7/28/2009

SONA 2009: This Made Me Smile

I have been fascinated by the Presidents' courage and superb intelligence. I never admired her like this until I had her SONA last July 27th. And I never imagined those conceited and deluded critics of her that way before. Revealing their selfish goals and political ambitions. I must say that she has been a good president. If not as the bestest. She stood modest and noble. I can't find any other words to describe and appreciate much how much she done in strengthening the country's economy. Bravo for her and long-live Philippines.

Here are her quotable quotes. You can use this as a reference.

"I had not done any of the things that scared my worst critics. “They are frightened by their own shadows.”

" A few days ago Moody’s upgraded our credit rating, citing the resilience of our
economy. The state of our nation is a strong economy
Good news for our people, bad news for our critics"

" I did not become President to be popular. To work, to lead, to protect and
preserve our country, our people, that is why I became President"

" Some say that after this SONA, it will be all politics. Sorry, but there’s more
work"

" I supported the tough version of the House of the Cheaper Medicine
Law, I supported it over the weak version of my critics.
To those who want to be President, this advice: If you really want something
done, just do it. Do it hard, do it well. Don’t pussyfoot. Don't pander. And
don’t say bad words in public."

" At the end of this speech I shall step down from this stage, but not from the
Presidency. My term does not end until next year. Until
then, I will fight for the ordinary Filipino. The nation comes first. There is
much to do as head of state to the very last day"

" As I said earlier, so
far we have been spared its worst effects but we cannot be complacent. We
only know that we have generated more resources on which to draw, and
thereby created options we could take. Thank God we did not let our critics
stop us."

" As the campaign unfolds and the candidates take to the airwaves, I ask them
to talk more about how they will build up the nation rather than tear down
their opponents. (applause) Give the electorate real choices and not just sweet
talk. (applause) Meanwhile, I will keep a steady hand on the tiller, keeping the
ship of state away from the shallows some prefer, and steering it straight on
the course we set in 2001"

" However much a President wishes it, a national problem cannot be knocked
out with a single punch. A President must work with the problem as much as
against it, turn it into a solution if she can"

" There isn’t a day I do not work at my job or a waking moment when I do not
think through a work-related problem. Even my critics cannot begrudge the
long hours I put in. Our people deserve a government that works just as hard
as they do"

" Everything right can be undone by even a single wrong. Every step forward
must be taken in the teeth of political pressures and economic constraints
that could push you two steps back if you flinch and falter. I have not
flinched, I have not faltered. Hindi ako umaatras sa hamon. And I
have never done any of the things that scared my worst critics so much. They
are frightened by their own shadows"

" In the face of attempted coups, I issued emergency proclamations just in case.
But I was able to resolve these military crises with the ordinary powers of my
office. My critics call it dictatorship. I call it determination"

" But I never declared martial law, (applause) though they are running scared
as if I did. In truth, what they are really afraid of is their weakness in the face
of this self-imagined threat"

" I say to them: Do not tell us what we all know, that democracy can be
threatened. Tell us what you will do when it is attacked"

" I know what to do: As I have shown, I will defend democracy with arms when
it is threatened by violence; with firmness when it is weakened by division;
with law and order when it is subverted by anarchy; and always, I will try to
sustain it by wise policies of economic progress, so that a democracy means
not just an empty liberty but a full life for all"

" I have never expressed the desire to extend myself beyond my term.
Many of those who accuse me of it tried to cling like nails to their posts"

" I am accused of misgovernance. Many of those who accuse me of it left me the
problem of their misgovernance to solve. And we did it"

" I am falsely accused, without proof, of using my position for personal profit.
Many who accuse me of it have lifestyles and spending habits that make them
walking proofs of that crime"

" We can read their frustrations. They had the chance to serve this good
country and they blew it by serving themselves"

" Those who live in glass houses should cast no stones. Those who should be in
jail should not threaten it, especially if they have been there"

" Today the Philippines is weathering well the storm that is raging around the
world. It is growing stronger with the challenge. When the weather clears, as it
will, there is no telling how much farther forward it can go. Believe in it. I
believe"

*Thanks to http://adonisjorda.multiply.com for sharing these facts.

7/24/2009

Gusto Ko Ulit Maging Bata

Gusto Ko Ulit Maging Bata

Tahimik na naglalakad sa magulong kalsada. Puno ng sasakyang nagmamadali. Nag-aantay na makatawid sa walong-linyang kalsada. Naisip ko tila napalaki, napakaingay,at napakagulo na pala ng mundo ko. Malayo sa karakter ng mundo ng aking pagkabata. Naisip ko tuloy na gusto ko pumasok sa drawer ng mesang kahoy ko. Sumakay at maglakbay gamit ang time machine. Babalik at mananatili ng matagal sa panahon ng aking pagkabata.

Gusto ko ulit maging bata. Maglaro maghapon, sumigaw, tumakbo at tumawa ng malakas. Matagal na rin na hindi ako nakapagbitiw ng malulutong na “Hahaha” dahil sa sobrang aliw. Gugulong at hihiga sa damuhan. Maliligo sa ulan. Makikipaghabulan ng mataya-taya. Maglalaro ng luksong-tinik, tumbang-preso, tanching, sipa, at payaw. Bibili at susugal sa teks. Mag-iipon ng tansan ng redhorse, colt 45, mirinda, fanta, mountain dew, coke, at 7 up at gagawing pamato ang tansan ng patis. Gusto ko ulit maging bata. Maglalaro ng ungguy-unggoyan, uno cards, at super trump. At kapag ako’y tinamaan ng kagaguhan, kukuha ako ng Bibliya, barya, at maghahanap ng mga kasama. Hawak-kamay, pipikit, at maglalaro ng Spirit of the Coin. Gusto ko ulit maging bata. Magpapalipad ako ng saranggola sa mahanging Setyembre, magpapaanod ng bangkang papel sa Oktubre, at mangangaroling sa buwan ng Disyembre.

