8/19/2011

I’m Legal Already*

I’m Legal Already*


I just turned 21. Yes. I am aging, as most humans do. That’s part of nature. Everything has a dead end. We have just to abide with that rule.


I'm 21 already.


We all go through this phase: maturity. I view maturity as the threshold of full growth of a person. Many people fall shortly in equating maturity with age. Old men always claim that they are mature enough, and that the younger ones must oftentimes follow them --- blindly. Remember the men in the Senate? They always think that they all know everything and that they can always conduct inquisition on anything. Yes. Just anything: NBN-ZTE Scandal, AFP ‘Pabaon’, PCSO Anomalies, Kho-Halili Scandal, Unclad football players’ billboards, and many others. You choose! But clearly, most of the cases are just cases: no resolution, no justice. I am a fan of the cliché ‘justice delayed, is justice denied’. True enough. I have one word: lame.




Maturity has nothing to do with age. I would rather say that time have something to do with it. Time is the very culprit when we blame something all because we couldn’t explicate something to ourselves extensively. Just like in “we have the right love, at the wrong ‘time’”. Poor time. She always doesn’t know what to do.


Except age, we presume that wisdom is the by-product of maturity and time. We regard people of high intellects as superior (if you don’t value monetary wealth) than those who lack schooling. And so whether you were hindered by poverty or not, you’re useless if you didn’t go to college. Wrong.


Maturity for me is to read, not between the lines, but to comprehend the gist what is beyond those lines. I am an observer, and I have witnessed the worst-case apathy of the youth today.


And I always ask questions like this, “What can you say about PNoy’s second SONA?”


The replies were:


“I like him. He’s very very honest and straightforward.”

“Fair. He did a good job in a year.”

“I just don’t care.”

“Sorry I didn’t read that on Trending Topics. No idea.”

“What is SONA?”


These answers were provided by people, who by far have reached the so-called ‘bachelor’s’ level. They took, or at least they are taking General Education subjects, like Philippine Politics, Philippine History, Taxation, Sociology, or any course that shall interest them with regards to socio-political issues.


 How come they don’t know? Oh you have a cable TV and you just could not manage to watch for local news. Or maybe you are very busy tweeting and that, if it’s not on trending topics, you are a moron to it?


Remember, you don’t need to be a politician to watch local news. You just have to be a Filipino in mind, heart, and soul.


As a pro-active member of the youth sector, we must at least know what the heck the government is tweeting, oh I was joking, that was supposedly doing. Yes they do stuffs too, I mean they work. Doing work that they will let us know but really do not matter. And the conspiracies that remain undisclosed to us.


Oh frantically, we are moving in a sphere where we should learn to build human relations. We are in a society. Yes, we have that in university: Math Society, Astronomy Society, Hotelier’s Society, Pet Society, and many others. Many societies permeate to the extent that we are now unable to fathom what society is really a society.


We don’t leave our constitutional rights at the door of our school. (Findlaw, 2006) Similarly, we do not, also, leave our logical reasoning when we exit the university gates. (Andrion, 2011) We are imbued into a larger society outside. And it is only proper to think why many people could not afford to buy food for their family in spite of the exaggerated claims of the government that we have a growing economy.


I am exposed to the illness of this society: where people rarely trust their government because the government could not trust its own people.  I must agree with Inquirer Columnist Randy David, that we are living in a society where ‘institutions are weak’, and that, we could only do is, activism.


We will go back to the ‘traditional’ way of vigorous and aggressive action in pursuing political and social ideologies. Activism, as I know it, is ‘not the enthusiasm of the moment, but a philosophy for a lifetime’. That part was from a biography written by Bertolt Brecht.


 2011 Labor Day Rally at Angeles City.

There’s much in activism. If thousands of youth didn’t walk out of their classrooms last November 2010, will the government have the time to listen that higher education funding is not enough? How about the MRT-LRT fare hike? Oil price hikes? Union-busting? Land disputes? Agrarian reform misfits?  The PUP 5? Morong 43? Calamba 7? And where in the world did the government hide Karen and Sherlyn? Do you know Jonas Burgos? Ericson Acosta? Randy Malayao? Where are these noble people?


