6/13/2009
Ang Aking Bayani...
6/11/2009
Mga Bulok na Pinoy
Pasintabi sa mga maaring mabulabog ang mga konsyensya. Ayos lang na magtaas ng kilay o manggalaiti sa iyong kinauupuan. Pinatunayan mong isa ka sa kanila. Hindi ko gustuhing ipahiya ang mga sumusunod o ipabatid ang alinmang masamang saloobin. Gusto ko lamang ipakita sa "kanila" kung papaano sila nakikita ng kapwa niIa Pinoy.
Hindi ko lang maarok ang mga babaeng conyo na nag-uusap sa isang convenience store.
SCENE 1: Meyer's Illusion

<o>: "O-EM-DYiiii!!! I got a kopya of Twilight DVD na na bigay ng Uncle ko from US. You know naman na wala pa naman 'to sa Pinas noh! So I'm gonna make tago this and lagay my name here, I won't pahiram this to anyone."
<i>: " Hey sis how about me naman? I introduced sayo yung book diba? That one that I bought worth P325 noh.! Kung di dahil sa akin, you won't gonna make kilala si Edward."
<e>: "(sisingit) Come 'on girls let's have our tambay sa starbucks na lang. So many tao na here. I can't breath na. Let's have a mocha frappes na lang. Mas sosyal pa dun kesa here. We're not bagay here noh. Perhaps I'll make some pagbabago sa multiply ko over my laptop."
*Umalis, nagkatinginan kami ni Mamang Guard habang pumapalatak. Ang mga mayayabang sumasakay din pala ng dyip. :))
Eh ano ngayon kung bestseller ang Twilight and etc. Does it make any sense kung isa ka sa mga nakabasa? Tataas ba ang IQ mo?, breeding mo?, bank account mo dahil dyan? You are draining your moral. We have excellent Filipino writers. Sana bago mo basahin ang libro ng iba, basahin mo muna ang libro mo. Manalamin ka kaibigan. Huwag kang magbulag-bulagan.
Pero teka para malaman mo, patas ako. Na-hypnotized ako isang araw. Bumili ako ng piratang DVD nung movie. Maganda ang movie. Noong part na in-anbuct na si Bella, nakatulog ako. Maganda siya para sa mga di makatulog na gaya ko. Sabi ng iba yun nga daw yung climax ng story. Pero nakatulog naman ako. Nagising na lang ako ng may kumatok. Pag tingin ko sa TV sumasayaw na sina Edward at Bella. Para maging fair ulet, barkwards naman ang ginawa ko. Then I found out na di rin naman pala ganun ka-worthy yung pinag-aksayahan ko ng oras. Doon ako unang nanghinayang sa kwarenta pesos. Totoo yan. Kaya pag pinag-uusapan ang Twilight ng mga kaibigan ko, lumalayo ako. Baka kasi maging alipin na rin ako nung author. Bibili ako ng librong di rin naman makakatulong upang maging mabuting tao.
SCENE 2: Rise of the Craps
Humanda ka na dahil naging movie na sya. Una nung naging movie yung The Da Vinci Code. Una kong nabasa yun sa tulong nung isang classmate nung highschool ako na anak naman ng isang Christian Church Minister. Magagalit daw tatay niya kaya sa school niya binabasa at di tinatanggal ang price tag na "National Bookstore: P325.00"Pero isang chapter pa lang ako, agad kong itigil ang pagbabasa. Kaya nangailangan ako ng antibiotic kasi nanganganib ng matetano ang maliit kong pananampalataya. Bumili ako ng "Cracking the Da Vinci Code". Libro na kontra sa libro ni Dan Brown. Ayun buti di ako natuluyang maimpeksyon. Pero di yan yung kwento. Asa ka! Hahaa.
Pag may kakilala na nakabasa/nagbabasa niyan sasabihin niya, "Uy gusto mo hiramin pagkatapos ko? Ang cool. Eto yung Uso ngayon!" Pag tumanngi ka jologs ka na. Pag pumayag ka, patay kang bata ka. Kunwari binasa mo nga. Di mo naintindihan yung story kasi nga di mo naman trip basahin dahil pinagbigyan mo lamang. Kaya ang kinalabasan eh binasa mo yung libro dahil gusto niya. So ayun, magtatanong ka. Syempre para di ka mapag-iwanan. Sasagot sya, dapat binasa mo muna yung The Da Vinci Code kasi pre-requisite nya yan. Anak ng!, parang course may pre-requisite! So ayun nagmukha kang tanga. Hang on pa, meron pang take two yan.