Gusto ko ulit maging bata. Panahon ng aking buhay na kung saan Rated G ang pwedeng panoorin. Manonood ako ng Mojacko, Dragon Ball Z, Shaider, Cedie, at Doraemon. Manonood ako Kakabakaba, Nginig, at Wag Kukurap. At Kapag lumabas na ang multo, tatakpan ko ng aking dalawang kamay ang aking mga mata at sisigaw ng “Tatay!!!Mama!!!”. Gusto ko ulit maging bata. Babalik ako sa panahon na kung saan naniniwala pa ako sa fairy tales. Takot magsinungaling at magmura dahil baka lalabas ang diwata at gagawin akong palaka. Gusto ko ulit maging bata. Dahil hindi ko na kailangang magpuyat gabi-gabi para matuto ng husto. Madalas marami nang dapat matutunan sa cartoons. Gusto ko ulit maging bata na kung saan ang mga palabas ay laging may moral lesson. Di man makatotohanan ang cartoons, naaaliw na ako dahil sa makukulay at nakakatuwang hugis ng mga ito.

Gusto ko ulit maging bata. Kung saan madali ang mag-aral. Kung saan ang pinakamahirap gawin ay magbasa, sumulat ng aking pangalan, at i-memorize ang multiplication table. Kung saan ang paborito kong libro ay ang librong dilaw ng Abakada. Babalik ako sa panahon na kung saan araw-araw may drawings at nagagamit ko ang mga Crayola na bili sa akin ni Mama. Gagawa ng paulit-ulit na ‘Ang Aking Naging Bakasyon’ at ‘Ang Aming Naging Pasko’. Babalik ako sa panahon na kumakanta ako kasabay ng mga kaklase ko ng ‘Chikading’, kasama na ang ‘Bahay Kubo’, at ‘Do-Re-Mi’. Babalik ako sa panahon na kung saan ang mga guro ay may tatlong klase: Mabait, Nakakatakot, at Halimaw. Babalik din ako sa panahon na may tatlong uri din ako ng mga kaklase: Mga Bati, Kaaway, at Uhugin na walang pakialam.

Gusto ko ulit maging bata. Babalik ako sa panahon sa ang sinasabihan ko lamang ng “I love you” ay ang aking mga magulang. Kung saan si Mama lang ang babaeng maaring halikan. Kung saan ang pinaka-romantikong magagawa mo sa sarili ay magkaroon ng ‘Crush’. Babalik ako sa panahon na kung saan kahit anong mali ang magagawa ko, tatanggapin ako ng mundo. Paulit-ulit. Kung saan kapag nasasaktan ako nandyan agad si Mama para patahanin ako. Yayakapin ako ng mahigpit, hahaplusin ang aking noo at hahawiin ang aking mga buhok.  Kakargahin ako ni Tatay sa kanyang balikat. Kikilitiin niya ako ng kanyang balbas. Sisigaw ako sa tuwa. Ngunit ipagpapasalamat ko iyon. Mga bagay na hindi ko na makukuha sa aking pagtanda.

Gusto ko ulit maging bata. Na kung saan laging may rainbow ang buhay ng tao at kung saan masaya ang lahat tulad ng mga nakapinta sa pader ng eskwelahan. Nagtutulungan, nagbabatian, at nagbibigayan. Kung saan kapag napagod na ako sa buhay, matutulog na lamang ako at gigising ulit kinabukasan. Kung saan lahat ng bagay ay masaya. Wala mang cellphone hindi ako nababagot o naiinip dahil palaging may panahon para maglaro. Kung saan ang trabaho ay laging magaan, madali, at masaya. Babalik ako sa mundo na naroon pa si Santa. Iinom ng gatas bago matulog. Panahon na hindi aburido sa suot kong damit at kung ano ang magiging hitsura ko. Tatawid sa magulong lansangan ngunit hindi ako mangangamba dahil hawak ako sa kamay nina Mama at Tatay. Babalik sa mundo na kung saan hindi nagbabago ang mga tao at hindi umaalis ang mga kaibigan. Kung saan ang lahat ng bagay ay payak. Gusto kong bumalik sa panahon na kung saan ang bawat istorya ay natatapos ng masaya, merong  ‘happy ending’  at ‘they live happily ever after’.

Ngunit lahat ng ito ay halusinasyon lamang. Mga bagay na makakamtan hanggang sa ala-ala na lamang at ngayo’y wala nang katotohanan. Mga bagay na masaya at mananatiling masaya na lamang. Mga bagay na lumipas na,  na tulad ng dumaang tren at hindi maaring bumalik pa. Kung magbabalik pa man o hindi na, wala ng makaaalam pa.

Intellectual Property Rights Reserved:
Carlo  Andrion y Hernandez
7. 24.2009

Published for: http://caloycoy.blogspot.com

Gusto Ko Ulit Maging Bata

Gusto Ko Ulit Maging Bata

Tahimik na naglalakad sa magulong kalsada. Puno ng sasakyang nagmamadali. Nag-aantay na makatawid sa walong-linyang kalsada. Naisip ko tila napalaki, napakaingay,at napakagulo na pala ng mundo ko. Malayo sa karakter ng mundo ng aking pagkabata. Naisip ko tuloy na gusto ko pumasok sa drawer ng mesang kahoy ko. Sumakay at maglakbay gamit ang time machine. Babalik at mananatili ng matagal sa panahon ng aking pagkabata.

Gusto ko ulit maging bata. Maglaro maghapon, sumigaw, tumakbo at tumawa ng malakas. Matagal na rin na hindi ako nakapagbitiw ng malulutong na “Hahaha” dahil sa sobrang aliw. Gugulong at hihiga sa damuhan. Maliligo sa ulan. Makikipaghabulan ng mataya-taya. Maglalaro ng luksong-tinik, tumbang-preso, tanching, sipa, at payaw. Bibili at susugal sa teks. Mag-iipon ng tansan ng redhorse, colt 45, mirinda, fanta, mountain dew, coke, at 7 up at gagawing pamato ang tansan ng patis. Gusto ko ulit maging bata. Maglalaro ng ungguy-unggoyan, uno cards, at super trump. At kapag ako’y tinamaan ng kagaguhan, kukuha ako ng Bibliya, barya, at maghahanap ng mga kasama. Hawak-kamay, pipikit, at maglalaro ng Spirit of the Coin. Gusto ko ulit maging bata. Magpapalipad ako ng saranggola sa mahanging Setyembre, magpapaanod ng bangkang papel sa Oktubre, at mangangaroling sa buwan ng Disyembre.