 The government will pursue anti-people policies if you don’t shout at them. Just like an old man with his hearing being impaired. He will never know, unless you shout.


I have been into rallies. Maybe 6 times, 7, 8, or more, I couldn’t count. What’s behind rallies? What are the ideologies that the noisy activists cling to? You will never know unless you know what causes the plight of the people. 


 

We are not anti-government. We are pro-people. They are way different and not inter-changeable.

Finally, last night, I said to my mom, “Aktibista ako.” After months, I am legal already.


*For the people who are still hoping that it is not too late to save the world. Padayon!




I’m Legal Already*


I’m Legal Already*

I just turned 21. Yes. I am aging, as most humans do. That’s part of nature. Everything has a dead end. We have just to abide with that rule.


I'm 21 already.

We all go through this phase: maturity. I view maturity as the threshold of full growth of a person. Many people fall shortly in equating maturity with age. Old men always claim that they are mature enough, and that the younger ones must oftentimes follow them --- blindly. Remember the men in the Senate? They always think that they all know everything and that they can always conduct inquisition on anything. Yes. Just anything: NBN-ZTE Scandal, AFP ‘Pabaon’, PCSO Anomalies, Kho-Halili Scandal, Unclad football players’ billboards, and many others. You choose! But clearly, most of the cases are just cases: no resolution, no justice. I am a fan of the cliché ‘justice delayed, is justice denied’. True enough. I have one word: lame.


8/14/2011

Status Status Status

Dahil nakapagmuni-muni ako ngayon araw, na-refresh muli ang aking isip. Kaya, maya't maya ang pag-update ko ng status sa facebook account ko. Gusto ko mag-blog pero ayaw ko pang i-post ngayon. Kaya iba-blog ko na lang ang mga status (annoying) sa loob ng isang oras.

That annoying moment when you're on board in a bus and someone converses through his phone loudly and you just can't hear the expletive lines of a John Cena movie.

Napanood ko sa bus yung pelikula niya bilang Danny Fisher ngunit hindi ko alam ang title. Ok pala yung movie. Nagustuhan ko siya. Anong title noon?

‎"Their adolescent children, instead of learning the values of faith and hope, dream only of becoming singers or movie stars." ~ Paulo Coelho, The Winner Stands Alone p.9

May highlighter ang bahaging ito ng aking libro. Nabasa ko siya kaninang umaga habang nasa biyahe papuntang Dagupan. Naipost ko lang ng makahawak muli ng mouse.

‎''Kung talunan sa pag-ibig at namamayagpag ang dating sininta, isiping shit floats,'' --- Rolando Tolentino

Dahil mahilig ako mag-backread ng tweets ni Sir Roland. Magaling siyang awtor kung popular culture din lamang.

Ang problema sa atin, mas magaling tayo pumuna kesa mag-organisa.

Nasabi ko ito sa isang kasama habang naglalakad kami papunta sa Holy Angel University. Tinutukoy ko diyan ang sarili ko.

Mga kabataan, mas gusto na ang sumikat sa kung anu-anong pakulo ng mga kapitalista kesa sa mag-aral, at pagsilbihan ang masa't bayan.

Dahil napikon ako sa kaingayan ni Luis Manzano sa pagho-host. Hindi ako nanonood ng show. Narinig ko lang dahil sa likod ako ng tv set nakapwesto.

Kung nag-aaral ka ngayon, mag-aral kang mabuti, magpakahusay. Maraming gustong mag-aral at marami ang mga kabataang may talino na dapat pag-aralin ngunit hindi nakakapag-aral dahil sa unti-unting pagpapabaya ng pamahalaan sa edukasyon na ang pangulo ay muli, tulad ng dati, isang panginoong-maylupa. Anak ng lupa!

Para ito sa aming dalawa ni Noynoy Aquino. Sanamabits.

Hindi nagwawakas ang prinsipyo ng isang lider matapos ang halalan. Pagsilbihan ang bayan!

Nayabangan ako sa profile picture ng isang student-leader namin sa pamantasan. Nakataas ang mga paa sa upuan, kalmado, at apatetiko.

