5/04/2009

BOB ONG IS A HOAX

BOB ONG: Totoo Nga Ba o Guni-Guni Lamang

Matapos kuwestiyunin  ang katotohanan sa likod ng Bibliya, sa

kung totoo nga bang “banal” si Hesukristo. Matapos usisain kung

tunay ba o talagang mangyayari ang mga prediksyon ni

Nostradamus. Matapos gawing pelikula ang Da Vinci Code at ang

Angels and Demons. Narito na ang susunod na biktima ng mga

“pinakamarurunong” na Pilipino.
Si Roberto “Bob” Ong
Marami ang nagtatanong: “Totoo nga ba si Bob Ong?”
Kung totoo nga siya:        “ Isang tao lang ba siya o isang

grupo ng manunulat ?”
Tunay nga na ang taong ayaw maniwala maghahanap at maghahanap

ng butas ng pagdududa para mailihis ang iyong paniniwala sa

isang bagay para lamang magmukhang “magaling” sa harapan mo.

Palakpakan natin sila. Akala ko sa telenobela lang ang may

kontra-bida.
Para sa mga bagong mambabasa ipinakikilala ulit si Bob Ong.
Panahon ng panunungkulan ni Estrada ng itatag niya ang website

na “bobongpinoy”. Tulad ng site na ito tumutukoy ito noon sa

mga kapalpakaan at kapintasan ng Pilipinas at ng ating Gobyerno

noong bagong milenyo. Dumami ang traffic ng “bobongpinoy”.

Nakilala ito di lamang sa Pilipinas kundi ng mga kababayan

nating expat. Umani ito ng pag-sangayon at pagtutol ng ilan. Sa

katunayan nagkamit pa ito ng award. Makikilala mo si BO bilang

webmaster, moderator, o kaya pwede na rin sigurong Admin sa

“bobongpinoy”. Gumamit siya ng headshot na larawan ng isang

utak ng tao sa paniniwalang “Tayo ay ang utak natin,kung

papaano tayo nagkakaroon ng emosyon, nagkakaroon ng kaalaman,

at napapatakbo ang kanya-kanya nating katawan.” Nang mapatalsik

si P. Estrada, nawala na rin ang “bobongpinoy”. Wala na kasing

dahilan upang ipagpatuloy ang “bobongpinoy”. Nawala ang website

subalit marami ang naghahanap sa kanya through e-mail.  

Napag-isipan niyang ituloy ang kanyang pagsusulat sa papel

naman.  Nailimbag ang una niyang aklat ang ABNKKBSNPLAko?!. Sa

aklat na iyan nakuha ko lahat ng nakasulat sa itaas. Sa anim na

lumabas niyang aklat apat rito ang nagpapapatotoo sa kanyang

buhay-tao.  Ang ABNKKBSNPLAko?!, Bakit Baliktad Magbasa ng

Libro Ang Mga Pilipino, Ang Paboritong Libro Ni hudas at ang

Stainless Longganisa. Naisulat niya sa Stainless Longganisa na

kailangan niya ng lumipat sa pagsusulat ng fiction dahil

naniniwala siya na kailangan ding lumaki ang isang tao sa ibang

environment. Kaya ang librong Alamat Ng Gubat, at Macarthur ang

nagsilbing pang-subsitute ng marami sa “Precious Hearts

Romance.”
Ganyan ang naging pagkakakilala ko kay Bob Ong ayon sa kanyang

mga libro. Una ko siyang “nakilala” noong  ako’y nasa Second

Year High School taong 2003 iyan. Tanda ko pa na puro hiram

lamang ako para mabasa ang berde, itim, at dilaw niyang libro.