7/23/2009

Bangungot (Maikling Kwento: 2000 Words) (I need review, suggestions, opinions etc.)


Bangungot
Maikling Kwento ni:
 Carlo H Andrion

I

“Nabubuhay ang tao hindi para sa sarili niya, hindi rin para sa kapwa niya, at hindi rin para sa bayan niya. Kundi dahil may dapat siyang baguhin na siya lang ang makagagawa. Kung para sa sarili, kapwa, o sa bayan niya’y,  hindi na iyon mahalaga. Basta nakatulong siya minsan sa pagdaan niya dito sa mundo.” Nawika na lamang ng paboritong propesor  ni Rogelio sa Matematika  sa mga kamag-aral nito matapos sila mag-alay ng maikling dasal. Tahimik si Rogelio, nasa gilid ng silid-aralan habang patuloy sa pag-iyak ang mga kaklase niya sa kursong Engineering.  Dinig niya ang mga pagmamahal nila na hindi niya naramdaman bago ang kasalukuyan.

“Kung bakit ba naman kasi na hindi siya marunong magpaalam. Kung alam ko lang sana pinagbigyan ko siya na samahan pa siya para hindi na lang siya..hindi nalang siya…” hindi na natapos pa ni Liezel ang sinasabi.

“Tama na Liezel, hindi mo naman gusto ang pangyayari. Lahat tayo ayaw sa nangyari.” Nasabi na lamang ni Joyce.

Tahimik ang kababata ni Rogelio na si Reina sa mga litanya ng mga katabi niya. Tulala at gulat din sa masamang balita.

Walang kibo si Rogelio. Mukhang hindi siya apektado nito. Tila bagang walang emosyon na nagmamasid sa iniwan niyang mundo. “Saan na kaya ako pupulutin.” – natanong na lamang niya sa sarili.

“Sir, hindi pa rin po daw nahanap ang nakasagasa kay Rogelio. Kahit ang pamilya ng batang iniligtas niya’y tumutulong na rin sa paghahanap sa nakadisgrasya sa kanya.” Hirit pa ni Clinton. Ang minsa’y taong madalas niyang makatunggali at salungat sa lahat ng gusto ni Rogelio, ngunit nagbigay simpatya sa taong naging malaki ang ambag para sa kanya. Hindi niya man maamin ngunit marami siyang natutunan kay Rogelio simula ng nabuhay ito.

“Tsss!. Dapat nga masaya kayo ngayon dahil wala na ako. Haaay. Kung ganyan lang sana kayo noong buhay pa ako. Tsk tsk” pumapalatak siya sabay buntong-hininga. Bagay na nagpahiwatig na hindi siya paniwala sa emosyon ng mga dating kasama.

Nasa isang sulok si Mart. Matalik na kaibigan,kababata, at kaibigan ni Rogelio. Hindi interesado sa pinag-uusapan dahil alam niya na hindi rin naniniwala ang yumaong kaibigan sa nangyayari. Inoobserbahan niya ang yumaong kaibigan na nakabantay sa klase. Nagkatitigan sila. Doon nalaman ni Rogelio na may third eye pala ang kanyang kaibigan. Umalis siya. Hindi siya tumakbo ngunit hindi rin naman siya naglakad at lalong hindi rin naman siya gumulong. Ramdam ni Rogelio ang kakaibang liksi at bilis. Bagay na hindi niya natunghayan noong buhay pa siya.

 “Bilis ko ha. Para akong  si The Flash. Hanep toooh! Ooops! Nandito na pala sa bahay ang bangkay ko.”  Biglang nalungkot ang tono ng kanyang boses.

Namumutawi ang pagkalungkot sa buong bahay nila. Panghihinayang sa isang pangarap na hindi na matutupad. Malungkot ang mga kaibigan nito at pamilya sa sadyang biglaang pagkawala niya. Ganoon din naman ang mga nakasama niyang Kabataan na taga-barangay nila na natulungan niya sa maliliit na mga bagay. Nandoon na rin ang mga kasama niya sa school organ nila dala ang compilation ng lahat ng artikulo at sulatin na nagawa niya na nalimbag sa papel man o sa kanyang site. Dala ang milyong pakikiramay ng mga taong pumuno sa bahay nila at umukupa ng kalahati ng kalsada, namangha ang binata.

“Cool. Daming bulaklak ha. Ito ang una at huling makakatanggap ako ng bulaklak galing sa mga taong nagmamahal sa akin.”

“Ahhhhh!” napasigaw sa lamig ang ale na nakiramay nang tumagos siya sa kaluluwa ni Rogelio.

“Tumabi ka kasi.” Wika ni Mart na nakamasid sa pangyayari.
“Nakikita mo ako?” sagot ni Rogelio
“Naman. Kaibigan kita eh. Bakit masaya ka sa pagkawala mo?”
“Para kasing panaginip lahat eh. Bangungot pala. Hirap paniwalaan.”
“Hindi ka ba natutuwa sa mga taong nagmamahal sa iyo?”
“Ewan. Kung sa pamilya ko eh medyo naniniwala na ako. Sa mga  kaklase natin parang wala. Crocodile tears ang mga iyan.!
“Siguro di pa nga maliwanag sa iyo ang lahat.” Panapos ni Mart habang natigil sa pagsasalita dahil sa mga taong nakakakita sa kanya.

“Sundan mo ako.” Utos ni Mart sabay alis ngunit tangan ang tingin ng mga taong nahihiwagahan sa kanya.
“Naiintindihan na kita.” Wika ni Rogelio sabay sa pagtulo ng luha.

“Ang akin lang naman kasi bakit ba hindi nila ako pinahalagahan gaya ng pagpapahalaga ko sa kanila noong nabubuhay pa ako?! Dagdag pa nito.

“Talagang ganyan ang tao. Hindi nila naipapagpapasalamat at napahahalagahan ang kung anu-ano at sinu-sino ang mga nakapaligid sa kanila kung hindi muna ito mawawala. Ngayon wala ka na sa amin. Nalaman mo na rin na kung gaano ka kahalaga sa akin, sa kanila, sa amin. Malaya ka na sa mapait at pahirap na mundo. Kung saan ka man makakarating mag-iingat ka palagi.” Hindi na naiwasang mapahagulgol ni Mart at mapalupasak sa lupa mula sa pader na pinagsasandalan niya.

