6/25/2009
Sa Paglipad ng Maya
Biyernes, ala-syete ng umaga, nagising ako sa dahil sa alarm at sa mga huni ng maya na kumakatok sa bintanang salamin ng aking kwarto. Masakit ang buong katawan, ikaw ba naman ang matulog ng alas-kwatro ng umaga dahil lamang sa pesteng plano ng bahay na yan. Agad akong bumangon. Noon ko na naman naisip na kahit patay katawan ka, kaya mong bumangon basta bukas ang isip mo sa responsibilidad na haharapin mo. Lumabas ako sa asotea, (terrace). Dinama ang sinag ng makulimlim na umaga. Tumingala, iniunat ang braso at binuksan ang mga palad. Iniisip kong yakap ko ang Diyos at sabay nagpasalamat dahil sa panibagong simula sa piling ng mahal kong pamilya.
Ayos! Nakuha ko na ang momentum para simulan ang bagong pahina ng buhay. Naligo, kumain, dumating sa pamantasan bago mag-ikawalo. “Ayos! Maipapasa ko na rin.” Iyan ang naisambit ko dahil umabot sa due date ang bunga ng sakripisyo. Bonus na kapag pinuri pa ito.
Natapos ang kalahati ng araw. Nagpunta sa cafeteria. “Kakain na!” sabi ni Harllie na isa kong kamag-aral. Ako nama’y sabik na rin dahil kailangan magkalaman tiyan para bunuin ang magulong mundo ng matematika kinahapunan. Pribelehiyo kasi ng iilan ang makapili ng gustong pagkain sa oras ng kainan. Kaya nagpasalamat ako sa Kanya bago ako lumamon. “Ayos ka din ‘tol ah. Tatlong kanin, pagkain pa ba yan? Lamon na yan eh!” Sinuklian ko na lang ng ngiti. Hudyat ko na dapat na naming simulan.
Natapos kami at ang isang klase pa. Last minute review ang ginawa namin bago mag-ikatatlo ng hapon. Siguradong magiging madugo na naman ang quiz namin sa Engineering Mechanics. Dahil wala nang pumapasok sa utak ko, itinigil ko na. Hirap talaga pag night shift ka kung gumawa ng drawing. Doon ko naintindihan kung bakit kailangang maging overtime pay ang mga call center agents. Kape, kendi, at gardenia at dairy cream ang karamay mo bago mag-umaga.
May pumapasok sa pinto. Tentenenen! Si Engr. Servito! Anak ng bakang baog! Wala na talagang atrasan ito. Kung bakit ko nasabi iyon ito ang kwento. Dapat kasi Faculty Meeting ng Civil Engineering Department. Kaso mahal na mahal ata kami at nagpasya na lamang na ituloy ang bagay na hindi ko naiplano sa binubuo kong buhay kinagabihan. Hayuuun! No choice. Helpless na ako kaya last hope! Binuksan ko ang puso ko at nanalangin. Nagkumpisal na rin tuloy ako ng di oras. Ayon kasi sa pari na nagmisa noon, malakas daw ang prayer ng taong humihingi ng tawad.
Natapos ang quiz. Nasagutan ko lahat pwera lamang ang tanong ni Harllie, “ Sigurado ka ba dyan sa mga sagot mo?” Ngumiti na lamang ulit ako. Pahiwatig na hindi ako sigurado.
“Uwi na tayo! Bad shot!”
“Kaya nga eh, nakakasawa na ang pang-ugat (radical sign) at pauliting kabisa (exponential function) na ‘yan.” ani ko.
“Ayaw ko na maging maninipnay (math worker) ng guning bilang (imaginary number). Buti pa si Sir sipnayanon (mathematician) ng awanggan (infinity).” Dagdag ko pa.
Bukod roon sa mga nabasa mo eto pa ang ibang math translation: square root – pariugat, cube root – taluugat, square – parirami, cube – talurami, differential – tingirin, involution – balisultag, tangent – dikit, plane figure – lapyang laraw, probability – kalagmitan, factorial – bunin, at infinity – awanggan. Ngayon hindi lamang conyos at English ang nakakapagpadugo ng ilong.
Tumawid kami ng kalsada. Highway rather. More accurately killer highway, pero asa ka, di iyon Commonwealth. Nagulat siya ng makita niyang sumabay ako tumawid.
“O diba northbound ka? Dun ka sa kabila. Shoo! Shoo!”
“Mokong! May pupuntahan pa ako southbound.” Depensa ko.
“Aha! May kadate ka pala. Ako nama’y uuwi na.”
“Hindi no. Malaya na ako ngayon. Single and available kumbaga.” Sagot ko at sumunod ang malutong na tawanan.
