12/30/2011

Kabanata 3: Sa Koridor


Nakita kita sa koridor. 
Malayo pa lang, alam ko na na ikaw 'yun.
Para bang anino sa kalagitnaan ng gabi.
Mag-isa ka.
Naglalakad papalapit sa akin.
Magsasalubong tayo.
Bumilis ang tibok ng puso ko.
Mas narinig ko ang pagdaloy ng dugo sa bawat ugat sa aking buong katawan. 
Panay ang dampi mo sa iyong mukha.
Malayo ang paningin mo.
Naglalakad ka ngunit naglalaro ang iyong mga mata.
Inuusisa mo siguro kung may nakakakita sa iyo na umiiyak.
Lumilipad ang iyong isip. 
Nadudurog ang puso ko.
Hindi ko alam kung paano kita patatahanin sa sandaling magtagpo na tayo. 
Pinaiyak ka na naman niya siguro.
Hindi na kita kayang makitang umiiyak. 
Wala akong magawa. 
Ilang dipa na lang, wala akong maisip na gawin.
Torpe kasi ako.
Kumanan ako bigla sa palikuran.
Kunyari'y hindi kita nakita.

5 comments:

  1. :(
    Palagi na lang nadudurog ang puso mo. Hindi ba pwedeng buuin ang nadurog na?

    ReplyDelete
  2. @G5: Pasasaan ba't maghihilom din ang lahat.

    ReplyDelete
  3. Ang ganda. Nakakarelate ang isang katulad ko nito.

    ReplyDelete

Leave your mark.