Mambabae Lamang ng Ayon sa Hitsura
Pasintabi sa ‘Umasal Lamang ng Ayon sa Ganda’ ni Lourd de Veyra.
Hindi ko naman dapat i-blog ito dahil naniniwala ako na hindi dapat pagtuunan ng pansin ang labas na kaanyuan ng isang tao. Ngunit dahil hindi naman nasasaad sa Bill of Rights na bawal manghusga ng tao base sa hitsura, papatusin ko na. Pagbigyan mo na ako, minsan lang.
Okay. Ito ‘yong punto. May nag-confide sa akin, kaibigang babae, (patawarin mo ako hija. Sinabi mong sikreto lang natin pero hindi naman ako umoo.) na medyo hindi naging maganda raw ang pagtatapos ng relasyon nila ng nobyo niya. Nagkataong kilala ko rin ‘yong lalaki. At nasabi sa kwento nung babae na:
(Semi-verbatim) “Na-two-time ako. Kaya nakipagkalas na ako agad.”
Napasagot na lang ako ng “Uhh, okay.”
“Dapat daw subukan ko rin para daw may thrill. Sa hitsura niya.” dagdag niya.
“Oo nga! Mas may hitsura ka naman doon . . . pero . . . gwapo ka rin naman, uhmmm. . . umanggulo ka lang. Haha.” Sabad ng isang tsismosa. Ako pa tuloy ang napagbuntunan.
Pero kupal talaga! Lakas ng loob na magsyota ng dalawa. Nakakainsulto dahil naunahan at dinaig niya ako. Jowks. Pero seryoso, nakakapang-init ng dugo. Susog pa nga ng isang kaibigan ko, “Pasalamat pa nga siya at pinatulan siya ng babaeng okay ang hitsura. Swerte na nga siya dun tapos magdadagdag pa.” Natawa na lang ako. Pero sa totoo, nakakalalake ang isyu.
Wala naman na dapat akong pakialam sapagkat may mas importanteng mga bagay pa akong dapat intindihin. Pero itong si kupal na two-timer e proud pa sa ginawa niya. Kelangan daw ng thrill. E kung ibitin ko siya ng patiwarik sa Zoobic Treetop Adventure at doon siya magyabang?
Kanina sa klase namin sa management at sa hindi-malamang kadahilanan, napunta ang diskurso sa pagpaplano sa suliraning gaya nito:
“Kung ikaw ang judge sa isang award-giving body para sa Ulirang Ama Award, sino ang pipiliin mo?”
Una, Lalakeng hindi babaero ngunit lasenggo at hindi nagtatrabaho , at hindi pinag-aaral ang mga anak.
Ikalawa, Lalakeng mapera, pinag-aaral at may maayos na buhay ang mga anak na mula sa iba’t-ibang nanay.
Kung ako ang sasagot, sasabihin kong WALA. Dahil sa Award-giving body maaaring walang manalo. Parang sa Palanca, Pulitzer, at Nobel. Kung dalawa ang maglalaban, o mediocre ang mga choices, wala talaga. Hindi naman kasi tiyak na ang mga nominado ay ‘karapat-dapat’ nga bang talaga.
Ngunit kupal din yata ang propesor ko at dinagdagan pa niya ng problema ang suliranin na nakaka-stress sa lipunan.
“Dapat may manalo sa dalawa!” (Nag-e-echo yung ‘dalawa’.)
Isang lalake at babae ang tinanong niya sa klase at pareho nilang pinili ang ikalawa.
Gusto kong magwalk-out sa klase.
Pero hindi ko ginawa. Ngunit pinangaralan ko na lang ang mga katabi ko.
Hindi ako devout Catholic o Christian na nagsisimba tuwing lingo. Hindi ako nagdarasal . . . para sa sarili. Hindi benta sa akin ang moralidad dahil kasangkapan lamang iyon, at imbentong guni-guni mula sa kawalan upang takutin ng mga mananakop ang mga pagano na mapaparusahan sila ng bathala kapag hindi sila umanib sa relihiyong pronta ng kolonisasyon. In short, wala akong relihiyon.
Ngunit nanininiwala ako sa diyos. Na ang diyos ay nasa bawat bahagi ng bagay, hayop, at nilalang sa kalikasan. Na ang diyos ay hindi tiyak kung siya ba ay ‘he’, ‘she’, o ‘it’. Ang tiyak lamang ay may diyos sa sansinukuban at responsibilidad natin na gamitin ang katawan at kahduwa natin sa ‘maayos’ na pamamaraan na makabubuti sa atin at sa kapwa natin, tao man iyan, hayop, o bato.
Mayabong ang pag-intindi ng tao sa kalikasan.
Kaya hindi bumubuo ng ‘extrang’ pamilya ang isang lalake dahil lamang sa gusto niya. At hindi tayo nakikipag-sex kahit kanino sa kahit anong lugar, sa kahit anong panahon dahil lang sa gusto natin. Iyon na lang ang threshold natin sa iba pang kasama natin sa Kingdom Animalia, siyempre bukod sa pagba-blog.
Siguro ganoon na nga. May iba’t-ibang pananaw at pagtanggap tayo sa lahat ng bagay- panlipunan. Masyadong maraming opinyon. Siguro minsan, hindi masamang tanungin rin natin ang ating mga sarili.
May mga lalakeng nambababae, gwapo man o hindi. Gusto kong bugbugin si Marcel ng Temptation of Wife. May mga babaeng nagmamaganda, maganda man o hindi. May mga lalakeng marunong magpahalaga sa salitang ‘pagmamahal’, gwapo man o hindi. At may mga babaeng kahit maganda e hindi nagmamaganda. (Lucy Torress: [/], Shalani Soledad [/] Kris Aquino [X])
Ang resolusyon ng diskurso sa klase, may anak sa labas ang propesor ko. Alam ng asawa. At maayos niyang tinutustusan. Pero kung itatanong mo kung ano ang hitsura niya +g@#!b*%d#k$*f@$qx?
Kaya siguro okay rin na gawing campaign ang “Mambabae lamang ng ayon sa hitsura.”
Disclaimer: Kung sakaling kamukha mo si Marlon Stockinger, wala ka pa ring karapatang mambabae.
Bakit? Basta wala!
Agree po. kung sino pa pangit sya pa nagbababae.. hayyys
ReplyDeletemambabae lang ng ayon sa itsura!!
ReplyDeletetrueee! may gnyan akong kilala!
ReplyDelete@Kent: Hello! Salamat sa pagbisita. :)
ReplyDelete@Yeye: Tama! Haha. Salamat sa muling pagdaan.
ReplyDelete@Anon: Oo. They do roam the world.
ReplyDeleteHow confusing. :p
ReplyDelete