“ Hindi naman kailangan magkaroon ng relasyon para masabing nagmamahal ka eh. Alam ko ang responsibilidad nun. Mag-aral muna tayo ‘bro at nang mapalinya naman din tayo sa mga future Engineers.” Dagdag ko pa.
“ O sha, ikaw muna ang mag-aral at ako nama’y sasakay na. Aradta adyay bus en ne! (Ilokano ng Andyan na yung bus eh)” yun na lang ang nasabi niya hanggang maghiwalay na kami ng mga landas ng araw na iyon.
Sumakay ako ng dyip at tumungo sa lugar na mapapalitan ng saya ang pagod at inis ko.
“Good afternoon Sir! Welcome to McDonalds! May I have your order please!” sabad ng isang cashier.
“ Good afternoon too! 1 large coke float at 3 large fries. Thank you!”
“Ok sir 1 large coke float and 3 large fries sir! Anymore po?”
“Except with 9 sachets of catsup and a sandobag for takeout.- No more.” (sabay kindat)
Naibigay niya lahat ng kailangan ko habang nakangiti siya. Syempre kontento din ako. Kung naranasan mo nang magtrabaho tulad niya, maa-apreciate mo ng husto ang mga accommodating at pasensosyong customers. Mga nakangiti at maintidihin. Ngiti mo pa lang madadaig mo na ang sweldo nila.
Nakuha ko ang gusto ko. Masaya ako sa pagkain. Reward para sa bad math exam at grueling drawing plan. Rewarding talaga. Yun ang akala ko. Pero nang may marinig sa kabilang mesa…
Grupo ng tatlong kababaihan kasama ang dalawang lalakwe na nag-uusap sa Ingles.
G1: “You know he was funny last night when we had our sleepover in our house.”
G2: ” Why?”
G1: “ I was famished that time so I ask him (L1) to call for a pizza delivery as I handed my phone”
G2: “Then…”
Sumingit ang may-sala…
L1: “ then I resisted and said You mean you are pushing me to talk to a minimum wage earner?”
G3: “Oh! You’re ruthless.”
L1: “ NO!!! It’s not that. What’s wrong if I just keep on telling the truth.”
L2: “Yah, you’re right!”
Nainis na naman ako. Dismayado sa kapwa ko estudyante sa pagiging marahas. Mahirap talaga kapag nabulag ka na ng edukasyon at kayamanan mo. Kung ganoon ang magiging kapalit ng edukasyon, sa tingin ko ay di ko na nanaisin na mag-aral pa. Iyan ang tanging naisip ko na lamang ng oras na iyon. Buti nga yung tao eh independent na samantalang ako palamunin pa rin! Sana alam nila ang mga sinasabi nila.
Lumabas na ako ng McDonals, malakas ang ulan. Mahangin. Nag-antay ako ng masasakyan na bus habang may lumapit sa akin sa bata. Isang bata na namumulot na mga basurang plastics. Ituturo ko sana yung mga grupo ng Kabataang tulad ko na nasa McDonalds pero huwag na lang. Iniabot ko na lang ang mainit na fires at ang natitirang coke float ko sa kaniya. Syempre, tulad ng ginagawa ko nakipagkwentuhan ako sa kanya.
Ako: “Malamig ha, Ok ka lang?” basa kasi siya noon at halkatang nanginginig.
Siya: “ Sanay na po ako.”
Ako: “Bakit mo ginagawa yan? Asan ang mga magulang mo?”
Siya: “Pangbaon po para sa Lunes at pangkain po namin mamaya. Pinatay po ang tatay ko. Labandera ang nanay ko. Gusto ko po kasi i-respeto ako kaya ako nag-aaral kahit sabi ni mama huwag na lang.”
Ako: “ Ah o sige pagbutihan mo ha. Basta maging mabait ka kahit ano mangyari. Kung may kailangan ka andun lamang ako sa kabilang antayan ng bus tuwing hapon bago umuwi.”
Siya: “Ang sarap pala ng Mcdo. Salamat po!” (Ngumiti lamang siya at tumatakbo habang iwinawagayway ang dalang sako sa himpapawid na tila bagang isang maya na papalipad na.)
Umalis siya ng may iwang pag-asa sa para sa ikabubuti ng buhay niya. At aaminin ko, mas naliwanagan ako at natutong iwasan ang mga reklamo sa kung anong meron ako gayong marami pala ang mga taong walang mga bagay na meron ako na binabalewala ko ng madalas. Tulad ng prinsipyo ng matematika, Lahat ng problema ay may tamang solusyon. Maski ang millennium problems (math problems na walang sagot) ay nasasagot din sa tamang panahon. Tulad ng maliliit na maya na nagdala ng pag-asa sa paggising ko kaninang umaga, tangay ng munting bata ang pag-asang nasa hangin lamang at nag-aantay sa akin para abutin at yakapin.