Ngayon naman kung kasama mo siyang nanood ng pelikulang hango sa librong yan at sabihin na nating di mo pa kunwari nabasa yung nobela..."Ang ganda nung movie no?" sasagot yan, "Mas maganda yung nasa book kung nabasa mo lang. Ang dami kasing kulang sa film eh, Dapat gan'to, dapat gan'yan."
Waaah! Kawawang Pinoy kahit saan pumunta nagmumukhang tanga.
Muntik na akong maging ganyan. Napanood at nagustuhan ko yung Narnia at LOTR sa sinehan/DVD's noon pero di ko sila gagayahin, kaya di ko na lang babasahin o bibilhin yung mga libro nila. Amanos na tayo pare!
SCENE 3: School Stereotyping
Para sa akin ito yung nakakasindak. To all Taga-UP please don't take this personally. Di ko kayo nilalahat. Prove to me that you are really intelligent people. Thus you should understand. :))

*over YM when someone added me.
<visitor>:(BUZZ!) "anong school/course ka?"
<me>: (naks naman unang tanong school agad) *carl is typing a message
di pa ako nagkapagreply then...
<visitor>: "UP DILIMAN ako eh ikaw ano?"
I was just silent that time 'cos I know I have better thoughts in mind.
<me>: "I think my school and course will never define my abilities and my intelligence. My grades and my learning are not mutually exclusive. I am more than my transcripts will show. And for your info there are only 2 schools in Manila that I wish to study at. MIT and PLM. (Bitter ako dyan dahil di ako nakapag-aral sa UP. Di kaya ng parents ko eh) Kapatid di ka pa graduated pero binabagyo mo na ako. If you're being proud of your school then let it be. I know matalino ka pero you got it wrong what EDUCATION means. Don't insult me dahil ang bumuhay sa UP na pera for nearly a century ay pera ng mga PIlipino (I am aware that UP was not being subsidized now). Buwis ng mga magulang ko, pera ng karaniwang Pilipino. Asaan kayo ngayong naghihirap ang Pilipinas? Nasa kalye?, condo?, office?abroad? Asaan ang Lawyers nyo? Corrupt Congressman? Re-electionist mayor? Umeepal na senador? Nakakatakot ka kababayan."
* <visitor> is now offline.
Akala ko palaban eh ayun nag-offline. I know na OL pa siya nun 'cos I have a Buddy Spy App. Malalaman mo kung nagtatago o talagang Offline yung contact mo.
Halong inis at pagkalungkot ang naramdaman ko dyan. Yan ang eksaktong sinabi ko sa kanya. Binuo ko lang ang mga words para na rin sa iyo. mahal kasi kita eh.:P. Marahil dahil na rin sa damdamin kaya di ko na inisip ang mga sinabi ko basta diretso na sa pagta-type noon.
*********************************************************************************************************
Icebreaker: Kanina lang bago mananghali kausap ang kapatid ko.
<siya>: "kuya caloy bili ka nga ng repolyo at patatas sa kurbada."
<ako>: "ikaw na ah"
<siya>: "malayo eh, gamitin mo na yung motor."
<ako>: "isipin mo na lang namamasyal ka. maaga pa naman, aabot yan kapag kumulo na yung karne."
<siya>:"kapal mo naman, mag-uulam ka din."
* wala na akong masagot. iisip ng palusot
<ako>: "Di bale nang magdildil ng asin basta't may sariling bahay."
*di sya kumibo. ENDING- Nanalo sya, pupunta rin pala ako pinahirapan ko pa.:P
*Paningit para kay Lozada, Nagtataka ako kung bakit di sya dawit sa NBN Deal case para maparusahan? Porke ba't lumabas sya at nagsumbong eh exempted na siya? Sana kung nagkasala siya at nagsasabi sya ng totoo kasama niya dapat makulong ang mga sangkot pagdating ng panahon. Ang may-sala ay may-sala nagsumbong ka man o hindi. Huwag na siya magtago sa ilalim ng mga saya ng Madre. Kung talagang totoo ang sinasabi niya ay di dapat sya takot mamatay.:)
Sana wala ng mga kambal ang tulad nila. Kahit ganun sila di ko sila itinakwil bilang mga Pilipino. Dala kasi nila ang Nationality ko. Kaya ko ginawa ang blog na ito ay upang matigil na ang pagkalat ng damo at nang lumago na ang mga pananim sa lupain ng Pilipinas.
