WARNING:
Pasintabi sa mga maaring mabulabog ang mga konsyensya. Ayos lang na magtaas ng kilay o manggalaiti sa iyong kinauupuan. Pinatunayan mong isa ka sa kanila. Hindi ko gustuhing ipahiya ang mga sumusunod o ipabatid ang alinmang masamang saloobin. Gusto ko lamang ipakita sa "kanila" kung papaano sila nakikita ng kapwa niIa Pinoy.
Hindi ko lang maarok ang mga babaeng conyo na nag-uusap sa isang convenience store.
SCENE 1: Meyer's Illusion
<o>: "O-EM-DYiiii!!! I got a kopya of Twilight DVD na na bigay ng Uncle ko from US. You know naman na wala pa naman 'to sa Pinas noh! So I'm gonna make tago this and lagay my name here, I won't pahiram this to anyone."
<i>: " Hey sis how about me naman? I introduced sayo yung book diba? That one that I bought worth P325 noh.! Kung di dahil sa akin, you won't gonna make kilala si Edward."
<e>: "(sisingit) Come 'on girls let's have our tambay sa starbucks na lang. So many tao na here. I can't breath na. Let's have a mocha frappes na lang. Mas sosyal pa dun kesa here. We're not bagay here noh. Perhaps I'll make some pagbabago sa multiply ko over my laptop."
*Umalis, nagkatinginan kami ni Mamang Guard habang pumapalatak. Ang mga mayayabang sumasakay din pala ng dyip. :))
Eh ano ngayon kung bestseller ang Twilight and etc. Does it make any sense kung isa ka sa mga nakabasa? Tataas ba ang IQ mo?, breeding mo?, bank account mo dahil dyan? You are draining your moral. We have excellent Filipino writers. Sana bago mo basahin ang libro ng iba, basahin mo muna ang libro mo. Manalamin ka kaibigan. Huwag kang magbulag-bulagan.
Pero teka para malaman mo, patas ako. Na-hypnotized ako isang araw. Bumili ako ng piratang DVD nung movie. Maganda ang movie. Noong part na in-anbuct na si Bella, nakatulog ako. Maganda siya para sa mga di makatulog na gaya ko. Sabi ng iba yun nga daw yung climax ng story. Pero nakatulog naman ako. Nagising na lang ako ng may kumatok. Pag tingin ko sa TV sumasayaw na sina Edward at Bella. Para maging fair ulet, barkwards naman ang ginawa ko. Then I found out na di rin naman pala ganun ka-worthy yung pinag-aksayahan ko ng oras. Doon ako unang nanghinayang sa kwarenta pesos. Totoo yan. Kaya pag pinag-uusapan ang Twilight ng mga kaibigan ko, lumalayo ako. Baka kasi maging alipin na rin ako nung author. Bibili ako ng librong di rin naman makakatulong upang maging mabuting tao.
SCENE 2: Rise of the Craps
Humanda ka na dahil naging movie na sya. Una nung naging movie yung The Da Vinci Code. Una kong nabasa yun sa tulong nung isang classmate nung highschool ako na anak naman ng isang Christian Church Minister. Magagalit daw tatay niya kaya sa school niya binabasa at di tinatanggal ang price tag na "National Bookstore: P325.00"
Pero isang chapter pa lang ako, agad kong itigil ang pagbabasa. Kaya nangailangan ako ng antibiotic kasi nanganganib ng matetano ang maliit kong pananampalataya. Bumili ako ng "Cracking the Da Vinci Code". Libro na kontra sa libro ni Dan Brown. Ayun buti di ako natuluyang maimpeksyon. Pero di yan yung kwento. Asa ka! Hahaa.
Pag may kakilala na nakabasa/nagbabasa niyan sasabihin niya, "Uy gusto mo hiramin pagkatapos ko? Ang cool. Eto yung Uso ngayon!" Pag tumanngi ka jologs ka na. Pag pumayag ka, patay kang bata ka. Kunwari binasa mo nga. Di mo naintindihan yung story kasi nga di mo naman trip basahin dahil pinagbigyan mo lamang. Kaya ang kinalabasan eh binasa mo yung libro dahil gusto niya. So ayun, magtatanong ka. Syempre para di ka mapag-iwanan. Sasagot sya, dapat binasa mo muna yung The Da Vinci Code kasi pre-requisite nya yan. Anak ng!, parang course may pre-requisite! So ayun nagmukha kang tanga. Hang on pa, meron pang take two yan.
Ngayon naman kung kasama mo siyang nanood ng pelikulang hango sa librong yan at sabihin na nating di mo pa kunwari nabasa yung nobela..."Ang ganda nung movie no?" sasagot yan, "Mas maganda yung nasa book kung nabasa mo lang. Ang dami kasing kulang sa film eh, Dapat gan'to, dapat gan'yan."
Waaah! Kawawang Pinoy kahit saan pumunta nagmumukhang tanga.
Muntik na akong maging ganyan. Napanood at nagustuhan ko yung Narnia at LOTR sa sinehan/DVD's noon pero di ko sila gagayahin, kaya di ko na lang babasahin o bibilhin yung mga libro nila. Amanos na tayo pare!
SCENE 3: School Stereotyping
Para sa akin ito yung nakakasindak. To all Taga-UP please don't take this personally. Di ko kayo nilalahat. Prove to me that you are really intelligent people. Thus you should understand. :))
*over YM when someone added me.
<visitor>:(BUZZ!) "anong school/course ka?"
<me>: (naks naman unang tanong school agad) *carl is typing a message
di pa ako nagkapagreply then...
<visitor>: "UP DILIMAN ako eh ikaw ano?"
I was just silent that time 'cos I know I have better thoughts in mind.
<me>: "I think my school and course will never define my abilities and my intelligence. My grades and my learning are not mutually exclusive. I am more than my transcripts will show. And for your info there are only 2 schools in Manila that I wish to study at. MIT and PLM. (Bitter ako dyan dahil di ako nakapag-aral sa UP. Di kaya ng parents ko eh) Kapatid di ka pa graduated pero binabagyo mo na ako. If you're being proud of your school then let it be. I know matalino ka pero you got it wrong what EDUCATION means. Don't insult me dahil ang bumuhay sa UP na pera for nearly a century ay pera ng mga PIlipino (I am aware that UP was not being subsidized now). Buwis ng mga magulang ko, pera ng karaniwang Pilipino. Asaan kayo ngayong naghihirap ang Pilipinas? Nasa kalye?, condo?, office?abroad? Asaan ang Lawyers nyo? Corrupt Congressman? Re-electionist mayor? Umeepal na senador? Nakakatakot ka kababayan."
* <visitor> is now offline.
Akala ko palaban eh ayun nag-offline. I know na OL pa siya nun 'cos I have a Buddy Spy App. Malalaman mo kung nagtatago o talagang Offline yung contact mo.
