6/09/2011

Ulos, Ulan, Hangin, Pagsinta

Ulos at Ulan
Ulan - pawiin ang init sa kabuhanginan.

Pakikibaka'y muli mong diligan

Hawiin aming mga alinlangan

Umulos para sa tunay na kalayaan.

*Mayo 26, Pampang, Lungsod Angeles
Hangin at Pagsinta
Tumungo ako sa eskinita

Ng ating unang pagkikita

Hinanap ka ng buong puso

Ngunit,

Kawalan ang handog mo.

Wala ka doon.

At wala ka ring tugon.

Kapiling ko ang pag-iisa

sa panahong dapat

kitang kasama.

Kaya aking sinta

Ipararating na lamang

sa hangin. Upang pagsinta'y

iyong damhin;

Maihatid ang pag-ibig na wagas

mula rito sa

Krus na Ligas.

*Mayo 20, Kalye Salvador, Krus na Ligas

No comments:

Post a Comment

Leave your mark.