(Photo shown: The Maguindanao's bloodbath. 57 killed, 37 of them are journalists.)
Unang Journalism Experience
November 25-27, 2009, sumali ako sa Regional Higher Education Press Conference (RHEPC) RSPC ng mga Colleges sa Ilocos Region. Ginanap sa Urdaneta Garden Resort. Di ako masyado nag-enjoy kasi nga sa Urdaneta ako nag-aaral. 21 daw ang total ng colleges/universities na sumali. Di ako sigurado sa pigurang iyan. 140 daw ang sumali na estudyante. Ang ibang eskwelahan nagpadala ng higit sampung delegado, samantalang sa amin apat lang. Doon ko naramdaman na hindi nabibigyang importansya ang pahayagan ng aming eskwelahan. Pero bago noon, may baon kaming ‘high hopes’ dahil sa mga puri ng mga estudyante ng aming kampus sa papel na nai-release naming bago nun. Iyon daw ang pinakamaganda na na-i-prodyus. May mga ilang isyu pero nalulunod ang mga iyon ng papuri at komendasyon ng marami.
Dumating kami roon ng hindi gaanong handa. Kung pagbabasehan kasi, ang mga ibang pamanstasan e nagkaroon muna ng pre-training at debriefing. Alam nila nag mga mangyayari at gagawin. Ako, isang baguhan lunod pa rin sa mga tanong. Ano ang mangyayari? Ano ang gagawin? Ano ang teknik? For the record,ito ang unang pagkakataon na sumali ako sa press conference at makipaligsahan na rin. Kakasali ko lang sa school organ namin noong July 2009. Naki-screen ako at natanggap ako bilang Feature Editor. Elated naman ako kasi nga first time ko pa lang tapos ganun na kataas. Nagpasalamat na lang ako. (Huwag po sanang isipin ng mambabasa na unti-unti akong nagyayabang). Tapos dahil sa isang konting balasahan at pagkabakante ng pwestong EIC, naging Associate Editor naman ako. Bilang ganti nagtrabaho ako ng mabuti. Taga-absorb ng utos ng mas nakatataas sa akin. Pero ang kapalit, iba ang kumain ng tinapay na minasa ko hanggang madaling araw sa loob ng maraming gabi na nagpepeste ako sa harap ng kompyuter. Ibang kwento na ulit iyon. Ayan nasa venue na kami. LImitado lamang sa tatlong kategorya ang dapat salihan ng isang partisipante.
Una, Editorial writing sa Filipino. Maayos ang lecture na ibinigay. Naintindihan ko. Oras na ng kompetisyon, nahiwagahan ako sa paksa na gagawan ng Editoryal. Pumili raw ng isa sa walong ‘Millennium Development Goals’. Pusa! Noon ko lang narinig iyon. Di ko naman kasi natutunan iyon sa Civil Engineering e. Nagtanong ako sa katabi ko na taga-ibang kampus n gaming pamantasan. Ano iyong iba kako. Sinabi niya, Kahirapan, Edukasyon, at hindi, hindi niya na daw alam ang iba e. Nagpasalamat ako kasi kahit dalawa nagbigay siya. Inisip ko, Goals? Kahirapan, Edukasyon atbp? Layunin na pala ang kahirapan. Misleading ang sagot niya. Tinanong ko kung may kasama pang salita iyon. Sabi niya di na daw niya na naman alam. Di ko maasahan ang kahirapan. Pinatos ko na ang edukasyon. Pinamagatan kong dekalidad na edukasyon. Ewan. Nalabuan pa rin ako. Mukha kasing mali. Mali nga naman talaga.
•Goal 1: Eradicate extreme poverty and hunger
•Goal 2: Achieve universal primary education
•Goal 3: Promote gender equality and empower women
•Goal 4: Reduce child mortality
•Goal 5: Improve maternal health
•Goal 6: Combat HIV/AIDS, malaria and other diseases
•Goal 7: Ensure environmental sustainability
•Goal 8: Develop a Global Partnership for Development
Iyan ang walong MDG ng UN. Di nga naman tumama diba? Kaya di ko na inasahan. Malayo ang dekalidad na edukasyon sa edukasyon para sa lahat. Sabi nung katabi ko hindi niya alam pero ang paksa niya ng matapos siya e ‘gender equality at woman empowerment’. Nasa scrap pa lang ako, nagre-rewrite na siya. May binabasa siya, tinanong ko kung ano iyon, sabi niya notes. Ewan. Na-culture shock ako sa mga nakikita ko. Ang gulo. Ang resulta, hindi ako nanalo. Aasahan mo bang babasahin ang paliwanag mo tungkol sa buwan kung ang tinatanong e araw? Nanalo iyong katabi ko. First place ata. Grabe, napakasinungaling. Pareho pa naman kaming PSU, ibang kampus lang sila.
