3/28/2012

Noong nakaraang dekada



Dati, tamad na tamad akong magbasa. Maliban sa Ibong Adarna, Florante at Laura, Noli Me Tangere, at El Filibusterismo at laksa-laksang "required" readings noong high school, hindi na ako nagbabasa ng iba pa. Wala na akong alam bukod sa mga awtor na nirerequire ni titser. Itong Dekada '70 ni Lualhati Bautista ang unang nobelang natapos ko nang buo; yung hindi ko dadayain ang sarili ko na lagpasan ang ibang pahina. Ang sarap palang magbasa. At mula noon, hindi na ako tumigil sa pagbabasa.

No comments:

Post a Comment

Leave your mark.