12/20/2009
LABING-ISANG UTOS NG MGA AGNOSTIKO
LABING-ISANG UTOS NG MGA AGNOSTIKO
Sa wakas, matapos ang tatlong linggo, may maita-type na ako. Akala ko eh patuloy nang magtatae ang aking panulat. Sa pambihirang pagkakataon, nagkaroon ako ng tinta sa di sinasadyang pangyayari. Bihira kumbaga dahil di ko naman ito gawain. Natuto lamang ako sumagot.
Galing ako sa eskwelahan matapos kong maipag-maneho ang Nanay ko papunta sa eskwelahan. Krismas parti kasi ng klase niya. Grade Six yata at si Nanay ang nagluto ng pagkain ng mga bata sa bahay bago pumasok. Dahil public iyon, iilan lamang sa mga batang iyon ang nakakaranas ng sarili nilang selebrasyon ng masaganang hapag tuwing pasko. Ang marami sa kanila’y hirap pa din sa araw-araw na pantustos ng kanilang pag-aaral. Siyempre, umalis ako roon baon ang mga ngiti ng bata. Yung tipong ikaw na rin ang nag-abot ng masarap nilang pagkain ng araw na yaon. Umuwi ako para makapasok na rin. Masaya ang araw na ito. Akala ko…
Pagpasok pa lang ng gate ng bahay, matapos i-park ang sasakyan, maraming tao sa bahay. Bihis ng palda ang mga babae at naka-polo at itim na pantalon ang mga lalake. Kausap nila ang kapatid kong babae. Akala kung ano na. Mga miyembro pala sila ng isang sekta. Mga Saksi ni Jehovah yata. May inabot silang papel sa kapatid ko. Tapos ng akmang papasok na ako, kinausap ako ng isang lalake.
Iniabot niya ang isang pulyeto, imbitasyon para sa isang malakihang selebrasyon ng kapaskuhan sa lugar na malayo sa amin. “Sana makadalo ka.” Aniya. “Hindi po salamat na lang.” ang naisagot ko lang.
Humirit ang manong. “Ano ba relihiyon mo?” “Agnostiko ho ako.” Tumalikod at umalis na ang lupon ng mga mananampalataya-kuno. Bakit ko nasabi ito?! Naranasan mo bang manlimos? Yung tipong pinaghalong awa, galit, at diri ang tingin?! Yun ang natanggap ko. Iniisip ko kung paano pa nila naatim na mag-sign-of-the-cross. BULOK!!!
Bago ang giyera, himayin muna natin. Pakiusap. Huwag kayo mapang-husga sa mga Agnostic. Magkaiba ang Agnostic sa Atheist. Diba? Diba? Ispeling pa lang iba na. Ang layo kaya. Now you know. Pero kung marunong ka gumamit ng dictionary, ang Atheist o atiyesto ay ang mga taong naniniwala na walang Diyos. Ang Agnostiko ay ang paniniwala na imposibleng mapatunayan na may Diyos. Pero teka! Meron kaming Diyos pero hindi si Allah, Jesus, Buddha, Hitler, pera, pagnanasa, kayamanan, droga, korapsiyon, o kahit si Pangulong Arroyo. May Diyos kami pero tulad ng aking nasabi imposibleng mapatunayan, ergo, di pa nga namin kilala.
Agnostiko ang relihiyon ng mga taong walang relihiyon. Futile ba? Para sa akin ang relihiyon ay isang malaking manipulasyon. Business kumbaga. Konting puhunan malaking tubo. Mas maalaking puhunana sobrang laking tubo! Bakit ka yuyuko sa pareho mong tao? Sa kahoy? Sa altar na may Diyos na hindi naman gumagalaw o ni nakakakita? Bakit kami papatay ng tao para lang maitago ang mga bulok na sikreto ng sektang bumibihag sa isang tao? Bakti kelangan ng holocaust? Bakit kelangan ng di-makataong pag-aalay? Bakit? Bakit nga ba?
Eto ang nakalagay sa ‘about me’ section ng aking mga profile:
Here lies an Agnostic. A man who believes that religion is a manipulation, morality is man-made, and God is amoral. A man who deems that there's only one gender; human, one race; mankind, one religion; humanity and one nation; the world. Isn't it a nice precept?
Eh ano ang mga ginagawa ng mga Agnostiko?! Dahil wala naman ako kakilalang tulad ko na palaging nakikita, iyong akin na lang.
LABING-ISANG UTOS NG MGA AGNOSTIKO
1. Nagdarasal ako. Di mo alam kung paano? Wala. Ang gamit kong pronoun eh “Ikaw”. Alam ko namang maririnig ako ng Diyos na kayhirap palitawin sa mata ng mapang-husgang tao. Basta ang importante’y naniniwala akong meron kasabay ng aking paniniwala na kayhirap nitong patunayan.
