7/24/2009

Gusto Ko Ulit Maging Bata

Gusto Ko Ulit Maging Bata

Tahimik na naglalakad sa magulong kalsada. Puno ng sasakyang nagmamadali. Nag-aantay na makatawid sa walong-linyang kalsada. Naisip ko tila napalaki, napakaingay,at napakagulo na pala ng mundo ko. Malayo sa karakter ng mundo ng aking pagkabata. Naisip ko tuloy na gusto ko pumasok sa drawer ng mesang kahoy ko. Sumakay at maglakbay gamit ang time machine. Babalik at mananatili ng matagal sa panahon ng aking pagkabata.

Gusto ko ulit maging bata. Maglaro maghapon, sumigaw, tumakbo at tumawa ng malakas. Matagal na rin na hindi ako nakapagbitiw ng malulutong na “Hahaha” dahil sa sobrang aliw. Gugulong at hihiga sa damuhan. Maliligo sa ulan. Makikipaghabulan ng mataya-taya. Maglalaro ng luksong-tinik, tumbang-preso, tanching, sipa, at payaw. Bibili at susugal sa teks. Mag-iipon ng tansan ng redhorse, colt 45, mirinda, fanta, mountain dew, coke, at 7 up at gagawing pamato ang tansan ng patis. Gusto ko ulit maging bata. Maglalaro ng ungguy-unggoyan, uno cards, at super trump. At kapag ako’y tinamaan ng kagaguhan, kukuha ako ng Bibliya, barya, at maghahanap ng mga kasama. Hawak-kamay, pipikit, at maglalaro ng Spirit of the Coin. Gusto ko ulit maging bata. Magpapalipad ako ng saranggola sa mahanging Setyembre, magpapaanod ng bangkang papel sa Oktubre, at mangangaroling sa buwan ng Disyembre.

Gusto ko ulit maging bata. Panahon ng aking buhay na kung saan Rated G ang pwedeng panoorin. Manonood ako ng Mojacko, Dragon Ball Z, Shaider, Cedie, at Doraemon. Manonood ako Kakabakaba, Nginig, at Wag Kukurap. At Kapag lumabas na ang multo, tatakpan ko ng aking dalawang kamay ang aking mga mata at sisigaw ng “Tatay!!!Mama!!!”. Gusto ko ulit maging bata. Babalik ako sa panahon na kung saan naniniwala pa ako sa fairy tales. Takot magsinungaling at magmura dahil baka lalabas ang diwata at gagawin akong palaka. Gusto ko ulit maging bata. Dahil hindi ko na kailangang magpuyat gabi-gabi para matuto ng husto. Madalas marami nang dapat matutunan sa cartoons. Gusto ko ulit maging bata na kung saan ang mga palabas ay laging may moral lesson. Di man makatotohanan ang cartoons, naaaliw na ako dahil sa makukulay at nakakatuwang hugis ng mga ito.

Gusto ko ulit maging bata. Kung saan madali ang mag-aral. Kung saan ang pinakamahirap gawin ay magbasa, sumulat ng aking pangalan, at i-memorize ang multiplication table. Kung saan ang paborito kong libro ay ang librong dilaw ng Abakada. Babalik ako sa panahon na kung saan araw-araw may drawings at nagagamit ko ang mga Crayola na bili sa akin ni Mama. Gagawa ng paulit-ulit na ‘Ang Aking Naging Bakasyon’ at ‘Ang Aming Naging Pasko’. Babalik ako sa panahon na kumakanta ako kasabay ng mga kaklase ko ng ‘Chikading’, kasama na ang ‘Bahay Kubo’, at ‘Do-Re-Mi’. Babalik ako sa panahon na kung saan ang mga guro ay may tatlong klase: Mabait, Nakakatakot, at Halimaw. Babalik din ako sa panahon na may tatlong uri din ako ng mga kaklase: Mga Bati, Kaaway, at Uhugin na walang pakialam.

Gusto ko ulit maging bata. Babalik ako sa panahon sa ang sinasabihan ko lamang ng “I love you” ay ang aking mga magulang. Kung saan si Mama lang ang babaeng maaring halikan. Kung saan ang pinaka-romantikong magagawa mo sa sarili ay magkaroon ng ‘Crush’. Babalik ako sa panahon na kung saan kahit anong mali ang magagawa ko, tatanggapin ako ng mundo. Paulit-ulit. Kung saan kapag nasasaktan ako nandyan agad si Mama para patahanin ako. Yayakapin ako ng mahigpit, hahaplusin ang aking noo at hahawiin ang aking mga buhok.  Kakargahin ako ni Tatay sa kanyang balikat. Kikilitiin niya ako ng kanyang balbas. Sisigaw ako sa tuwa. Ngunit ipagpapasalamat ko iyon. Mga bagay na hindi ko na makukuha sa aking pagtanda.