“Makakasama mo na ang ama mo, at ang Ama natin. Nawa’y maging mapayapa ang iyong pag-alis utol. Hintayin mo ako ha? Di na rin siguro matagal iyon.” Humahagulgol pa rin si Mart.

II

Bumalot na ang gabi. Nawala na si Rogelio. Ngunit naroon pa rin si Mart. Tulala at malalim ang iniisip. Tila wala sa sarili.

Dumating na rin sina Reina, Liezel at Joyce sa burol kasama ang buong klase sakay ng bus ng kanilang pamantasan. Alam nilang naroon si Mart ngunit hindi nila makita. Tumungo si Reina sa paboritong lugar ni Rogelio noong bata pa sila. Hindi siya nagkamali dahil naroon pa rin si Mart na ilang oras nang hindi tumitigil ang pagdaloy ng luha sa kanyang mga mata. Bahagyang tinitigan ni Reina ang mukha ng kababata. Namumula ang paligid na kanyang mata. Halos pumikit na sa sobrang kaiiyak. Naliligo sa luha ang mukha nito at basa na sa pinaghalong pawis at luha naman ang kwelyo. Nabalot ng awa at kalungkutan ang pagkatao ni Reina. Iyon ang unang pagkakataon na nakita nito ang kababata na umiiyak.

“Alam ko masaya na siya kung nasaan man siya ngayon. Dapat ay maluwag na nating tanggapin. May sarili tayong buhay Mart. Tapos na ang kanya. Kung titigil din tayo sa paglaban, papaano naman ang mga taong nakapaligid sa atin? Paano ang pangarap nating tatlo? Alam ko na alam mong pareho natin kailangang ipagpatuloy ang mithiin niya. Hindi dapat ito matapos sa pagkamatay niya.” Paliwanag ni Reina habang unti-unting tumatango si Mart.

Pinunasan nito ang kanyang sarili. Tumayo sa kinabagsakan. Hudyat na marahil na dapat nang simulan ang marapat. Iniabot ni Reina ang kamay upang alalayan ang kababata. Naiyak sa pangyayaring kinasangkutan niya sa binata dahil kahit mismo siya ay hindi niya pa rin lubusang maintindihan ang mga pangyayari.

Sumilip sila sa kahon ng kaibigan, maayos ang pagkakalagay sa kanya. Taglay ang magaang ngiti na pumapawi sa hinagpis ng kung sinuman ang makasulyap. Nasa ibabaw ng kahon niya ang mga naisulat nito, larawan kung saan nakadamit ng pormal at masayang-masaya.  Usap-usapan sa labas ang paraan ng pagkamatay niya. Marami ang humanga at marami rin ang nanghinayang sa kung anong uri ng mamamayan ang ipinamalas niya noong nabubuhay pa siya.  Wala ang kanyang ina. Nasa loob ng kuwarto at tuloy pa rin sa paghagulgol. Bagaman mahina, dinig ang garalgal na sagot ng kanyang nakatatandang kapatid sa pagsagot kung kailan siya ililibing.

“Sa maaakaaaalaaaaawa ho.”

Ilang oras ring naglagi ang mga ka-eskwela ni Rogelio. Alas-onse na ng umalis na sila. Naiwan pa rin si Mart at walang balak umalis.

“Hindi ka pa ba uuwi.” Mahinang tanong ni Reina
“Dito pa ako, marami pa kaming pag-uusapan.” mahinang tugon naman ni Mart

Napatango na lamang si Reina, alam na nito ang ibig sabihin.

“Tawagan mo lang ako kung may problema.” Sabay talikod  kahit labag sa kalooban na iwanan ang natitirang kababata.  Umiiyak ito na papunta sa bus nila at pilit pinalalakas ang sarili para magtibay.

Matagal hinintay ni Mart bago niya uli nakita ang kaluluwa ng kaibigan.

“Kamusta?” pambungad na tanong ni Mart.

“Kung maibabalik ko lang sana ang panahon…” tugon ni Rogelio.

“Nakita mo na! Marami ang nagmamahal sa iyo. Marahil nahihiya lamang sila na ipakita. Ngunit ito ang sasabihin ko sa iyo kapatid, mahal ka namin ni Reina higit pa sa pagmamahal na maaaring maibigay ng isang tunay na kapatid.” Hirit ni Mart.

“Maraming salamat at nakilala ko kayo ng maaga ni Reina. ‘Tol hindi ko alam kung makikita mo pa ulit ako ng ganito. Pero pakiramdam ko na may parang humihigop na sa akin papunta sa isang lugar na hindi ko alam. Kung makakausap ko ang Diyos para makahiling na mabuhay pa sana ako… Tatapusin ko ang dapat at mamumuhay ako na parang limang minuto na lang ang itatagal ko. Marahil sa ganoong paraan gagawin ko na lamang ang mga bagay na dapat.” Nasabi na lamang ni Rogelio sabay iyak.

“Huwag ka nang umiyak. Naging maganda naman kahit papaano ang buhay mo dito. Kung maibibigay ko lamang sa iyo ang akin para maramdaman mo ang pagmamahal nila…” malungkot at balisa na pampalakas-loob ni Mart.

“Basta tandaan mo, saksi ang langit. Hangga't maaari at may pagkakataon, ililigtas kita kahit na paulit-ulit.”Ang panapos na wika ni Mart habang tinitignan ang unti-unting pag-alis ni Rogelio. Ang paghigop sa kanya papunta sa kawalan. Tuluyan na talagang nagpaalam si Rogelio at wala nang tiyak na panahon at pagkakataon kung magkikita pa sila nito.



III

“O saan ang punta natin ngayon?” tanong ni Mart.

“Alas-diyes na. Kailangan ko nang umuwi. Ihatid niyo na lang ako.” Sagot naman ni Reina.

“Halika ihatid na natin siya.” Aya ni Mart sa isang katabi.

Naglakad ang magkakaibigan. Sampung minuto, narating nila ang sakayan. Nagpaalam si Reina sa dalawang lalaki. Hindi mapakali at binigyan ng pinakahuling ngiti at kaway bago tuluyang maghiwalay ang kani-kanilang landas.

