7/18/2009

Sino Nagsabing “Useless” ang Cartoons?



Isang umaga kausap ang isang kaibigan pagkadating sa eskuwelahan.

*****************************************************************
: O bakit ngayon ka lang dumating?
: Eh nanood pa kasi ako ng doraemon eh. Hehe
: Haha. Childish ka pa pala. I bet you should be reading
books than watching that pronky TV. I am tire of plain, dull, and similarly relative programming. Iisa rin yun kinahahantungan noon. Bummery.
: You are partially correct. Pero sana you shouldn’t threw prejudices on my choice of what I am going to watch. Hehe. Huwag ka magalit ha. I read books. Reading plus comprehending. Hindi ako childish, childlike is the word. Gets?!
: *smiles. Tara na ngarud. Pasok na tayo. Kanina pa inaantay



yang ginawa mo.
****************************************************************

Mula sa scenario, ewan ko ba kung bakit ang baba ng tingin ng mga “bookworm” o iba pang kauri nila ang panonood ng tv. Para kang immoral. Minsan pa sinabi sa akin.

******************************************************************

*
Via SMS.
: Gawa mo?
: Nood telenobela.:)
: Haha. Gawain ng mahihirap. Libangan daw ng mahihirap ang panonood ng telenobela sa primetime.
: So? Mayaman ka pala.:) Pero tama ka mahirap nga kami. Kasi

kung mayaman ako then I would have the Mall of Asia.
: Ikaw naman biro lang.
: Pwede ka naman kasi magbiro nang hindi nangde-degrade ng pagkatao eh.

***hanggang dun na lang.:)

Ikaw ano sa tingin mo? May natutunan ba talaga tayo sa panonood ng
tv? Sa maraming paraaa. Iyan ang hinala ko. Dito mo kasi makikita yung punto de vista mo tungkol sa buhay. Matututo ka ng marami hango sa mga pangyayari sa buhay at kalagayan ng bawat tauhan sa iba’t-ibang palabas na hindi mo makikita sa history o sa pamantasan. Dito mo malalaman ang tamang desisyon na kung minsan pa ay magagamit mo sa tunay na buhay. Sila rin ang nagbibigay ng mga motivating lines at motto natin sa buhay. Sila ang salamin ng tunay na nangyayari sa kasalukuyan at magin sa hinaharap.

Mula sa mga cartoons:

“Para kay Mommy at Daddy gagawin ko ang lahat ng aking makakaya.” – Nobita,

“Kung mag-aaral ka nang mabuti matutupad mo lahat ng pangarap.” – Doraemon

“Hindi porke kaya mong gawin ang isang bagay ay dapat mo na itong gawin.” - Doraemon

“ Hindi mo dapat iniiyakan ang nakaraan.Isipin mo,bakit nasa hirap ang mata? Ito ay para lagi mong nakikita ang iyong hinaharap.” – Doraemon

“Mahirap maging matanda. Wala ng mas matanda pa na titingin sa iyo.” - Doraemon

“Huwag mong ipakitang malungkot ka sa ibang tao kung wala kang balak magshare ng problema.Para kang nag-alok ng hopia pero di mo naman ibibigay.” – Doraemon

“Ang tunay na kayamanan ay ang pagkakaibigan.” – Mojacko

“Hindi nasosolusyunan ng pagkakamali ang isa pang pagkakamali.” – Meowth

“Ang buhay ay isang mahabang paglalakbay.” - Tom Sawyer

“Paminsan-minsan kailangan nating matikman ang pagkatalo.” – Judy Abott

“Huwag seryosohin ang buhay. Wala naming nakakalabas dito ng buhay.” - Bugs Bunny

“Pikapiiii, chupipikapikapppi, pikapikapii.” – Pikachu. (panalo!)

Sa telenobela,

“Hindi masama ang magmahal. Ang masama ay yung di ka mahal ng taong mahal mo.” - Luna Mystika

“ Ngayon, mga inosente na ang hinahabol ng mga may-sala.” – Zorro

“Kailangan mamatay ang ilan para iligtas ang karamihan.” – Zorro (ulet)

“Kung hindi lang dahil sa sakit na ito, mararanasan ko sana ang umibig at hindi ko na kailangan pang umasa sa iba at mabuhay mag-isa.” - One Liter of Tears


Hindi ba masarap unawain ang mga litany nila? Kung may alam ka na pwede idagdag ilagay na lang sa baba.:)

Carlo H Andrion
6.27.2009

No comments:

Post a Comment

Leave your mark.