Halong inis at pagkalungkot ang naramdaman ko dyan. Yan ang eksaktong sinabi ko sa kanya. Binuo ko lang ang mga words para na rin sa iyo. mahal kasi kita eh.:P. Marahil dahil na rin sa damdamin kaya di ko na inisip ang mga sinabi ko basta diretso na sa pagta-type noon.
*********************************************************************************************************
Icebreaker: Kanina lang bago mananghali kausap ang kapatid ko.
<siya>: "kuya caloy bili ka nga ng repolyo at patatas sa kurbada."
<ako>: "ikaw na ah"
<siya>: "malayo eh, gamitin mo na yung motor."
<ako>: "isipin mo na lang namamasyal ka. maaga pa naman, aabot yan kapag kumulo na yung karne."
<siya>:"kapal mo naman, mag-uulam ka din."
* wala na akong masagot. iisip ng palusot
<ako>: "Di bale nang magdildil ng asin basta't may sariling bahay."
*di sya kumibo. ENDING- Nanalo sya, pupunta rin pala ako pinahirapan ko pa.:P
*Paningit para kay Lozada, Nagtataka ako kung bakit di sya dawit sa NBN Deal case para maparusahan? Porke ba't lumabas sya at nagsumbong eh exempted na siya? Sana kung nagkasala siya at nagsasabi sya ng totoo kasama niya dapat makulong ang mga sangkot pagdating ng panahon. Ang may-sala ay may-sala nagsumbong ka man o hindi. Huwag na siya magtago sa ilalim ng mga saya ng Madre. Kung talagang totoo ang sinasabi niya ay di dapat sya takot mamatay.:)
Sana wala ng mga kambal ang tulad nila. Kahit ganun sila di ko sila itinakwil bilang mga Pilipino. Dala kasi nila ang Nationality ko. Kaya ko ginawa ang blog na ito ay upang matigil na ang pagkalat ng damo at nang lumago na ang mga pananim sa lupain ng Pilipinas.
Pilipino ako! Ikaw? Saan ka Pilipino? Sa birth certificate lamang ba?
Bukas ay araw ng Kalayaan. Makibahagi ka! Pumunta ka sa Municipal/City/Provincial Hall para sa isang program. Sumali ka kung ikaw ay Pilipino!
Kung kelan uunlad ang Pilipinas? Hindi ko alam. Isang bagay lang ang sigurado sa mundo, ang pagbabago. Pero wala ito sa kalye, sa Court of Appeals, sa Kamara, sa strike, sa boycott. Dahil hindi mo hawak ang mundo pero may isang bagay ang maari mong mabago --- ang SARILI MO.
"Hindi iiyak ang daga kung hindi ito naiipit."
To react is guilty, To laugh sets you free.
Intellectual Property Rights Reserved (kung meron man) :
Carlo H Andrion
11.6.09
I love this part Ü ako pangarap kong mag aral ng PLM. haha.
ReplyDeletedude. pinost ko sa Facebook 'tong url ng Entry na 'to ha? Ang kewl kasi eh. hehe.
ReplyDeletesalamat sa pag-share ng mga yun.:))
ReplyDeletehaha. natawa naman ako. pero maganda rin naman yung twiglight saga ah. wala lang. i love reading books kasi. GUSTO yung kweto mo sa STEREOTYPING. haha. feeling nila. hahaha :p
ReplyDeletewaaa. 2 friends ko na sa Facebook ang nag Repost ng Link Ü
ReplyDeletetatawa na lang tayo pareho. let's see wala kung hanggang saan pasensya nila. matatalino naman talaga ang mga taga-up eh. really. yung iba lang. mali ang perception
ReplyDeletenako naman.:))
ReplyDeleteako rin eto yung pinakagusto kong part.:))
ReplyDelete"BE A BOOK WORM"
ReplyDeletelike "CARLO ANDRION"
pano kung sabihin kong matalino ako? taga-UP na ba ko? of course not. there are much better schools in the Philippines than the UP. feel na feel ang pagiging UP ng iba. haha LOL :D peace.
ReplyDeletewaw! biglang nagbago pananaw ko sa buhay a.. :)
ReplyDeletenaks! salamat dito. :)
allegory:
ReplyDeletecorrupt ang government dahil corrupt ang tao.
we are the government, the government is we.
and wala tayo karapatan magsabi ng "no hope"
there's always a hope for those who believe.
kung nawawalang na kayo ng pag-asa sa ating bansa huwag ninyo lalasuni ang mga taong nagpapakahirap para maiahno ang Pilipinas.
ang pilipinas ay ang iyong buhay kaya maging bayani ka ng sarili mong buhay. :))
hugs with much hope.:))
nako pasensya naman.:))
ReplyDeletehinay lang.:)
ReplyDeletengak! wala naman dapat ipagpasensya dun.:)
ReplyDeletebuti nga, maaga pa lang may mga bagay na kong nalalaman. :)
tama nga. hindi naman nasusukat ang kakayahan mo kung saan ka nga nag-aaral.
tama yan. keep up!
ReplyDeletekasi kung di ganyan ang mangyayari then wala ng future yung grad ng assoc course.:)
based on my reading and probably psychology that guy is not from up. its like some anorexic telling the world he is indeed anorexic when he really is not. honestly i'd say the same thing despite being a up student. ako nga nabobobohan sa sarili ko e dahil yung mga kasama ko hindi na tao. i'd like to ram him with his monitor just so he realizes UP was made to make the unearthly earthly. i applaud you for breaking the ice and being a nonconformist.
ReplyDeleteI knew him now. He's from UPD. 2rd year AB PolSci.
ReplyDeletedefine egotistic and bastos. he should learn from better professors.
ReplyDeleteegotistic- self-centered or conceited. yan ang pagkakaalam ko.
ReplyDeletebastos- Spanish na lang. BASTARDO.:))
pasensya na engineering ako eh. I don't exercise wrangling of words. Maybe what you've understand-that's it.:)
mali. kadalasan na mga bookworm, tulad ng pagbabasa ay tahimik lamang sa isang tabi. di kumukibo pwera na lang kung naiistorbo.
ReplyDeletekonti lang mga bookworm na isinasabuhay ang mga nababasa at natutunan sa nobela. :)
sila ang mga pilit kong ginagaya pero di magaya.:)
dude.., magpulitiko k nalang kaya.. ko campaign moneyger mu.. kaya hati tayo sa makukurakot!!!! hehehe!!!
ReplyDeletemasamang biro yan.
ReplyDeleteMahal ko ang Pilipinas kaya kahit na may pagkakataon di ko gagawin yan.
Yan ang sinumpaan ko noon at itataguyod ko hanggang may bukas.
dude.. nakapunta ka na ba sa Rizal??