2. Ikalawa, di ko inihihiwalay ang sarili ko sa mga taong nakapaligid sa akin dahil lang mag-kaiba kami ng relihiyon. Sumali ako dati sa relihiyon na tatawagin kang ‘Bro’ at ‘Sister’ pero kapag nakatalikod ka at nabuntis pa ng wala ka pang asawa eh pinagtsi-tsimisan ka hanggang sa ikaw na rin ang umalis dahil sa nakakairita na. Pero asa ka, di ka nila hahabulin. Gain nila ‘yon. Dapat kasi malinis ang profile ng mga sasali at dapat malaki ang contribution para lumaki ang simbahan at bahay ng pastor. Para bang aalisin nila ang mga lumot sa grupo para ang matira ay mga taong ‘cleansed by their Lord’ na raw.
3. Di kami Kill joy. Ngayong buwan lang, inimbitahan ako ng mga Katoliko na magbigay ng maiksing talumpati slash mensahe hinggil sa PAGKAKAISA. At sa palagay ko naipa-intindi ko naman sa kanila iyon kahit sa mga hindi nakarinig ng mensahe ko.
4. Nagsisimba din kami. Hindi sa mga simbahang may mandurukot, may mapang-husgang pag-iisip o dili kaya’y may matinding pagnanasa na magkaroon ng pera. Nagsisimba ako kung saan ako nakatutulog ng mahimbing at tahimik. Doon isa-isa kong inaamin ang mga kasalanan ko at humihingi ng tawad kahit na araw-araw ko namang inuulit. Pero sa totoo lang naman, may pagbabago dahil unti-unti ng nababawasan ang dalas ng mga kasalanang iyon. AT inaasahan ko namang mawawala na iyon.
5. Hindi ako kabilang sa relihiyon ng mga bobo. Ayaw ko sanang isali ito dahil tutol ako sa IQ discrimination na kung saan sinusukat ang halaga ng isang indibidwal base sa talino at mas mababaw pa eh dahil lamang sa eskwelehang pinapasukan mo. At sa sarbey ko, tatlo ang di ko personal na kilala ngunit kilala ko sa isip at mukha eh matatalino, mga taong may sariling prinsipyo at matinding kaisipan. Bakit matalino? Ang hirap kayang kumawala kapag na-brainwash ka na ng relihiyon at lipunan mo kung ano ang basehan ng kabutihan at pagiging tao.
6. Basta hindi kami satanista. Kasi hindi naman nag-i-exist si Satan sa mga agnostic. Kung saan tumubo ang lason, doon lamang siya naninira. Hindi ko rin sinasabing mabuti o Diyos kami. Iyan lamang ang iniisip mo kasi nga na-brainwash ka uli na ang nagsasalita o sumusulat ng ganito ay nagli-linis-linisan. Madalas kasi nagiging marumi ang mundo dahil ikinikulong natin ang sarili natin sa paniniwala ng iba.
7. Hindi kami pwede sa pulitika dahil sa una pa lang talo na kami dahil wala kaming partido. Bago pa kami manalo eh na-repeal na ng COMELEC ang human rights namin para makatulong sa pag-unlad ng bayan. Halata iyan nang tanggalin nila ang LADLAD. Ngayon, nakatira tayo sa bansa na kung saan ang demokrasya at karapatang-pantao eh nairarasyon lamang sa mga taong malapit sa kusina.
8. Mortal din kami. Nasusugatan, nasasaktan, at namamatay. Kaya kapag nasalubong mo kami, huwag niyo ako gulpihin sundin mo na lang ang utos ng relihiyon mo na magmahal ng kapawa (pero wala ka pang kasama riyan na nakagawa niya. PRAMIS!!!). Anong masama kapag nagsasalita ka ng gusto mong sabihin? Di namin kayo binabara kung may pangaral kayo. Now, it’s our turn.
9. Guro namin sina Jesus, Allah, Buddha at kung sinu-sino pa. Makikita mo naman kung may pag-ibig ang sinasabi ng isang tao. Kung nasaan ang pag-ibig, naroon ang mga agnostiko.
10. Hindi tulad ng sa tabi-tabi eh di kami nagre-recruit. Ano yun pyramiding? Di rin kami nang-i-impluwensya ng tao. Maniwala ka man sa sinasabi ko o hindi. Pero sandali, baka tanungin mo kung ano ang ibig sabihin nito?! Dinedepensahan ko lang ang panig namin. Di kami nakakadiri!!
11. MAGMAHAL. Iyan ang prime purpose ng mga agnostiko. Magmahal higit pa sa mga hadlang ng lahi, relihiyon, kasarian, o pananampalataya. Magmahal ng tunay. Agnostiko man o hindi.
Agnostiko ako. Kahit na katoliko ang pamilya ko eh nakiki-pasko ako. Kasi mahal ko sila. Wala akong paki-alam kung mas mabuti ka o mas masama sa akin. Lahat tayo ay nagkakasala sa mata ng mga taong naghahanap ng kasalanan at walang pag-ibig sa kapwa. Kung naimpluwensyahan kita sa kahit anong paraan, kasalanan mo yun. Kung di ka mapapaniwalain, hinding-hindi ka talaga maniniwala kahit sabihin pa ng nanay mo. Apir! Rak on pipol kahit ano pa ang relihiyon mo! Spread love.
