7/23/2009

Bangungot (Maikling Kwento: 2000 Words) (I need review, suggestions, opinions etc.)


Bangungot
Maikling Kwento ni:
 Carlo H Andrion

I

“Nabubuhay ang tao hindi para sa sarili niya, hindi rin para sa kapwa niya, at hindi rin para sa bayan niya. Kundi dahil may dapat siyang baguhin na siya lang ang makagagawa. Kung para sa sarili, kapwa, o sa bayan niya’y,  hindi na iyon mahalaga. Basta nakatulong siya minsan sa pagdaan niya dito sa mundo.” Nawika na lamang ng paboritong propesor  ni Rogelio sa Matematika  sa mga kamag-aral nito matapos sila mag-alay ng maikling dasal. Tahimik si Rogelio, nasa gilid ng silid-aralan habang patuloy sa pag-iyak ang mga kaklase niya sa kursong Engineering.  Dinig niya ang mga pagmamahal nila na hindi niya naramdaman bago ang kasalukuyan.

“Kung bakit ba naman kasi na hindi siya marunong magpaalam. Kung alam ko lang sana pinagbigyan ko siya na samahan pa siya para hindi na lang siya..hindi nalang siya…” hindi na natapos pa ni Liezel ang sinasabi.

“Tama na Liezel, hindi mo naman gusto ang pangyayari. Lahat tayo ayaw sa nangyari.” Nasabi na lamang ni Joyce.

Tahimik ang kababata ni Rogelio na si Reina sa mga litanya ng mga katabi niya. Tulala at gulat din sa masamang balita.

Walang kibo si Rogelio. Mukhang hindi siya apektado nito. Tila bagang walang emosyon na nagmamasid sa iniwan niyang mundo. “Saan na kaya ako pupulutin.” – natanong na lamang niya sa sarili.

“Sir, hindi pa rin po daw nahanap ang nakasagasa kay Rogelio. Kahit ang pamilya ng batang iniligtas niya’y tumutulong na rin sa paghahanap sa nakadisgrasya sa kanya.” Hirit pa ni Clinton. Ang minsa’y taong madalas niyang makatunggali at salungat sa lahat ng gusto ni Rogelio, ngunit nagbigay simpatya sa taong naging malaki ang ambag para sa kanya. Hindi niya man maamin ngunit marami siyang natutunan kay Rogelio simula ng nabuhay ito.

“Tsss!. Dapat nga masaya kayo ngayon dahil wala na ako. Haaay. Kung ganyan lang sana kayo noong buhay pa ako. Tsk tsk” pumapalatak siya sabay buntong-hininga. Bagay na nagpahiwatig na hindi siya paniwala sa emosyon ng mga dating kasama.

Nasa isang sulok si Mart. Matalik na kaibigan,kababata, at kaibigan ni Rogelio. Hindi interesado sa pinag-uusapan dahil alam niya na hindi rin naniniwala ang yumaong kaibigan sa nangyayari. Inoobserbahan niya ang yumaong kaibigan na nakabantay sa klase. Nagkatitigan sila. Doon nalaman ni Rogelio na may third eye pala ang kanyang kaibigan. Umalis siya. Hindi siya tumakbo ngunit hindi rin naman siya naglakad at lalong hindi rin naman siya gumulong. Ramdam ni Rogelio ang kakaibang liksi at bilis. Bagay na hindi niya natunghayan noong buhay pa siya.

 “Bilis ko ha. Para akong  si The Flash. Hanep toooh! Ooops! Nandito na pala sa bahay ang bangkay ko.”  Biglang nalungkot ang tono ng kanyang boses.

Namumutawi ang pagkalungkot sa buong bahay nila. Panghihinayang sa isang pangarap na hindi na matutupad. Malungkot ang mga kaibigan nito at pamilya sa sadyang biglaang pagkawala niya. Ganoon din naman ang mga nakasama niyang Kabataan na taga-barangay nila na natulungan niya sa maliliit na mga bagay. Nandoon na rin ang mga kasama niya sa school organ nila dala ang compilation ng lahat ng artikulo at sulatin na nagawa niya na nalimbag sa papel man o sa kanyang site. Dala ang milyong pakikiramay ng mga taong pumuno sa bahay nila at umukupa ng kalahati ng kalsada, namangha ang binata.

