12/29/2011

Tsaa at Kamalian

Wala na naman akong nagawang tama ngayong araw. Puro kamalian. Namumuro na ako. Lagi akong taya. Laging talunan.

Kailangan kong mag-isip. Nasasayang ang panahon sa paggawa ng mali. Nauubos ang pagkakataon.
Uminom ako ng tsaa.

Mainit. Mapait. Nakakapagpagising ng damdamin. Pinapagaan nito ang aking dungan.
Napagtanto ko na may kabuluhan ang buhay --- kalakip na ang paggawa ng mali at pagiging talunan.

Bukas gagawa uli ako ng mga mali. Pipilitin kong gumawa kahit, kamalian. 

Marahil mas mabuti na iyon kesa sa gumawa ng wala. 


Tingin ko mas masarap pa sa tsaa ang gumawa at mag-ipon ng mali. 

Iipunin, itatago, at kapag husto na, siguro naman magiging magaling akong tagapayo sa sarili ko, at sa iba pang katulad ko ding talunan.
Sa wari ko'y  magiging makabuluhan na ang buhay dahil nakatulong ako sa kapwa. 

At doon na ako magsisimulang gumawa ng tama.

Bago iyon, iinom muli ako ng tsaa.

 Mainit. Mapait. Nakakapagpagising ng damdamin. Pinagaan nito ang aking dungan.


2 comments:

Leave your mark.