin mo na lang ang utos ng relihiyon mo na magmahal ng kapawa (pero wala ka pang kasama riyan na nakagawa niya. PRAMIS!!!). Anong masama kapag nagsasalita ka ng gusto mong sabihin? Di namin kayo binabara kung may pangaral kayo. Now, it’s our turn.

9. Guro namin sina Jesus, Allah, Buddha at kung sinu-sino pa. Makikita mo naman kung may pag-ibig ang sinasabi ng isang tao. Kung nasaan ang pag-ibig, naroon ang mga agnostiko.

10. Hindi tulad ng sa tabi-tabi eh di kami nagre-recruit. Ano yun pyramiding? Di rin kami nang-i-impluwensya ng tao. Maniwala ka man sa sinasabi ko o hindi. Pero sandali, baka tanungin mo kung ano ang ibig sabihin nito?! Dinedepensahan ko lang ang panig namin. Di kami nakakadiri!!

11. MAGMAHAL. Iyan ang prime purpose ng mga agnostiko. Magmahal higit pa sa mga hadlang ng lahi, relihiyon, kasarian, o pananampalataya. Magmahal ng tunay. Agnostiko man o hindi.


Agnostiko ako. Kahit na katoliko ang pamilya ko eh nakiki-pasko ako. Kasi mahal ko sila. Wala akong paki-alam kung mas mabuti ka o mas masama sa akin. Lahat tayo ay nagkakasala sa mata ng mga taong naghahanap ng kasalanan at walang pag-ibig sa kapwa. Kung naimpluwensyahan kita sa kahit anong paraan, kasalanan mo yun. Kung di ka mapapaniwalain, hinding-hindi ka talaga maniniwala kahit sabihin pa ng nanay mo. Apir! Rak on pipol kahit ano pa ang relihiyon mo! Spread love.

Just a note: Live a good life. If there are gods and they are just, then they will not care how devout you have been, but will welcome you based on the virtues you have lived by. If there are gods, but unjust, then you should not want to worship them. If there are no gods, then you will be gone, but will have lived a noble life that will live on in the memories of your loved ones. I am not afraid. ~ Marcus Aurelius

Carlo Hernandez Andrion
http://caloycoy.blogspot.com
December 20, 2009

gravatar

Taga-Yupi


Taga-Yupi

Di ko na dapat iba-blog ito, ngunit ayaw umalis ang inis dulot ng mga taong nasobrahan yata sa katalinuhan. November 30, 2009, kasama ko si Ate Dawn (EIC ng PSU – Lingayen Campus). Kaarawan niya kinabukasan. Nagsimba siya sa Manaoag, dahil taga-doon ako ipinaalam niya iyon. Napagkasuduan naming manood ng sine. Magkasama kami ng buong araw. Masaya na sana eh ngunit nasira ng makatanggap ng GM (group message). Eto ang sabi:

/*Hla my mga 2d0 ang p0se dyan s fb ha?jejeje..,2d0 pacute-nkktacute nman!hahaha,,.tmaan sna mbukulan jeje*/

Di ko sinagot. Sabi ni Ate Dawn huwag ko na daw pansinin. Hindi ko na pinansin. Nanood na lang kami ng movie at ikinain na lang namin ang gutom sa Mcdo na may Caramel sundae at coke float. Ayos! Solb na. Ngunit ng maiintindihan ko lalo ang mensahe:

/*Hla my mga 2d0 ang p0se dyan s fb ha?jejeje..,2d0 pacute-nkktacute nman!hahaha,,.tmaan sna mbukulan jeje*/

Ano? Ok nman, umagaw lang ng pansin ang huling parte: “tmaan sna mbukulan jeje”. Joke pa ba yun? Deym! Di ko na pinansin. Pero aaminin ko medyo inis na ako niyan.

Natamaan ako?

Oo nataaman ako. Kasi ng oras na yan dalawa pa lang kami ni Ate Dawn ang friends niya facebook. Tapos ang photo na tinutukoy niya eh yung cropped photo ko mula sa group picture na kasama siya.