Nasundan na lang ulit ng magkaroon na ako ng access sa mga

bookstores ng ako’y mag-kolehiyo. Pinag-iipunan ko noon

makabili lamang ng mga libro niya. (tumatakbo ito sa

P150-P220). Mura na iyan pero suki pa rin ng xerox machine

dahil patok sa “ordinaryong” Pilipino na di na inabalang

pumasok sa isang “air-conditioned building” para makakuha ng

hard copy nito.  Pero aminin mo man o hindi, lahat tayo na

nakabasa at least isa sa mga libro niya eh nasagasaan ang

konsyensiya at nabulabog ang naipagwawalang-bahalang

nasyonalismo. Kung sa akin lamang malaki ang nabago buhat ng

ako’y magbasa. Mas may sense kasi basahin ang mga panulat niya

kesa sa mga fiction series tungkol sa “Witchcraft and Wizardy”,

“Code”, at “Vampires” na ngayon ay mga pelikula na, na ang

iba’y kabilang pa sa top-grosser na nadaig pa ang “Passion of

the Christ” at “Forrest Gump”. Napaka-unrealistic ng mga

nobelang iyan kaso nagiging patok kasi “may class” daw, English

kasi at “distinct” daw. Karamihan ng mga biktima “Pinoy Girls

Social-Climbers”.Hahaa. Natatawa na lang ako sa kanila. Awa at

pagkainis. (Patawarin sana ako).
Pero ang mga nasabi ang hindi ko na ikinababahala. Ang problema

ngayon ay kung paano ipapatotoo na si Bob Ong ay si “Bob Ong”

nga ayon sa pagkakakilala ng karamiihan. Mahirap kasi

ipagtanggol ang hindi mo pa nakikita o ayaw magpakita unless na

may “faith” ka sa kanya. Pero IMAO, totoo si Bob Ong, gaya ng

paniniwala ko na Banal si Hesukristo na kinokontra ni Dan

Brown.  Hindi ko alam kung paano nagigiging tahimik hanggang sa

ngayon ang Visprint Ent. (Publisher ni BO) na ilihim ng maingat

ang tunay niyang pagkatao. Sa ngayon,ulit, malakas ang loob ko

para sabihing totoo siya, natatandaan ko pa ang e-mail na gamit

niya noong may “bobongpinoy” pa, at may sumasagot pa rin naman

sa paraan ng kanyang pagsusulat.

(Tabi-tabi po nga taga-YuPi. Huwag ninyo sanang personalin.:D)

Nakatanggap ako ng isang reaction :
zZz: ”Si Bob Ong ay Grupo ng mga Manunulat sa Unibersidad ng

Pilipinas.”
Anak ng…Huwag kang magbiro ng ganyan.
xXx:“Nasa YuPi na lahat ng pondo ng para sa Edukasyon tapos

pati si Bob Ong nanakawin ninyo! HOW DARE YOU. KAPAL NOH.”
*Silent lamang ako. Buti nandyan six Xx.
Totoong replies ang mga iyan. No edits. Binura ko na at

pinalitan ang mga name for safety purposes.

O sige masyado nang mahaba. I ko-conclude ko na ha.
Wala akong pakialam kung ilan ang “tunay” na Bob Ong. Basta ang

mahalaga ay dala-dala natin ang katangian niyang  magbigay at

mag-ambag ng pagbabago sa Pilipinas. Ang bansa ko, ang bansa

mo, ang bansa natin. Kung hindi man siya totoo, then (PERIOD).

Kung totoo siya PASALAMAT ako dahil nagkaroon tayo ng

“Pilipinong Manunulat na may malasakit sa kapwa-Pilipino at sa

Wikang Filipino”. Wala kang mahahanap na hihigit o tulad niya.

Malaki ang natutunan ko sa kanya ng di-sinasadya, at malaki ang

utang ko sa kanya na sa pamamagitan ng simpleng di pagtatapon

ng basura sa kalye ko pwedeng mabayaran.
Sa ngayon…
“Si Bob Ong ay tayong mga Pilipino.”



