6/13/2009

Ang Magulong Tatsulok ng Pag-Ibig

BABALA: Huwag mo itong babasahin *Intro muna: Eto ako ngayon, 1:20 PM ng Sunday, April 5, 2009. Kakatapos ng Canvassing kagabi ng mga Candidates. Lagas ang libo na pera. May games pa ngayon kaya maaga pa ring nagising, umuwi at di pa ako bumalik galing ng lunchbreak. Pero ayos lang. Isisingit ko lang ang blog na ito para maalis na sa balintataw ko.*



[Sabi sa iyo huwag mong basahin eh. Walang kinalaman sa titulo iyon.:P]






Ang Magulong Tatsulok ng Pag-ibig?




Lahat tayo nakakaranas nito. * Yung may experince lang sa relatonships ha?:P*
Madalas may ikatlong bagay na gumugulo sa relasyon ng dalawang taong nagmamahalan, wagas man o huwad. Aaminin ko, kahit ako. Pero si ikatlong bagay [in layman's term ika ng, ipse dixet, o sa madaling sabi. "THIRD PARTY] ay di nangangahulugang "TAO" palagi. Maari itong bagay, layunin, o rason upang di pumunta sa magandang landas ang relasyon at maligaw sa kawalan.




Ito ang sitwasyon: SINO ANG DAPAT SISIHIN?


Si Puno? Si Dahon? o si Hangin?

Sino ang dapat sisihin kung mahulog o mapigtas sa pagkakapit ang dahon sa puno?

Ang sarili ba niya dahil hindi siya kumapit ng mahigpit, bumitaw at bumigay sa hangin?

Ang puno ba na binitiwan at di hinawakang mabuti si dahon kaya ito bumitaw at nawala sa kanya?

O ang hangin ba na masayang naging isa sina puno at dahon pero nang umihip siya ng malakas eh nakabitaw si dahon o kaya naman'y nabitawan siya ni puno?

Magulo hindi ba? Pero iyan ang katotohanan. Madalas na lumalabas na masama si hangin. At 'pag pinatulan siya ni puno o kaya ay sumama si dahon sa kanya'y nagiging masama na sila pareho.

Exodus 20:17 "Thou shalt not covet thy neighbour's house, thou shalt not covet thy neighbour's wife, nor his manservant, nor his maidservant, nor his ox, nor his ass, nor any thing that [is] thy neighbour's."

Malinaw iyan. Pero sa kontemporaryong kalagayan eh hindi ka na in kung di ka nang-aagaw. Ika nga mahina. Pero marahas kong tinututulan ang ganyan.

Sa nasabing sitwasyon nina puno, dahon at hangin, malinaw kung sino ang may sala! Para sa akin. Sina Puno at dahon ang nagkasala. Hindi sa ipinagtatanggol ko si hangin o ang mga nagiging hangin sa tunay na buhay. Pero labas sila sa kahit anupamang relasyon. Wala sa kanila ng sisi. At ayaw ko din na magsisihan tayo. Lahat ng relasyon ay pandalawahan lang. Lahat ng bagay na tumatakbo sa isang relasyon ay tumutukoy lamang sa INYO. Tama, sa inyong dalawa lamang. Hindi sina tatay o ermat na ayaw kay nobyo. Hindi rin sina pare o sina BFF na hindi close kay nobya. Hindi sila. Hindi sila. Lahat ay umiikot sa inyong dalawa lamang. Kayong dalawa lamang. Tayong Dalawa---lamang. Kung ayaw ni mama kay nobyo dahil nakakaabala sa "studies", sumunod ka. Pero tanggapin mo ang sisi sa konsyensya mo na hindi mo siya ipanaglaban kahit sinuong niya ang kahihiyan at ang bagsik ni kuya para idepensa ka. Sino ang marupok? Ikaw.

Napatunayan mong wala kang kayang patunayan sa mga magulang mo kahit na ang simpleng "puppy love" mo.

Ang pag-aaral nababalikan, pero hindi ang pagkakataong pinaka-kailangang mong ipakita na kaya mong tumayo sa iyong paa kahit naka kadang-kadang ka pa. Nakalulungkot isipan kasi madalas ito nangyayari sa mga "ordinaryong" tao na kung saan 95% sila ng populasyon ng mundo.

Ang mga prinsipe noon eh madalas iwan ang kayamanan, kapangyarihan, at karangyaan mapakasalan lamang ang aliping bumuhay sa natutulog niyang damdamin.

Pero ito ang magandang balita. Marami pa ring prinsipeng tulad nila ngayon. Nasa panaginip sila. Pero makikita lamang sila kapag gising na ang prinsesa para harapin ang nangangalit na kaharian upang ipaglaban siya. Mahirap naman kasi ipaglaban ang taong di ka rin ipinaglalaban. Para kang nag-aral ng apat na taon ngunit balik bahay ka para gumala dahil napagisip-isip mong hindi lahat ng bagay eh nakukuha ng taong nakatapos sa pag-aaral kundi ng taong may ipinag-lalaban. Bilib nga ako kay Malabanan eh kasi siya ang nagsimula upang ipaglaban ang karapatan nina "septie" at "imbornie" na maging malinis kahit walang Bachelor's Degree na naani para linisin sila.

Balik sa usapinng tatsulok, hula ko kilala mo si Romeo at Juliet. Mas malaking hangin ang sumubok sa kanila, mali, delubyo pala iyon. Si kamatayan ang tatsulok nila pero kinaya nila. Bumigay man sa makamundong dimensyon eh hindi sa ikalawang buhay. Siguro nga.

Ikaw man si dahon, puno, o si hangin, alam kong alam natin pareho na may nakukuha ang ang taong may pinaglalaban. Marami kasing matatalinong duwag. Alam na ang geography ng mundo, history ng tao, anatomy ng palaka, komposisyong ng kalawakan, area ng prismatoid, at salvage value ng isang sasakyan sa loob ng limang taon, o ang probability na matamaan ng asteroid ang Kalayaan Group of Island at lumihis upang pumaling sa Pilipinas at nang matapos na ang usaping "Nation of Servants" na walang ginawa ang mga Pilipino kundi ang magalit imbes na patunayan sa sarili natin na nagkakamali sila---pero hindi kilala ang sarili. Hindi marunog isakripisyo ang sarili upang ipaglaban ang dapat ipaglaban. Walang adhikain.Walang layunin. Saan pupulutin?:P

*hango sa aking tunay na karanasan*

Copyright: Carlo Hernandez Andrion

http://carloandrion.multiply.com

No comments:

Post a Comment

Leave your mark.