Gusto kong pasalamatan sina 'Bob Ong', kung hindi dahil sa 'kanila hindi ko mamahalin ang pagbabasa, at hindi rin ako naghangad at nagtangkang sumulat. Siguro jejemon pa rin ako hanggang ngayon at isang kunyaring emo poet.
Kay Tatay Jun Cruz Reyes, awtor, iskultor, pintor, at henyo na itinuring akong isa sa mga anak niya, at minsan kainuman. (Hehe) Naging malaking impluwensya kayo sa akin kung bakit tatangka muli akong sumulat. Salamat Tatay Jun!
Kay Kuya Mark Angeles, na idolo ko sa pagsulat ng tula lalo na sa mga may pagka-erotika. Tagos ang bawat panapos ng tula sa aking masalub-on na puso.
Kay Pablo Neruda, na hindi naman ako kilala. Salamat pa rin sa politically-correct na poetry.
Sa mga hindi ako kilala pero suki ako: Amado Hernandez (na tito ko raw pero hindi naman) Joi Barios, Mikael De Lara Co, at Eduardo Calasanz
Sa mga minsang naging guro at mentor sa malikhaing pagsulat: Gelacio Guillermo, Eros Atalia, Joey Baquiran, Nerissa del Carmen Guevarra, Ralph Galan, at Jerry Gracio.
Higit sa lahat, sa mga taong mahal ang mga tula, ang tugma ng pait at pag-ibig, ang tamis ng bawat saknong at taludtod, may mga manunulat at nagpapaka-manunulat dahil may mga tulad ninyo na mambabasa na nagpapahalaga sa buhay, karanasan, at pag-ibig.
Hanggang dito muna dahil habambuhay ang pakikibaka.
No comments:
Post a Comment
Leave your mark.