Just a note: Live a good life. If there are gods and they are just, then they will not care how devout you have been, but will welcome you based on the virtues you have lived by. If there are gods, but unjust, then you should not want to worship them. If there are no gods, then you will be gone, but will have lived a noble life that will live on in the memories of your loved ones. I am not afraid. ~ Marcus Aurelius
Carlo Hernandez Andrion
http://caloycoy.blogspot.com
December 20, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
at yan ang pinakamasaklap
ReplyDeleteang sama nila. dogmatic
ReplyDeletePatawarin na natin sila. Lahat eh may pagkakataon na gumawa ng masama. Minsan dapat lang ilugar. X)
ReplyDeleteThe mishap of (mis)governance...
ReplyDeleteamen. at saka tao rin naman ang mga Agnostic, di ba?
ReplyDeletenirerespeto ko po ang paniniwala mo..kahit na hindi ako sang ayon sa ilan sa mga sinabi mo.. :)
ReplyDeleteby the way nakakatouch ung sense na at least nakikipasko ka padin kasama ang pamilya mo dahil mahal mo sila.
nakakarealate ako dahil naranasan ko na ang isang xmass na wala ang kuya ko, lumipat siya noon ng religion isang religion na walang pasko, ayun isa na siguro yun sa mga malulungkot na pasko sa family namin.
Tama. Kasi ang aking paniniwala eh dapat magkaisa ang tao kahit anupan pa man ang lahi, kasarian, relihiyon , o paniniwala. Bago namin ito hingin dapat naming simulan sa sarili.
ReplyDeleteMaraming salamat dahil binigyan mo ako ng pagkakataon ng makapagsalita kahit sa mismong site ko. Hindi lahat ng nagsasalita ng ganito eh nabibigyan ng pagkakataon upang mapakinggan. X)
alam ko... naiintindihan kita kse agnostiko din brothr ko...dati d komagets pero ngayon alam ko na... ;D
ReplyDeleteThanks thanks thanks. X)
ReplyDeleteeh kung ako sa kanila, kakalimutan ko na ng tuluyan ang dogmatic propaganda..... Dogmatic propaganda are source of misunderstanding among people of different faiths
ReplyDeleteYeah. And what is the simplest thing to do? Try not to believe in that. I( reject them. Hehe
ReplyDeletepare.. ala kang religion?? hmm.. napakalalim mo talaga.. di pa rin ako makapaniwala na ikaw, sa edad mu at estado eh nakakapag-isip ng ganyan kalalim at nakakapag salita ng ganyang mga bagay.. alam mu kung ganu ako naaamaze sa yo pero mas lalo mu kong napahanga, hindi lang sa kung panu mu ilahad ang mga gusto mung sabihin, kung panu mu nakikita at naiisip ang mga bagay na to.. ndi ko rin alam kung talagang sobrang lalim mo o mababaw lang ako mag-isip at nadadala mu ko.. hahaha.. waaahh.. pero IDOL talaga kita..
ReplyDeletepede ko bang i-attach uli sa wall ng FB ko?? gusto ko sanang mabasa ng iba.. kung ok lang..
Tol, Oo. Wala akong relihiyon. Hehe. Oo, malalim ako at ikaw rin. Walang tao na ipinanganak na bobo. Ang tao ay isang napakagandang likha. Higit pang kahangahanga sa pinakamatinding kompyuter. Dahil ang tao eh walang hanggan ang kakayahan ngunit nagkakaroon lamang ito ng katapusan sa oras na lagyan mo ng limitasyon ito.
ReplyDeleteAng edad at estado, tulad ng kahirapan, relihiyon, kasarian, at IQ ay isa lang gawa ng tao para hatiin ang nakararami. Bukod dyan, ginagamit din ng iba ang mga iyan para makakuha sila ng kapangyarihan mula sa kapwa nila.
Lahat tayo may kakayahan. Kaya nga nagpapasalamat ako dahil kahit papaano eh nakakuha ako ng kalahating kilong kaalaman sa pagsusulat. Magaling ang tao, maniwala ka lang.
Tol, Oo. Wala akong relihiyon. Hehe. Oo, malalim ako at ikaw rin. Walang tao na ipinanganak na bobo. Ang tao ay isang napakagandang likha. Higit pang kahangahanga sa pinakamatinding kompyuter. Dahil ang tao eh walang hanggan ang kakayahan ngunit nagkakaroon lamang ito ng katapusan sa oras na lagyan mo ng limitasyon ito.
ReplyDeleteAng edad at estado, tulad ng kahirapan, relihiyon, kasarian, at IQ ay isa lang gawa ng tao para hatiin ang nakararami. Bukod dyan, ginagamit din ng iba ang mga iyan para makakuha sila ng kapangyarihan mula sa kapwa nila.
Lahat tayo may kakayahan. Kaya nga nagpapasalamat ako dahil kahit papaano eh nakakuha ako ng kalahating kilong kaalaman sa pagsusulat. Magaling ang tao, maniwala ka lang.