“Cool. Daming bulaklak ha. Ito ang una at huling makakatanggap ako ng bulaklak galing sa mga taong nagmamahal sa akin.”

“Ahhhhh!” napasigaw sa lamig ang ale na nakiramay nang tumagos siya sa kaluluwa ni Rogelio.

“Tumabi ka kasi.” Wika ni Mart na nakamasid sa pangyayari.
“Nakikita mo ako?” sagot ni Rogelio
“Naman. Kaibigan kita eh. Bakit masaya ka sa pagkawala mo?”
“Para kasing panaginip lahat eh. Bangungot pala. Hirap paniwalaan.”
“Hindi ka ba natutuwa sa mga taong nagmamahal sa iyo?”
“Ewan. Kung sa pamilya ko eh medyo naniniwala na ako. Sa mga  kaklase natin parang wala. Crocodile tears ang mga iyan.!
“Siguro di pa nga maliwanag sa iyo ang lahat.” Panapos ni Mart habang natigil sa pagsasalita dahil sa mga taong nakakakita sa kanya.

“Sundan mo ako.” Utos ni Mart sabay alis ngunit tangan ang tingin ng mga taong nahihiwagahan sa kanya.
“Naiintindihan na kita.” Wika ni Rogelio sabay sa pagtulo ng luha.

“Ang akin lang naman kasi bakit ba hindi nila ako pinahalagahan gaya ng pagpapahalaga ko sa kanila noong nabubuhay pa ako?! Dagdag pa nito.

“Talagang ganyan ang tao. Hindi nila naipapagpapasalamat at napahahalagahan ang kung anu-ano at sinu-sino ang mga nakapaligid sa kanila kung hindi muna ito mawawala. Ngayon wala ka na sa amin. Nalaman mo na rin na kung gaano ka kahalaga sa akin, sa kanila, sa amin. Malaya ka na sa mapait at pahirap na mundo. Kung saan ka man makakarating mag-iingat ka palagi.” Hindi na naiwasang mapahagulgol ni Mart at mapalupasak sa lupa mula sa pader na pinagsasandalan niya.

“Makakasama mo na ang ama mo, at ang Ama natin. Nawa’y maging mapayapa ang iyong pag-alis utol. Hintayin mo ako ha? Di na rin siguro matagal iyon.” Humahagulgol pa rin si Mart.

II

Bumalot na ang gabi. Nawala na si Rogelio. Ngunit naroon pa rin si Mart. Tulala at malalim ang iniisip. Tila wala sa sarili.

Dumating na rin sina Reina, Liezel at Joyce sa burol kasama ang buong klase sakay ng bus ng kanilang pamantasan. Alam nilang naroon si Mart ngunit hindi nila makita. Tumungo si Reina sa paboritong lugar ni Rogelio noong bata pa sila. Hindi siya nagkamali dahil naroon pa rin si Mart na ilang oras nang hindi tumitigil ang pagdaloy ng luha sa kanyang mga mata. Bahagyang tinitigan ni Reina ang mukha ng kababata. Namumula ang paligid na kanyang mata. Halos pumikit na sa sobrang kaiiyak. Naliligo sa luha ang mukha nito at basa na sa pinaghalong pawis at luha naman ang kwelyo. Nabalot ng awa at kalungkutan ang pagkatao ni Reina. Iyon ang unang pagkakataon na nakita nito ang kababata na umiiyak.

“Alam ko masaya na siya kung nasaan man siya ngayon. Dapat ay maluwag na nating tanggapin. May sarili tayong buhay Mart. Tapos na ang kanya. Kung titigil din tayo sa paglaban, papaano naman ang mga taong nakapaligid sa atin? Paano ang pangarap nating tatlo? Alam ko na alam mong pareho natin kailangang ipagpatuloy ang mithiin niya. Hindi dapat ito matapos sa pagkamatay niya.” Paliwanag ni Reina habang unti-unting tumatango si Mart.

Pinunasan nito ang kanyang sarili. Tumayo sa kinabagsakan. Hudyat na marahil na dapat nang simulan ang marapat. Iniabot ni Reina ang kamay upang alalayan ang kababata. Naiyak sa pangyayaring kinasangkutan niya sa binata dahil kahit mismo siya ay hindi niya pa rin lubusang maintindihan ang mga pangyayari.