Kinagabihan ng wala na ako masyadong ginagawa, sinagot ko siya:

/* Hla my mga 2d0 ang p0se dyan s fb ha?jejeje..,2d0 pacute-nkktacute nman!hahaha,,.tmaan sna mbukulan jeje


--->Unti-unti na ako nawawalan ng respeto sa sender nito. */

Aba, sumagot din:

/* Ay ang sma.jeje.,.cge n nga mas malupet n mga p0se nman nxt tym.jeje.*/

Putik. Hindi nakaramdam. Masama ba humingi ng tawad? Bababa ba ang IQ mo kung hihingi ka nito? Darn that goddamned IQ! It segregates and criticizes people. Ginagawa nitong banal ang matatalino at basura ang mga underdeveloped.

Ipinadala niya iyong GM na iyon sa listahan niya. Marami siyang contact at alam kong marami ang nakabasa. Nakatanggap din ang kapatid ko. Walang ideya ang kapatid ko na ako pala ang tinukoy noon. Nang magtanong ang kapatid ko kung sino iyon, hindi na raw siya sumagot. Siguro kung iba ang magtatanong at hindi ang kapatid ko sasabihin niyang ako iyon. Putik. Hindi ko ginawa sa kanya iyon kahit na marami akong naririnig na paninira sa kanya kasi nga inirerespeto ko siya. I kept them confidential. Tapos sa akin, petty things ibo-broadcast pa. Holy shit!

Hindi ko na sinagot. “I don’t want to step down to his level.” (Dave Tan, 2009)

Maya-maya’y nandyan ulet.

/* Uy carl0 i was juz kidding nung tinxt k un ha?bka wla n ngang respect n pra skin n maiiwan.,.*/

Aba ayun na naman. Mr. *I* kung nababasa mo ito “Respect begets respect.” At isa pa kidding is unethical. Ginagawa lang yan sa mga bata. Matanda na tayo. We should’ve learned much from that already. Kung 'joking' ang sinabi mo lusot ka pa. Nag-alala siya sa respeto ko sa kanya pero hindi sa naging pagkakaibigan namin. Tsk tsk. Nakakalungkot lang.

Matalino siya. Nag-aral siya sa most-overrated university ng ating bansa. Hindi ko alam kung paanong overrated yun e sila-sila rin naman ang nagsasabi niyon. Ang overrated ay yung mga pasok sa World’s Top 100 Universities at hindi yung mga out dun. Now you know.

Sa insidenteng iyon, may mga napatunayan ako:

Una: Madali na lang ang magpahamak at manghamak ng tao dahil sa Facebook.
Ikalawa: Always check your GM’s list. Huwag mang-aapak ng paa.
Ikatlo: May mga taong mentally gifted pero wala ng puwang para sa iba pang aspeto ng pakikipagkapwa-tao.
Ikaapat: “Humility makes great men twice honorable” -Benjamin Franklin
Ikalima: Pinakamapagkumbaba ang mga estudyante ng Diliman kesa sa iba pang UP Campuses.

Paano ko nasabi ang ikalima? Nag-enumerate ako ng mga taong-yupi na nakapaligid sa akin. Hayun. Hands-down ako sa Diliman. Iba ang training nila doon. =)


Tapos na ang panawagan ko. Wala na akong galit kaninuman. Mabait na ulit ako huwag lang sana aabusuhin. Kung may mali man sa impormasyon o namanipula sa mga ebidensya (text messages) boluntaryo akong aalis sa Editorial Board ng aming pamantasan. Hindi ko kawalan kung maalis ako dun dahil sa mga mali niya. Math ang buhay ko at isa pa mas maganda dito sa blogosphere: nagkakaintindhihan kami sampu ng mga commenters ko.

“If you judge people you have no time to love them.” - Mama Teresa of Calcutta

Hayan nakalimot na ako. Teka!? Asaan na nga ba tayo ulit?

Carlo Andrion
http://caloycoy.blogspot.com
Dec. 1, 2009

gravatar

Echoserang Frog


(Photo shown: Manaoag Church before Christmas Eve mass. Photo courtesy of: http://camshotpro.multiply.com | Editing by http://carloandrion.multiply.com)


Echoserang Frog


I was in a good mood gasping the cold foggy morning air of the last day of November. Having a coffee break in the porch, when suddenly I saw a girl. She was our neighbor’s housemaid. I am not a fond critic of human beauty but honestly she is not a chic. I just have a mantra that ‘Nobody is ugly.’ (Genesis 1:27). But this girl is exclusive out of my mantra. Imagine the worst girl: overconfident, vain, otiose, etc. For the record, even my cousins feel the same way too. We are not comfortable seeing her in the neighborhood. We are not ostracizing, we just don’t want to see her face. Hehe. Am I ruthless? You’ll realize that I am telling the right thing if you happen to know her. She is completely upsetting and distracting.