Pilipino ako! Ikaw? Saan ka Pilipino? Sa birth certificate lamang ba?
Bukas ay araw ng Kalayaan. Makibahagi ka! Pumunta ka sa Municipal/City/Provincial Hall para sa isang program. Sumali ka kung ikaw ay Pilipino!
Kung kelan uunlad ang Pilipinas? Hindi ko alam. Isang bagay lang ang sigurado sa mundo, ang pagbabago. Pero wala ito sa kalye, sa Court of Appeals, sa Kamara, sa strike, sa boycott. Dahil hindi mo hawak ang mundo pero may isang bagay ang maari mong mabago --- ang SARILI MO.
"Hindi iiyak ang daga kung hindi ito naiipit."
To react is guilty, To laugh sets you free.
Intellectual Property Rights Reserved (kung meron man) :
Carlo H Andrion
11.6.09
5/04/2009
BOB ONG IS A HOAX
Matapos kuwestiyunin ang katotohanan sa likod ng Bibliya, sa
kung totoo nga bang “banal” si Hesukristo. Matapos usisain kung
tunay ba o talagang mangyayari ang mga prediksyon ni
Nostradamus. Matapos gawing pelikula ang Da Vinci Code at ang
Angels and Demons. Narito na ang susunod na biktima ng mga
“pinakamarurunong” na Pilipino.
Si Roberto “Bob” Ong
Marami ang nagtatanong: “Totoo nga ba si Bob Ong?”
Kung totoo nga siya: “ Isang tao lang ba siya o isang
grupo ng manunulat ?”
Tunay nga na ang taong ayaw maniwala maghahanap at maghahanap
ng butas ng pagdududa para mailihis ang iyong paniniwala sa
isang bagay para lamang magmukhang “magaling” sa harapan mo.
Palakpakan natin sila. Akala ko sa telenobela lang ang may
kontra-bida.
Para sa mga bagong mambabasa ipinakikilala ulit si Bob Ong.
Panahon ng panunungkulan ni Estrada ng itatag niya ang website
na “bobongpinoy”. Tulad ng site na ito tumutukoy ito noon sa
mga kapalpakaan at kapintasan ng Pilipinas at ng ating Gobyerno
noong bagong milenyo. Dumami ang traffic ng “bobongpinoy”.
Nakilala ito di lamang sa Pilipinas kundi ng mga kababayan
nating expat. Umani ito ng pag-sangayon at pagtutol ng ilan. Sa
katunayan nagkamit pa ito ng award. Makikilala mo si BO bilang
webmaster, moderator, o kaya pwede na rin sigurong Admin sa
“bobongpinoy”. Gumamit siya ng headshot na larawan ng isang
utak ng tao sa paniniwalang “Tayo ay ang utak natin,kung
papaano tayo nagkakaroon ng emosyon, nagkakaroon ng kaalaman,
at napapatakbo ang kanya-kanya nating katawan.” Nang mapatalsik
si P. Estrada, nawala na rin ang “bobongpinoy”. Wala na kasing
dahilan upang ipagpatuloy ang “bobongpinoy”. Nawala ang website
subalit marami ang naghahanap sa kanya through e-mail.
Napag-isipan niyang ituloy ang kanyang pagsusulat sa papel
naman. Nailimbag ang una niyang aklat ang ABNKKBSNPLAko?!. Sa
aklat na iyan nakuha ko lahat ng nakasulat sa itaas. Sa anim na
lumabas niyang aklat apat rito ang nagpapapatotoo sa kanyang
buhay-tao. Ang ABNKKBSNPLAko?!, Bakit Baliktad Magbasa ng
Libro Ang Mga Pilipino, Ang Paboritong Libro Ni hudas at ang
Stainless Longganisa. Naisulat niya sa Stainless Longganisa na
kailangan niya ng lumipat sa pagsusulat ng fiction dahil
naniniwala siya na kailangan ding lumaki ang isang tao sa ibang
environment. Kaya ang librong Alamat Ng Gubat, at Macarthur ang
nagsilbing pang-subsitute ng marami sa “Precious Hearts
Romance.”