Carlo H Andrion
6. 25. 09
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Eto pala yun. :)
ReplyDeleteGanda ng pagkaka-connect ng maya sa pinaka-istorya.
"“ Good afternoon too! 1 large coke float at 3 large fries. Thank you!”"
-Wow! Lakas a! Kaya mong maka-3 fries. :)
Ganda talaga ng lesson na nakuha ko dito. :)
May magagamit ako para bukas. Panibagong araw na naman, pero sa school na. :)
Haays..
adiik lang
ReplyDeletefloat + fries = forever. pwede na ako mabuhay nyan.:)
11 na bakit gising ka pa?=D
siyempre, una kong comment, yung sa float+fries.. haha. forever! lawls. sarap nu?! lalo na after xams. ^_^ the best!
ReplyDeleteand ako, malaki rin pagpapahalaga ko sa mga nagtatrabahong tulad nila. naranasan ko na rin kasi. at iba talaga ang hirap. saludo ako sa kanila. (samin! hehe)
grabe lang. ang inspiring nung last paragraph. how true. @_@
FLOAT + FRIES = FOREVER!!!
ReplyDeleteAy ang galing! Hahaha. :)
ReplyDeleteMakakain nga bukas sa McDo. Malapit lang sa school namin yan e. :p
Ngiieie. Hindi ako makatulog e. Wala si Mama..
Pero maya-maya out na din ako. May pasok na bukas e. :)
ako naman ay na-ispire mo sa commments mo.:)
ReplyDeletewow. ayos. :) ang gling.
ReplyDeletesana maexperience ko rin yan, ng maliwanagan din ako. =)
yikes. sa float+fries = forever kong comments? haha =))
ReplyDeleteoo. * di kasi gumagana yung "quote original message" ko.
ReplyDeletehaha. nakakaadik yung float.=D
Another Nice peice my friend...
ReplyDeleteThumbs Up..
Wala talo ako sa pagkonek konek mo ng mga scenes at mga matatalinghagang salita gaya ng pariugat, lauugat, parirami talurami at kung ano anong mga nagpapadugo ng ilong...
Walastik.. mukhang lapitin ka ng mga ingliserong walang alam kundi manghamak ng mga tao.. hndi ba nila alam na tao din sila? maliban na lang kung HAYUP ang tingin nila sa mga sarili nila...
ehehehe...
anways.. week end ngayon... (syempre dito sa middle east lang).. i still have time to think and write... inspired ako... kanina pa lang pag pasok ko...
good luck sa inyo...
haha, true, pero bakit yung isa naquote niya??!
ReplyDeleteoh well, sometimes life can be so unfair. hahaha.
haha. nakakabaliw nga yung mga yun manong eh. madalas pag conyo at ingles tumatatak sa isipan ko.:)
ReplyDeletehaha. meron din yan.:)
ReplyDeletedaratingpa lang siguro.=D
alin dito?=)
ReplyDeleteayan naquote ko na rin! haha. XD topak tong multiply page mo pwede??!! LOL.. :))))
ReplyDeleteahahaha.. pero bilib ako sa iyo..
ReplyDeletematangdain ka ng mga Conyotik Statements ha...
ay muntik ko nagn makalimutan... UR once and forever be
MR WIKI...
heheheXD hi kuya paU!
ReplyDeletegrabe lang. nagpalit ng backygroundy ha. heheXD
ReplyDeleteyung layout ang may prob.:)
ReplyDeletekaya nga eh mas feel ko ung luma kesa sa orange na ito... msyado matingkad,,,
ReplyDeletewell baka lang kasi iyang ang background nya ngayon.. feel na feel ang 3 fries and float...
Oist.. dito mo kayang mag Fries sa MCDo.. tiognan ko lang if kaya mong ubusin ang 3 large fries...
kasi ako sa pinas isang large fries kulang... dito.... hindi ko pa nakakalahati ung medium.. nauumay na ako...
ehehehehe
pero walang kupas ang MCFLURRY... kahit 2x ang presyo dito kesa dyan.. eh worthit kasi 2x din ang laki.. ehehehehe
McFlurry is good but Float's the besT!haha. :DDD yun nga lang, wala ng watermelon float. T_T
ReplyDeleteyung layout ang may prob.:)
ReplyDeletetama the best ang float.:)
ReplyDeleteahahha..