ReplyDeleteaq.., bilang taga Rizal.., kontento aq sa pamamalakad ng mga ynares... know y? kasi kita mo yung mga nagawa nila sa alawigan.. pero.. maniniwala k ba na hindi sila nangurakot? hindi diba?
kung ngayon, nsasabi natin na kung tayoy my posisyon sa gobyerno., di tayo mangungurakot., pero tao lang tayo.., nadadrang din sa kasalanan.. pero., sa tingin ko.., kung mangungurakot ka.., wag mo namang sagarin.., kumbaga.. kung ano sa tingin mo yung dapat na bayad sa serbisyo mo, yun lang ang kunin mo.., pero siguraduhin mo na yung nagawa mo is ramdam ng nasasakupan mo.., nagagamit.., nakakatuong o napapakinabangan nila..
opinyon ko lang yan dude., pero wala akong balak maging pulitiko..
tol mababaril ka sa ginagawa mo, pero sige sama ako...
ReplyDeletekahit sa up diliman ako nag-aral at grumaduate maiinis pa rin ako sa kayabangan ng mga naencounter ni mr. andrion, lalo na si mr. 'eh-ikaw-ano?!' ano ba yan! nakakasindak nga!
ReplyDeletei think it depends on the person on how he/perceives life as a UP student. there are some who just live by UP's name, while there are some who lives UP by heart and soul.
ReplyDeletei agree. :)
ReplyDeleteeto lang, unang-una, bago natin husgahan ang isang tao, nawa'y nagkaroon na tayo ng pagkakataong alamin kung ano na ang mga nangyari sa kaniyang buhay-buhay. hindi mo lubusang makikilala ang isang tao kung hindi ka lulubog sa kaniyang kinalalagyan. nawa'y alam mo kung alin sa mga nabanggit mo ang tinutukoy ko.
ReplyDeletepangalawa, kapag nakapagsimula ka na sa sarili mo, wats the next step for you? makialam. makipag-ugnayan sa masa. gumawa ng aksyon.
ikatlo, pakibasa ng makasampung ulit ang iyong blog. maraming slamat.
ReplyDeleteparang sabi ng guard sa isang coniotic na estudiante
ReplyDelete:miss bawal po naka tsinelas
estudiante: Di mo ba alam naka havaianas ako?!
guard: TSINELAS pa din po yan, mam.
haha.. Pilipino ako. salamat sa iyong isinulat. inspiring
naks naman. suportado. binabaril na nga ako.:)
ReplyDeletetama yun nga po ang sinabi ko. hindi lahat ganun.:)
ReplyDeletebinasa ko po ito ng maraming beses. kilala ko yung student na hinuhusgahan ko. ikaw kilala mo ba ako?
ReplyDeletewelcome. kapwa ko pilipino ang inspirasyon ko.:)
ReplyDeletei'm very sorry i should've told you its a rhetorical question. its like an expression illustrating how that certain individuals embodies the adjectives that come after the word define. you dont have to worry i'm an engineering student myself.
ReplyDeleteCome on! To someone who posted this blog to http://yoopee.multiply.com Of course you might be a UP student. Plagiarism is the word. You don't even asked a permission from me to repost that. I must be CHEATED
ReplyDeletehttp://yoopee.multiply.com/journal/item/7731/Read_this_blog_UP_Pipz
I don't give a damn for you to react that way! It was clearly stated above "To UPians please don't take this personally. Di ko kayo nilalahat. Prove to me that you are really intelligent people. Thus you should understand."
Now the matter is, the proposition speaks for itself. I don't intend to insult anyone for in the first place I AM THE INSULTED. I WAS REPROACHED JUST BECAUSE I AM NOT STUDYING IN UP!
GOT IT! THIS IS JUST A STORY-TELLING blog. And not merely to have a DEBATE with you people!
So! I have said enough. This is an eye-opener! Kung di mo pa rin maintindihan STOP VISITING MY SITE! BLOCK ME IF YOU WANT.
again define disrespectful. maybe the re-poster wants others' eyes to be opened. well i guess true UP students will understand.
ReplyDeleteI know like you, they will. But he/she don't give a damn asking for permission. That was mine! Tsssss! Frustrating.
ReplyDeletehala cool ka lang dude. haha. XD
ReplyDeletetsss. ayan na nga binabaril ka! :)) LOL.
yaan mo na! hahah. ako nga hindi na kumoment eh *tsss*
"Hindi iiyak ang daga kung hindi ito naiipit."
hehehe. easy lang... ako din ata guilty sa pagtatanong kung saan ka nag-aral pero dahil yun kamukha mo kasi yung kaklase ko nung sa arki. :D
ReplyDeleteAnyways.. I understand your point. At naiintindihan ko din yung ibang nag-react.
And dun sa nag-repost, yeah, dapat nagpaalam nga..
coldtears wrote today at 9:30 PM
ReplyDelete"change" in isolation is futile.
Galing sa yoopee.multiply.com
((Kung binago mo ang sarili mo pero napapaloob ka parin sa sistemang kalunuslunos ang kalagayan, pati ikaw ay magiging "infected". Tandaan natin ang Polsci at socsi natin, ang tao ang gumawa ng gobyerno para silbihan ang interest ng mga tao. Kaya hindi totoo na sarili mo lang ang pwede mong mabago.
Mayabang nga talaga ang taga UP. tsk. Talino na hindi naisasapraktika. ))
>>Sarili mo lang ang mababago mo. Kahit na sabihin naitn na tao ang gumawa sa gobyerno para mapagsilbihan nag interes ng kapwa niy atao, SARILI mo lang din ang mababago. Nagbabago ang isang bansa dahil sa sama-samang pagbabago ng bawat mamamayan nito. Kumbaga nangolekta ka ng pagbabago para mabago ang isa pang malaking bagay. Kaya ang pinag-ugatan. SARILI MO LANG ang kaya mong baguhin. Di mo kayang baguhan mag-isa ang gobyerno dahil HINBDI lang ikaw ang gobyerno. KAY SARILI MO LANG ULIT ANG MABABAGO mO. INTIENDES???:))
pwede mag-react?
ReplyDeleteDi ako taga-Up. Thus, I was insulted.;)
ReplyDeletePatapangan! Bawal mag-delete ng comment dyan sa baba. haha. I am convicted to what I write. Kayo? Whom do you live for?
ReplyDeletehaha. Lol.
ReplyDelete"change" in isolation is futile.
ReplyDeleteKung binago mo ang sarili mo pero napapaloob ka parin sa sistemang kalunuslunos ang kalagayan, pati ikaw ay magiging "infected". Tandaan natin ang Polsci at socsi natin, ang tao ang gumawa ng gobyerno para silbihan ang interest ng mga tao. Kaya hindi totoo na sarili mo lang ang pwede mong mabago.
Mayabang nga talaga ang taga UP. tsk. Talino na hindi naisasapraktika.