“Bakit tulala’t balisa ka? May problema ba?” tanong ni Mart sa kasama.

“Wala naman. Parang iba lang ang pakiramdamam ko ngayon.” Sagot ng kasama nito habang pinagmamasdan ang ang anino nilang pareho na gawa ng dilaw na ilaw sa gilid ng kalsada na unti-unting pumapalayo sa kanila.

“Alam mo, malapit na ako umalis.” Panggulat ni Mart.

“Saan ka pupunta?” matumal na sagot ng kaibigan nito.

“Sa ibang bansa. Lilipat na kami doon. Sayang nga nakalimutan kong sabihin kay Reina. Wala talaga ako sa sarili ko. Ang iniisip ko kasi dapat maibuhos ko na ang lahat ng oras ko sa inyo pareho. Labing-walong taon na tayong tatlo at simula ng matuto akong magsalita pangalan niyo na ang laging bigkas ko tuwing tinatanong ako kung sino ang mga kaibigan ko. Maaring hindi na tayo magkita at magkakasama ulit, kahit kailan. Kaya palagi mong iingatan si Reina ha? Alagaan ninyo ang isa’t-isa na parang tunay na magkapatid.” Nalungkot si Mart sa binitiwang salita.

“Ah...Oo.” sagot na lamang ng lalaki sabay tulo ang luha. Nakayuko at halos mawala sa sarili sa salitang narinig.

Maya-maya’y “Teka!!!!!” Tinulak ni Mart ang lalaki. May bumundol sa kanila. Malakas na pwersa, sapat na para maghatid sa kanila sa kanlungan ng mahabang pagkaidlip.

Lumipas ang maraming araw. Lumipas na rin ang panahon para sa burol. Nailibing na si Mart. Unti-unti nang naghihilom ang sakit ng pagkawala kasabay ang paglimot ng marami sa kabayanihang naipamalas nito. Kung meron man ang hindi pa naghihilom, ito ay si Reina. Nakadukdok ito sa tabi ng isang lalaking huling nakausap ni Mart bago mawalan ng buhay dahil sa aksidente. Tatlong buwan ng comatose ang lalaki. Nagising si Reina sa init ng sinag ng araw na likha ng isang dapit-hapon mula sa bintana ng isang ospital.  Kinausap niya ito tulad ng ginagawa niya sa mahabang tatlong buwan.

“Gumising ka na! Ayaw ni Mart na palagi kang natutulog diyan. Gumising ka na kaibigan ko. Gumising ka na Rogelio!” Basag ang boses ng dalaga habang sinambit ang pangalan.

Gumalaw ang lalaking nahimbing sa mahabang panahon. Gumising na si Rogelio mula sa mahabang bangungot ng nakalipas. Pawisan at hindi makapaniwalang masisilayan niya ulit ang mundo. Hindi niya naisip ni minsan na makakabalik pa siya sa panahong naiwan niya.

“Rogelio! Salamat at nagising ka na rin!  Salamat po Panginoon ko!” Wika ni Reina. Napalitan na ang luha ng kalungkutan ng luha ng kaligayahan. Pinindot nito ang buzzer sa ulunan ni Rogelio para makatawag ng duktor at nars.

Nakangiti si Rogelio. Nakikilala niya pa ang kanyang pamilya. Ngunit may isang tanong ang nag-iwan ng malaking palaisipan sa ala-ala ng mahaba at malungkot niyang bangungot.

“Basta tandaan mo, saksi ang langit. Hangga't maaari at may pagkakataon, ililigtas kita kahit paulit-ulit. Ito ang pangako sa akin ng isang lalaki na nagligtas sa akin ng mamatay ako. Reina may kilala ka bang Mart?”

---

“Talagang ganyan ang tao. Hindi nila naipapagpapasalamat at napapahalagahan ang kung anu-ano at sinu-sino ang mga bagay na nakapaligid sa kanila kung hindi muna ito mawawala.” – Mart

WAKAS



All Rights Reserved:
Carlo Andrion y Hernandez
7.23.2009

Published for: http://caloycoy.blogspot.com

Bangungot




BANGUNGOT
Maikling Kwento ni Carlo H Andrion

"Ang pagkakaibigan walang pinipiling kasarian, walang pinipiling dugo, walang pinipiling pagkakataon, walang pinipiling panahon, walang pinipiling dimensyon."



“Nabubuhay ang tao hindi para sa sarili niya, hindi rin para sa kapwa niya, at hindi rin para sa bayan niya. Kundi dahil may dapat siyang baguhin na siya lang ang makagagawa. Kung para sa sarili, kapwa, o sa bayan niya’y, hindi na iyon mahalaga. Basta nakatulong siya minsan sa pagdaan niya dito sa mundo.” Nawika na lamang ng paboritong propesor ni Rogelio sa Matematika sa mga kamag-aral nito matapos sila mag-alay ng maikling dasal. Tahimik si Rogelio, nasa gilid ng silid-aralan habang patuloy sa pag-iyak ang mga kaklase niya sa kursong Engineering. Dinig niya ang mga pagmamahal nila na hindi niya naramdaman bago ang kasalukuyan.

7/22/2009

Tete-a-tete With a Virtualist

Tete-a-tete  With a Virtualist

Maraming milagro ang nangyayari sa isang webpage. Lalo na sa ym (yahoo messenger). Isang gabi habang tahimik na nagba-bloghop sa blogspot may nagbuzz sa YM. Tae siya. Sabi na ngang busy sa status nang-aabala pa. Pero dahil malakas siya sa akin, (dahil siguro pro-grammar siya,  anti text-talk at kontra sa mga sakit sa ulo na conyo) pinagbigyan ko na rin  naman.  

