11/28/2011

Ayos lang naman

X: O kamusta Diliman?
Y: Ayos lang.
X: Musta ang grades?
Y: Ayos lang. Mayroong uno, 1.5, 1.75, at dos. Dos ako sa English eh.
X: Ok lang 'yan. Musta Krus na Ligas?
Y: Ayos lang din. Kung no lang yung dati na nakita mo.
X: Eh yung mga kasama mo sa kwarto? Di ba apat kayo?
Y: Oo. Hindi naman umuuwi yung bumbero dun e. Tamabakan niya lang ng gamit.
X: E yung isa sa Engineering?
Y: Yung taga-Mandaluyong?
X: Oo yata? Siya ba yun?
Y: Di ko masyadong nakakausap. Salungat ang schedule namin.
X: Eh sinu-sino kausap mo dun?
Y: Wala.
X: Ano ba yan? Nakatira ka ba talaga dun? E yung isa yung naabutan ko dun noong summer?
Y: Ah yung Law student?
X: Oo yun!
Y: Gabi pasok nun. Tapos madaling araw uuwi. Nagba-blog yata. Tapos tulog buong araw.
X: E di napapanis laway mo dun?
Y: Ayos lang. Nakakapag-aral naman ako eh.
X: E sina Kuya Francis at Ate Doris? Hindi ka kinakausap?
Y: Bihira lang naman at kapag nagbabayad lang ako ng upa.
X: Eh yung mga anak nila di ka nakikipaglaro?
Y: Hindi. Anong lalaruin namin? Pero alam mo an cool ng mga pangalan nila. Si Dudoy yung lalaki.
X: Ah yung panganay na lalaki?
Y: Hindi. Siya yung bunso. Si Dudut ang panganay.
X: Haha. Cool name. Eh anong pangalan ng babae?
Y: Si Duday.
X: Hahaha. Eh ano bang palayaw ni Kuya Francis? Di naman 'D' ah.
Y: Malay ko. Siguro dahil 'Doris' yung nanay.
X: Oh ano namang pinag-uusapan niyo ni Dudoy?


Y: Wala. Bumabati lang siya. Kapag umaga aalis ako naglalaro siya, at paglabas ko ng kwarto babtiin niya ako ng "Good morning Kuya Clarence."
X: Hahaha. Eh anong sagot mo?
Y: Eh di "Good morning Dudoy."
X: Anti-social ka kasi. Dapat kinakamusta mo na rin.
Y: Tama na yun. Sa hapon naman pag-uwi ko "Good evening Kuya Clarence." naman.
X: Hahaha. Automatic ah!
Y: Oo naman. Kapag maaga-aga akong umuwi, "Good afternoon naman."
X: Ipagpatuloy mo yang performance mo. Basta sabihin mo kung may problema ka.
Y: Oo. Ayos lang naman.


*Bahagi ng usapan namin ng bunso kong kapatid, isang self-proclaimed 'anti-social'. Ayos lang naman.







4 comments:

  1. @Anon1: Puro, "ayos lang". Hehe

    ReplyDelete
  2. Homaygad! Ayos tong blog mo a. Bakit ngayon ko lang to nasilayan?! Sang blog ka pala lilipat? Ayos din entry mo sa youngblood. Kala ko extinct na mga book lover na 'baduy', di pa pala. Buti naman.=)

    ReplyDelete

Leave your mark.