Disyembre 18, 2011
3:31 p.m., Balintawak
Sumakay ka. Binigyan ng tingin, hanggang sa humulagpos ka patungo sa likuran ng bus. Pumanaog muli ang sasakyan, doon kasama na kita. Tinahak natin ang NLEX. Wala akong katabi sa upuan. Wala akong kasama sa paglalakbay.
3:40 p.m., Camachile
Inaaliw ko na lamang ang aking sarili. Empty batt na ang cellphone ko, kaya hindi na ako makakapagpatugtog ng mga tracks ng The Beatles. Ayaw ko pa rin namang basahin ang libro ni Chuck Palahniuk na dala ko. Ayaw kong magmukhang intelektwal sa loob ng bus. Sa malamig, at matamlay na atmospera ng bus.
4:01 p.m. NLEX-Bocaue
Umusod ako bahagya papalapit sa bintana. Sa center island ng NLEX, naaliw ako sa mga damong sumasayaw sa hangin na dulot ng matulin na Five Star Bus sa unahan natin. Parang alun-alon lang sa dagat --- gumagalaw, sumasayaw, naglalakbay. Pareho silang may pinatutunguhan. Parehong nakikibaka sa panahon.
4:27 p.m., Mabalacat
Lumipas pa ang ilang minuto, nakarating rin tayo sa Dau Exit. Mula doon, pumasok ang bus sa central terminal. Marami ang bumaba. May mga natapos ang biyahe kaagad. May mga sumasakay. Kapalit sila siguro ng mga taong piniling bumaba na.
Siguro tama si Little Prince, hindi nakukuntento ang tao sa kinalalagyan niya kaya patuloy silang naglalakbay, marahil sa maraming dahilan.
Hindi na sana kita iisipin ngunit lumapit ka. Hindi kita nilingon, hanggang sa hawakan mo ang balikat ko.
"Pwede bang tumabi?"
Hindi kita sinagot. At agad naman akong umusod para magkaroon ka ng espasyo.
Reflex action na lamang siguro.
"Salamat!" ika mo.
Sinuklian kita ng tango.
At ngumiti ka.
Hindi kita nililingon. Ngunit panakaw kitang sinusulyapan sa tuwing mag-oovertake ang bus. Kunyari'y minamasdan ko ang mga sasakyang naigpawan natin.
5:16 p.m., SCTEX-Dolores
Inaaliw mo ang sarili mo sa panonood. Naked Weapon ang palabas. Nagtataka ako kung bakit hindi ka naging sensitibo sa pelikula. Ewan. Siguro itinutulad kita sa iba pang katulad mo. Matapang ka siguro.
Naramdaman kong dapat ko nang ipinagpatuloy ang pagbabasa ng libro. Kelangan kong gawin upang maisalba ko pa ang natitira kong katinuan.
5:36 p.m., Concepcion Exit
Napadalas ang pagtingin mo sa akin. Hindi ko alam kung anong iniisip mo. Siguro ipinagpalagay mo na malungkot akong tao, katulad ng iba pang mga tao na nagbabasa ng libro sa pampublikong lugar. Marahil tama ka.
Tinangka mong kausapin ako. Ngunit nagdalawang isip ka dahil baka hindi kita sagutin. Kaya't nilulon mo na lamang ang mga salitang binitiwan mo. Narinig ko 'yon dahil saglit akong natigil sa pagbabasa.
5:57 p.m., Capas
Matagal na katahimikan ang bumalot. Kumakalat ang kadiliman at unti-unting nababawasan ang mga tao sa lansangan.
6:30 p.m., Gerona
Tumunog ang cellphone mo. May tumatawag sa iyo, natural. Tuwang-tuwa ka nang ibinalita mo na nakapasa ka. Hindi ako tiyak kung saan, basta may kaugnay iyon sa kotse.
Matapang ka nga. Malakas ang loob, bibihira sa isang katulad mo. Nangiti pa nga ako noong magsalita ka gamit ang wikang Pangasinan.
Tuwang-tuwa ka. Natutuwa rin naman ako.
7:02 p.m., Moncada
Itiniklop ko ang libro. At sumandal ka sa upuan mo. Di sinasadyang dumikit ang braso mo sa braso ko.