Back to the story, she was with her ‘amo’ bargaining in an ‘ukay-ukay’ (secondhand articles shop) just across the street. Deym! My day had just gone bad. Then unconsciously, I utter out from distraught,

“Feeler!” I am hoping that she would hear me. Then again,
“Feeling!” Still she was too busy flaunting her rummage-sale article.
“Peeeeling!” I shouted.

Now, she had just turned her head checking if someone was just calling her. Then, someone blurted out in the corner:

“Echoserang frog!” Deym. It’s my sister who was by that time cleaning the side part of our porch. I was shocked. First I don’t know what she’s saying. I was laughing out loud until I got my way inside the house. To my curiosity, I messaged Mamy Dawn (new acquaintance).

“Mamy, ano yung echoserang frog?”
“ Gay lingo yun anak. Bakit sino nagsabi sayo niyan?”
“Sis ko. Sinabihan ko kasi ng feeler yung babaeng ka-neighborhood namin.”
“Haha.”

Gay lingo is fun sometimes. But most of the time, it causes confusion, disrespect, and inconsiderateness. And it’s a bad news that even our campus paper which generally offers Engineering, Education, and Technology courses was occupied and jam-packed with gay lingo in the entertainment section which obliviously expresses indecent and obscene connotation. To name them: Vargas, pa-joross gamboa, nota, sokuro, batchakat, chuk-chak cheniz, itey, itets, lepa, lapangera, etcetera, etcetera, and the rest of that fucking ugly language are just petty, irrelevant, and irrational. This blog is not a subjective type. I respect gender equality because the world isn’t only limited into two sexes now. I just hate that verbal, philological, dialectal, etymological, phonological, morphological, semantic, grammatical, syntactical element of what others regarded as language. Well it is not. And it isn’t funny.

Carlo Andrion
http://caloycoy.blogspot.com
Nov. 30, 2009

gravatar

Unang Journalism Experience

(Photo shown: The Maguindanao's bloodbath. 57 killed, 37 of them are journalists.)


Unang Journalism Experience


November 25-27, 2009, sumali ako sa Regional Higher Education Press Conference (RHEPC) RSPC ng mga Colleges sa Ilocos Region. Ginanap sa Urdaneta Garden Resort. Di ako masyado nag-enjoy kasi nga sa Urdaneta ako nag-aaral. 21 daw ang total ng colleges/universities na sumali. Di ako sigurado sa pigurang iyan. 140 daw ang sumali na estudyante. Ang ibang eskwelahan nagpadala ng higit sampung delegado, samantalang sa amin apat lang. Doon ko naramdaman na hindi nabibigyang importansya ang pahayagan ng aming eskwelahan. Pero bago noon, may baon kaming ‘high hopes’ dahil sa mga puri ng mga estudyante ng aming kampus sa papel na nai-release naming bago nun. Iyon daw ang pinakamaganda na na-i-prodyus. May mga ilang isyu pero nalulunod ang mga iyon ng papuri at komendasyon ng marami.

Dumating kami roon ng hindi gaanong handa. Kung pagbabasehan kasi, ang mga ibang pamanstasan e nagkaroon muna ng pre-training at debriefing. Alam nila nag mga mangyayari at gagawin. Ako, isang baguhan lunod pa rin sa mga tanong. Ano ang mangyayari? Ano ang gagawin? Ano ang teknik? For the record,ito ang unang pagkakataon na sumali ako sa press conference at makipaligsahan na rin. Kakasali ko lang sa school organ namin noong July 2009. Naki-screen ako at natanggap ako bilang Feature Editor. Elated naman ako kasi nga first time ko pa lang tapos ganun na kataas. Nagpasalamat na lang ako. (Huwag po sanang isipin ng mambabasa na unti-unti akong nagyayabang). Tapos dahil sa isang konting balasahan at pagkabakante ng pwestong EIC, naging Associate Editor naman ako. Bilang ganti nagtrabaho ako ng mabuti. Taga-absorb ng utos ng mas nakatataas sa akin. Pero ang kapalit, iba ang kumain ng tinapay na minasa ko hanggang madaling araw sa loob ng maraming gabi na nagpepeste ako sa harap ng kompyuter. Ibang kwento na ulit iyon. Ayan nasa venue na kami. LImitado lamang sa tatlong kategorya ang dapat salihan ng isang partisipante.