Sumilip sila sa kahon ng kaibigan, maayos ang pagkakalagay sa kanya. Taglay ang magaang ngiti na pumapawi sa hinagpis ng kung sinuman ang makasulyap. Nasa ibabaw ng kahon niya ang mga naisulat nito, larawan kung saan nakadamit ng pormal at masayang-masaya.  Usap-usapan sa labas ang paraan ng pagkamatay niya. Marami ang humanga at marami rin ang nanghinayang sa kung anong uri ng mamamayan ang ipinamalas niya noong nabubuhay pa siya.  Wala ang kanyang ina. Nasa loob ng kuwarto at tuloy pa rin sa paghagulgol. Bagaman mahina, dinig ang garalgal na sagot ng kanyang nakatatandang kapatid sa pagsagot kung kailan siya ililibing.

“Sa maaakaaaalaaaaawa ho.”

Ilang oras ring naglagi ang mga ka-eskwela ni Rogelio. Alas-onse na ng umalis na sila. Naiwan pa rin si Mart at walang balak umalis.

“Hindi ka pa ba uuwi.” Mahinang tanong ni Reina
“Dito pa ako, marami pa kaming pag-uusapan.” mahinang tugon naman ni Mart

Napatango na lamang si Reina, alam na nito ang ibig sabihin.

“Tawagan mo lang ako kung may problema.” Sabay talikod  kahit labag sa kalooban na iwanan ang natitirang kababata.  Umiiyak ito na papunta sa bus nila at pilit pinalalakas ang sarili para magtibay.

Matagal hinintay ni Mart bago niya uli nakita ang kaluluwa ng kaibigan.

“Kamusta?” pambungad na tanong ni Mart.

“Kung maibabalik ko lang sana ang panahon…” tugon ni Rogelio.

“Nakita mo na! Marami ang nagmamahal sa iyo. Marahil nahihiya lamang sila na ipakita. Ngunit ito ang sasabihin ko sa iyo kapatid, mahal ka namin ni Reina higit pa sa pagmamahal na maaaring maibigay ng isang tunay na kapatid.” Hirit ni Mart.

“Maraming salamat at nakilala ko kayo ng maaga ni Reina. ‘Tol hindi ko alam kung makikita mo pa ulit ako ng ganito. Pero pakiramdam ko na may parang humihigop na sa akin papunta sa isang lugar na hindi ko alam. Kung makakausap ko ang Diyos para makahiling na mabuhay pa sana ako… Tatapusin ko ang dapat at mamumuhay ako na parang limang minuto na lang ang itatagal ko. Marahil sa ganoong paraan gagawin ko na lamang ang mga bagay na dapat.” Nasabi na lamang ni Rogelio sabay iyak.

“Huwag ka nang umiyak. Naging maganda naman kahit papaano ang buhay mo dito. Kung maibibigay ko lamang sa iyo ang akin para maramdaman mo ang pagmamahal nila…” malungkot at balisa na pampalakas-loob ni Mart.

“Basta tandaan mo, saksi ang langit. Hangga't maaari at may pagkakataon, ililigtas kita kahit na paulit-ulit.”Ang panapos na wika ni Mart habang tinitignan ang unti-unting pag-alis ni Rogelio. Ang paghigop sa kanya papunta sa kawalan. Tuluyan na talagang nagpaalam si Rogelio at wala nang tiyak na panahon at pagkakataon kung magkikita pa sila nito.



III

“O saan ang punta natin ngayon?” tanong ni Mart.

“Alas-diyes na. Kailangan ko nang umuwi. Ihatid niyo na lang ako.” Sagot naman ni Reina.

“Halika ihatid na natin siya.” Aya ni Mart sa isang katabi.

Naglakad ang magkakaibigan. Sampung minuto, narating nila ang sakayan. Nagpaalam si Reina sa dalawang lalaki. Hindi mapakali at binigyan ng pinakahuling ngiti at kaway bago tuluyang maghiwalay ang kani-kanilang landas.

“Bakit tulala’t balisa ka? May problema ba?” tanong ni Mart sa kasama.

“Wala naman. Parang iba lang ang pakiramdamam ko ngayon.” Sagot ng kasama nito habang pinagmamasdan ang ang anino nilang pareho na gawa ng dilaw na ilaw sa gilid ng kalsada na unti-unting pumapalayo sa kanila.

