11/23/2008

Pare Ko [Bayani- Chapter 2]

“Minsan lang darating ang tunay na kaibigan.
Mapalad ka kung makatatlo ka sa haba ng buhay mo.
Ngunit hindi sila darating ng sabay sabay.
Paisa-isa, at paisa-isa ka rin nila babaguhin”


Sabado ng hapon, sa katagalang nakaupo sa isang parte ng halamanan ng eskwelahan, maraming pumasok sa aking isip. Mahangin, kaya nakakatamad ang panahon. Balot ako ng lungkot. Bagsak ang katawan, pagod ang isipan at namimighati sa lungkot ang puso.
Doon ako unang nanghingi ng tulong sa aking mga “kaibigan”. Hindi ko pa kasi nasusubukang humingi ng tulong lalo na sa aking emosyon.

Diretso ang lakad at hindi man lamang ako nilimusan ng tingin, ngiti o simpleng “Uwi na kami. Sasabay ka ba? Wala ka kasing kasama eh.”Hindi naman kami magkakaaway o nagkatampuhan. Ewan ko ban a para akong maay ketong na iniwasan. Medyo bumigat ang aking kalungkutan na dumadagan sa basag aking puso. Tama pala ang kasabihan, “Nakikilala ang tunay na kaibigan sa oras ng kasawian, hindi sa kaginhawaan.”
Bago pa mangyari ito, tatlong tanghalian na rin akong walang kasamang kumain. Dumalas kasi na hindi ko na sila nahihintay. Kaya ng ako naman ang dapat antayin wala akong naasahan. Madalas ko silang nakikita, mga inaasahang mga kumpare at kumara sa hinaharap na nasa kabilang mesa sa kantina na hindi ko mapagtanto kung bakit ni isan sa kanila’y hindi makapagbitaw ng salitang “Hoy dito ka na. Wala ka kasing kasabay eh.”
Matapos kong maalala ang pangyayaring yaon, gumulat sa akin ang mga taong dumadaan sa aking harapan at napapalingon ng may awa sa mga mata. Lintik talaga! Umiiyak nap ala ako hindi ko pa alam. Anak ng laway! Buti pa ang hindi ko kilala nahabag sa isang taong wirdong tulad ko.
Sinubukan kong intindihin ang mga sitwasyon at nagpakababang loob upang i-text sila. Ooops! Tatlong cellphone pala ang dala ko ngayon. Lahat nakasubscribe sa “UNLIMITED” services.
SMART – nag-group message ako. Lumipas ang 30 minuto…No messages received.
GLOBE- Parehong kapalaran. Wala talaga. Kani-kanina langmay katext pa sila.
SUN- Limang tao, tatlong beses na tinawagan. Wala talaga. May ikaanim! Sinagot ni **x**** pero ibinigay agad kay **s**- “Hello Carlo Dito kami mall. ‘Baba ko na.”- tapos ang tawagan.
Nangingilid na ang aking luha. Ayaw tumulo ayaw ding mawala. Heto na ang pinakamalungot na sandali sa buhay kolehiyo.

HINDI PATAS ANG BUHAY. PAULIT-ULIT KANG MASASAKTAN, PAHIHIRAPAN, IIYAK, MAWAWALAN NG MINAMAHAL, MATATRAYDOR, SASAKTAN, SUSUNGITAN NG CASHIER, BABAGSAK SA EXAMS, TATAUO SA BUS AT MAUUBUSAN NG PAGKAIN SA CANTEEN TAPOS MAMAMATAY KA LANG.”

Punta ako RR [Restroom] para doon ibuhos ang sama ng loob. Pagpasok sa cubicle. Bulaga! Pwee, mala-tsokolateng bagay na nakapalibot sa inidoro na nanggaling sa tiyan ng tao kasama pa ang panghe na tagos sa kaluluwa mo at nanunuot sa damit mo. Labas ng RR na kung saan napalitan ng dismaya ang lungkot na pumapatay sa pag-asang nagtatago sa kaibuturan ng puso. Iyon ay kung meron man. Biglang Plok! Plok! Plok! Plok! Nagring ang 3230 ko na nainsert ang SMART. Uy si ****t**. Ayos nakaalala.
“Wenever u fil blue,
Col me and il b der
Mrami aqng crayons d2,
Kulayan kita ng pink,
Para malandi.”

Nahagikgik ako. Mais [Corny] pero ginising niya ang sentido ko. May isa pa palang taong nakaalala sa akin. Bakit? Hindi ko siya naisip na itext pero heto siya ngayon. Bihira ko lang siya makasama sa labas ng klase. Kasa-kasama ko siya sa Geology, Differential, Physics at Surveying, lagi siyang nakaantabay para samahan ako sa oras na dapat mag-cram, matulog sa upuan, at samahan din akong umabsent. Biglang gumaan ang damdamin ko. Tinanggal niya ang malaking tipak na baton a dumagan sa paanan ko para maiwan sa kawalan. Madalas niya akong ayain mananghalian, ngunit tanggi ang sagot ko. Wala kasing nobya kaya mag-isa niyang binubuno ang isang oras na pag-iisa sa katanghalian. At ako’y nasa barkada ng nobya ko at piniling sumabay palagi kahit dekorasyon lang ako.
GUILTY ako sa kanya. Kung sasabihin ng Korte Suprema ako’y nagkasala. Pinahahalagahan niya pala ako samantalang ang pinahahalagahan ko ay ang iba na kilala lamang ako kapag kailangan. Sa kanya ko natutunan ang kumanta habang naglalakad at kumain ng malamig na burger at mainit na coke.
Napagtanto ko na. Dapat ko na palang palitan ang “Featured Friends” ko.Kung siya man o isa man siya sa tunay na kaibigan na makakasalubong ko sana eh eawn ko. Ang ginawa ko na lang eh nagreply ako…
“Pare, kapag makakapag-asawa ako at magkaroon kami ng anak. Ikaw ang ninong ng panganay ko, at unang kumpare ko.”
“Oo ba! Kahit lahat pa eh.!”

No comments:

Post a Comment

Leave your mark.