Ganyan ang naging pagkakakilala ko kay Bob Ong ayon sa kanyang
mga libro. Una ko siyang “nakilala” noong ako’y nasa Second
Year High School taong 2003 iyan. Tanda ko pa na puro hiram
lamang ako para mabasa ang berde, itim, at dilaw niyang libro.
Nasundan na lang ulit ng magkaroon na ako ng access sa mga
bookstores ng ako’y mag-kolehiyo. Pinag-iipunan ko noon
makabili lamang ng mga libro niya. (tumatakbo ito sa
P150-P220). Mura na iyan pero suki pa rin ng xerox machine
dahil patok sa “ordinaryong” Pilipino na di na inabalang
pumasok sa isang “air-conditioned building” para makakuha ng
hard copy nito. Pero aminin mo man o hindi, lahat tayo na
nakabasa at least isa sa mga libro niya eh nasagasaan ang
konsyensiya at nabulabog ang naipagwawalang-bahalang
nasyonalismo. Kung sa akin lamang malaki ang nabago buhat ng
ako’y magbasa. Mas may sense kasi basahin ang mga panulat niya
kesa sa mga fiction series tungkol sa “Witchcraft and Wizardy”,
“Code”, at “Vampires” na ngayon ay mga pelikula na, na ang
iba’y kabilang pa sa top-grosser na nadaig pa ang “Passion of
the Christ” at “Forrest Gump”. Napaka-unrealistic ng mga
nobelang iyan kaso nagiging patok kasi “may class” daw, English
kasi at “distinct” daw. Karamihan ng mga biktima “Pinoy Girls
Social-Climbers”.Hahaa. Natatawa na lang ako sa kanila. Awa at
pagkainis. (Patawarin sana ako).
Pero ang mga nasabi ang hindi ko na ikinababahala. Ang problema
ngayon ay kung paano ipapatotoo na si Bob Ong ay si “Bob Ong”
nga ayon sa pagkakakilala ng karamiihan. Mahirap kasi
ipagtanggol ang hindi mo pa nakikita o ayaw magpakita unless na
may “faith” ka sa kanya. Pero IMAO, totoo si Bob Ong, gaya ng
paniniwala ko na Banal si Hesukristo na kinokontra ni Dan
Brown. Hindi ko alam kung paano nagigiging tahimik hanggang sa
ngayon ang Visprint Ent. (Publisher ni BO) na ilihim ng maingat
ang tunay niyang pagkatao. Sa ngayon,ulit, malakas ang loob ko
para sabihing totoo siya, natatandaan ko pa ang e-mail na gamit
niya noong may “bobongpinoy” pa, at may sumasagot pa rin naman
sa paraan ng kanyang pagsusulat.
(Tabi-tabi po nga taga-YuPi. Huwag ninyo sanang personalin.:D)
Nakatanggap ako ng isang reaction :
zZz: ”Si Bob Ong ay Grupo ng mga Manunulat sa Unibersidad ng
Pilipinas.”
Anak ng…Huwag kang magbiro ng ganyan.
xXx:“Nasa YuPi na lahat ng pondo ng para sa Edukasyon tapos
pati si Bob Ong nanakawin ninyo! HOW DARE YOU. KAPAL NOH.”
*Silent lamang ako. Buti nandyan six Xx.
Totoong replies ang mga iyan. No edits. Binura ko na at
pinalitan ang mga name for safety purposes.
O sige masyado nang mahaba. I ko-conclude ko na ha.
Wala akong pakialam kung ilan ang “tunay” na Bob Ong. Basta ang
mahalaga ay dala-dala natin ang katangian niyang magbigay at
mag-ambag ng pagbabago sa Pilipinas. Ang bansa ko, ang bansa
mo, ang bansa natin. Kung hindi man siya totoo, then (PERIOD).
Kung totoo siya PASALAMAT ako dahil nagkaroon tayo ng
“Pilipinong Manunulat na may malasakit sa kapwa-Pilipino at sa
Wikang Filipino”. Wala kang mahahanap na hihigit o tulad niya.
Malaki ang natutunan ko sa kanya ng di-sinasadya, at malaki ang
utang ko sa kanya na sa pamamagitan ng simpleng di pagtatapon
ng basura sa kalye ko pwedeng mabayaran.