“Alam mo, malapit na ako umalis.” Panggulat ni Mart.

“Saan ka pupunta?” matumal na sagot ng kaibigan nito.

“Sa ibang bansa. Lilipat na kami doon. Sayang nga nakalimutan kong sabihin kay Reina. Wala talaga ako sa sarili ko. Ang iniisip ko kasi dapat maibuhos ko na ang lahat ng oras ko sa inyo pareho. Labing-walong taon na tayong tatlo at simula ng matuto akong magsalita pangalan niyo na ang laging bigkas ko tuwing tinatanong ako kung sino ang mga kaibigan ko. Maaring hindi na tayo magkita at magkakasama ulit, kahit kailan. Kaya palagi mong iingatan si Reina ha? Alagaan ninyo ang isa’t-isa na parang tunay na magkapatid.” Nalungkot si Mart sa binitiwang salita.

“Ah...Oo.” sagot na lamang ng lalaki sabay tulo ang luha. Nakayuko at halos mawala sa sarili sa salitang narinig.

Maya-maya’y “Teka!!!!!” Tinulak ni Mart ang lalaki. May bumundol sa kanila. Malakas na pwersa, sapat na para maghatid sa kanila sa kanlungan ng mahabang pagkaidlip.

Lumipas ang maraming araw. Lumipas na rin ang panahon para sa burol. Nailibing na si Mart. Unti-unti nang naghihilom ang sakit ng pagkawala kasabay ang paglimot ng marami sa kabayanihang naipamalas nito. Kung meron man ang hindi pa naghihilom, ito ay si Reina. Nakadukdok ito sa tabi ng isang lalaking huling nakausap ni Mart bago mawalan ng buhay dahil sa aksidente. Tatlong buwan ng comatose ang lalaki. Nagising si Reina sa init ng sinag ng araw na likha ng isang dapit-hapon mula sa bintana ng isang ospital.  Kinausap niya ito tulad ng ginagawa niya sa mahabang tatlong buwan.

“Gumising ka na! Ayaw ni Mart na palagi kang natutulog diyan. Gumising ka na kaibigan ko. Gumising ka na Rogelio!” Basag ang boses ng dalaga habang sinambit ang pangalan.

Gumalaw ang lalaking nahimbing sa mahabang panahon. Gumising na si Rogelio mula sa mahabang bangungot ng nakalipas. Pawisan at hindi makapaniwalang masisilayan niya ulit ang mundo. Hindi niya naisip ni minsan na makakabalik pa siya sa panahong naiwan niya.

“Rogelio! Salamat at nagising ka na rin!  Salamat po Panginoon ko!” Wika ni Reina. Napalitan na ang luha ng kalungkutan ng luha ng kaligayahan. Pinindot nito ang buzzer sa ulunan ni Rogelio para makatawag ng duktor at nars.

Nakangiti si Rogelio. Nakikilala niya pa ang kanyang pamilya. Ngunit may isang tanong ang nag-iwan ng malaking palaisipan sa ala-ala ng mahaba at malungkot niyang bangungot.

“Basta tandaan mo, saksi ang langit. Hangga't maaari at may pagkakataon, ililigtas kita kahit paulit-ulit. Ito ang pangako sa akin ng isang lalaki na nagligtas sa akin ng mamatay ako. Reina may kilala ka bang Mart?”

---

“Talagang ganyan ang tao. Hindi nila naipapagpapasalamat at napapahalagahan ang kung anu-ano at sinu-sino ang mga bagay na nakapaligid sa kanila kung hindi muna ito mawawala.” – Mart

WAKAS



All Rights Reserved:
Carlo Andrion y Hernandez
7.23.2009

Published for: http://caloycoy.blogspot.com

56 comments:

  1. This is my first short story. Hope I'll get responses from you soon.

    ReplyDelete
  2. Pesadella is the Spanish term for "nightmare". Thanks for reading.

    ReplyDelete
  3. "Ang pagkakaibigan walang pinipiling kasarian, walang pinipiling dugo, walang pinipiling pagkakataon, walang pinipiling panahon, walang pinipiling dimension."

    galing! Isa kang taong hinahangaan ko.

