Wandering through multiply I found this. It does makes sense. Mali. It does makes a big sense.
http://hamlet0.multiply.com/journal/item/1
***************************************
saan madalas may find x na tanong?
sa math subjects diba? o tka, baka naman akala mo e magbibigay ako ng tips sa pagsolve ng math problems mo a..pwede rin pero hindi sa ganoong paraan..
ayaw kong sundin ang formula ni ma’am villamil (do not take literally)
gusto ko ng sariling formula.
ayoko kasi dumaan sa kalye na inaspalto ng iba..gets? ibig kong sabihin, ayokong makiakyat sa hagdanang itinayo ng ibang tao. gets mo na?
..ang ibig kong sabihin, bakit ako aapak sa ulo ng iba kong may sarili namn akong ulong pwedeng pagkatiwalaang tuntungan..tawagin mo ng pride ito, pero ang sa akin lang, why cheat when you can survive on your own?
ayun! ang bottom line is, ang blog na ito ay naglalayong:
- baguhin ang iyong pananaw sa pag-aaral
- limutin mo ang iyong pangongopya
- pagtibayin ang tiwala sa sarili
- matutong tumayo sa sariling paa
- gisingin ang iyong konsensya
- at makilala mo ang nagbigay ng utak mo..
heto na!
ayan, baka nawalan ka ng gana dahil dun sa mga goals ko a..hehe
nywei, nagbabakasakali lang..
una sa lahat, kailangang malaman mo na ang utak mo ay hindi mo pag-aari.
katulad ng buhay mo at iba pang parte ng katawan mo.
xempre galing kay God yan.
regalo at hindi mo binili..
wala kang maipagmamalaki at matatawag na sa iyo..
ayan, natatanggap mo na bang wala kang dapat angkinin??
ok, next step..
kailangan mong malaman na ang tanging maari mong gawin ay pagbutihin at linangin ang blessings na bigay sayo..dat’s your talent!
at walang taong di nabiyayaan ng talent..wag mong sabihing wala kang talent dahil para mo na ring ininsulto ang Diyos.. HE doesn’t make TRASH, clear?
then,
dapat ay tubuan ka naman ng tiwala sa sarili at hiya sa Lumikha sa’yo.. binigyan ka niya ng utak pero ndi mo gamitin sa tamang paraan..nakakainsulto naman yun.. kung sa ibang bagay ka namn nabiyayaan, edi yun ang linangin mo..
wag kang umasa sa ibang tao, dahil iba pa rin ang makakuha ng puntos sa exam na alam mong ikaw at tanging ikaw lang ang sumagot.
next,
eto na ata ang tangi kong maitutulong para maiwasan mo ng paunti-unti ang pangongopya.
- mag-aral ~kung ikaw ay isang estujante, ang primary function mo ay mag-aral/matuto. kung ndi ganun ang ginagawa mo sa ngayon, wag mong iClaim na estujante ka!
- maging excited sa ginagawa ~naniniwala ako na kapag binigay mo ang puso mo sa isang bagay ay hindi iyon malayong magtagumpay. ang excitement sa isang bagay ay naklapagpapanatiling interesado ka sa ginagawa.
- maging responsable ~alam mo dapat kung ano ang kalalabasan ng ginagawa mo. wag kang umasa sa iba. masarap ang lasa ng sariling pawis. bakit,nais mo bang matikman ang pawis ng iba? pangit diba, ganun din sa pag-aaral..
- makipag-pustahan ~eto ang madalas kong gawin, pero masama ata to..well as long as wala namang perang involve. it’s a source of motivation. makipagpataasan ka ng score kahit sa pinakamatalino. epektib to pramis!
- magkaroon ng layunin ~magddrive ka ba ng motor ng hindi mo alam ang pupuntahan? xempre hindi, dapat alam mo kung saan ka pupunta, saan ka dadaan, at dapat may gasolina ka. dahil kung hindi, sayang ang oras, lakas, at gasolina!
- manalangin ~pinakaepektibo sa lahat, pray before the exam, during and after.. kagaya ng nasabi ko na, ang utak mo ay bigay.. kaya dapat pahalagahan. it also helps you na makapagconcentrate.. do it all for the glory of God at hindi para sa sarili mong kapakanan.
hindi na ito sikreto o lihim.. malamang ay may nakapagsabi na rin ng mga bagay na ito sa yo, ayaw mo lang sundin. Remember: ‘The spirit is willing but the flesh is weak’
eto yung sarili kong teknik sa pag-aaral..
- kunwari, isang malaking RPG game ang PSU.. may 4 levels.
- magsisimula ako bilang Freshman(novice), Sophomore, Junior, then Senior..
- marami akong skills na maaacquire at weapons na rin(knowledege).
- marami rin akong magiging kalaban(subjects). at kapwa gamer(kaibigan)
- sa bawat level, may coins(tuition fee) na kapalit ang death(pagbagsak) at failure. SAYANG!!
- at in the end, pag naClear ang lahat ng levels. May panibagong WORLD na naman na papasukan.
- There are many chances. But there are no rewinds.
waaaaah..dpa ako tapos! pero sige, next time ulet..
***********************************************************************************
Galing Diba?:D
galing.. tama! tama! kelangan mong pagsikapan ang lahat ng bagay sa sariling mong pagod at sa tulong na rin ni "GOD".. i don't encourage cheaters!! ^_^
ReplyDelete^_^. silent lamang ako.:P
ReplyDelete