Sa ngayon…
“Si Bob Ong ay tayong mga Pilipino.”
5/03/2009
Finding X [Repost]
Wandering through multiply I found this. It does makes sense. Mali. It does makes a big sense.
http://hamlet0.multiply.com/journal/item/1
***************************************
saan madalas may find x na tanong?
sa math subjects diba? o tka, baka naman akala mo e magbibigay ako ng tips sa pagsolve ng math problems mo a..pwede rin pero hindi sa ganoong paraan..
ayaw kong sundin ang formula ni ma’am villamil (do not take literally)
gusto ko ng sariling formula.
ayoko kasi dumaan sa kalye na inaspalto ng iba..gets? ibig kong sabihin, ayokong makiakyat sa hagdanang itinayo ng ibang tao. gets mo na?
..ang ibig kong sabihin, bakit ako aapak sa ulo ng iba kong may sarili namn akong ulong pwedeng pagkatiwalaang tuntungan..tawagin mo ng pride ito, pero ang sa akin lang, why cheat when you can survive on your own?
ayun! ang bottom line is, ang blog na ito ay naglalayong:
- baguhin ang iyong pananaw sa pag-aaral
- limutin mo ang iyong pangongopya
- pagtibayin ang tiwala sa sarili
- matutong tumayo sa sariling paa
- gisingin ang iyong konsensya
- at makilala mo ang nagbigay ng utak mo..
heto na!
ayan, baka nawalan ka ng gana dahil dun sa mga goals ko a..hehe
nywei, nagbabakasakali lang..
una sa lahat, kailangang malaman mo na ang utak mo ay hindi mo pag-aari.
katulad ng buhay mo at iba pang parte ng katawan mo.
xempre galing kay God yan.
regalo at hindi mo binili..
wala kang maipagmamalaki at matatawag na sa iyo..
ayan, natatanggap mo na bang wala kang dapat angkinin??
ok, next step..
kailangan mong malaman na ang tanging maari mong gawin ay pagbutihin at linangin ang blessings na bigay sayo..dat’s your talent!
at walang taong di nabiyayaan ng talent..wag mong sabihing wala kang talent dahil para mo na ring ininsulto ang Diyos.. HE doesn’t make TRASH, clear?
then,
dapat ay tubuan ka naman ng tiwala sa sarili at hiya sa Lumikha sa’yo.. binigyan ka niya ng utak pero ndi mo gamitin sa tamang paraan..nakakainsulto naman yun.. kung sa ibang bagay ka namn nabiyayaan, edi yun ang linangin mo..
wag kang umasa sa ibang tao, dahil iba pa rin ang makakuha ng puntos sa exam na alam mong ikaw at tanging ikaw lang ang sumagot.
next,
eto na ata ang tangi kong maitutulong para maiwasan mo ng paunti-unti ang pangongopya.
- mag-aral ~kung ikaw ay isang estujante, ang primary function mo ay mag-aral/matuto. kung ndi ganun ang ginagawa mo sa ngayon, wag mong iClaim na estujante ka!
- maging excited sa ginagawa ~naniniwala ako na kapag binigay mo ang puso mo sa isang bagay ay hindi iyon malayong magtagumpay. ang excitement sa isang bagay ay naklapagpapanatiling interesado ka sa ginagawa.
- maging responsable ~alam mo dapat kung ano ang kalalabasan ng ginagawa mo. wag kang umasa sa iba. masarap ang lasa ng sariling pawis. bakit,nais mo bang matikman ang pawis ng iba? pangit diba, ganun din sa pag-aaral..
- makipag-pustahan ~eto ang madalas kong gawin, pero masama ata to..well as long as wala namang perang involve. it’s a source of motivation. makipagpataasan ka ng score kahit sa pinakamatalino. epektib to pramis!
- magkaroon ng layunin ~magddrive ka ba ng motor ng hindi mo alam ang pupuntahan? xempre hindi, dapat alam mo kung saan ka pupunta, saan ka dadaan, at dapat may gasolina ka. dahil kung hindi, sayang ang oras, lakas, at gasolina!