Ikalawa, News Writing. Pusang ina na naman. Aapat kami at hindi namin masalihan ang lahat. Ang isa nakatutok sa mga cartooning at laying-out. Tatlo kami lalaban sa 24 categories pa. Susuko na yata ako. Nagbigay ng lecture yung resource speaker. Respondent ng PDI daw sabi niya e at naka-jaket ng UP-D. Hindi ko forte ang News writing. Feature at literary ako. Nasobrahan yata ako sa pagkamaginoo at hinayaan kong kunin ng mga kasama ko ang forte ko. Ayos lang. Kasama ko naman sila. Ginawa ko ang makakaya ko. Kumpiyansa ako. Pero di pa rin ako nanalo. Pinalakas ko ng lang ang loob ko. Masama na ang tingin sa amin ng adviser naming na palagi naman umaalis sa venue. (sa mga taga-PSU na nakakabasa, totoo ito.) May oras ang reverence, iyon ay kung tama ang nangyayari. Talo na naman ako. Ang sayang mabuhay! T.T
Ikatlo, copyreading Filipino. Nag-lecture pero tae! Hindi ibinigay yung symbols. Alam na daw naming yun. Pusang ina na naman. Ang nabasa ko lang e yung symbol na kung paano i-capitalize at i-de-capitalized ang letra. Bukod dun wala na. Nagbigay ang resource speaker ng balita. I-e-edit. Kailangan best shot dapat. Pero nang hagilapin ko ang kasama ko na natapat ang English, di niya dala yung maliit na papel na listahan ng symbols. Di ko siya malapitan dahil hiwalay ang English sa Filipino. Katabi ko na naman ang lalakeng kasama ko sa Editoryal-Filipino. Pusa! Mukha pa lang di na mapagkakatiwalaan. Di kami naging kaswal di tulad ng ibang taga-PSU . Mahirap itimpla ang ugali niya at hindi mo alam kung kelan ka niya pwedeng siraan gamit ang mga maling salita. Mabilis na naman siya natapos. Pusangna. Kinalabasan, 10th place ako. Napakasaya ko. Di ko alam ang symbols pero nakuha pa ako. Ni-rewrite ko kasi kaya siguro naawa sila. Pero sayang! Kung alam ko sana ang symbols baka tumaas pa. May medals pa naman ang 5th-1st. Nanalo ulit yung lalakeng nakasabay ko.
Kung susumahin, lahat kami nakakuha kami ng places. Apat kami at di na masama kung manalo kami lahat. Ayos lang. Kumbaga sa pasada, naka-boundary na kami. Dalawa sa amin ang nag-qualify para sa Luzon-wide. Akala ko tapos na, Iyon pala pababawiin pa ako. Eleksyon ng Region 1 ACE officers (Association of Campus Editors). Pusangna. 3 delegeates per entity. Nakasama ako sa tatlong iyon. Tapos taga-PSU Lingayen, ‘I gladly nominate Mr. Carlo Andrion for President!”. Nagulat ako. “Uy ayaw ko!” sagot ko. Sabi niya “I have faith in you!” sa isip-isip ko kailangan patusin ko na. Mahirap masira kapag naniniwala sa iyo ang iba tapos ikaw mismo walang tiwala sa sarili mo. Pakapalan na lang. Di ko na inisip kung matatalo o mananalo. Apat kami naglaban. Matapos ang speeches nag-back-out yung dalawa. Talagang bumawi ako. Pusana, at nanalo pa. Haha. Natatawa ako sa pangyayari. Ang galing ko daw humanap ng trabaho. Sa Laoag City gaganapin ang Luzon-wide. Regions 1- 4B ang pupunta. Nasa Region 1 ang Laoag City at on behalf of ACE, ako ang mag-o-organize. Natatawa pa din ako hanggang ngayon.
Tapos na ang magulong mundo ng midya. Marami akong natutunan at nalaman. Kaya pala may mga irresponsible mediamen dahil sa na-train sila sa ganoong paraan. Ganoon pala sa mga press conference. Sa competition alam na ng iba ang paksa. Nakapagsulat na at nakapag-isip na ang iba. May mga maaga ng nagse-celebrate. Alam na nila kung panalo na sila. May mga malakas sa judges at may mga adviser na nag-dya-judge. Asan na si delicadeza? Palagay ko hawak ko pa. Binitawan na ng iba. Sa pagsusulat ko nito, palagay matatapos na rin ang mga sama ng loob sa mga di-makatarungang gawain ng iba na aking nasaksihan. Pero di ako titigil na baguhin iyon.
Kasalanan ng isang tao na hindi niya nagawang itama ang mali na alam niya.
Ganun pala ang ibang journalists, merong ‘rotten precept’. Gusto makakuha ng maraming achievements. Di mo rin naman sila masisi dahil pwede silang kumita dun. Dadami ang enrollees nila at kakapal ang brochure na ipamimigay nila kapag malapit na ang graduation ng mga hayskul.
Ergo, Media is now a Big Business! (http://caloycoy.blogspot.com/2009/08/media-is-now-big-business.html).
Magulo pala ang buhay journalist. At under consideration pa rin ang pag-akap ko sa buhay press. Sana, ma-repel ko ang bad at negative energy. Ayokong magpahayag ng maling katotohanan. Dapat serbisyong totoo, di sapat yung maaasahan.
With high hopes for Journalists’ justice of 37 lives lost in Maguindanao, May truth conquer the cosmos.
Carlo Hernandez Andrion
http://caloycoy.blogspot.com
November 28, 2009
marami ngang gnun kuya, maging akoy nashock sa karungisan ng press nowadays, nalulungkot ako sa twing naiicp kong sa mga simpleng presscon p lmng laganap na ang kadayaan...
ReplyDeletelets use our pens(PCs) to make something about it..sana nakapunta kayong ammoyo 09 sa la union, napakagandang xp.
gusto ang iyong mga blog.makabuluhan. :)
Thnaks to you. XD
ReplyDeletehay naku tlagang ganayan mamraing madadaya!!!
ReplyDeletepramis natawa ako dito. hahaha
ReplyDelete@Earl: Anong nakakatawa dyan? :)
ReplyDeleteung mga epiphanic(?) moment.. haha..
ReplyDelete@Earl: Haha. Andaming moment of 'epiphany' dyan. hehe
ReplyDeletehi kuya :) salamat dito kc sasali din ako 1st ko rin . kinakabahan ako pro nagyong hnd na masyado nung nbasa ko to ^_^
ReplyDelete