-------------------------------
kinumpleto ko lang ang comment ko. Anyway, i'm not here for a debate. there's a space for comment below, i just decided to use it.
elaborate. na-insulto ka sa'kin? sori naman.. in what sense basically?
ReplyDelete`tsss may nagdelete ng comment! hahahaha. XD
ReplyDeleteandyan na si coldtears. hello coldtears! gusto ko ng debate! lol. joke lang. haha. XD
@janvic, hindi siya sayo nainsulto, i guess :)
hahaha. ako yung nag-delete.
ReplyDeleteKasi nga guilty ako sa pagtatanong ng school. Malamang isa yun sa nag-tulak sa post na ito. Stupid me. Wahaha. Pero seriously, wala naman akong agenda dun. Akala ko talaga kaklase ko siya last sem. ;D
hi! wahaha. natatawa lang ako.
ReplyDeletesupposedly dapat tulog na ako kanina pa. mga 8:30 tapos i checked yung yahoo mail ko sa phone. i read all the comments kaya bumangon ako at rumesbak.:))
wahaha. salamat sa pag-intindi.=D
haha. salamat.=D
ReplyDeletehindi. nung isa. hehe.:))
ReplyDeletesyempre magkaiba tayo ng pananaw. Naiitindihan ko naman ang pinaghuhugutan mo. Totoo namang may mga mayayabang na taga UP. Pero kalimitan, may maipagyayabang naman. :) peace.
ReplyDeleteRule of thumb in reposting stuff online is to copy excerpts link back. If it there was no attribution, or if there was false claim to authorship, then you can really cry plagiarism. Otherwise, it's "bad manners." =)
ReplyDeleteI also agree that "change in isolation is futile" (Coldtears, 2009).
Anyone who banks solely on his/her school's name for pseudo-superiority is nothing but weak. Cheers. =)
oo tama ka. marami akong kilala na tunay na matalino. ewan ko ba sa dami nyo yun oa nakikilala ko.:P
ReplyDeletehehe. eto ang totoo. saludo ako sa halos ng mga mag-aaral ng UP. talagang mataas kung maituturing. napatunayan ko mismo sa sarili ko ya,;))
hehe. ayos lang yan. sa lahat naman merong mga ganyag uri ng tao.. minsan kasi, lalo na yung mga bata, yung 'pride' ng pagiging UP ang pumapasok kagad sa kukote. In time, kadalasan nawawala yun kapag naintindihan nila yung bigat ng dinadala nila bilang pinag-aaral nga ng mga Pilipino.
ReplyDeleteAng problema, dahil sa isyu nga ng hindi pagsa-subsidize recently, karamihan sa mga kasabayan ko hindi na nare-realize na dapat pa din silang tumanaw ng utang ng loob sa bayan at paglingkuran ang lahat kahit na mahal na yung binabayaran.
Nakakalungkot lang kasi, tulad ng sa reaksyon mo, na mas marami na ngayon yung ginagamit nalang ang UP bilang pangalan at hindi na sa gawa.
pasensya naman. di ko nabasa yung blog na reposted kasi in the first place di ako UPian. So nangangapa ako sa dilim. Wala akong ideya na sinasaksak na ako o ipinapain sa pating. Tama! I do have bad manners. Who don't have?
ReplyDeleteBy this time, being bad was justified. And I can't even control or view the comments on the other site. Ni hindi makakilos para sa depensa.:))
:)
ReplyDeletewala nga naman talaga sa pinag-aralan ang sukatan...
nasa kung pano mamuhay sa anumang katayuan meron tayo...
di naman dapat pinagyayabang kung anung meron tayo dahil di naman natin makakamit yun kung di rin lang sa sakripisyo ng iba para sa atin... :)
sana maalala nga ng bawat isa sa atin ang tunay na kahulugan ng pagiging Isko at Iska :)
c",-/
"Bad manners" pertains to reposting without permission. Anyhoo. If you really stand by what you've written, then there's no need to worry about what's happening at the Yoopee multiply. You have way more replies here, mind you. There are 11 comments there, some have been reposted here.
ReplyDeletethanks for info.:))
ReplyDeletePEACE NA TAYO MGA TUNAY NA UPians!:))
salamat sa lahat ng naka-unawa. isang katangian na gusto ko sa mga taga-UP na di ko nakita sa iba. Di konsentidor.:))
ReplyDeleteyeahh..
ReplyDeleteganda ng blog mo..
tsk2. nagcomment din pala dito ung nagpost sa site ng yoopee. XD
ReplyDeletesalaaaamat!:))
ReplyDelete:))
ReplyDeleteang galing nya. wala syang info. di daw siya tao.:))
yung nagrepost ng blog ni carlo ng walang paalam.. Di tunay na lalaki... dahil ang tunay na lalaki nagpapa-alam.. maginoo..
ReplyDeletenakakaloka sa dami ng comments.
ReplyDeleteyung mismong post andami ko ng gustong sabihin.mas madami palang magandang sagutin sa mga comments sa taas.
hahaha.
una, naaliw ako doon sa mga conyo sa taas. masakit sa ulo ang taglish nila. nagnosebleed ako. although, marami na din akong naencounter na ganyan, nag-iinit talaga ulo ko.lalo nga sa bookstore, kapag nakikibasa ako. haha.
pangalawa.guilty ako sa scene two. yung part lang ng pagcompare sa book at movie. ewan ko ba, napag-aralan ko naman nung college na hindi dapat pinagcocompare ang isang medium sa isa lalo na't iba ang pagkaka-interpret nila, pero hindi ko mapigilan! haha. at alam ko namang mapeprejudice ako pero hindi ko mapigilan na hindi basahin ang libro nun. gusto ko kasi yung feeling ng natetest yung imagination ko at maicompare ito sa pagkaview naman ng direktor o ng author.
pangatlo. yung stereotyping naman among schools. hindi ako nakaranas firsthand, pero gusto ko lang ishare na nung first Grand Prix (PR event) ay nilait at kinuwestyon ng mga taga-up ang pagkakapasok ng PLM sa finals.ito ay shinare lang ng seniors samin before. mabuti na lang at napatunayan naming hindi man up ang eskwelahan namin ay tinalo namin sila noon. hehe *proud PLMayer.
kailan lang ay nagahahanap na din ako ng trabaho.nalungkot lang ako doon sa ibang mga trabaho na kailangan ng with experience, sobrang mangstereotype ang mga companies. i mean, in bold fonts, UP, La Salle and Ateneo students are encouraged to apply (abs-cbn site). naloka ako. napaisip tuloy ako, ano to? ano pang kinabukasan meron ang ibang graduates ng ibang school kung ganito ang mga pananaw nila?
salamat sa pagpopost nito. for some reason, naivoice out mo ang hindi masabi ng ilan dito.
