carloandrion™
Ako si Carlo.
Minsan si Carlos
Pwede rin naming Charles.
Madalas naman si Carl!
Pero ang patok ay Caloy. (Himig pang-asar)
Iyan amg mga bersyon ng aking pangalan.
Carlo sa Italian, Carlos sa Spanish, Carl naman ang sa German, Charles sa mga British.
Pahuhuli ba ang mga Pilipino? Hayun, naimbento ang Caloy.
Iyan ang General Rule of Names. Na kahit papaano ay legal pa rin na maituturing ang paggamit ko sa mga yan dahil iisa pa rin ang ibig nilang tukuyin. AT IYON AY AKO!?!?!?!?
Ako??? Ako ay…
© madalas magpuyat kaya
© madalas din akong late pero
© mas madalas akong maaga kung pumasok
© malakas akong mang asar.
© bihira magalit pero madaling mainis.
© hindi ako palagala, mabait kasi ako.
© lagi lang sa bahay kung hindi
© kumakain ay tulog ako o kaya
© nag aadik sa harapan ng kompyuter.
© nakikipag chat
© naglalaro ng dota (na hanggang ngayon ay beginner pa rin)
© mahilig magbasa ng maikling kwento,
© di pwede sa nobela, madali lang ako aantukin
© mahilig din ako magsulat, kaso ayaw kong ipabasa kahit kanino
© magaling ako gumamit ng diksyunaryo, kaya ang mga kausap ko ‘pag English ay di uubra
© may koleksyon ako ng libro ni Bob Ong,
© meron din sa True Philippine Ghost Stories.
© kaya siguro mahilig ako sa crimson o bloody red o kaya pula na lang
© pero sa ngayon lahat ng koleksyon ko ay hiniram
© marami sila, kung sinu-sino, kaklase, pinsan, kapatid ng kaklase, kaklase ng pinsan
© haay! Nakasulat pa naman iyong number ko dun at pangalan ko sa mga koleksyon ko eh hindi na bumalik
© siguro kung ang mga ‘yun ay itetext ako eh di ang dami ko ng textmates.
"There is a thin line between pleasure and pain."
© nagulat ka doon ano?!!
© wala lang, sinulat ko lang para may mabasa ka namang English.
© English!, tama English,
© Bakit nga ba hindi English? Marunong naman ako, magaling pa daw.
© Pilipino naman kasi ako, kaya Filipino ang salita ko.
© Sa tingin mo kung Ingles ang gamit ni Bob Ong mabibili kaya ang libro niya?
© Ikaw naman kasi ang gusto kong kausapin.
© Natural! Ang layo na ng binasa mo puro Filipino eh di ikaw nga!
© Pero ni naming maaring hindi rin ako maaring hindi gumamit ng Ingles.
© Bilinggwal kasi tayo. Gets mo? Ano!? BILINGUAL – bansang may dalawang “major language”
© English – Filipino
© ice cream - apim yan hindi sorbetes
© butterfly – bukiklay yan hindi rin paru-paro
© wild mangosteen – santol
© lily – lirio (hindi yan iyong isa sa limang kaharian ng Encantadia nina Pirena, Amihan, Danaya at Mulawin! Ay mali, sa Mulawin the Movie pala iyon. Hindi ko na kasi maalala. Research mo na lang pero kung si Imaw, Banak At Nakba kilala ko pa. Kilala mo ba si Janak?!! Itanong mo kay Mylene Dizon ay si Reyna Dyangga pala)
© soil – dalin yan hindi lupa
© electricity – dagluyon, akala mo elektrisidad. Sino ang nagturo sayo ng ganyan?
© lightning – hindi yan kidlat, sa pormal na paanalita eh dagitab yan
© magnet – bato balani
© magnetism – hindi yan balani at hindi rin magnetism,
© babasahin ko na lang uli pag bumalik na ang libro ko
“God doesn’t play dice.” – Albert Einstein
© Naniniwala ka ba sa Kanya??? Hanggang saan ang paniniwala mo sa kanya?
© Sa akin sapat na ang “Theory Of Creation”, iyong si Adan at Eba lang at ang hayop sa Eden.
© Pero Malaya kang naniniwala ka sa
© “Scientific Theory of Species” ni Charles Darwin.
© Sabi dun ang tao daw ay mula sa “UNGGOY”. Eh kung ganun Ikaw na lang ang maniwala.
© Play safe na lang ako kay Adan at Eba na lang ako. Ayaw ko na kay “Lucy”
© (si Lucy ay iyong sinasabi na unngoy na nakakalakad na diretso na parang tao)
© Naniniwala ako kay…
© Christ, Confucius, Mohhamed,Jose Protacio Mercado Rizal y Alonso Realonda, Tolstoy, Emerson, Chaucer, Shakespeare, Einstein, Hitler, Bonaparte, Alex the Great, Nefertiti, Cleopatra (hindi kay Mark Anthony), Mao Tse Tung, Bonifacio (ayaw ko kay Aguinaldo, sakim sya), Bob Ong, Bliiy Graham, Rick Warren, Wayne Cordeiro, John Maxwell, Bong Barrameda, Ernie Baron (RIP), at sa teacher ko sa Physics noong highschool.