- manalangin ~pinakaepektibo sa lahat, pray before the exam, during and after.. kagaya ng nasabi ko na, ang utak mo ay bigay.. kaya dapat pahalagahan. it also helps you na makapagconcentrate.. do it all for the glory of God at hindi para sa sarili mong kapakanan.
hindi na ito sikreto o lihim.. malamang ay may nakapagsabi na rin ng mga bagay na ito sa yo, ayaw mo lang sundin. Remember: ‘The spirit is willing but the flesh is weak’
eto yung sarili kong teknik sa pag-aaral..
- kunwari, isang malaking RPG game ang PSU.. may 4 levels.
- magsisimula ako bilang Freshman(novice), Sophomore, Junior, then Senior..
- marami akong skills na maaacquire at weapons na rin(knowledege).
- marami rin akong magiging kalaban(subjects). at kapwa gamer(kaibigan)
- sa bawat level, may coins(tuition fee) na kapalit ang death(pagbagsak) at failure. SAYANG!!
- at in the end, pag naClear ang lahat ng levels. May panibagong WORLD na naman na papasukan.
- There are many chances. But there are no rewinds.
waaaaah..dpa ako tapos! pero sige, next time ulet..
***********************************************************************************
Galing Diba?:D
5/02/2009
Mga Pagbabago [Joke Time]
1. Noon, kapag maganda, liligawan mo na agad. Ngayon, kapag maganda, titigan mo muna nang mabuti baka bakla
---Bebe Gandanghari
2. Konti lang ang lalaking gwapo. Ngayon konting gwapo lamang ang tunay na lalaki.
---Piolo at Sam
3. Noon, gwapo lamang ang babaero. Ngayon kahit panget babaero na rin.
---Manny Pacquiao.
*To react is guilty, to laugh set you free.
4/16/2009
Walang Titulo
Alam kong wala ako sa sarili ngayon. Wala na ako sa aking kababawan na kung saan na kahit ang ordinaryong sikat ng araw ay napapangiti ako, sa simpleng ihip ng hangin ay nakukuha ko pang nagpapasalamat sa Kanya. Tama. Nasa State of Extreme Confusion ako. Sa lahat ng aspeto ng buhay. Siguro nga. Ngayon ko napatunayan na di pala ako simpleng tao base sa aking pagkakakilala. May malalalim din pala akong emosyon at matatayog na makasariling pangarap. Sabi sa akin ng isang matandang lalake na
nakasalubong ko, “Mas malungkot ka pa sa kulay na taglay ng Guernica ni Picasso.” Napangiti ako, alam ko dahil iyon ang huling ngiti ko bago ko isulat ito. Alam ko nahihiwagahan ka sa dinasabi pero hindi ito “Suicide Note” kaya magtigil ka. Ayaw kong magkasala pa baka hindi na ako patawarin.
Umuwi ng bahay, pero wala pa rin ako sa dating ako. Nasasabik na nga ako sa dati kong sarili. Lumayas siya noong Linggo ng hatinggabi at di ko alam kong babalik pa. Pero ayos na rin siguro na umalis siya, mas nakikita ko ang mundo ngayon bilang gubat kesa noon na ang aking mundo ay tila mundo ng isang kindergarten pupil. Merong guro, kaklase, may nanonood sayo habang natututo ka, kumakanta, sumasayaw, naghahabulan, kumakain, makulay ang silid-aralan, makukulay ang mga tisa [chalk], nariyan ang magulang, magalang, masaya, walang kapaguran, at ang pinakasasabikan ko sa lahat sa dati kong buhay eh na bago pumasok at tuwing uuwi galing paaralan ay may nakahawak ng mahigpit sa munti kong kamay at hindi binibitawan hanggang wala pa ako sa aking bahay. Nakaka-miss, pero ito lamang ang magagawa ko.Alalahanin ang matamis na kahapon.Isang hiwaga pa rin para sa akin ang salitang pag-ibig simula ng ipinanganak ako hanggang sa tuluyang naglayas ang dating ako. Mas lumalim pa ang pagkakakilanlan ko rito ng marating ko ang State of Extreme Confusion.
Lagi kong tinatanong kung ano ang pag-ibig. Pero kahit si Webster ay tipid sa pagtukoy sa maikling salitang ito. Pag-ibig ang bumubuhay sa mundo pero pag-ibig din ang sumisira rito. Pag-ibig ang nagpapasaya sa tao pero marami ang nagpapakamatay dahil dito. Pag-ibig ang
dahilan kung bakit dumarami ang tao pero pag-ibig rin ang nagiging dahilan para mabawasan ito. Pag-ibig marahil ang nagpapagaling sa may-sakit pero ito rin ang nagpapalala rito.