:)
well,sana magreply ka din doon sa yoopee na site. it's always fun to have a healthy debate. Sabi nga sa UP, WE AGREE TO DISAGREE. hindi ko malalaman na may reply ka pala sa comment ko dun kung hindi ko tiningnan ang site mo. Infairness naman, nilagay niya ang link sa site mo. pero dapat nga nagpaalam siya. Ganun paman, napublilsh na ang napublish, what's left to do ay tanganan ang binitawang salita. ^_^
ReplyDelete"dahil ang tunay na lalaki nagpapa-alam.. maginoo.." ---> colt45 ba ito? Machismo, paternal, at patriarchal na lipunan nga naman talaga. tsktsktsk
tama! di pa siya nagpapaalam sa post ko nang-aaway pa dito. paano kung babae siya?
ReplyDeletehaha. ewan. basta isa siya sa mga nag-comment dito. Di naman ikaw diba chenny?janvic?:))
haha. omg carl ako ata. :o
ReplyDeletediako makapasok sa site niyo kasi. nagjoin ako altuohg not a UPian pero pending eh. takot sa outsiders.:))
ReplyDeleteHEAR!
ReplyDeleteyun nga nga eh. scene 3 yung pinansin. may disclaimer naman.wahaha.
ReplyDeleteIMAO, mga taga PLM ang pinaka-accomodating.
UP bilib ako kasi sila yung tipong di konsentidor sa ka-uri.:P
kaw naman. kasi yung ang perception nya na lalaki lang ang nakakagawa ng ganng bagay.:))
ReplyDeletehaha. kilala ko na siya. salamat kay tooot! pero di ko sya aawayin. friends kami. at babae siya di dpat patulan. dapat mahaaaaaalin!:))
ReplyDeletehindi tsong.. red horse yan.. XD.. easy pards...ice breaker lang..apir!
ReplyDeletehindi naman siguro takot. Kase naman si Bayani Fernandez ay kung ano anong pangangampanya ang ginagawa sa yoopee. Anyway, maraming punto sa blog mo na nais kong isaisahin. siguro sa susunod na pag marami akong oras. ^_^
ReplyDeleteeto ha, nakakainis na ang discriminasyon ninyo at paulit-ulit na pagsita sa kahinaan ng mga babae.
ReplyDeleteawww. hahaha. nagalit na siya. XD
ReplyDeleteSORRY! you got me wrong. NAging ganyan ba ang dating? Part ng being a gentleman na huwag pumatol sa babae. so ayun. no other meaning. sorry ulet,:)
ReplyDeleteuh-oh. pyudal pa rin :))
ReplyDeletenako naman. ginatungan pa. haay! hirapnaman nito oh. basta no other meaning na (period). sa ibang perception its all yours na. i hate steotyping na nga eh. ayun di magmumukaha naman akong copntradicting sa sinasabi ko. so contrary ulet to what it should imply.:)
ReplyDeletehahahahah. XD
ReplyDeleteang babae..tunay na lalake..dahil ang tunay na lalake mapagmahal at mapag-aruga.. XD..
ReplyDeleteoh well, madami tayo na-eexperience na bad-breath sa buhay..pero ganun talga eh.. ganun ang sistema.. shit happens ika nga.. peo pwede mong baguhin, simulan mo sa sarili mo..
Para kay Carlo.. Magingat ka..may pinadala ng hitman ang ?X#$@A... Titirahin karaw mamyang 1AM..para sa pagunita ng Araw Ng Kalayaan Ng Ating Inang Bayan. hehehehe.. Pard's Tapang mo! Apir!
niloloko ma kao. huhuhu!:))
ReplyDeletebinura ko na gna yung mobile number ko sa profile ko at set to private na. tako t ako sa threat.:))
ReplyDeletewahaha. FREEDOM IS PRICELESS--sarap ng democracy.:))
La libertres des prix!
ReplyDeleteoi hindi ako yun. hahahaha. (bakit ba parang laging guilty ang tono ko).. Sus.. eto na ang usapang lalaki at babae...
ReplyDeleteNaisip ko lang, di ba kapag merong gentleman, ibig sabihin may diskriminasyon pa din dahil kinikilala natin na mahina ang babae? Eh di ba nga gusto ng pantay pantay... May kaibigan akong babae, ayaw niyang tinutulungan ko siya magbuhat kasi nga 'pro-equality' siya..
onga eh.
ReplyDeleteiba din kasi pag nabanggit na yung school.
kahit sino siguro papalag.
haha.
oo naman, accomodating kami.haha.
in all fairness naman sa UP, mababit din yung karamihan lalo na sa mga events na walang competition.hahaha
:)
@janvic, agreee :))
ReplyDeleteand it comes with an enormous amount of responsibility... so go on express yourself.. and hence...expect to be killed for doing so.. XD..
ReplyDeletenakow..carlo hindi kana tunay na lalake.. "Under consideration" ka nalang.. ipublish mo address mo atsaka phone number mo..atsaka number ng nanay mo..para isumbong ka nila..ehehhe.. pag-ginawa mo yun..tunay na lalake kana ulet..
true. hehehe. sana ilabas nalang sa UAAP yung competitivity.. :D
ReplyDeleteayaw niya magpatulong?cool.
ReplyDeleteako nga naglalambing pa sa mga friends kong lalaki mapabuhat ko lang ng mga gamit ko.hehehe.
sa ibang bagay nalang dapat ipaglaban ang equality among genders.
UY! ininvite nya ako kaya bati na kami! thank you sa invi mo *****
ReplyDeletebakit OL buddy lang? we could be friends or more than friends (bestfriend).:))
o sha. tulog time. teka may aftershoock payata ang pagbangga ko sa pader.
La Libertes Des Prix!
Happy Independence sa lahat ng mga Pinoy! Bulok man o hindi!:))
eh kasi di ba ang ironic nung iba. May sisigaw, ipaglaban ang pagkakapantay-pantay ng lalake at babae! tapos biglang, paupo naman kayo, lalaki ba kayo? oh di ba...
ReplyDeleteunfair.. hehehe.
tama ka!:P
ReplyDeletepoint taken=D
haha.onga.
ReplyDeletepero out kami dyan kaya wala ko masabi dyan.
hehe.
okay naman talaga ang maging competitive eh, malalaman mo talaga kung hanggang san ang limitations mo. pero sana gawin in a nice way. :)
bukas 5 million na comments dito.. hehehe..
ReplyDeleteHaii... Kung ibabasura na ang Con Ass, as in now na, double independence day sana.. whu.. asan na nga ba ang independence sa ating bayan... [emo (//_-)]
haha.
ReplyDeletenaguguluhan ba kayo?
ganun ata talaga, mas marami pa din namang babae ang gusto ang napapamper kami. we're girls after all.
pero ayaw naming namamaliit when it comes to things na kayang gawin ng babae't lalake.
ewan, oo tama, ironic. magulooo!
hehehe.
may address pa naman. yung sa mobile number nakalagay."just ask me":))
ReplyDeleteonga ibasura.