© Sa kanya ko kasi naramdaman na exceptional din pala ako.
© “Modesty aside” binigyan nya kasi ako ng 90%, First Grading pa lang noon,
© At 85% lang ang susunod sa akin…Napaluha ako noon,heheheh..Totoo iyon.
“Better to be without logic than without feeling.” - Charlotte Bronte
© pangarap kong magkaroon ng elevator ang PSU.
© marami akong gustong gawin..
© tumakbo pabalik at bumalik na naman sa pinanggalingan
© Pumikit pero nasa loob talukap.
© Mag-inhale habang lumulunok. (Subukan mo! Hindi mo kaya. Sanggol lang na 4 months pababa ang nakakagawa nyan.)
© tingnan ang bawat paa
© ng mga taong nkakasabay ko sa jeep.
© at bilangin ang mga patay na kuko.
© hanapin rin ng mga buhok sa kili-kili ang mga chikas na naka-sleeveless
© pumunta sa library para magpalamig at panoorin ang mga mag-aaral na may laptop at libang na libang sa internet (Explorer Hotspot o WiFi ang campus namin. Thanks sa mga ICT students at naiingit ako).
© mag abang ng jeep o bus pero sa tricycle din ang bagsak ko dahil ubos na ang pasensya sa kakahintay
© manood ng bubble gang.
© abangan si moymoy palaboy.
© pumunta sa canteen at umorder kay “friend” ay tita pala (Pauso ng mga 4th Year na kumakain doon)
© ipakita ang ID sa guard kahit di naman nagchecheck.
© tumatambay sa cafeteria
© at mag abang ng totoong kaibigang
© manlilibre saken pero kadalasan ako ang nanlilibre.
©mga bagay na out of this world.
© para maiba naman.
© sabi ng mga scientist.
© pwedeng masira ang buong mundo
© dahil sa tae ng butiki
© papaano?
© m=E/c²
© o kaya formula ng taong may hircismus (putok)
© c²=E/m
© inunahan kasi ako ni Mariah, hayun nakuha nya ang
© E=MC²
© energy disaster talaga.
© ako ay isang taong walang
© pakialam sa nararamdaman mo.
© syempre di naman kita kilala.
© mahilig ako kumuha ng bato.
© at ingudngod sa pagmumukha ng mga
© taong kumakanta ng Umbrella, Bleeding Love at Low na Filipino Version.
© bumili ng banana cue at hopia
© at inuubos sa loob ng isang minuto.
© nananakot ng bata at kunwari kakainin ko sila ng buhay
© ako ang taong gumagawa ng fan signs (pero walng nakakaalam na gumagawa ako)
© gumagawa ng layouts pero para sa akin lamang.
© nag foforum, para matuto ng kung anu ano.
© mula sa iba't ibang tao.
© Gumagala sa myspace, hi5, tagged, youtube, facebook, Friendster,blogspot, imeem, at multiply.
© Isama mo na rin ang Wikipedia, yahoo, google, msn, at weslife.com
“ Ang Pilipino ay dapat magsalita ng Filipino” – Bob Ong
© ako ay isang simpleng tao
© na gigising sa umaga
© aayusin ang kama at magsuksuklay
© magdadasal
© tatayo at pupunta sa kusina para maghanap ng pagkain.
© nga pala left handed ako
© pero hindi ako kaliwete sa relasyon
© isa lang ang girlfriend ko kaya sa kaibigan ako bumabawi.
© siguro mga 3.27 X10^23 katulad ng tagal sa Segundo ng isang buong taon (hindi yan leap year)
© walang ginawa kundi mag-isip ng kung anu-ano
© kahit sabihin ng iba na wala akong isip
© pero sapat na sa akin na respetohin at igalang ng mga kaibigan ko
© hindi dahil palagian ako kung manlibre, o dahil mas matanda ako o mas bata sa kanila
© hindi rin siguro dahil lagi akong nandyan ‘pag kailangan nila ng tulong
© siguro dahil “maayos akong maging tao”
© at nakikita nila na may kabaitan akong taglay dapat ng tao
Ako si Carlo Hernandez Andrion
Labingwalong taon, dalawang buwan, sampung araw, at limang oras na gulang.
Para madalian ka, eto, Agosto 19, 1990. Linggo at 11:56 ng umaga.
Mahiya ka naman men. Magcomment ka! Haha. ;))
maganda po.. nagustuhan ko..
ReplyDeleteThanks! U
ReplyDeleteHaha. Ako, June 29, 1994, 12 ng hapon.
ReplyDelete