Learn Your Lessons
September 13,2009. Maulan. Walang magawa kaya naghahanap ako ng thrill. Nanood ako ng UAAP CDC 2009 habang nagdo-drawing. Kasama ko ang pamangkin (anak ng pinsan ko at inaanak ko) ko dahil malakas ang ulan at hindi makauwi tumambay siya sa bahay namin. Mataman namin pinanood ang bawat galaw at sayaw ng bawat grupo. S’yempre tulad noong palagi kong ginagawa, nanghuhula ako gaya ng ginagawa ko nang haiskul pa ako.
Ako: Trista sino ang mananalo?
Siya: Wala. Pareho-pareho naman sila.
Ako: Pareho saan?
Siya: *censored
Ako: Kahit isa. Yung sa tingin mo magaling!
Siya: Yung manok!
Ako: Chicken McDo!? (sabay tawa)
Siya: Mang Inasal po iyon Uncle Caloy! (tumawa sabay sampal sa akin dahil sa tuwa)
Ako: *Tumawa lang ako. Hinayaan ko na kasi bata.
Hindi niya tinanong kung ano ang hula ko. Pero aaminin ko UP ang inasahan kong champion, susundan ng UST, at NU. Prangkahan ha, hindi ko isinali ang ADMU dahil 'boring' at FEU dahil marami akong nakitang 'resiklo'. Mas tinitignan ko kasi ang 'creativity' at 'orignality'. Susunod na lang ang coordination.
***
Makalipas ang mahabang panahon sinabi na rin ang naging resulta. Taran!!! Nagulat ako sa resulta. Pero ayos lang. Hindi naman ako 'mapait' na tao para magluksa dahil talo ang bet ko. At hindi rin naman ako ganoon ka-ipokrito para siraan ang natamo ng iba. Dapat maging masaya tayo para sa kanila. Dapat rin natin alalahanin na ang counter ng McDonalds ay hindi parating bukas para sa iyo at ibibigay ang inaasahan at ikaliligaya mong Coke Float at Twisted Fries. Ipse dixit, hindi mo hawak palagi ang trono.
***
Nanalo ang FEU, kaya dumami ang ispekulasyon. Sabi ng kaklase ko kaya raw nanalo dahil sa sila ang host. At aasahan na sa susunod ADMU.DLSU ang magtsa-champion dahil isa sa kanila ang magho-host nest year (lagi akong nalilito sa kanilang dalawa, kaya hindi ako sigurado kung sino ang host sa susunod). Hindi ako nagsalita dahil I feel sorry for UP that time, pero hindi ibig sabihin na umayon ako sa mga sinabi niya. Wala din siyang bilib sa ADMU na nakapasok. Pero opinyon niya iyon at may sarili din ako. Marami ang kumakalat na opinyon, pero pasensyahan na lang tayo dahil opinyon ng mga Hurado ang pinahahalagahan. Nothing more, nothing less.
Let's not be too cynical. Alam mo kung sino ang mga taong 'bitter'? Sila ang mga taong hindi masaya sa buhay nila. Halimbawa, nanalo ka sa lotto ng P150M at sinabi sa iyong... "Baog! Baog!", mapapansin mo pa ba ang pintas sa iyo? Hindi na, hindi ba? Pre-occupied ka na dahil sa happiness na in-open mo with your easy-twist cap.
***
Nagba-browse ako ng mga forum. At tila bagang walang nagtatanggol sa FEU sa tagumpay na una nilang nakamit. Pati ang mga mag-aaral nila tahimik sa isyu, at kung magsasalita sila "Galing!", "Kudos", at "Very synchronised, Congratulations!". Paano ka ba naman kasi magiging proud kung inaakusahan ang eskwelahan mo na 'rippers' at 'recyclers'. Nang-aagaw at nang-gagaya daw ng routine, stunts, steps, at props. Talaga naman! Kapag hindi na mapilay ang ideya, tao ang binabanatan.Marupok kasi ang mga tao. Tsk tsk. Nakakalungkot isipin na kung saan marami tayong Santo, clergy Universities , at ibat-iba pang grupo na nagtataguyod ng utos ng/mga Diyos na "Magmahalan kayo." dumarami pa ang mga pessimist, fatalist, cynical, at atheist?