ReplyDeletenahihilo ako sa blog na ito.. every refresh ko iba ang background....
well.. ayoko na kasi ng Soft Drink eh...
mas gusto ko ung Shakes and Fruit blends...
but i kinda miss ROOTBEER FLOAT of A&W... yun ang da best for me...
Tulad ng maliliit na maya na nagdala ng pag-asa sa paggising ko kaninang umaga, tangay ng munting bata ang pag-asang nasa hangin lamang at nag-aantay sa akin para abutin at yakapin. -- nice. :)
ReplyDeletehmm.. dun sa mga bata (na nasa kalye, ung mga pumapanik ng jip tapos pupunasan ang sapatos mo) yun, sabi ng Prof ko (sa pol. sci) , marunong na rin sila ng pulitika sabi nya "pupunasan ang sapatos mo tapos ho-holdapin ka ng piso!" -- sa pulitika "gagawan ka nila ng mabuti pero mas marami pa sila nakukuha sayo..."
hay.. na share ko lng, kc dun nga sa sinulat mo may bata din. parehas nasa kalye. d tlga natin alam ano ang kwento ng buhay nila. lungkot isipin.
pero sa tingi ko di ganun yung batang yun.
ReplyDeletemarami ako nakikita na ganayan. totoo nga - minsan. siguro may pag-asa din minsan ang ganoong kalagayan.
dont worry. tapos na ako mag-edit.:)
ReplyDeleteiba talaga ang nag iisang ka bob ong na inhenyero...
ReplyDeletela ko masabi..
sa anung lugar pala kuya ung macdo sa Lungsod ng Urdaneta ba???
oo.:)
ReplyDeletehahaha.
ReplyDeletedalawang bagay na makakapagpadugo ng ilong ko: malalim na tagalog at math.
pinagsabay mo, siyet. internal hemorrhage inabot ko.
haha.
float+fries= forever.
AGREE.
haha.
what's the deal with McDo?
bakit kaya tuwing after exams masarap kumain dito?
lalo pag finals, jampacked McDo Intra.
nung thesis defense, sa McDo din kami nagcelebrate.
hehehe.
ambait. haha.
makipag-usap talaga sa mga batang pulubi?
para kang guy version ng kaibigan ko.
tsktsk.
God bless sa mga katulad niyo.
=))
can't resist McDo. That's why they invaded Philippinbes. Though Jollibee is now the leading.:)
ReplyDeleteThank You.^_^
tama. masarap ang float and fries. :))
ReplyDeletenaiinis din ako sa mga taong inaalipusta ang mga minimum wage earner. Hindi ba sila nagiisip, na kung wala ang mga magulang nila eh, hindi sila makakapagaral ng maayos.
float+fries haha. panalong-panalo.:)
ReplyDelete*di ko alam na nagcomment ka pala.:)
FLOAT + FRIES = FOREVER?? NAMAN!!!! :D
ReplyDeleteAbout dun sa kid na initerview mo, wish ko lang lahat ng batang sadlak sa kahirapan katulad nya. May pag-asang umangat buhay nya dahil may respeto sya sa kanyang sarili. Hindi katulad ng mga naeencounter ko na mga batang lansangan. Manghihingi sayo, pag hindi mo binigyan, malutong na mura aabutin mo. Hindi pa natatapos dun, makakatikim ka pa ng matinding kurot sa braso! (Peste yun! may pasa tuloy ako!) I do have a heart of a social worker. Madaling maantig puso ko sa mga katulad nila. Pero nakakadala ding tumulong kung sila mismo nagtutulak sakin para hindi sila tulungan.
HAAAYYY!!! NAG-SHARE LANG. :D
Pero saludo talaga ko sa mga simpleng pambabara mo.
haha. nagkaroon pa ng compliment ang gma pambabara ko.:)
ReplyDeleteNAMAN! Dapat tinuturuan ng leksyon ang mga taong grabe kung mang-apak ng ibang tao. Mabuting tao ka kaya sa mga pambabara mo dinadaan, pero kung ibang tao yun, wala na silang pinagkaiba ng pinagsasabihan nya.. :D
ReplyDeletemabait pala ako. thaaanks. haha.:)
ReplyDeletemarami ayaw makipagdebate sa akin kaso....ang pangit nun di ka natutuo.=D
Yoko din makipagdebate sayo eh.
ReplyDeletehahahaha :D
kasi ramdam kong wala kong binatbat! :D
oh sige na mr. carlo andrion.
ako'y mamamahinga na.
salamat sa pakikibasa ng mga hinanaing ko.
hahahaha :D
o sha ako rin.:). gnite=D
ReplyDelete