BOB ONG: Totoo Nga Ba o Guni-Guni Lamang
Matapos kuwestiyunin ang katotohanan sa likod ng Bibliya, sa
kung totoo nga bang “banal” si Hesukristo. Matapos usisain kung
tunay ba o talagang mangyayari ang mga prediksyon ni
Nostradamus. Matapos gawing pelikula ang Da Vinci Code at ang
Angels and Demons. Narito na ang susunod na biktima ng mga
“pinakamarurunong” na Pilipino.
Si Roberto “Bob” Ong
Marami ang nagtatanong: “Totoo nga ba si Bob Ong?”
Kung totoo nga siya: “ Isang tao lang ba siya o isang
grupo ng manunulat ?”
Tunay nga na ang taong ayaw maniwala maghahanap at maghahanap
ng butas ng pagdududa para mailihis ang iyong paniniwala sa
isang bagay para lamang magmukhang “magaling” sa harapan mo.
Palakpakan natin sila. Akala ko sa telenobela lang ang may
kontra-bida.
Para sa mga bagong mambabasa ipinakikilala ulit si Bob Ong.
Panahon ng panunungkulan ni Estrada ng itatag niya ang website
na “bobongpinoy”. Tulad ng site na ito tumutukoy ito noon sa
mga kapalpakaan at kapintasan ng Pilipinas at ng ating Gobyerno
noong bagong milenyo. Dumami ang traffic ng “bobongpinoy”.
Nakilala ito di lamang sa Pilipinas kundi ng mga kababayan
nating expat. Umani ito ng pag-sangayon at pagtutol ng ilan. Sa
katunayan nagkamit pa ito ng award. Makikilala mo si BO bilang
webmaster, moderator, o kaya pwede na rin sigurong Admin sa
“bobongpinoy”. Gumamit siya ng headshot na larawan ng isang
utak ng tao sa paniniwalang “Tayo ay ang utak natin,kung
papaano tayo nagkakaroon ng emosyon, nagkakaroon ng kaalaman,
at napapatakbo ang kanya-kanya nating katawan.” Nang mapatalsik
si P. Estrada, nawala na rin ang “bobongpinoy”. Wala na kasing
dahilan upang ipagpatuloy ang “bobongpinoy”. Nawala ang website
subalit marami ang naghahanap sa kanya through e-mail.
Napag-isipan niyang ituloy ang kanyang pagsusulat sa papel
naman. Nailimbag ang una niyang aklat ang ABNKKBSNPLAko?!. Sa
aklat na iyan nakuha ko lahat ng nakasulat sa itaas. Sa anim na
lumabas niyang aklat apat rito ang nagpapapatotoo sa kanyang
buhay-tao. Ang ABNKKBSNPLAko?!, Bakit Baliktad Magbasa ng
Libro Ang Mga Pilipino, Ang Paboritong Libro Ni hudas at ang
Stainless Longganisa. Naisulat niya sa Stainless Longganisa na
kailangan niya ng lumipat sa pagsusulat ng fiction dahil
naniniwala siya na kailangan ding lumaki ang isang tao sa ibang
environment. Kaya ang librong Alamat Ng Gubat, at Macarthur ang
nagsilbing pang-subsitute ng marami sa “Precious Hearts
Romance.”
Ganyan ang naging pagkakakilala ko kay Bob Ong ayon sa kanyang
mga libro. Una ko siyang “nakilala” noong ako’y nasa Second
Year High School taong 2003 iyan. Tanda ko pa na puro hiram
lamang ako para mabasa ang berde, itim, at dilaw niyang libro.
