12/14/2010

Santuwaryo

Santuwaryo: Isang Naratibo ng Pag-akap sa Kalayaan na Dulot ng Lunduyan
Patrick T. Burgos

Lamya
 Oktubre 22, 2010
Kakatapos lang ng pagragasa ng Bagyong Juan sa Hilagang Luzon. Nagsisimulang bumangon muli ang mga tao. Kasabay ng marami pang pagsisimula. Malamya sa umpisa bagaman kumikilos.  Magdadapit-hapon na ngunit nasa biyahe pa rin ako patungong Lingayen. Dalawang oras na ang dumaan at nasa Lungsod Dagupan pa rin ako. Baha hanggang binti tulad ng nasaksihan ko sa mga bayan ng Sta. Barbara at Calasiao. Mabagal ang mga sasakyan at mawawari ang inis at dismaya sa mga tao na dulot ng bahang matagal nang walang solusyon.

Ala-syete impunto, nakarating na ako ng Lingayen. Madilim. Malamig. Maulan. Nakahapon na ang tao ngunit wari’y magsisimula pa lang ang umaga para sa akin. Alam kong merong magbabago. Palagay ko.

Sakay ng traysikel sinuong ko ang daan papunta sa kapitolyo. Malapit roon ang lugal ng pagdarausan na dapat kong sadyain. Hindi ito ang unang pagkakataon na naparito ako sa tanyag na bayang ito. Alam ko rin na hindi ito ang magiging huli.

Tumatak sa aking balintataw ang masalimuot ngunit puno ng lunggating pagbangon at paglaya ng bayan mula sa pagkakasukol noong Ikalawang Digmaang Mundyal. Kaya meron tayong holiday rito sa Pangasinan tuwing Enero 9 upang gunitain ang Liberation of Lingayen Gulf noong 1945.

11/25/2010

Journey




Wander through the lights. (Calle Crisologo, Vigan City | November 24, 2010)

Ilocandia

Ilocos Sur Capitol (November 24, 2010)

Journey




Wander through the lights. (Calle Crisologo, Vigan City | November 24, 2010)

8/30/2010

Relief

Relief

“Life is really unfair. You can't have what you want. You only get what you deserved. And when the time comes that you have to get the one that you once wanted, it is not the one that you want anymore.”

Early this day, I made my way to the university. I would had have gotten my grades in my major subject, of which, worth of the 6 subjects with 3 units each for the following semester, but to no avail my Professor wasn't there. There are a lot of incoming freshmen in the college. They almost occupied the corridors.

I went there alone. Though I had have hoped that I might have seen my classmates in our favorite classroom. Also, they weren't there. And so I roam around the Engineering building. (I am an incoming 4th year Civil Engineering fiend at 19) . God, how I felt so lonesome. And the laugh of the people who pass by worsens the loneliness I have to bear with. God, how I wish I had have not gone to that goddamn school. I may be sleeping then till noon and not to bear the emptiness I still had have the preceding day. At least I am at ease while sleeping.

8/27/2010

LOBO

LOBO

Caloycoy

 

Alasingko-y-medya, naririto na naman ako. Nag-iisa sa isang silid sa loob ng pamantasan. Dapit-hapon na at unti-unti nang nangingitim ang silahis na likha ng haring araw. Ayoko pa. Hindi na muna ako uuwi. Nakakintal sa isipan ko ang pag-iisip ng wala. Paparito muna ako, hihintayin ang mga bago kong barkada.

Isang semestre na rin ang nakalipas ng ako ay magdesisyong humiwalay sa kanila. Kahit na magkasing-kurso, daig ko pa ang mag-aaral ng taga-ibang eskwelahan sa di pagpansin sa kanila. Madalas akong lumalayo, dumidistansya, nag-iisa. Kasabay n’on, ang patuloy na paglamon sa akin ng kalungkutan.

Mababait sila. Sila ang mga kasama ko buhat ng mag-umpisa akong mag-aral ng Inhenyera at magpakadalubhasa sa sipnayan apat na taon na ang nakalilipas. Isang taon na lang, magtatapos na kami at wala ng kasiguruhan kung kami ay magkikita pang muli.

Hindi ko ginusto ang humiwalay sa dalawa kong maaalam na kaibigan. Sa klase ng apatnapu, sila ang nagsasalitan, sila ang nangunguna. Samantala, isa lamang akong hamak na mag-aaral na pilit pinagkakasya ang tres upang makaalpas sa kolehiyo. Hindi ko rin siguro masisisi ang mga kaklase namin kung madalas akong maikumpara sa kanila.

Ngunit tulad ng gulong ng buhay, ang lahat ay pumapailalim din. Bumaba ang marka nila pareho; sa di inaasahan, sa di alam na kadahilanan. Sa siphayo ng kapalaran, ako ang naging biktima.

Hinding-hindi maiwawaglit ng aking pagkatao ang mga salitang sinabi ng aming propesor sa dalawa kong kaibigan. “Huwag muna kayo makisama sa kanya. Nang dahil sa kaniya bumaba ang marka ninyo. Tandaan niyo sana na kayo ang inaasahan ng ating departamento para maging topnotcher sa board.”  Ani niya. “ “Huwag niyo sana aalisin ang pangarap na iyon sa inyo.” Dagdag pa niya. Para akong sinaksak ng punyal sa dibdib. Hindi ko matangap ang aking mga narinig, bagaman totoo. Lumabas sila sa faculty room, alam kong nalaman nilang dalawa na narinig ko ang usapan. “Huwag ka mag-alala, kami pa rin ang dati. Mag-aaral lang tayo ng mas maigi.” Nasabi na lang nila na may kasamang ngiti. Alam kong tunay ang salita nila. Oo na lamang ang naisabad ko. Bagaman sabay-sabay kaming umuwi, tila naiwan na lamang sa lugar na iyon ang hinaing ng isang mahina ang ulo na tinanggalan ng boses sa paaralan.

Nakauwi na ako. Parehong bahay, parehong tao ang namasdan, pero iba na ang aking pinanggalingan. Hindi ako nakatulog magdamag. Nangingilid ang aking luha, nais ng tumulo na parang ayaw pa. Naisip ko ganoon nga talaga ang buhay. Hindi pantay-pantay ang tao sa lipunang kanyang ginagalawan. Laging may mas matimbang.

Bilang pagpapakumbaba, ako na ang lumayo. Alam kong bihira lang ang mga mag-aaral na kasing talino nila. At ayaw ko silang agawin sa pamantasan.

“Alas-nuebe na. Kelangan mo nang umuwi. Magsasara na ang gate.” Iyan na lamang ang nasambit ng sekyu upang ako’y paalisin na ng paaralang kumopkop sa akin. Naisip ko masyado na akong nagkwento ng tungkol sa aking sarili.

Agad akong gumayak upang umalis at sa labas nasalubong ko ang mga bago kong kaibigan. Lumipas din ang panahon, unti-unti na akong nasanay sa bagong samahan. Nakahanap din ako ng pagkalinga buhat sa mga bago kong kaibigan: Magugulo, maiingay, buhay na buhay ang barkada habang sumasaliw sa mahaharot na tugtugin, at higit sa lahat masaya. Nagkamali pala ako. 

Malayong-malayo sila sa dalawa kong lobo. Ngunit huli na rin ang lahat. Nabitiwan ko na ang pisi at tuluyan na silang itinangay ng hangin papalayo sa akin. Kung maaabot ko lamang sila ay sa pagtanaw na lamang. At marahil panahon na upang marapat na tahakin nila ang bagong landas. #

27Aug2010