Nalalapit na nga ata ang Apocalypse. Marahil. At kung 'sakaling' ako'y mapupunta sa dagat-dagatan (impyerno) sila-sila rin ang mga makikita ko!
***
Dapat maging masaya tayo sa naging resulta. Move on. Learn your own lessons dahil:
Una, Hindi mo maaring akusahan ang isa dahil sa bagay na ginaya niya lalo na kung hindi niya naman inaangkin. Tandaan mo, walang monopolyo ng kaalaman at kahusayan. Maski si Pareng Albert ay hindi kanya ang E=(m)(c)(c). Lahat ng atin ay bigay Niya. Wala kang pag-mamay-ari. Maski ang nobya, magulang, pera,laptop, at istarbaks mocha frappes na nakapangalan sa iyo ay hindi mismo iyo. Meron tayong tinatawag na 'PROVIDENCE' para diyan. Kaya huwag ka magdamot ng palakpak dahil baka maputulan ka ng kamay sa bagong taon.
Ikalawa, Tulad ng sa una, walang monopolyo ng kaalaman, kahusayan, at talento (inulit ko dahil medyo nalihis ang paliwanag sa una). "There is no such thing as plagiarism,. There are only sense of originality and respect." - C. Andrion (na aangkinin ko muna dahil wala pa akong pahayag na nabasa gaya niyan).
Ikatlo, kung bigla ka nawalan ng lugar sa bagay na parati kang nasasabihan ng 'mahusay', tanggapin mo ng maluwag sa loob mo. Hindi iyong magtuturo ka. Para malinaw sa iyo, panoorin mo ang perpormans mo.
Ikaapat, maging 'humble'. Huwag mo hihiyawan ang pagkakamali ng kalaban ninyo. Iyan tuloy kayo ang umiyak ng malaman ninyo ang resulta at average score ninyo.
"Well, I think we tried very hard not to be overconfident, because when you get overconfident, that's when something snaps up and bites you." - Neil Armstrong
Ikalima, Huwag mo ako gayahin. Isinara ko ang pagpili ng 'magaling' sa mga usual 'winners'. Nabulag ako sa pangalan at hindi ng kakayahan. Hindi ko binuksan ang pagkakataon para magkaroon ng kosepto ng 'mas magaling'. Madali lang magsabi ng 'luto!' pero mahirap magpatunay. Nabasa ko kani-kanina, commenter sa Youtube, isang mag-aaral mula sa _____ Sabi niya: "Huwag ka umepal, NU? Ano iyon? Nakakain ba iyon? Wala kayong karapatan sa Cheerdance!" Ang sama hindi ba? Iyan na pala ang natutunan ng isang mag-aaral sa _____ (Gusto mo ng clue? PM mo ako at ibibgay ko pa ang link nito!) Para lang sabihin ko na nagsasabi ako ng totoo. Basta "Pontifical" hayun! Taob!
Ikaanim, kung alam mong malinis ang iyong pagkapanalo, magyabang ka minsan! Tandaan, minsan lang. Huwag kang papa-apekto sa mga taong walang magawang matino. "You're such a loser!" – Angelina
Kaya ikaw, Don't be a loser. "Maging masaya ka sa buhay mo at buhay ng iba. Huwag ka mawili na tumingala dahil baka isang araw makaapak ka ng tae ng aso na pipilay sa matikas mong paa."
Well, after all of what happened, the Universities' prestige does not merely depend on how it can dance with the beat and rhythm of their drums, and canned music, or what dexterity needed to manoeuvre, to toss and to shoot the ball. It is purely seen on how they were appreciated without being noticed.
No comments:
Post a Comment
Leave your mark.