Una, Editorial writing sa Filipino. Maayos ang lecture na ibinigay. Naintindihan ko. Oras na ng kompetisyon, nahiwagahan ako sa paksa na gagawan ng Editoryal. Pumili raw ng isa sa walong ‘Millennium Development Goals’. Pusa! Noon ko lang narinig iyon. Di ko naman kasi natutunan iyon sa Civil Engineering e. Nagtanong ako sa katabi ko na taga-ibang kampus n gaming pamantasan. Ano iyong iba kako. Sinabi niya, Kahirapan, Edukasyon, at hindi, hindi niya na daw alam ang iba e. Nagpasalamat ako kasi kahit dalawa nagbigay siya. Inisip ko, Goals? Kahirapan, Edukasyon atbp? Layunin na pala ang kahirapan. Misleading ang sagot niya. Tinanong ko kung may kasama pang salita iyon. Sabi niya di na daw niya na naman alam. Di ko maasahan ang kahirapan. Pinatos ko na ang edukasyon. Pinamagatan kong dekalidad na edukasyon. Ewan. Nalabuan pa rin ako. Mukha kasing mali. Mali nga naman talaga.

•Goal 1: Eradicate extreme poverty and hunger
•Goal 2: Achieve universal primary education
•Goal 3: Promote gender equality and empower women
•Goal 4: Reduce child mortality
•Goal 5: Improve maternal health
•Goal 6: Combat HIV/AIDS, malaria and other diseases
•Goal 7: Ensure environmental sustainability
•Goal 8: Develop a Global Partnership for Development

Iyan ang walong MDG ng UN. Di nga naman tumama diba? Kaya di ko na inasahan. Malayo ang dekalidad na edukasyon sa edukasyon para sa lahat. Sabi nung katabi ko hindi niya alam pero ang paksa niya ng matapos siya e ‘gender equality at woman empowerment’. Nasa scrap pa lang ako, nagre-rewrite na siya. May binabasa siya, tinanong ko kung ano iyon, sabi niya notes. Ewan. Na-culture shock ako sa mga nakikita ko. Ang gulo. Ang resulta, hindi ako nanalo. Aasahan mo bang babasahin ang paliwanag mo tungkol sa buwan kung ang tinatanong e araw? Nanalo iyong katabi ko. First place ata. Grabe, napakasinungaling. Pareho pa naman kaming PSU, ibang kampus lang sila.

Ikalawa, News Writing. Pusang ina na naman. Aapat kami at hindi namin masalihan ang lahat. Ang isa nakatutok sa mga cartooning at laying-out. Tatlo kami lalaban sa 24 categories pa. Susuko na yata ako. Nagbigay ng lecture yung resource speaker. Respondent ng PDI daw sabi niya e at naka-jaket ng UP-D. Hindi ko forte ang News writing. Feature at literary ako. Nasobrahan yata ako sa pagkamaginoo at hinayaan kong kunin ng mga kasama ko ang forte ko. Ayos lang. Kasama ko naman sila. Ginawa ko ang makakaya ko. Kumpiyansa ako. Pero di pa rin ako nanalo. Pinalakas ko ng lang ang loob ko. Masama na ang tingin sa amin ng adviser naming na palagi naman umaalis sa venue. (sa mga taga-PSU na nakakabasa, totoo ito.) May oras ang reverence, iyon ay kung tama ang nangyayari. Talo na naman ako. Ang sayang mabuhay! T.T
Ikatlo, copyreading Filipino. Nag-lecture pero tae! Hindi ibinigay yung symbols. Alam na daw naming yun. Pusang ina na naman. Ang nabasa ko lang e yung symbol na kung paano i-capitalize at i-de-capitalized ang letra. Bukod dun wala na. Nagbigay ang resource speaker ng balita. I-e-edit. Kailangan best shot dapat. Pero nang hagilapin ko ang kasama ko na natapat ang English, di niya dala yung maliit na papel na listahan ng symbols. Di ko siya malapitan dahil hiwalay ang English sa Filipino. Katabi ko na naman ang lalakeng kasama ko sa Editoryal-Filipino. Pusa! Mukha pa lang di na mapagkakatiwalaan. Di kami naging kaswal di tulad ng ibang taga-PSU . Mahirap itimpla ang ugali niya at hindi mo alam kung kelan ka niya pwedeng siraan gamit ang mga maling salita. Mabilis na naman siya natapos. Pusangna. Kinalabasan, 10th place ako. Napakasaya ko. Di ko alam ang symbols pero nakuha pa ako. Ni-rewrite ko kasi kaya siguro naawa sila. Pero sayang! Kung alam ko sana ang symbols baka tumaas pa. May medals pa naman ang 5th-1st. Nanalo ulit yung lalakeng nakasabay ko.