ReplyDeletenakakalungkot lang, yung congresswoman namin, pumirma na,
tsk tsk.
HInde!!! Kung equal equal. Walang considerations. Hehehe. Pero since hindi nga maalis ang gentleman attitude, ilugar nalang kung san gagamitin.. Syempre uunahin kong paupuin mga matatanda..
ReplyDeletedapat meron.sa lahat ng bagay may exceptions diba?
ReplyDeletehahaha.
ayos, hindi ka kasama sa mga pumipikit kapag may matandang sumakay sa bus?
hahaha.
peace.
samin din. to think na former minority floor leader siya at distinguished opposition member. Nagtaka talaga ko.. hindi ko na alam kung sino iboboto ko..
ReplyDeletesa radio, minomock nung dj maynila.
ReplyDeletehaha.
bat daw pupunta pa sa rally e ibinoto na kami ni bonoan?
tsktsk.
si carlo iboto mo!
nyahaha
oi hindi. sa mga matatanda hindi talaga. Pero sa mga babae... hmmm... minsan talaga napapaisip ako kasi nga hindi ko matanggap na guso ng equality tapos ganun.. hehehehe
ReplyDeleteyesss!!!! whuu!!!! go carlo!!!! susuportahan ka namin!! hehehe. Ang buong UP ay nasa likod mo. hehehe. (peace offering)
ReplyDeleteintindihin mo na lang.
ReplyDeleteganun talaga.
e yun yung nakagisnan e.
kultura na.
naaamaze nga ko sa mga kaedad ko na nagbibigay pa rin ng upuan sa mga babae or matatanda pag punuan na sa bus e.
haha.
sorry guys, pero iba na talaga ngayon. hehe
tama na. hanggang SK Chairman lang ako for now.:))
ReplyDelete:))
ReplyDeletepinapasubo mo naman ako oh.;))
hello kuya. ako nagpost sa yoopee. sowee ulit. alam mo na yun. wala naman akong masamang hangarin e.
ReplyDeletehaha. CArlo Andrion for Congressman! akala ko matutulog ka na? LOL.
ReplyDeleteayos na sa akin. :))
ReplyDeletewe've learned our own lessons. plesa sagutin mo na yung tanongko sa PM. Pleassseeee.Puuuuleessssssz...:))
o, may million votes ka na from UP.
ReplyDeletehahaha.
not bad na yun.
hehehe.
:P
eh ankakakonsyensya na hindi magreple. ako pala yung topic.:))
ReplyDeletealam mo chenny parang mas nakilala kita ngayong gabi.:)) ambait mo pala kesa sa inakal ko.:))
pwera bola.XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX
qualified ka pa ba for SK Chairman?
ReplyDeletehahaha.
17 below lang yun oi.
hahaha
18 pa lang po ako. elected na ako.:)
ReplyDeletenakakataba ng puso.:))
ReplyDeletegaling pa sa mga Isko/Iska. at may isa pa galing sa dream univ ko. Pamatantasan ng Lunsod ng Maynila. Astig ang dating eh. tagalog kasi.LP
so pwede ka na ngang tumakbo sa 2010!!! whuu!!!
ReplyDeleteaw.
ReplyDeletehaha.
cool.
ayos. pagpatuloy mo lang yan.
hehehe.
kala ko mga around twenty ka na or something.
hahahaha
peace!
:)
pyudal!!! hehehehe. jina-judge mo. wahaha. joke.. sabi sa inyo eh. first impression dies.. (parang mali saying ko, hahaha)
ReplyDeletenyay! haha. ang kadramahan nga naman ni Carlo Hernandez Andrion. lol.
ReplyDeletetssss. pwera bola ka diyan.
di pa nga ako registered. ako yun gtagahakot nga magpaparehistro pero ako yung di pa registered. absurdity,.:))
ReplyDeleteyeah pyudal! LOL.
ReplyDeletenakakataba din ng puso na dream univ. mo ang alma mater ko.
ReplyDeletehaha.
usually, dream univ nila ung big 3 e. haha
anyhoo, imbyerna nga plm e, gusto gawing university of the city of manila, e ang ganda-ganda nga ng "Pamantasan ng Lungsod ng Maynila."
tsktsk.
awts. pero ok lang. mabuting magmukhan mature kesa magmukhang bata-mahat at mura pati na rin si dagul.:))
ReplyDelete1. scene 1... ang twilight at pagkahilig nang mga pinoy sa gawang banyaga ay produkto ng imperyalismong US at kapitalismo. Yan ang nakikita natin sa media eh. Maganda ang gawang abroad, maganda ang puti, maganda ang kahit na anong gawang amerikano. The women that you saw were mere victims of capitalism just like most of us. (Nag-enlish ako baka sabihin mong hindi ako marunong. hehehe) Kaya nga marami pang dapat imulat.
ReplyDelete2. Scene 2. Natuwa ako sa Angels and Demons. Binasa at pinanood ko at tunay nga naman na mas magandang basahin ang aklat. Anyway, as mentioned, it's all part of capitalism wherein everyone is told to work hard and buy more. What made angels and Demons special is that it touches in a sensitive issue of the validity of the Roman Catholic Church, it's all fiction anyway. I never do debates on issues of faith, it takes us nowhere.
3. Scene 3. May tshirt dati, ang sabi "UP ako, ikaw?". It's a private joke. Perhaps he should have opted to keep it private. Kung ang tanong mo ay kung nasaan ang mga taga UP ngayong naghihirap ang Pilipinas... ang mga taga UP ay kasama ng masa na naghihirap din. Maraming nagtapos sa UP at kung meron mang mga corrupt officials tulad ni Pangilinan at Escudero, double ang bilang ng mga taga UP na nagsisilbi at nag oorganisa sa masa. Tandaan natin that there is more that meets the eye. Hindi dahil sa hindi mo sila nakikita ay wala na sila.
4. Jun Lozada. Nakita ko siya noong nagpunta siya sa campus namin. At mind you, dapat siyang matakot. Kung kaya ni Gloria na ipapatay ang 900 na tao nang hindi siya napaparusahan, kayang kaya niyang patahimikin si Lozada. He should have been dead had he not sought the help of the nuns.
5. Bukas ay araw ng huwad na kalayaan. Ang Pilipinas at hindi pa ganap na malaya. Lagi parin tayong tuta ng US. Pansin mo? Kung anong gusto ng US, sinusunod ng bansa natin. tulad na lang nang pag ipit kay Nicole. tymawag lang si Obama kay Gloria, nag fly fly na si Nicole.