    ReplyDelete
  4. anong commetn/suggestionmo? Hindi kailangan ko ng guides para alam ko ang babaguhin?:)

    salaamt at tinapos mo kahit mahaba.:)

    ReplyDelete
  5. ahh.. la na ko massuggest kuya,
    oo mahaba sabi mu maikling kwento?
    dalawang beses nga ako bumalik ehh,,heheh

    ReplyDelete
  6. haha. maikli nga yan eh.:P

    4 pages lang naman.=D salamat sa pagbabasa. di mo ba naintindhan kaya mo inulit?

    ReplyDelete
  7. galing talaga.. sana lahat ng pangit na nangyayari.. bangungot na lang at pede tayong magising..

    ReplyDelete
  8. May personal na tamaa. San nga.


    Suhestyon para mapaganda pa ang kwento? Ipapasa ko sana para sa school organ.:) Salamat.:P

    ReplyDelete
  9. hinde, ung half ng blog mu muna, then ung half ulit sa pangalawang balik kuya.
    hahah:)

    ReplyDelete
  10. wala na bro.. for me.. it's perfect!!! idol mu nga c conrado..

    ReplyDelete
  11. ahahah...

    ako natapos ko na

    may part na parang mali ung ginamit mo na word.. "tumulo ang iyak"... dapat "luha"...

    hndi ko inaasahan ang ending...

    kaya naguluhan ako sa part 3.. pero alam kong si rogelio ang kaibigang nabanggit... but i never expected na yun ang kinalabasan ng lahat...

    konti kasi ung pagsasalarawan sa totoong nangyari eh...

    well anyways... MAGANDA siya...

    konting mystery pa... mag gaganda ang likhang ito...

    May bago na naman ako i beat na likha... ehehehehe you are really squeezing my brain...

    eehhehe...

    Good Job!!!!

    ReplyDelete
  12. sya nga pala.. paki proof read.. marami akong nakitang typo error...

    ehehehhe

    ReplyDelete
  13. na-edit ko na. Hehe. hindi ko mahanap yung tumulo ang iyak.:)

    ReplyDelete
  14. Salamat sa mga comments.:)

    ReplyDelete
  15. you're always welcome (in behalf of all who gave comments).. hahaha (nang-agaw???)

    ReplyDelete
  16. napalitan mo na yata..

    hehehehe anyways...

    good luck sa paglimbag... nawa'y marami ang matauhan sa likha mo...

    ReplyDelete
  17. Ganda talaga nito kanta..

    Kuya, bukas basahin ko 'tong Maikling Kwento mo. Para naman ma-inspire akong tapusin ko yun akin. :D Gudnyt! :)

    ReplyDelete
  18. haha.
    cool.
    sa dami ng nabasa kong maikling kwento, normally, nahuhulaan ko na yung ending.
    pero eto medyo naguluhan pa ko.
    haha.
    ayos!

    onga.
    proofread.
    may mga typos pa.
    :))

    ReplyDelete
  19. ALin ang paniniwalaan ko?

    Ayos o naguluhan ka? Haha.:)

    ReplyDelete
  20. Haha. Maraming salamat ulit.:)

    ReplyDelete
  21. I hope so na ganyan kalalim mag-isip ang marami sa tulad mo.:)

    ReplyDelete
  22. Maaring itanong ng marami, "Bakit hindi gaano ka-detalyado ang pangyayari tulad ng mga detalye ng pumanaw si Rogelio?". Maaring wala kang malulusutan, ngunit isang bagay ang maari mong mairason sa nakakahiyang tanong, "Pesadella ang titulo. Kaya umikot ang kwento dito. Umikot ang kwento sa masamang panaginip, sa bangungot."

    ReplyDelete
  23. Okay. Thanks. I-de-delete ko yung comment mo kasi nauulit yung autoplay.:)

    ReplyDelete
  24. ehehe..

    so

    sino sa inyo si MART? ikaw ba yun CARL? kasi nagpakilala na si ROGELIO...

    wahahahaha...

    ReplyDelete
  25. Pero agree ako kay rogelio..

    ang iksi ng pagkakalahad ng totoong nangyari...

    hindi kasing kulay ng pagkakalahad sa part 1.

    saka super obvious na si rogelio ung kaibigan ni rheina at mart sa part 3.

    suggestion ko lang, ms mainam sa part 3 na hindi mo na lang pinangalanan ung 2 karakter... (mart and reina)

    nag lahad ka ng paglalarawan tungkol sa 3 magkakaibigan... hanggang sa magising ang nahihimbing...



