12/30/2011

Kabanata 3: Sa Koridor


Nakita kita sa koridor. 
Malayo pa lang, alam ko na na ikaw 'yun.
Para bang anino sa kalagitnaan ng gabi.
Mag-isa ka.
Naglalakad papalapit sa akin.
Magsasalubong tayo.
Bumilis ang tibok ng puso ko.
Mas narinig ko ang pagdaloy ng dugo sa bawat ugat sa aking buong katawan. 
Panay ang dampi mo sa iyong mukha.

12/29/2011

Tsaa at Kamalian

Wala na naman akong nagawang tama ngayong araw. Puro kamalian. Namumuro na ako. Lagi akong taya. Laging talunan.

Kailangan kong mag-isip. Nasasayang ang panahon sa paggawa ng mali. Nauubos ang pagkakataon.
Uminom ako ng tsaa.

Mainit. Mapait. Nakakapagpagising ng damdamin. Pinapagaan nito ang aking dungan.
Napagtanto ko na may kabuluhan ang buhay --- kalakip na ang paggawa ng mali at pagiging talunan.

Bukas gagawa uli ako ng mga mali. Pipilitin kong gumawa kahit, kamalian. 

Marahil mas mabuti na iyon kesa sa gumawa ng wala. 

12/21/2011

Nadurog Ang Puso Ko

Disyembre 18, 2011

3:31 p.m., Balintawak



Sumakay ka. Binigyan ng tingin, hanggang sa humulagpos ka patungo sa likuran ng bus. Pumanaog muli ang sasakyan, doon kasama na kita. Tinahak natin ang NLEX. Wala akong katabi sa upuan. Wala akong kasama sa paglalakbay.


3:40 p.m., Camachile

Inaaliw ko na lamang ang aking sarili. Empty batt na ang cellphone ko, kaya hindi na ako makakapagpatugtog ng mga tracks ng The Beatles. Ayaw ko pa rin namang basahin ang libro ni Chuck Palahniuk na dala ko. Ayaw kong magmukhang intelektwal sa loob ng bus. Sa malamig, at matamlay na atmospera ng bus.  

4:01 p.m. NLEX-Bocaue

Umusod ako bahagya papalapit sa bintana. Sa center island ng NLEX, naaliw ako sa mga damong sumasayaw sa hangin na dulot ng matulin na Five Star Bus sa unahan natin. Parang alun-alon lang sa dagat --- gumagalaw, sumasayaw, naglalakbay. Pareho silang may pinatutunguhan. Parehong nakikibaka sa panahon.

4:27 p.m., Mabalacat

12/05/2011

Kabanata 2: Maikling Kwento

Ito marahil ang sequel ng kwentong ayaw ko pang tapusin.



Puso ang Lumikha ng Kaguluhang ito


Disyembre 5, 2011 (7:13:19 p.m.)

Caloy: Bakit ka umiiyak kanina?
Ikaw: Cnu ngsbi?
Caloy: Nakita kita. Lalapitan sana kita. Papunta ka sa mga kaklase mo. Anong nangyari?
Ikaw: Gsto nga dn kta pntahan nun kso d kta nkta.
Caloy: Dahil ba yan sa %^&*$ %&@$? Pinagalitan ka ni @#$!?
Ikaw: Hnd. Pinahiya ako ni *^!&%$*@.
Caloy: Bakit naman? Bakit niya nagawa iyon sa iyo? Grabe naman siya.
Ikaw: .........
Caloy: Anyway, kung di mo kaya magkuwento, ayus lang. Basta you can talk to me, always, anytime.
Ikaw: ........
*End of the story*

Lofty



Bend, not break. (Dasol, Pangasinan | December 21, 2010)

12/04/2011

Ibong Adarna and the Chronicles of Memories

They were waving at me as I continue my walking. They smiled, like it was the best smiles I have ever seen from them. It was so vivid that I almost imagined that dream was real. But I just don't know if those were of hello's or goodbye's.


I dreamed of walking last night. In a lengthy, and straight road I found myself wandering through the course of it. Along with it, I found the memories of the past, imparting the people by the roadside who came and went away in my life.


I was eleven when I entered high school. And high school introduced me the concept of 'jungle' in the pool of human beings. It was, and will always be.


The Chronicles of Berbanya. Like graphite on paper, some memories do fade. 


One of the most memorable memories I had in high school is the "Ibong Adarna". We had the play of it for our Filipino subject. There are 40 students in the class, and 28 of it were girls. We belong to the Special Science Class where the scarcity of males is very prominent. If that is so, I do not know why. The story needs at least four male characters to be ran on a sensible storyline. But our group had only three. So the one very lucky girl in our group played the role of Don Fernando, the father. I played the role of Don Diego, the second son, like the 'middle' sibling in real life. Gerard Jake played the role of the youngest don, Juan and James Al as Pedro.

12/02/2011

For a Cup of Coffee



A lady pretending to be a courtier tried to save her 'servant' in the latter-day France, an old man who is unscrupulous and was chained, and doomed to be sold in America as a slave and approached the coachman for the release. "I wish to address the issue of this gentleman. He is my servant and I am here to pay the debt against him." said she.  
"You're too late, he's paid for." retorted the man.  
"I can pay you 20 gold francs." the lady insisted. 
But the coachman seemed to ignore the lady. Never giving up hope, the lady grabbed the donkey's sheaf and said "I demand you release him at once or I shall take this matter to the King." 
"The King is the one that sold him." said he. The coachman was right. The slave is now the property of foreign land who bought him.  
The woman denounced that 'he' is not property at all, and that it is ill-mannered to chain people like chattel. For the nth time, the lady demanded the release for the old man. But the coachman, which also happened to be the 'middle-man' in layman's term harangued her, "Get out of my way!".

12/01/2011

Thanks, again

Philippine Blog Awards 2011


For the second time around, thank you, thanks Kuya Andrew for the nomination. Now, at least this year, I didn't do it for myself. 


To some friends, who kept on visiting this blog these past months, I have tried so many times to close this blog, yet here I am again, and there you are, again, dudes and dudettes.


To all other visitors, thank you for reading, even most of the time your presence are not that appreciable. Magparamdam lang kayo.