Mainit. Malambot. Puno ng buhay.
Nasa loob tayo ng isang malamig na hawla, ngunit nakaramdam ako ng init, ng buhay, ng pag-asa.
Hindi ko iniurong ang katawan ko. Gusto ko ang init. Hindi mo rin inalis ang pagkakadikit. Hindi ko binigyan ng malisya iyon. Pero ginusto ko. Sapagkat kailangan ko.
7:36 p.m., Urdaneta
"Makikiraan po. Lilipat lang."
Hindi ko namalayan ang oras. Maraming bumaba, kaya nabakante ang nasa harapang upuan. Pinasya mong lumipat. Nalungkot ako. Para akong iniwanan ng kasama.
Akala ko'y bababa ka na. Ngunit umusad ka lamang pala, katulad ng marami pang bagay sa mundo na kailangan pa ring umusad.
Naroon ka pa rin sa harapang upuan. Malapit lamang sa akin. Malapit lamang ako sa iyo. Minamasdan pa rin kita na puno ng paghanga, gaya ng dati.
Nakadungaw ka sa bintana. Nakadikit na halos ang mukha mo sa salamin. Napangiti ako ako. Para kang bata. Nakakahanga ang pagkakaroon mo ng interes sa mga bagay na nadadaanan lamang ng bus.
Minamasdan kita. Mula sa repleksyon ng salamin ng bintana, naaaninag kita. Ang iyong mukha. Ang mga malinaw mong mga mata. Matingkad ang iyong mukha. Hindi ka nakangiti ngunit ramdam ko ang gaan ng ligaya sa mukha mo.
8:12 p.m., Binalonan
Malapit na akong bumaba. At hindi ko pa alam kahit ang ngalan mo lang. Pinag-iisipan ko kung papara na nga ba ako sa dapat kong babaan, o dadayain ko na lang ang konduktor upang makapag-extend ako ng biyahe at malaman ko kung saan ka nakatira.
Hindi ako makapagdesisyon. Basta alam kong kailangan ko nang umuwi at pawiin ang pagod at lungkot na nagpapabigat sa akin.
8:27 p.m., Manaoag
Hindi ko na inisip ngunit bigla na lamang ako tumayo sa kinauupuan ko.
Kinuha ang bagahe sa itaas na bahagi.
Naglakad sa aisle saka pumara.
Huminto ang bus.
Bababa na sana ako ngunit pinasya kong tignan muna kita.
Hindi ka lumingon.
Nadurog ang puso ko.
Oh wow. A full love story in a single bus ride. Good job, Carl. :)
ReplyDeletePang short film lang ang concept. Maybe you should try writing for one. Nice job on this! :)
ReplyDelete@Citybuoy: Thanks Dude. I re-read it, madaming typo, inaantok na kase ako. Hehe
ReplyDelete@Ludwig: Salamat. Hanggang ngayon kase iniisip ko pa rin siya, kung magkikita pa kaya kami, o kahit makikita ko lamang siya. Hehe. Umaasa pa rin. :D
ReplyDeleteGanito ka pala maglandi, palihim. LOL
ReplyDeleteThanks Kuya Andrew for that COMPLIMENT. :p
ReplyDeleteang husay! ^_^
ReplyDeleteHi Eklok!? Sino ka kaya? Hehe. Salamat sa pagbisita!
ReplyDeletenice. mga ganitong tagpo. nkakalungkot
ReplyDelete@Anon1: Salamat. Sana magpakilala ka. :)
ReplyDeletemagaling :) may kwentista in the making pala tayo dito, o ganap na tlgang kwentista? :) nagenjoy ako.
ReplyDeleteisang magaling at mahusay na panunulat sa isang magaling na tao.. merry Christmas chairman.. huwag kang mag alala mag kikita rin kayo nun..=)
ReplyDelete@Anon3: Salamat G5!
ReplyDelete@food3p: Salamat gob. nakapaunta ka na rin dito ah. May blog ka din pala.
ReplyDeleteLigaw tinging? Lumalandi eh. haha
ReplyDelete@Earl: Tamang landi lang jud.
ReplyDelete@Earl: Tamang landi lang jud. Hehe
ReplyDelete