WARNING:
Pasintabi sa mga maaring mabulabog ang mga konsyensya. Ayos lang na magtaas ng kilay o manggalaiti sa iyong kinauupuan. Pinatunayan mong isa ka sa kanila. Hindi ko gustuhing ipahiya ang mga sumusunod o ipabatid ang alinmang masamang saloobin. Gusto ko lamang ipakita sa "kanila" kung papaano sila nakikita ng isang kapwa niIa Pinoy.
Hindi ko lang maarok ang mga babaeng conyo na nag-uusap sa isang convenience store.
SCENE 1: Meyer's Illusion
: " Hey sis how about me naman? I introduced sayo yung book diba? That one that I bought worth P325 noh.! Kung di dahil sa akin, you won't gonna make kilala si Edward."
*Umalis nagkatinginan kami ni Mamang Guard habang pumapalatak. Ang mga mayayabang sumasakay din pala ng dyip. :))
E ano ngayon kung bestseller ang Twilight and etc. Does it make any sense kung isa ka sa mga nakabasa? Tataas ba ang IQ mo?, breeding mo?, bank account mo dahil dyan? You are draining your moral. We have excellent Filipino writers. Sana bago mo basahin ang libro ng iba, basahin mo muna ang libro mo. Manalamin ka kaibigan. Huwag kang magbulag-bulagan.
Pero teka para malaman mo, patas ako. Na-hypnotized ako isang araw. Bumili ako ng piratang DVD nung movie. Maganda ang movie. Noong part na in-anbuct na si Bella, nakatulog ako. Maganda siya para sa mga di makatulog na gaya ko. Sabi ng iba yun nga daw yung climax ng story. Pero nakatulog naman ako. Nagising na lang ako ng may kumatok. Pag tingin ko sa TV sumasayaw na sina Edward at Bella. Para maging fair ulet, barkwards naman ang ginawa ko. Then I found out na di rin naman pala ganun ka-worthy yung pinag-aksayahan ko ng oras. Doon ako unang nanghinayang sa kwarenta pesos. Totoo yan. Kaya pag pinag-uusapan ang Twilight ng mga kaibigan ko, lumalayo ako. Baka kasi maging alipin na rin ako nung author. Bibili ako ng librong di rin naman makakatulong upang maging mabuting tao.
SCENE 2: Rise of the Craps
Humanda ka na dahil naging movie na sya. Una nung naging movie yung The Da Vinci Code. Una kong nabasa yun sa tulong nung isang classmate nung highschool ako na anak naman ng isang Christian Church Minister. Magagalit daw tatay niya kaya sa school niya binabasa at di tinatanggal ang price tag na "National Bookstore: P325.00"
Pero isang chapter pa lang ako, agad kong itigil ang pagbabasa. Kaya nangailangan ako ng antibiotic kasi nanganganib ng matetano ang maliit kong pananampalataya. Bumili ako ng "Cracking the Da Vinci Code". Libro na kontra sa libro ni Dan Brown. Ayun buti di ako natuluyang maimpeksyon. Pero di yan yung kwento. Asa ka! Hahaa.
Pag may kakilala na nakabasa/nagbabasa niyan sasabihin niya, "Uy gusto mo hiramin pagkatapos ko? Ang cool. Eto yung Uso ngayon!" Pag tumanngi ka jologs ka na. Pag pumayag ka, patay kang bata ka. Kunwari binasa mo nga. Di mo naintindihan yung story kasi nga di mo naman trip basahin dahil pinagbigyan mo lamang. Kaya ang kinalabasan eh binasa mo yung libro dahil gusto niya. So ayun, magtatanong ka. Syempre para di ka mapag-iwanan. Sasagot sya, dapat binasa mo muna yung The Da Vinci Code kasi pre-requisite nya yan. Anak ng!, parang course may pre-requisite! So ayun nagmukha kang tanga. Hang on pa, meron pang take two yan.
Ngayon naman kung kasama mo siyang nanood ng pelikulang hango sa librong yan at sabihin na nating di mo pa kunwari nabasa yung nobela..."Ang ganda nung movie no?" sasagot yan, "Mas maganda yung nasa book kung nabasa mo lang. Ang dami kasing kulang sa film eh, Dapat gan'to, dapat gan'yan."
Waaah! Kawawang Pinoy kahit saan pumunta nagmumukhang tanga.
Muntik na akong maging ganyan. Napanood at nagustuhan ko yung Narnia at LOTR sa sinehan/DVD's noon pero di ko sila gagayahin, kaya di ko na lang babasahin o bibilhin yung mga libro nila. Amanos na tayo pare!
SCENE 3: School Stereotyping
Para sa akin ito yung nakakasindak. To UPians please don't take this personally. Di ko kayo nilalahat. Prove to me that you are really intelligent people. Thus you should understand. Di ko kayo nilalahat.:))
*over YM when someone added me.
di pa ako nagkapagreply then...
I was just silent that time 'cos I know I have better thoughts in mind.
*
Akala ko palaban eh ayun nag-offline. I know na OL pa siya nun 'cos I have a Buddy Spy App. Malalaman mo kung nagtatago o talagang Offline yung contact mo.
Halong inis at pagkalungkot ang naramdaman ko dyan. Yan ang eksaktong sinabi ko sa kanya. Binuo ko lang ang mga words para na rin sa iyo. mahal kasi kita eh.:P. Marahil dahil na rin sa damdamin kaya di ko na inisip ang mga sinabi ko basta diretso na sa pagta-type noon.
***
Icebreaker: Kanina lang bago mananghali kausap ang kapatid ko.
* wala na akong masagot. iisip ng palusot
*di sya kumibo. ENDING- Nanalo sya, pupunta rin pala ako pinahirapan ko pa.:P
Sana wala ng mga kambal ang tulad nila. Kahit ganun sila di ko sila itinakwil bilang mga Pilipino. Dala kasi nila ang Nationality ko. Kaya ko ginawa ang blog na ito ay upang matigil na ang pagkalat ng damo at nang lumago na ang mga pananim sa lupain ng Pilipinas.
Pilipino ako! Ikaw? Saan ka Pilipino? Sa birth certificate lamang ba?
Kung kelan uunlad ang Pilipinas? Hindi ko alam. Isang bagay lang ang sigurado sa mundo, ang pagbabago. Pero wala ito sa kalye, sa Court of Appeals, sa Kamara, sa strike, sa boycot. Dahil hindi mo hawak ang mundo pero may isang bagay lamang ang maari mong mabago --- ang SARILI MO.
"Hindi iiyak ang daga kung hindi ito naiipit."
To react is guilty, To laugh sets you free.
XX
Carlo H Andrion
11.6.09
hhhhmmmm....may pagka bob ong...
ReplyDeleteyour posts are nice but the it's like bob ong's style......
ReplyDeleteyour posts are nice but it's like bob ong's style......
ReplyDelete