    ReplyDelete
  26. Oo nga ano. Mas maganda. Haha. Okay. Ire-revise ko na lang pag ipapasa ko na.:)

    ReplyDelete
  27. Ano ibig mong sabihin manong?:P

    ReplyDelete
  28. uhm..
    teka.
    ahaha.
    ayos yung ending, kasi hindi ko naforesee.
    haha
    tapos medyo naguluhan ako kasi hindi ko nga nahulaan yng ending, haha.

    am i making sense?
    hahaha
    iisipin ko ulit. sabaw ata ako.
    hahaha

    ReplyDelete
  29. Gets ko naman. Kahit ako naguluhan sa ending. Ikukwento ko sayo. Hindi naman dapat yung ending nun eh. Ang endign niya lang sana eh magigising lang siya at ma-appreciate ni Rogelio ang mga tao sa paligid niya. Ayun. Ewan ko kung paano napunta sa amnesia. ANg hilig ko kasi manggulo ng sitwasyon eh.:) May suggestion yun gisang writer na sana daw di ko ni-reveal yung names ng magkakaibigan sa III. Gagawin ko na lang kapag ipapasa ko na.:)

    ReplyDelete
  30. Bilis mong mag-comment. Di kita mahabol.:)

    ReplyDelete
  31. Onga.nabasa ko yung comment na yun. Medyo naguluhan din ako. ang gulo ko. Hahaha.
    Pero alam mo, totoo yang mga ganyan. naalala ko sabi nung English teacher ko nung first year, malalaman mo kung gaano karami ang nagmamahal sayo pag namatay ka na. E pero paano mo nga naman malalaman kung patay ka na, diba?

    Onga, ginulo mo yung sitwasyon, mas okay siguro kung mas simple siya.

    ReplyDelete
  32. Tama. Kaya nga cherish them. Ang plano ko talaga diyan journal. Dahil nanaginip talaga ako ng eksaktong nangyari tungkol diyan. Akala ko patay na kao. Tapos ganun yung nangyari sa I at II. Kung paano naging fictional short story--patunay na magulo talaga ako.:P

    ReplyDelete
  33. Talaga? Ayos sa panaginip a. Nanaginip kang nasagasaan ka? Sino nagligtas sayo? Ang gulo nga. Hahaha
    :)

    ReplyDelete
  34. Ako yung nagligtas. Ako yung namatay. Ako yung nasa kahon. Kaya nga ganun. Ako si Rogelio sa istorya. NAngarap lang na may mArt din ako o kaya'y Reina. Haaay!

    ReplyDelete
  35. Ikaw lahat?
    Sige ikaw na bida!
    Nyahaha.
    Kidding!
    Paano yun?
    Anlabo!
    hahaha.

    ReplyDelete
  36. Ako yung Rogelio sa I at II. Yung II Kathang utak. Utak? Haha. Yun!

    ReplyDelete
  37. Utak?
    Isip dapat diba?
    hahaha.

    Pero seryoso, nung binabasa ko to, ang naiimagine ko yung scenes sa Ded na si Lolo. hahaha.
    Ang gulo din. hahaha

    ReplyDelete
  38. Pero may sense yun. Haha. ANg ganda nun. Sabi nga ng sis ko."Kaloka!!" sabay tili. Haha. Hanep yun. SImple ang problema pero ayos sa storyline.:)

    ReplyDelete
  39. Oo nga e. Kwelang-kwela. At nabigla ako sa butt exposure ni Rainier Castillo! LOL. Para ngang nakikita ko yung burol at libing sa bawat pamilyang Pilipino. HAhaha. Ang cool ng character ni Tolits, hahaha.

    ReplyDelete
  40. Magalalagay ng sisiw sa lolo niya. Para naman sa hustisy ayun. Tapos naglagay nga pinkpa. :))))))))))

    ReplyDelete
  41. Hahaha.
    Oo. Dyan ako tawa ng tawa. Lalo na nung hinihiraman ng makeup yung anak ni Manilyn.
    I mean, haler? Makeup ng tao to! Kung ako rin yun e, di ko ipapahiram! Hahaha

    ReplyDelete
  42. Hahaha. Tapos idadaan yung kabaong sa bintana. Haha. SIla pa ang nag-make0up. Haha. Dina may part 2 yun?