<.-.>: Hay! I would like to consume just a bit of your time.
Ako: Me? For what?:)
<.-.>: May itatanong lang ako sa iyo.
Ako: Ano iyan?:))
<.-.>: Ah mali. May mga itatanong lang pala ako sa iyo.
Ako: I suppose marami yan.:))
<.-.>: Dahil marami sisimulan ko na. Answer them briefly ha?
Ako: Bakit ang hilig mo sa “brief”.=))
<.-.>: Kupal ka. Full name?
Ako: Dahil pinagkakatiwalaan kita..
***Last message received on 1:04:56 AM
<.-.>: Bakit may iba pa ba?
Ako:  Carlo Andrion y Hernandez:)
<.-.>: Adik ka. Alam na ng lahat iyan. Naisumpa ka na nga sa campus namin dahil sa articles mo.=))
Ako: Talaga? Mabuti naman. Buhay pa rin pala ang witchcraft at wizardy sa mundo.
<.-.>: At showing na sila ngayon. Shet yan!:D
Ako: Tama ka. Shet=tagalong ng kalokohan.
<.-.>: Isang napakalaki.:P
Ako: Ano na? Para matapos na at ako’y matutulog na.
<.-.>: Oo nga pala. Tanga ko.  Posibleng mag-doubt ka sa mga tanong ko. Kaya ‘pag sinabi ko sayo sagutin mo agad ha at ‘wag ka magtanong  ng “Seryoso ka sa tanong mo?”
Ako: Mukhang madugo ‘to ah.
<.-.>: Hanggang sa blog mo na “Welcome to the Heartbreak” , nakapag-moved-on ka na ba?
Ako: Single and available.:))
<.-.>: Ahaha. Kakaloka. :D:D:D Random questions na lang ha.  Kelan ka nagagalit?
Ako: Ewan Kapag siguro di na nakayanan ng hypothalamus ko ang emosyon at ng cerebrum ko ang pag-intindi  sa mga bagay na dapat intindihin.
<.-.>:  Kelan ka umiiyak?
Ako: Pag gabi, malakas ang ulan, patay ang ilaw at tumutugtog ang Dance With My Father. Pwede na rin ang  3Gatsu 9Ka ng Remioromen yung OST ng One Liter of Tears.
<.-.>: Ganda noh??? Love ittt! Kelan ka Masaya?
Ako: Araw-araw. Wala namang araw na malungkot ang tao. Meron lamang Masaya, mas Masaya, at pinakamasaya. Kung malungkot ka ngayon ibig sabihin eh mas Masaya ka lang kahapon.
<.-.>: Bakit gusto mo si Doraemon?
Ako: Simple lang. Robot siya. Mapagbigay pero di mainggitin. Minsan nga naiisip ko mas may puso pa pala ang robot kung minsan. Minsan lang ha?
<.-.>: Bakit ayaw mo ng Twilight?
Ako: Dahil ayaw ko ng lason.
<.-.>:  Okie.:)) PUP or UP?
Ako: WDYM? (what do you mean)
<.-.>: Sino mas tipo mo?
Ako. Though pareho sila matalino, I would go for PUP. Masasalamin mo doon ang tunay na kalagayan ng estudyanteng Pinoy. Teka bakit walang PLM, MIT, o TIP man lamang sa pagpipilian?:)))))
<.-.>: Kung naglagay ako eh di useless ang tanong ko.:P:P:P
Ako: Next!:)))))
<.-.>: Sinong mayaman na as in ‘posh’ ang gusto mong tularan?
Ako: Bukod kay Jose Protacio Mercado Rizal y Alonso Realonda eh wala na. Siguro kung mayaman na si Bob Ong pwede din.:P
<.-.>:  Bakit ka nag-ba-blog?
Ako: Kasi marunong ako magcomputer at siguro dahil nabubuhay ako.
<.-.>: Kahit na nakakasakit na ng ibang tao?
Ako: There are no apologies for truth.:)
<.-.>: Bakit parang being a judgmental ang tema ng articles mo?
Ako: Kasi sinusuri ko ang mga bagay. Kung titignan ko lang ito at di susuriin, di hindi ko na lang sana tinignan. Nagiging analytical lang naman ako. At hindi ko tinatapos dun dahil naghahain naman ako ng sulusyon at nangunguha ng pagbabago.
<.-.>: Hindi mo ba kayang magbago mag-isa?
Ako: Kaya! Pero magiging futile kung ako lang. Kahit anong ganda ng gusto kong pagbabago magiging worthless ito kung wala akong kasama.
<.-.>: Sasamahan kita! Hahaha.  Sino ang bet mo sa Pres. At VP?
Ako: Di pa nagkompirma ang pinagkakatiwalaan ko. Pero baka di na rin siya matuloy dahil mahina siya sa media hype at malulunod din siya ng mga TV Ads ng mga trapo. Pero kung no choice sana mapag-isipan  ni Marvin Agustin at ni Tootsie Guevarra.:)
<.-.>: Bakit sila?
Ako: Nabasa mo na ba ang Ang Paboritong Libro ni Hudas?
<.-.>: A oo nga pala. Ang slow ko.:P:P:P Wahahaha. Kakaloka.
Ako:  Matagal pa ba??
<.-.> : Konti na lang.:P  Masarap bang maging Pilipino?
Ako: Oo naman. Parang ampalaya. Mapait pero masustansiya.:P
<.-.>: Waw! Eto medyo conservative na tanong. Naniniwala ka sa Pre-marital sex?
Ako: Wahaha. Sarcasm is all over the place. Oo. Kasi nangyayari eh. Baka naman kung pro ako? Isang malakeng HINDE! Siguro boto ako dun kapag morally upright na ang incest.
<.-.>: Anong religion mo? Nagagampanan mo ba nang maayos?
Ako: Catholic. Siguro OO. Humihingi ako ng tawad at nagta-tithe ako sa simbahan. Pinipilit kong maging mabuting halimbawa pero syempre nagkakamali din ako tulad nga mga pagkakamali mo.
<.-.>:  Humahalik ka ba sa rebulto?
Ako: Hindi. Mapait daw eh. At saka kung diyos yung mga bagay na yun bakit hindi sila tumutulong  sa mga nangangailangan? Katoliko ako pero ang Diyos ko ay nasa itaas.
<.-.>: Diba paborito mo ang Simple Plan? Ang mamahal ng album nila, Bumubili kaba?
Ako: Pinaka. Pero wala pa akong album nila kahit isa. May foundation naman kasi sila eh at dahil di ko ma-reach ang foundation nila idinedeposito ko na lang sa bank account ng Kapuso Foundation ang pera na sana’y pambili ko.
<.-.>:  Bakit mo paborito ang Champagne Supernova?
Ako: Ang kumanta kasi ay “Oasis”. Pangalan pa lang ng banda may magandang implikasyon na. Palaging may oasis sa disyerto ng buhay. Siguro yun kasi Champagne ang paborito kong alcohol, paborito ko rin si Super Mario at ang Nova. Kaya yun Champagne Supernova.:P Pero kung ayaw mong maniwala sa mga tsubibo ko eto kasi yung lines: “Someday you will find me caught beneath the landslide..” “How many special people change? How many lives live in strange..” “Cause we will believe that we’re gonna get and wait for the summer. ‘Cos you and I will never die, the world keeps spinning around we don’t know why...”  Gets mo yung lyrics?
<.-.>: Ahaha. Diba meron pang “why why why......hooooo-oooooh…” Ahaha.
Ako: Nagda-drugs ka ba?
<.-.>: Enervon! Ahaha.:P
Ako: zzzzzzzzzz….
<.-.>: O eto na pala. Hahaha.  Kung magiging libro ka ano iyon at bakit?
Ako: Pwede tatlo: To Kill a Mockingbird – Harper Lee,  Les Miserables – Victor Hugo, Lord of the Flies – William Golding. Para malaman mo kung bakit? Basahin. Kailangan mabasa mo sa sarili mo para maramdaman mo na dapat may mabago.