6. Pagbabago. Change we need? Uulitin ko. Change in isolation is futile. The strongest action is collective. Kung Pinoy tayo at sinasabi nating makabayan tayo, hindi lang pagbabago sa sarili natin ang ating hahangarin. Siguro ang tinutukoy mong pagbabago ay individual. Okay, tunay nga naman na kaya mong baguhin ang sarili mo. Pero hindi dapat doon nagtatapos. Tulad na lang ng sinasabi nung isang political party dito, we can do our part in climate change by throwing our trash in the right places. Pero kung titingnan mo, ginagawa mo nga ang parte mo pero may malalaking kompanya parin na nagttapon ng sandamakmak na basura dyan... Baguhin mo man ang sarili mo, hindi ito magmamater hanga't hindi nababago ang society. Kaya always, the strongest action is collective. When it comes to the point that the state tyrannizes its people instead of serving it, when the law that gives justice abridges your freedom, and when the armed forces who should protect the masses decides to attack it, what will you do?
-----
ayun. nakapagkape na ako.
6.
awts din.
ReplyDeletehaha.
ako lagi napagkakamalang highschool.
bwahaha.
:O
di ba may university of manila na? ang cool kasi ng president ng PLM... Pro-students talaga.. yung lawyer ni vicky belo. hehehe
ReplyDeletemas may dating ang PLM. basta makakilala ako ng mag-aaral nun "WOW" agad ang sabi ko. tapos "nakakainggit ka naman!".ayun.:))
ReplyDeleteyep.
ReplyDeletehands down kay sir tamano.
oozing with hotness pa!
haha.
kakaiba.
ramdam na ramdam ko pagbabago nung siya naging presidente.
ang cool sobra.
not so much lang being vicky belo's lawyer.
he can do so much better!
kailangan niya bilang publicity... tatakbo daw na senador eh.. sana paglingkuran niya nga ang sambayanan at wag magpakain sa sistema..
ReplyDeletesarap pa magbasa ng comments esp comment ni coldtears.
ReplyDeletegood night na. bukas nga 5 million na ito. hahaha.
bkas na ko na lang intindihin. antok na kao. :))
ReplyDeletesalamat sa lahat ng nagcommnet. add nyo ko friend kung gusto nyo. kung aywa nyo ok lang.:))
aw.
ReplyDeletedi naman siguro nakakainggit.
kaw na din nagsabi, wala sa school at transcript yan.
teka, san ka ba nag-aaral?
135 comments... hahaha.. dapat 'to ilagay lahat sa yoopee.. hehehe.. ako din nga sign out na.. :D
ReplyDeletesa US may accident... check nio sa YAHOO NEWS... isang White supremist sinugod ang Holocaust Museam.. Pinatay yung Black na Gwardiya...
ReplyDeleteAng topic ng blog na ito..nag drill-down na sa sexism..ehheehe... Mabuhay ang mga BABAE..Tunay kayong Lalake! Parang Inang BAYAN NATIN.. Pilipinas.. - para sa yo ang laban nato.. handang ipagtanggol ang tatlo bitwin at araw.
oo nga e.
ReplyDeletekinakampanya ko na nga sa pamilya ko.
hehehe.
nakakainis lang kasi showbiz, naloloka ako.
may pananaw pa man din ako na pag showbiz e nawawalan ng credibility ang isang tao.
naiinis pa ko lalo kasi pinag-ojthan ng friends ko yung pr firm na may hawak sa kanya, tas ganito.tsk.
pero mahal ko pa din si sir tamano kasi naman nakita ko kung paano niya pahalagahan mga students.
dyosko, laging nakangiti.
nakakatawa kami nung third year.
haha. simpleng nood pag nagdyigym sa PT department.
hahaha
aysus, subtle na pangangampanya na to ah.
hahaha
ewan ko sayu?
ReplyDeleteahmm..may iba pa pong term dun..
"be a wide reader"
galing talaga ng writer nating Eng.
heheh:D*
ohhh yan..naghahanap ka ng comment saken kahapon..
ReplyDeleteohhh tignan mu..
dagsaaan tuloy!!!!
bwahahaha:))* (evil laugh)
1. scene 1... ang twilight at pagkahilig nang mga pinoy sa gawang banyaga ay produkto ng imperyalismong US at kapitalismo. Yan ang nakikita natin sa media eh. Maganda ang gawang abroad, maganda ang puti, maganda ang kahit na anong gawang amerikano. The women that you saw were mere victims of capitalism just like most of us. (Nag-enlish ako baka sabihin mong hindi ako marunong. hehehe) Kaya nga marami pang dapat imulat.
ReplyDelete2. Scene 2. Natuwa ako sa Angels and Demons. Binasa at pinanood ko at tunay nga naman na mas magandang basahin ang aklat. Anyway, as mentioned, it's all part of capitalism wherein everyone is told to work hard and buy more. What made angels and Demons special is that it touches in a sensitive issue of the validity of the Roman Catholic Church, it's all fiction anyway. I never do debates on issues of faith, it takes us nowhere.
3. Scene 3. May tshirt dati, ang sabi "UP ako, ikaw?". It's a private joke. Perhaps he should have opted to keep it private. Kung ang tanong mo ay kung nasaan ang mga taga UP ngayong naghihirap ang Pilipinas... ang mga taga UP ay kasama ng masa na naghihirap din. Maraming nagtapos sa UP at kung meron mang mga corrupt officials tulad ni Pangilinan at Escudero, double ang bilang ng mga taga UP na nagsisilbi at nag oorganisa sa masa. Tandaan natin that there is more that meets the eye. Hindi dahil sa hindi mo sila nakikita ay wala na sila.
4. Jun Lozada. Nakita ko siya noong nagpunta siya sa campus namin. At mind you, dapat siyang matakot. Kung kaya ni Gloria na ipapatay ang 900 na tao nang hindi siya napaparusahan, kayang kaya niyang patahimikin si Lozada. He should have been dead had he not sought the help of the nuns.
5. Bukas ay araw ng huwad na kalayaan. Ang Pilipinas at hindi pa ganap na malaya. Lagi parin tayong tuta ng US. Pansin mo? Kung anong gusto ng US, sinusunod ng bansa natin. tulad na lang nang pag ipit kay Nicole. tymawag lang si Obama kay Gloria, nag fly fly na si Nicole.
6. Pagbabago. Change we need? Uulitin ko. Change in isolation is futile. The strongest action is collective. Kung Pinoy tayo at sinasabi nating makabayan tayo, hindi lang pagbabago sa sarili natin ang ating hahangarin. Siguro ang tinutukoy mong pagbabago ay individual. Okay, tunay nga naman na kaya mong baguhin ang sarili mo. Pero hindi dapat doon nagtatapos. Tulad na lang ng sinasabi nung isang political party dito, we can do our part in climate change by throwing our trash in the right places. Pero kung titingnan mo, ginagawa mo nga ang parte mo pero may malalaking kompanya parin na nagttapon ng sandamakmak na basura dyan... Baguhin mo man ang sarili mo, hindi ito magmamater hanga't hindi nababago ang society. Kaya always, the strongest action is collective. When it comes to the point that the state tyrannizes its people instead of serving it, when the law that gives justice abridges your freedom, and when the armed forces who should protect the masses decides to attack it, what will you do?