Sa mga kahulugang ito maari kong maiuri ang pag-ibig sa maraming pagkakataon at salita. Ang pag-ibig ay: Masaya ngunit masakit, masarap ngunit mapait, wagas ngunit maari ring mapag-kunwari, nakakatawa ngunit madalas ay nakakapagpa-iyak. Pag-ibig ang dahilan kung bakit may: reunion, Independence Day, Valentine’s Day, Birthday, Golden Anniversary, bayani, nagsasakripisyo, naaagrabyado, at nagiging TAKEN…for granted. Ganyan kalawak ang “pag-ibig” na kung ikukumpara sa salitang “set” na may pinakamaraming gamit eh “pag-ibig” naman ang may pinakamaraming kahulugan, synonyms, at antonyms.
Akala ko noon ay tulad kong lalaki ang makakapatay sa akin, mali pala ako. Kung kaya ko lang hulaan ang patutunguhan ko eh matagal ko na sanang iniwasan ang taong pinalambot ang puso ko pero unti-unti naming pinunit ito. Marahil nanakaw niya ang puso ko ngunit hinding-hindi ko isusuko ang isip ko. Nag-iisa lang ako sa mundo. Mag-isa ko itong lalakbayin dahil kahit na ang pamilya o kaibigan ko mismo ay hindi ako palaging matutulungan. Obligasyon ko na ang buhay ko. Narating ko ang edad na kung saan maaari na akong makulong, mabitay, at maparusahan. Malayo na ang naging paglalakbay ko at hindi ko alam kong hanggang saan o saan ang aking patutunguhan. Kinakailangan ng tao ang pag-ibig kaya lubos ko itong ibinibigay kahit kanino, personal ko mang kilala o hindi, pamilya man o kaibigan, kilala o nag-papakilala pa lamang. Pero sabi nga ng pumanaw kong katauhan, “Ang buhay ay parang siso. Para maiangat mo ang iba, ibaba mo dapat ang sarili mo, at kung gusto mo namang umangat, humanap ka ng taong uupo sa kabilang dulo na handang ibaba ang sarili para maiangat ka naman.”
Sa aking sitwasyon ngayon, sawa na ako na palaging nagbibigay, nagpapasensya, nagpaparaya, naisasantabi, at nakakaligtaan. Lubos kong hinahangad ang kabaligtaran para sa aking sarili. Tanging lubos lamang. Pero hangga’t hindi ko pa nakukuha ang dapat na may sa aki’y, lalakbayin ko muna ang masukal na daan ng gubat ng aking buhay. Hindi ko alam kung saan ako pupunta kaya walang nararapat na titulo ang angkop para sa sulating ito. Hindi ko alam. Walang ideya kung ano, alin, at papaano.
Sa ngayon ang buhay ko ay walang titulo.
Copyright: Carlo Hernandez Andrion
http://carloandrion.multiply.com
4/01/2009
Ang Aking Bayani...
Ay wala. Hindi na nabubuhay ang mga bayani ngayon. Kung nabubuhay man, hindi na sa aking mundo. Ang mga bayani noon ay madalas dumarating, malit man o malaki o kahit ano pa siya. Nakakalungkot isipin na hindi na natin sila nakikita ngayon.
Ang mundo natin ay tinangkilik na ang lumang pilosopiya na "Mata para sa mata.". Ang mga tao ngayon ay nakatutok na sa hangaring makakuha ng makakuha at makuha ang pinaka na hindi na nila nawawari kung may mga paa na silang naapakan o kung ilan balikat o ulo na ang nasagi at nasaktan para makuha lang ang mga bagay na gusto nila.
Ang aking bayani ay WALA.