Nasundan na lang ulit ng magkaroon na ako ng access sa mga
bookstores ng ako’y mag-kolehiyo. Pinag-iipunan ko noon
makabili lamang ng mga libro niya. (tumatakbo ito sa
P150-P220). Mura na iyan pero suki pa rin ng xerox machine
dahil patok sa “ordinaryong” Pilipino na di na inabalang
pumasok sa isang “air-conditioned building” para makakuha ng
hard copy nito. Pero aminin mo man o hindi, lahat tayo na
nakabasa at least isa sa mga libro niya eh nasagasaan ang
konsyensiya at nabulabog ang naipagwawalang-bahalang
nasyonalismo. Kung sa akin lamang malaki ang nabago buhat ng
ako’y magbasa. Mas may sense kasi basahin ang mga panulat niya
kesa sa mga fiction series tungkol sa “Witchcraft and Wizardy”,
“Code”, at “Vampires” na ngayon ay mga pelikula na, na ang
iba’y kabilang pa sa top-grosser na nadaig pa ang “Passion of
the Christ” at “Forrest Gump”. Napaka-unrealistic ng mga
nobelang iyan kaso nagiging patok kasi “may class” daw, English
kasi at “distinct” daw. Karamihan ng mga biktima “Pinoy Girls
Social-Climbers”.Hahaa. Natatawa na lang ako sa kanila. Awa at
pagkainis. (Patawarin sana ako).
Pero ang mga nasabi ang hindi ko na ikinababahala. Ang problema
ngayon ay kung paano ipapatotoo na si Bob Ong ay si “Bob Ong”
nga ayon sa pagkakakilala ng karamiihan. Mahirap kasi
ipagtanggol ang hindi mo pa nakikita o ayaw magpakita unless na
may “faith” ka sa kanya. Pero IMAO, totoo si Bob Ong, gaya ng
paniniwala ko na Banal si Hesukristo na kinokontra ni Dan
Brown. Hindi ko alam kung paano nagigiging tahimik hanggang sa
ngayon ang Visprint Ent. (Publisher ni BO) na ilihim ng maingat
ang tunay niyang pagkatao. Sa ngayon,ulit, malakas ang loob ko
para sabihing totoo siya, natatandaan ko pa ang e-mail na gamit
niya noong may “bobongpinoy” pa, at may sumasagot pa rin naman
sa paraan ng kanyang pagsusulat.
(Tabi-tabi po nga taga-YuPi. Huwag ninyo sanang personalin.:D)
Nakatanggap ako ng isang reaction :
zZz: ”Si Bob Ong ay Grupo ng mga Manunulat sa Unibersidad ng
Pilipinas.”
Anak ng…Huwag kang magbiro ng ganyan.
xXx:“Nasa YuPi na lahat ng pondo ng para sa Edukasyon tapos
pati si Bob Ong nanakawin ninyo! HOW DARE YOU. KAPAL NOH.”
*Silent lamang ako. Buti nandyan six Xx.
Totoong replies ang mga iyan. No edits. Binura ko na at
pinalitan ang mga name for safety purposes.
O sige masyado nang mahaba. I ko-conclude ko na ha.
Wala akong pakialam kung ilan ang “tunay” na Bob Ong. Basta ang
mahalaga ay dala-dala natin ang katangian niyang magbigay at
mag-ambag ng pagbabago sa Pilipinas. Ang bansa ko, ang bansa
mo, ang bansa natin. Kung hindi man siya totoo, then (PERIOD).
Kung totoo siya PASALAMAT ako dahil nagkaroon tayo ng
“Pilipinong Manunulat na may malasakit sa kapwa-Pilipino at sa
Wikang Filipino”. Wala kang mahahanap na hihigit o tulad niya.
Malaki ang natutunan ko sa kanya ng di-sinasadya, at malaki ang
utang ko sa kanya na sa pamamagitan ng simpleng di pagtatapon
ng basura sa kalye ko pwedeng mabayaran.
Sa ngayon…
“Si Bob Ong ay tayong mga Pilipino.”
Ang bansang Filipinas e nag-e 1sang "bansang Katoliko" kaya nman... mag-ingats sa pagbi2gay ng blog lalo na't ito'y naka-pzkil sa internet... hwag sana tayo magpadalos-daloz sa fagbitaw ng salita kc sinasalamen neto ang katangians ng 1sang tunay n Pilipinoh... OKi doki ?
ReplyDeleteTry emailing him at bobongpinoy at gmail dot com. That's his personal email. And he replies once in a blue moon. Hekhek.
ReplyDeleteBU? How are ou related to Joe-Bren Consuelo? Out-going EIC of BU-CE, =)
Thanks for dropping by.
wow, manunulat ka rin pla... ako din... self-proclaimed writer... haha... sana marami pa akong mabasa na sulat mo... at sana ay kumita rin ako sa pagsusulat hehe...
ReplyDelete