-----
ayun. nakapagkape na ako.
wow,ang cool ng entry nyo po...nagbago ang pananaw ko sa pagiging Pilipino...hindi lamang dapat sa papel ang pagiging Pinoy kundi sa gawa din...ako kasi passive eh...pero ngayon,gusto ko ng makibahagi sa ikauunlad na bansa...salamat sa post na 'to..XD
ReplyDelete*kuya, pinost ko po ung url nito sa facebook ha...astig kasi talaga eh...hehe
thanks. di lang ikaw ang gumawa nyan.:))
ReplyDelete(Di ko sinusukat ang katalinuhan ng tao sa paggamit nya ng Ingles.)
ReplyDeleteEto na lang ang sasagutin ko. Totoo. Kailangan natin ng collective change. pero sarili mo lang talaga ang mababago mo. ayon yan kay rick warren na napatunayan ko na rin. di mo mababago ang tao ng ayon sa gusto mo. kaya ang nararapat mong gawin ay baguhin ang sarili. makikita yan nga kapwa mo. gagayahin at doon magsisimula yung sinasabi mong collective. saan ba nagmumula ang isang matatag na bansa? di ba sa matatag na mamamayan? pero kulang ang sagot na iyan. nagmumula ang isang matatag na bansa sa mga mamamayang matatag ang sarili. maliliit na pinagsama para makagawa ng buo. maliliit na pagbabago mula sa bawat sarili natin para sa mas malaking pagbabago. ayun na siguro ang masasabi ko.
diba para ka makapagpakulo ng tubig kailangan mo ng apoy? apoy ng posporo ang bawat pagbabago na maiaambag natin sa sarili natin. pero pag pinagsama-sama ang mga apoy 90 milyon na palito, di na imposibleng mapakulo agad ang tubig sa banga. the power of little things.:))
saludo ako sa blog nato.
ReplyDeletemaaari ko bang ipost ang link sa facebook?
anyhoo, narinig ko langtong linyang toh:
Father to daughter:
"what college you go to doesn't matter as much as what kind of person you grow up to be."
makes sense :)
ok;. kaw bahala. others did that too.:))
ReplyDeleteyah. sensible. =D
agree ako sa 'yo kuya carlo.lalo na sa scene one.
ReplyDeleteisa akong aspiring writer kaso ayokong ipulish yung novels ko kasi wala namang babasa;
oo ngfa. di pa napagbibigyan ng pagkakataon rejected ka na.:))
ReplyDeletetama ka dyanb!naku kung ganyan di ko na gagawin yung part 2 ng novel ko.
ReplyDeletemga kaklase ko adik sa twilight..puro na lng ba twilight?
pag nasa bookstore ako yung english novels lang at pocketbooks na puro sex ang topic ang dinudumog.yung filipino novels?wala.linalangaw.
tama. pero tuloy mo lang. ipost mo sa site mo. for sure it will have time to be ripen.:))
ReplyDeletetwo thumbs up. =)
ReplyDeletegliiiing mo.. :)
thangkyo.:)
ReplyDeleteelow pare. :] andami mong pinalutang na issue dito sa blog mo. pang-personal at pang-bayan. di ko na sasabihin kung sang-ayon o hindi ako sang-ayon sa mga naisulat. *saludo* at *palakpak* ang gusto ko ibigay, dahil nakakatuwang isipin na ang mga kabataan ngayon bukas ang isip, hindi bulag sa mga pangyayari sa bayan, nagsusuri ng paligid at kahit sa maliit na paraan ay nakikielam para baguhin o impluwensyahan ang pananaw ng iba. :] apir tayo !
ReplyDelete:)). nakakataba ng puso.=D
ReplyDeleteAll-in-one blog. hehe. marami rin ako natutunan mula sa mga coments ng readers.
salamat sa saludo at apir.=D
Wow naman! Astig! Andaming comment!
ReplyDeleteParang blog na. :)
Galing-galing! :D
haha. di pa ba blog to? hehee.=D
ReplyDeletedami naintriga. 316 people viewed.=D
pa comment ulit. :]
ReplyDeletemay sagutan na dito haha! ibig sabihin lang madami apektado. di ba?
hmmm... atleast may pakialam rin sila.
sa wakas....
tayo kasi ang major cincers.-pinoy.
ReplyDeleteteka, pano ka nga pala napadpad dito?:))
nilagay ni jay-are (friend ko) ung link sa page ko. :) hmm... mahilig kasi ko magbasa-basa. aun. ^^, o dba ngayon konektado na! ^^,
ReplyDeleteyung jhay cenita? hehe. nako naman. wahaha.:))
ReplyDeleteopo sya nga. :]
ReplyDeleteteka nagmamasid siya.:)
ReplyDelete*salute.
ReplyDeletegalin tlga.
"I think my school and course will never define my abilities and my intelligence. My grades and my learning are not mutually exclusive. I am more than my transcripts will show."
AGREE. :))
grabe nabasa ko din mga comments at ung sa yoopee. hhe
thank you.:)
ReplyDeletefrom yupi ka rin ba>
teka padagdag.. 317 na.. sayang di aku umabot.. grabe ang lalakas nio.. thankful p aku at di aku umabot.. ahehehe.. wew.
ReplyDeletenice bro..you know what i really belive that you are genius in your own way...tma nga nmn wala sa pangalan ng skul para msabing matalino ka o mabuti kang studyante...kya nga i belive that i can be sucessful kahit isang College lang ang skul ko at indi university ang basihan ko e nag aaral ako at ako gagawa ng thesis ko diba...
ReplyDeleteabout sa novel mganda nmn tlga sya pero sabi mo nga mas maraming mggandang novel ang mga pilipino..and the truth is mas mahilig akong magbasa ng pocket book ns pinoy ang author kesa sa mga english romance pocket book.
go on with ur works there will always be some one who will be shakin with your blogs. proud ako pinoy ka. proud ako pinoy ako.
i will never forget this.:). thank you.=D
ReplyDeletenakakahiya naman yung UP student na 'yon. masyadong proud. pwede namang magpakumbaba.
ReplyDeletethe verb that he never acted upon.:)
ReplyDeletei'll just qoute from rapoy's blog "pass is pass". aahaha.
@ Rapoy: sarcasm hindi ba Rapoy?
same here=)
ReplyDelete2009 pa pala to o_O
ReplyDeleteAnyway, hindi ko matake yung mga ate na taglish mag-usap...ansakit sa ulo..grabe lang. It's bad enough that they speak like that. Tapos anyabang pa... Hope I don't get caught in that situation... It's either I'll laugh out loud or my ears will bleed. I choose to laugh XD
Nice entry :)
Hahaha. Yes. Last year pa.
ReplyDeleteThanks much! =)