<.-.>: Okie. Eh sino naman ang mga influences  sa pagba-blog mo?
Ako: Leo Tolstoy, Mark Twain, Charlotte Bronte, Paulo Coelho, at sa mga tatlong nabanggit ko. Pero sa mga Pilipino sina Jose Rizal, Lualhati Bautista, Bob Ong,  Conrado Macapulay Jr.at ang mga bulok na Pilipino.
<.-.>: Sino yung Conrado?
Ako: Late EIC ng TIP Voice. Di kasi kailangan ng malalalim na salita para maging “magaling”. Lalo mo lang kasi ibinabaon ang kaisipang dapat mong ilabas.
<.-.>:  Ah sooo sorry. Sayang naman siya.
Ako: Oo nga eh. Sana hindi siya ang huli sa mga tulad niya.
<.-.>:  Eto nahuli pala. Naniniwala kang may diyos?:)
Ako: Kung wala kailangan ko pang gumawa para may rason ang bawat pangyayari sa mundo.
<.-.>: Sa mga atheists?
Ako: Hindi sila makakatapak sa mundo ko!
<.-.>: Oo nga. Sila kasi yung mga tao na ipinagpipilitan na maniwala tayo sa wala.  Paano kung nataon tayo sa World War II. Yung holocaust, pagpatay sa mga Hudyo? Would you die for your God? Country? Faith?
Ako: No. I WILL KILL FOR THEM.
<.-.>: Ahaha. Wagi!
Ako: Paano kung mamatay ka ngayon? May pagsisisihan kaba?
<.-.>: Wala akong pagsisisihan pero marami akong gustong balikan. Pero ang nakalipas ay lipas na. Dapat kong kalimutan at may natutunan.
<.-.>: May chastity ka pa ba?
Ako: nakow! Nakakagulat ang shifting ng questions mo. Chastity diba sa babae yun. Virginity naman sa lalake. ****censored****.:))))))))))
<.-.>: Ahahaha. Tawa ako ng tawa.:P Kailangan pa bang maging Congressman si Pacquiao para makatulong?
Ako: Hindi na kailangan. Pwede namang ipamudmod niya iyon sa pagpapaunlad ng lugar niya at pagpapa-aral sa mga Kabataan at mabuhay ng simple para makatulong. Kung wala kang magagawa kung nasaan ka ngayon wala kang magagawa saan ka pa man mapunta. Simple.
<.-.>: Oo nga noh? Parang yung mga trapo din? Kung talagang gagawin nila ang ipinapangako nila di dapat noon pa.
Ako: Tumpak! Akala ko ba konti na lang?
<.-.>: Konti na lang. Pramis. Naniniwala ka bang mababait ang mga matatalino?
Ako: Hindi. Kailangan pumili sila ng isa. Kilala mo si Einstein? Napakatalino pero hindi ko makita ang puso niya ng imbentuhin niya ng formula sa paggawa ng bombang atomika na pumulbos sa lungsod ng  Hiroshima at Nagasaki.  Kahit nung pinanood ko yung pelikulang Pearl Harbor naawa ako sa mga Japanese na namatay ng walang laban kahit na sobra ang pagka-villain nila sa istorya. Imagine, Lungsod ang binomba, City yun!
<.-.>:  Masaya bang mag-aral sa State Univ.?
Ako: Masaya kasi mababa ang tuition. Hehe.
<.-.>: Kahit na mahirap ang pinag-aaralan?
Ako: Wala namang madali sa taong buhay.
<.-.>: Bakit Masaya?
Ako: Simple lang kasi. Magsuot ka ng payak. Walang problema. Kahit nga bulok ang sapatos mo at kupas ang pantalon pwede dahil nagkakaintindihan din naman kayo.  Wala naman sa damit ang utak ng tao. At saka wala nang kaartehan. Midterms at Finals lang.  Di na kailangan ng maraming major exams para lang mapilitang magbayad ang estudyante. At ang mganda sa State Univ. pwede ang promissory note at maraming nagbibigay ng promo product. Last week  Gatsby, tapos chippy na green, at nova. Kahapon clear, ponds, at sombrero ng bigay ng isang kumpanya na nagpapautang ng motorsiklo. Sabi nga nung loko kong classmate “Wala bang frenzy?” Wahaha
<.-.>: Ahaha. Kewl. Eh sa mga posh na pumipila sa scholarship grants?
Ako: Mga sakit sa ulo. Tae sila. Para lang masabing  isko pumipila eh mas marami ang  ibang nangangailangan na nararapat. May mga DOST at CHED isko sa main pero yung pera na bigay nila ipinangbibili lang ng cellphone at ibang bagay na pwede namang mabuhay ng wala ang tao.
<.-.>: Eh sa pet society at  farm town?
Ako: Tsssss. Pwede magmura??? Di ako mahilig sa ganyang kababawan. Napaka-superpisyal na ng mundo.
<.-.>: Eh sa mga nag-gm?
Ako: Ok lang naman sa akin basta may kondisyon. Dapat may quote di lang yung simpleng “Haay kakain na naman ako. Soo nakakataba but I looove chocolates.”  Daig mo pa ang naka-ON sa fanatext. Waddahell. Anong purpose ng superficiality na yun?
<.-.>: Oo nga. Care mo ba sa kanila. Eh sa mga text-talker?
Ako: Alam mo na ang sagot dyan. Kaya nga complete ang words natin dahil complete ang utak natin.:P
<.-.>: OO nga. Nakakainis din kasi yun pewoh, akuh, poeh, muxtah,  nila. Mga inggrata.
Ako: Cool lang. Hehe.:P  Malapit na?
<.-.>: Malapit na talaga. Sa mga camwhore  sa multiply?
Ako: Ahaha. Good question. Mga narcissistic ba kamo?  Mukha nila! Ahaha
<.-.>: Oo nga. Wala kasing maisulat na sa blog kaya pinipuno na lang ng photos nila.
Ako: Minsan pa nga guestbook lang. E di nag-plurk na lang sana siya. Pero mas okey kung may sensible blogs at maraming photos pa. Tulad nila: *censored, censored*, *censored (Inalis ko yung link para di lumaki ulo nila.:P)
<.-.>: sa tingin mo matalino ka?
Ako: Hindi. Dahil marami pa akong hindi nalalaman.
<.-.>: Give me the best quote about humans
Ako: “If you pick up a starving dog and make him prosperous he will not bite you; That is the principal difference between a dog and a man.” – Mark Twain
<.-.>: Para saan ang porn?
Ako: Ginawa ang porn para may alam ka tungkol sa sex nang hindi nakikipagintercourse sa tao.:P
<.-.>: Well said. Naniniwala kang may kaluluwa tayo?
Ako: Ano ang matter?
<.-.>: According sa elem. Teacher ko. Anything that occupies space and has mass.
Ako: May damdamin ba ang matter? Namamatay ba ang matter? Nag-iisip ba ang matter?
<.-.>: Tatlong hindi. Ahaha. Great answer.
Ako: So di lang tayo matter. Meron tayo na gawa ng isang supreme being. Kaya nga naguguluhan ako sa mga thinker na sinasabing atheist sila eh sila ang nag-mold ng prinsipyo ng siyensya.
<.-.>: Feeling nila immortal sila. Ahihi
Ako: Kung ang mga romantiko nga hindi maipaliwanag ang mga napakadetalyadong pangyayari sa serendipity eh ang kalawakan pa!
Ako: Pagod na ako. Tulog na tayo.:)
<.-.>; Di pa tapos eh!
Ako: Next time na lang.:P
<.-.>: Sige. Ipapabasa ko ito sa prof ko. Hahaha
Ako: Di ipabasa mo. Gaganti ako.
*<.-.> is now offline