Kung susumahin, lahat kami nakakuha kami ng places. Apat kami at di na masama kung manalo kami lahat. Ayos lang. Kumbaga sa pasada, naka-boundary na kami. Dalawa sa amin ang nag-qualify para sa Luzon-wide. Akala ko tapos na, Iyon pala pababawiin pa ako. Eleksyon ng Region 1 ACE officers (Association of Campus Editors). Pusangna. 3 delegeates per entity. Nakasama ako sa tatlong iyon. Tapos taga-PSU Lingayen, ‘I gladly nominate Mr. Carlo Andrion for President!”. Nagulat ako. “Uy ayaw ko!” sagot ko. Sabi niya “I have faith in you!” sa isip-isip ko kailangan patusin ko na. Mahirap masira kapag naniniwala sa iyo ang iba tapos ikaw mismo walang tiwala sa sarili mo. Pakapalan na lang. Di ko na inisip kung matatalo o mananalo. Apat kami naglaban. Matapos ang speeches nag-back-out yung dalawa. Talagang bumawi ako. Pusana, at nanalo pa. Haha. Natatawa ako sa pangyayari. Ang galing ko daw humanap ng trabaho. Sa Laoag City gaganapin ang Luzon-wide. Regions 1- 4B ang pupunta. Nasa Region 1 ang Laoag City at on behalf of ACE, ako ang mag-o-organize. Natatawa pa din ako hanggang ngayon.

Tapos na ang magulong mundo ng midya. Marami akong natutunan at nalaman. Kaya pala may mga irresponsible mediamen dahil sa na-train sila sa ganoong paraan. Ganoon pala sa mga press conference. Sa competition alam na ng iba ang paksa. Nakapagsulat na at nakapag-isip na ang iba. May mga maaga ng nagse-celebrate. Alam na nila kung panalo na sila. May mga malakas sa judges at may mga adviser na nag-dya-judge. Asan na si delicadeza? Palagay ko hawak ko pa. Binitawan na ng iba. Sa pagsusulat ko nito, palagay matatapos na rin ang mga sama ng loob sa mga di-makatarungang gawain ng iba na aking nasaksihan. Pero di ako titigil na baguhin iyon.
Kasalanan ng isang tao na hindi niya nagawang itama ang mali na alam niya.

Ganun pala ang ibang journalists, merong ‘rotten precept’. Gusto makakuha ng maraming achievements. Di mo rin naman sila masisi dahil pwede silang kumita dun. Dadami ang enrollees nila at kakapal ang brochure na ipamimigay nila kapag malapit na ang graduation ng mga hayskul.

Ergo, Media is now a Big Business! (http://caloycoy.blogspot.com/2009/08/media-is-now-big-business.html).

Magulo pala ang buhay journalist. At under consideration pa rin ang pag-akap ko sa buhay press. Sana, ma-repel ko ang bad at negative energy. Ayokong magpahayag ng maling katotohanan. Dapat serbisyong totoo, di sapat yung maaasahan.

With high hopes for Journalists’ justice of 37 lives lost in Maguindanao, May truth conquer the cosmos.

Carlo Hernandez Andrion
http://caloycoy.blogspot.com
November 28, 2009