*Dahil hindi kayang limutin ng Kalasada ang pag-iibigan natin.
Naririto ako, muli,
Sa lunan kung saan iniwan mo.
Sa pag-ibig na sinusubok ng distansya,
Distansyang hindi na maabot ng pagsinta.
Hanggang kailan ako mapaparito?
Babalik sa lugar na nilimot mo.
Tulad ba ng karagatan, wala na bang katapusan?
Paghahanap sa iyo sa kawalang iniwan.
Sa kalsadang ito kung saan,
Binukot ka ng pangarap para sa bayan.
Kailangan mo ba talagang limutin?
Pagsinta na sa iyo’y inuukol pa rin.
Tulad ng ulan sa tag-araw, hinihintay ka.
Sa iyong pagbabalik-bayan sinta.
Unos ang buhay na wala sa piling mo.
Pag-ibig walang saysay, nanlulumo, nalulumpo.
Ngunit magkagayon man, kung hindi ako
Nilalaman at itinitibok ng iyong puso.
Ako’y patuloy na maghihintay sa isang katulad mo.
Sa kalsadang nag-abandona sa pag-ibig ng isang abang tulad ko.
Ngunit kung pagpalain, na sa huling pagkakataon ay tayo pa rin.
Wagas na pagsinta’y matiyaga’t hindi kayang tibagin.
Ng layo ng kalsadang lumilimot ng walang paumanhin.
May lugar para sa ating dalawa, laan Niya lamang para sa atin.
eto pla un. ganda sya huh....
ReplyDeleteSalamat. :"> magpakilala ka naman minsa. :D
ReplyDelete