21 comments:

  1. sundan siya at magbigay opinyon tungkol sa kanya sa http://bobonguniversity.multiply.com

    ReplyDelete
  2. grupo nga raw si bob ong. at ayon sa aking titser, siya (or sila) ay taga-UP-Manila

    ReplyDelete
  3. style daw un ni(nina) bob ong...ginaya kay shakespeare, haha

    ReplyDelete
  4. IMAO, maliligaw yung kwento at essence nung libro kung marami sila. at napalaki ng "personal touch" ni BO sa mga books niya:D

    ReplyDelete
  5. if ever grupo sila, depende na lang sa usapan yon! =p

    ReplyDelete
  6. Yup..

    pede naman kasi na may isang gumawa, tpos pasahan sila. lahat sila nag eedit, malamang marami drafts yun hanggang sa may mapagkasunduan sila na final draft para ilimbag...

    nagtataka ba kayo bakit walang larawan na ipinapakita?

    usually diba ang mga books may pic ng author lalo na sa first issue nila...

    ReplyDelete
  7. pero ipinaliwanag na niya kung bakit di siya naglalagay ng pics. remember the anecdotes sa green book?. may nag-rereact na mga past-classmates niya eh. angulo.:D

    ReplyDelete
  8. Anyways..

    Ang sa akin lang, isa man o marami si / ang BOB ONG.

    It helped me alot to realize things.. and it entertained me a lot reminiscing my past actions...

    ang importante sa akin? nakapag bukas siya / sila ng aking isipan...

    TOTOO man o KATHANG ISIP, Bahagi na siya ng pananaw ko...


    ReplyDelete
  9. agree! nag-iisa lang si Bob Ong.
    ang laki ng impact niya sa akin, napakarealistic.
    people from all walks of life, makakarelate.
    Kung sino man siya, he's not here para lang sa money and fame ( I know dino-donate niya yung mga profit ng books niya sa isang org eh.)

    ReplyDelete
  10. i agree din :) and i love BO no matter what. do sabi talaga ng SK Chairman ko eh totoo siya :))

    ReplyDelete
  11. oo and i do believe too.:D

    ReplyDelete
  12. haha. dito naman ako disagree kay xXx. sino ba yan? at ng mabigyan ng ED. hindi na po kami full subsidized ngayon since national university na kami at hindi state u. Pakisabi, pag-aralan muna niya ang history ng UP hanggang sa ngayon. :)

    ReplyDelete
  13. hahaa. di ko siya masisisi.:D. hayaan mo na ading:D

    ReplyDelete
  14. oh well. hindi ko rin naman masisisi si zZz, dahil sa totoo lang, mga propesor din ang nagsasabi non. So kung yun yung paniniwala nila, then go. At kung ano yung paniniwala natin, atin na lang din yun :)

    ReplyDelete
  15. ayoko na sanang mag-comment..hehe.. pero di bale.. basta ang alam ko lang.. totoo si bob ong.. totoo ang kanyang mga idea at naniniwala ako sa kanya ^_^

    ReplyDelete
  16. ^_^. tama!. Totally agreeable. :D

    ReplyDelete
  17. tama kung mrame si bob ong magugulo lng ang mga nksulat sa libro.. isa lng xa!! ^_^.. think of it nlng kung mrame sila tpos gagawa ng librong tulad ng mac art hur at kapitan sino.. hinde bat bat possibilities n gumulo ung story??

    ReplyDelete
  18. Who is Bob Ong?

    I for one, don't believe in names and photos and all. Those are mere societal inventions. A way for the state to measure and enslave an inhabitant like some product off the shelf or a cataloged robot. It does not exist in the freeist society of all, that is: Nature.

    Also, photos promote templating of "looks"...as if, one given race or physiognomy corresponds to a certain definition of what is good or pleasing. That's the very reason why we always have to depict a "god" in anthropomorphic ways...which is just ridiculous. Like a square trying to draw a cube by square flat means.

    I used to moonlight as a model in my early college days and found the routine totally shallow and promoting an idea of templating...when every human is worthy, valuable, and beautiful just as they are without repackaging them into something else which they really don't desire had we not motivated them into. The only person, perhaps, who merits our attention-seeking fanaticism to "looks" are those we love.

    ReplyDelete

Leave your mark.