Gusto ko ulit maging bata. Na kung saan laging may rainbow ang buhay ng tao at kung saan masaya ang lahat tulad ng mga nakapinta sa pader ng eskwelahan. Nagtutulungan, nagbabatian, at nagbibigayan. Kung saan kapag napagod na ako sa buhay, matutulog na lamang ako at gigising ulit kinabukasan. Kung saan lahat ng bagay ay masaya. Wala mang cellphone hindi ako nababagot o naiinip dahil palaging may panahon para maglaro. Kung saan ang trabaho ay laging magaan, madali, at masaya. Babalik ako sa mundo na naroon pa si Santa. Iinom ng gatas bago matulog. Panahon na hindi aburido sa suot kong damit at kung ano ang magiging hitsura ko. Tatawid sa magulong lansangan ngunit hindi ako mangangamba dahil hawak ako sa kamay nina Mama at Tatay. Babalik sa mundo na kung saan hindi nagbabago ang mga tao at hindi umaalis ang mga kaibigan. Kung saan ang lahat ng bagay ay payak. Gusto kong bumalik sa panahon na kung saan ang bawat istorya ay natatapos ng masaya, merong  ‘happy ending’  at ‘they live happily ever after’.

Ngunit lahat ng ito ay halusinasyon lamang. Mga bagay na makakamtan hanggang sa ala-ala na lamang at ngayo’y wala nang katotohanan. Mga bagay na masaya at mananatiling masaya na lamang. Mga bagay na lumipas na,  na tulad ng dumaang tren at hindi maaring bumalik pa. Kung magbabalik pa man o hindi na, wala ng makaaalam pa.

Intellectual Property Rights Reserved:
Carlo  Andrion y Hernandez
7. 24.2009

Published for: http://caloycoy.blogspot.com

27 comments:

  1. Karelate.. Kahit medyo bata pa ko e gusto kong bumalik talaga. Madami kasi akong pinalampas na pagkakataon. May mga bagay na nalaman ko na lang ngayon na ginawa o ginagawa pala yun ng mga bata. Haays. Pero kahit ganun e atleast naramdaman pa din natin maging bata. :D

    ReplyDelete
  2. Gusto kong maging bata. Na kung saan laging may rainbow ang buhay ng tao at kung saan masaya ang lahat tulad ng mga nakapinta sa pader ng eskwelahan. :)

    apir! ako habambuhay bata. parang peter pan.

    bata- yung pananaw sa buhay *sa lahat ng bagay may kasiyahan*

    matanda- mag-isip at magdcsyon. :)

    ReplyDelete
  3. Gusto ko ulit maging bata at MAGMUKHANG BATA. Haha. Para naman for a change magmukhang-18 ako.:P

    ReplyDelete
  4. Oo nga. Be childlike not childish in living your life.:)

    ReplyDelete
  5. Kaya nga gusto ko magmukhang-18. Ahaha. MUkha na daw akong may 3 anak.:P

    TAE SILAAA!!!!:)))))))))))))))))))))))))))))))))))))))

    ReplyDelete
  6. nung isang araw, tinanong ko yung pamangkin ko, sabi ko sa kanya: "Pei, anong iniisip mo ngayon?" Sinagot niya ko ng "Wala."

    Natawa talaga ko. Tapos naisip ko nga e, gusto ko ulit maging bata. Yung time na kapag nasugatan ako, okay na pag binigyan ako ng kendi, tapos hihipan at hahalikan ng mama ko yung sugat ko. Yung time na inis na inis ako kapag pilit akong pinapatulog ng mama ko sa hapon, yung pinipilit niya kong magbasa ng komiks para matuto akong magbasa (komiks yung samin para daw ma-enjoy at hindi ma-bore). Yung time na lahat ng gusto ko nakukuha ko sa iyak, hindi yung ngayon na kapag umiyak ako, hindi ko kasi nakuha yung gusto ko.


    tsaka yung time na, ang iniisip ko lang e kung barbie ba o lutu-lutuan yung lalaruin ko.

    hahaha.
    naunahan mo ko sa istoryang to. hehehe
    napahaba tuloy comment ko.
    hahaha

    ReplyDelete
  7. hahaha.
    onga pala, pati ako napasabi ng "18 ka palang pala."
    nyahahaha.