Ayan nakaganti na ako.:)

Ugali ko na kasi na mag-save ng coversations over YM. Mostly if it was interesting. Sarap basahin ng paulit-ulit.:)


Carlo H Andrion
7.22.2009

Published form: http://caloycoy.blogspot.com/2009/07/tete-tete-with-virtualist.html

7/18/2009

Eyebrow-Raising Scenario

This blog is a journal. (Absurd?). This is a compilation of my batting-eyelashes-for-a-cause encountered hitherto. Well, this is just another entertaining microcosm as per every one of you may view. But for me, this is just another comedy that was worth reminiscing, and eventually worth insulting. The following wrangling of words are true as far as the author is concerned.

My 25 Random Philosophy

Eerytime I was asked, “What do you live for?”, “Whom do you live for?”, and “Why you are living?” I can’t utter sensible answers. That was when I was in secondary. But now I have lots of them. Hitherto these are what I believe, my guiding principles. These are what I came to think after 18 years of staying alive except the ones that are quoted. I don’t own them that’s why I credited.

Philosophy is the study of general and fundamental problems concerning matters such as existence, knowledge, truth, beauty, law, justice, validity, mind, and language.Philosophy is distinguished from other ways of addressing these questions (such as mysticism or mythology) by its critical, generally systematic approach and its reliance on reasoned argument.
(on the picture) Plato and Aristotle. The Pioneers of Philosophy.

1. School discrimination: What college you go to, doesn’t matter as much as what kind of person you grow up to be. (Arnalie,2009)

Democracy is...I Do Not Know



Democracy is…

I have been bugging what’s this nine-letter-word means. Maybe for me the clearest and cleanest justification for democracy is what Abraham Lincoln stated when he served as the 16th President of the US, “Democracy is the government of the people for the people and by the people.”.That was also the same quote that my late father shared to me when I ask him what democracy is when I was a 4th grader. In the contemporary scene, democracy is now overrated and overreacted. Filipinos especially the anti-government politicians who used to be just a sponge absorbing fame and money complains about the invisible democracy leading today. The government today had just been a blaming pit for the national disgrace, decreasing literacy, and huge unemployment rate.

Philippines have been filled with demented, coward, and biased citizens. It is grueling to wait for a change. I remember the slogan “Ako Mismo…”. Many of my fellows took this as a fashion statement. The real meaning of this was being compromised. But for some who really got this seriously, it is just an overnight promise, the next morning we are still waking up on the same side of the bed. Some still don’t have the concern for their home country. It is just always a beginning for the change. I think change is inevitable and is constantly coming. But the real thing is, we are always on the same changing process but nothing has changed. If there are, I do not know.
I can’t write in words what democracy shall be. But I know what it is not.

Sino Nagsabing “Useless” ang Cartoons?



Isang umaga kausap ang isang kaibigan pagkadating sa eskuwelahan.

*****************************************************************
: O bakit ngayon ka lang dumating?
: Eh nanood pa kasi ako ng doraemon eh. Hehe
: Haha. Childish ka pa pala. I bet you should be reading
books than watching that pronky TV. I am tire of plain, dull, and similarly relative programming. Iisa rin yun kinahahantungan noon. Bummery.
: You are partially correct. Pero sana you shouldn’t threw prejudices on my choice of what I am going to watch. Hehe. Huwag ka magalit ha. I read books. Reading plus comprehending. Hindi ako childish, childlike is the word. Gets?!
: *smiles. Tara na ngarud. Pasok na tayo. Kanina pa inaantay