Ang mga bayani ay wala na sa Pilipinas. Kailan lamang sila ng mawala. Sa totoo lang, maraming tao pa rin ang sumubok para maging bayani. Sila iyong mga taong matapang, tapat, may moral, at handang isantabi ang sariling kapakanan para sa ikakaunlad ng iba. Malamang nakilala mo na ang ganoong klase ng "Bayani". Malaki ang tsansa na makilala mo ang ganitong klase ng bayani na kung saan makikita mo ang mga nasabi kong kalidad, pero binibigyan sila ng ibang pangalan o inihahalintulad sa ibang salitang sa tingin nating walang kwenta, tulag ng tanga, di praktikal, manhid, o kaawa-awa. Di mo naman masisisi ang iba kung bakit nila iisiping tumulong kung gayon na lamang din na kailangan din nila ng tulong. Pero sa tingin ko iyong mga bagay na iyun ang nakakapaghiwalay sa kanilang mga katangian bilang mga ordinaryong tao para tawaging "Bayani".
Makikita mo sa mga sitwasyong ito na ang mga tao ay di na inirerespeto ang mga "Bayani". Hindi na sila tinitingala o ginagawang inspirasyon o kahit na suportahan man lamang. Tingnan na lang natin sina Rizal at Bonifacio. Kapwa Pilipino rin natin ang nagpahamak at pumatay sa sa kanila. Ang mga katulad nila ay mahirap nang hagilapin. Masakit isipin na ang mga taong hangad ay kasarinlan ng ating bayan ay sila ang nagiging biktima ng paghahangad ng iba para sa kapangyarihan. Tao ang pumapatay sa Bayani. Walang kinalaman ang krypton, tubig, kuryente, o apoy sa kanilang pagkawala. Ito ang nagiging kondisyon na sumasalamin sa walang malay na pambansang kalakaran.
Ang mga Bayani ay madalas tumitigil sa gilid ng kalsada, upang tulungan ang isang kaluluwang na-istranded dahil sa nabutas na gulong. Ngayon, ang buhay ng mga Bayani ay nasa kapahamakan. Hindi mo kasi malalaman kung sino ang may pistol na nakatago sa at nakaipit sa loob ng sinturon.
Ang aking Bayani... ay wala.
Maraming digmaan na ang napagdaanan ng ating bansa. At marami tayong bayani na nakikipagdigma. Sila iyong mga taong nagpupumilit bumalik sa bakbakan kahit na kulay halaya na ang dugo. Mga taong walang habas na sinuway ang utos ng nakatataas upang iligtas ang kasamahang naiwan na wala ng pag-asang makita para makabalik pang buhay sa pamilya. Sila iyong mga taong pilit pumasok sa isang giyera, na di lingid sa kaalaman na maaring hindi na sila makakabalik para lamang sa hangaring magkaroon ng mas mapayapang buhay ang iba.
Ang aking Bayani...ay wala.
Kapag itinuring mong Bayani ang isa, magbibigay pressure lamang ito sa kanya. At ayaw ng ninuman na sila ay nape-pressure. Ayaw nilang maging mabuti o tingalain dahil sa pagiging bayani dahil mas napapalapit lamang sila sa kasawian. Mas madali sa buhay na ito na paminsan-minsan sumama ka sa agos. Mas madali na huwag mong ituring ang sarili mo bilang bayani at gawing trabaho ang pagtulong sa iba at isakatuparan na lamang ang makasariling pangarap.
Ang aking Bayani...ay wala.
Para sabihin na siya ang Bayani mo ay nangangahulugang mahina ka.
Paano kung nabigo ang Bayani mo at ipakita sa iyo na tao din siya na tulad mo? Nakakasakit ng damdamin hindi ba?. Upang maituring mo kung sino ang iyong bayani ay ang pagbibigay ng tiwala sa kanila. Alam nating lahat na ang pagtitiwala sa isang tao higit sa iyong sarili ay pagpapalapit sa katotohanang ikaw ang maaaring maisakripisyo.
Ang nga Bayani ay nabubuhay pa rin. Pero hindi na sila napapangalanan, hindi na nabibigyang pugay, at hindi pinagkakatiwalaan. Papaubos na ang lahi ng mga Bayani taun-taon. Nakakagulat nga lang at hindi sila isinasali sa mga listahan ng "Endangered Species".
Kung nakasaksi ka na ng taong matapang, tapat, at handang gumawa ng malaking bagay sa maliliit na paraan, para sa iyo, huwag na huwag kang magsasabi ng kung anuman sa kanya. Maging malapit ka, makinig ng mabuti, at magtiwala. Matututo ka ng marami.
Ang Aking Bayani...ay nasa tabi-tabi lang. Sana nga.