    3 anak?
    anlupet!
    hahaha

    ReplyDelete
  8. Ahaha. Hanep sa Facial Discrimination.

    Pero ito banat ko sa kanila. "Hindi nasusukat ang kahalagahan ng isang building sa facade lamang." haha.

    ReplyDelete
  9. Facial Discrimination.
    Ayos!
    Hahaha.
    Oi, pahiram ng line mo ha, lagi akong napapagkamalang mas bata sa edad ko. hahaha

    ReplyDelete
  10. Haha. Okay. Akma kasi yan sa amin dahil CE kami.:P

    bakit sino ang naggaganyan sayo? banatan naten?:)

    ReplyDelete
  11. madami nga e.
    haha.
    yung officemate ng Mama ko sabi ba naman sakin, "Paano ka mag-aaply nyan, mukha kang high school?"
    Dinidiscourage pa ko! Haha.
    Madami yan nako, madami tayong babanatan pag nagkataon!

    ReplyDelete
  12. Nyak. Ayaw mo nun mukhang bata? Baligtad tayo. Pero oo nga. Baka di ka pagkatiwalaan dahil iisipin nila baka di ka pa marunong tumawid.:)) Wahahaha

    ReplyDelete
  13. Hahaha.
    Okay lang naman, flattering minsan.
    Pero kung puro ganon, diba? Nakakainis na din.
    In fairness naman sakin, di pa ko nasasagasaan, at nung one time na muntikan na ko, sa UP yun e, ang gwapo pa ng driver. Nyahaha.
    :))

    ReplyDelete
  14. Haha. Kwela lang.Dapat kinindatan mo. Ako din di pa ako nasasagasaan. Sana masagasaan ako ni Taylor Swift na sakay siya ng kanyang White Horse.:))))))

    ReplyDelete
  15. Haha. Na-starstruck nga ko. Siya yung ngumiti sakin. Hahaha. Sakay ng White Horse tapos naka-wedding gown na siya, background music Love Story? Hahaha.

    ReplyDelete
  16. Susunduin niya nga lang ako sasagasaan pa ako.:))

    ReplyDelete
  17. Pero magigising ka naman sa huli e.
    Tapso, may amnesia ka na.
    Hahaha

    ReplyDelete
  18. IMbento din yung amnesia. Haay! Sana di na lang ako nagising. *emo mode. Ahaha

    ReplyDelete
  19. Hahaha.
    Di ka nagising nung sinagasaan ka na niya?
    hahaha.
    Diretso na sa langit pag nagkataon.
    emo?

    ReplyDelete
  20. Oo nga. Nako naman. Nakakapagod din huminga no.Haha

    ReplyDelete
  21. Napapagod ka huminga?
    Nako, emo na nga to.
    Hahaha.
    E, normal na yun sa tao e. tulad ng pagsway ng mga kamay habang naglalakad at pagkurap.

    ReplyDelete
  22. Nakow wrong timing. Nag-di-disconnet na anamn ang p*tang PLDT. Wadahel. KUn gkelan nasa zenith na tayo n gusapan. Anyway maya-maya baka mawal na rin ito kay asisiksikin ko na dito. Goodnight. Bukas ulit. Wah! Ngayon ko nalaman may mas makaka-accommodate pa pala ng kalokohan ko. Thanks for being one.:)

    ReplyDelete
  23. Haha.Ako din. Nakakamiss may kakwentuhan, mga kaibigan ko, bisi-bisihan na sa mga buhay nila. Hahaha.Sige.Sige, kapag nagkatyempuhan na OL pareho. Haha. Nakalimutan kong icomment dun sa kabila na, sayang kung andito ka lang sa Menila, sasabihin ko sayong manood ka ng Cinemalaya sa CCP. Dun maraming mga taong mahirap din i-please. At maraming pelikulang mape-please ka talaga. Haha. Too bad, I've got no money, walang pang-Cinemalaya! Haha. Night ulit!

    ReplyDelete
  24. Naalala ko tuloy yung HIrayamanawari, Sineskwela, Epol Apple, Pahina, Math Tinik, Bayani...
    Kabisado pa ang theme song..Haayy. sarap maging bata.

    ReplyDelete

Leave your mark.