    ReplyDelete
  43. Oo yata.
    Forty days ni Lolo.
    Haha.
    Baka next year. Saan mo napanood yan? Nakakahiya mang aminin, sa pirated dvd lang ako. Hahaha.

    ReplyDelete
  44. SABI NA EH.. IKAW NGA YUN.. TPOS NAGLAGAY KA NG MART... WHICH IS KUNG SINO MANG FRIEND.. NA INAKO MO DIN ANG ROLE PAGBAWI SA DULO...

    KAYA NAGING FICTION.. EHEHEHEHEEH...

    EH SI REINA? KAILAN KA NAGING SI REINA SA ISTORYA?

    NAKAKATAWA PA KAMO AKALA KO ANG ISTORYA NA ITO EH LUBHANG KAKAIBA.. MEANING UNG SIMULA MO EH.. WALANG PINIPILING KASARIAN... SO AKALA KO EH UNG MGA NAUUSO NGAYON ANG THEME MO...

    EHEHEHE...


    ReplyDelete
  45. Yung I and II personal character ko.:P Yung III pure fiction na. Gawa ng magulong isipan.:)

    ReplyDelete
  46. ngayon ko lang naisip, may touch to ng If Only.
    Kinda.

    ReplyDelete
  47. Akalain mo yun. Ngayon ko lang din naisip.:) Ang saya nung If Only. Napanood ko ulit sa HBO. May goosebumps na naman ako.:))))))))))))

    ReplyDelete
  48. Naisip ko nung binasa ko ulit yung story mo medyo naguluhan ako diba. Haha.

    ReplyDelete
  49. Pero nung unang basa mo naintindihan mo ba? Pra alam ko ang babaguhin ko.:) Para sa general readers.:)

    ReplyDelete
  50. Naintindihan ko pero medyo naguluhan ako nasabi ko na naman yun diba? Haha. Sa last part dun medyo naging magulo. :)

    ReplyDelete
  51. Hmmnn… pano ko ba sasabihin ang gusto kong sabihin… haha! Hindi ko alam… Hindi ko alam kung pano ko sasabihin o isusulat… (ano bang katumbas na salita ang nasa isip ko? Maski ako hindi ko rin alam) basta ang alam ko, napakaganda ng ibinigay Niyang talentado sayo.. Oo.. Isa kang Talentadong Pinoy… heheh..

    ooohh.. buti binasa ko ang iba sa comments kahit nakakatamad... daming commenters eh.. anyway kung di ko binasa ang comments ng iba.. di ko malalaman ang mga tanong ko... eto kasi comment ko dapat..before this sentences...

    "Tanong ko lang.. ang kwentong ito.. saan mo hinango? inihalintulad mo ba’to sa sitwasyon na pamilyar sayo.. ibig kong sabihin.. yung ibang parte sa kwento.. base saan?
    Bakit Rogelio ang pinangalan mo sa isa sa karakter??? (Ahm.. Naintindihan ko naman ang buong kwento.. Alam ko ang ibig iparating ng kwento…pero may hinahanap ako at gusto kong malaman, pero kung sa tingin mo “I’m crossing the line” okay lang kung di mo sasagutin)"

    So that's it..

    Godspeed!

    P.S. bakit di mo try publish gawa mo? any tabloids or newspaper na tumatanggap ng short stories.. nagawa ko na yun dati.. nakakatuwa kasi sa dami ng nagpadala.. yung akin pa ang na-publish.. I didn't know at first na napublish yon.. dami lang nakabasa and even my friends, so ako na surprise.. when they give the newspaper and there's my name and there's my story.. I didn't expect kasi.. Unfortunately, the sad story... I wasn't able to claim the prize (the money for my story)..haha.. [share ko lang..]

    ReplyDelete
  52. ano yung tanong mo?

    (really thank you.:)

    ReplyDelete
  53. ganda p0h! hmmmm.. Ganun tlga mga ta0 n0h?? kung kelan ala n yung ta0 tska nre2alize yung pagmmhal para sa ta0 na yun.. dun na ata tlga ty0 nasanay.. sana mabago na yun.. ^^

    yung part 3 mejo antok kn ata.. may mga typo error pa din.. ^^ per0 ok lang.. maganda pa din.. unexpected yung ending sbay ganda pa ng background music! galing tlga!

    ReplyDelete

Leave your mark.