Sa facebook, hindi pwede ang titles sa mga pangalan. May account ka dahil tao ka, hindi dahil sa kung sino ka. Ngunit sadyang may mga matitigas ang ulo. Pilit pa rin naglalagay ng 'RN' (registered nurse) sa dulo.

Matapos kong malaman na may apat na facebook friend pala ako na may RN sa dulo. Agad ko silang na-unfriend, kahit kilala ko sila sa personal.

^Paano, mag-aaral muna ako sa Concrete Design. Maraming formula ang dapat pag-aralan. :]

8/13/2011

Mambabae Lamang ng Ayon sa Hitsura

Mambabae Lamang ng Ayon sa Hitsura

Pasintabi sa ‘Umasal Lamang ng Ayon sa Ganda’ ni Lourd de Veyra.

Hindi ko naman dapat i-blog ito dahil naniniwala ako na hindi dapat pagtuunan ng pansin ang labas na kaanyuan ng isang tao. Ngunit dahil hindi naman nasasaad sa Bill of Rights na bawal manghusga ng tao base sa hitsura, papatusin ko na. Pagbigyan mo na ako, minsan lang.

Okay. Ito ‘yong punto. May nag-confide sa akin, kaibigang babae, (patawarin mo ako hija. Sinabi mong sikreto lang natin pero hindi naman ako umoo.) na medyo hindi naging maganda raw ang pagtatapos ng relasyon nila ng nobyo niya. Nagkataong kilala ko rin ‘yong lalaki. At nasabi sa kwento nung babae na:

(Semi-verbatim) “Na-two-time ako. Kaya nakipagkalas na ako agad.”

Napasagot na lang ako ng “Uhh, okay.”

“Dapat daw subukan ko rin para daw may thrill. Sa hitsura niya.” dagdag niya.

“Ayos din siya a. Hindi ko nga maisip na gawin iyon.” Kako

8/06/2011

Puso ang Lumikha ng Kaguluhang ito

Puso ang Lumikha ng Kaguluhang ito


Naalala kita kanina. Sa bus. Maulan sa labas. Malamig. Nakatutok ang air-con sa aking mukha. Namamanhid. Nanlalamig.

Ikaw ang nagbigay ng unang tingin. Nobyembre 2009 noon, habang hinihintay natin ang publication adviser natin para pumanaog sa gaganaping Student Press Conference. Hindi tayo magkakilala. Ngunit nagtagpo ang ating mga mata, nagsangang-daan mula sa kawalan. Nagkangitian lamang tayo. Hanggang sa marating natin ang lunan. Doon sinabi mo na wala kang kilala sa mga bago nating kasama. Ako rin naman. Kaya natuwa ako nang sabihin mong;“tayong dalawa na lang ang magkasama.”;Pumayag ako. Simula noon lagi ka nang nakahawak sa mga braso ko --- bilang kaibigan.

Wala sa akin noon iyon. Para bagang isang normal na bagay. Normal na bagay mula sa mga hindi normal na pangyayari sa aking buhay. Hindi ko inakalang hahanap-hanapin ko ang mga kapit sa aking braso ng isang kaibigang tulad mo.


Natapos ang Press Conference, nanatili tayong magkaibigan. Sabay na tayong nananghalian tuwing araw ng pasok. Sabi ng mga kaklase ko, ipakilala ko naman daw sa kanila ang bago kong ka-relasyon: at ikaw raw iyon. Nahihiya ako sa iyo sa tuwing naririnig mo iyon. Dahil hindi nga naman tayo. Ipinaliwanag ko na ang lahat ng iyon ay nag-uugat sa isang malalim na pagkakaibigan. Buladas lamang daw ako, bakit ko pa raw itinatago. Muli akong dumipensa na wala naman talagang namamagitan sa atin na hihigit pa sa pagkakaibigan. Hanggang sa sabihin ng mga kabarkada ko sa akin, ang mga mga namumutawing matatamis kong ngiti sa tuwing dadalawin mo ako sa Silid 104. Sa tuwing hinihintay mo ako upang mananghalian. Sa tuwing sumasadya ka roon dahil gusto mo lang ng kausap. Sa tuwing nasisilayan kita.

Wala sa akin noon iyon. Nagdalawang-isip na lamang ako, wala naman talaga sa akin iyon, nang minsan mula sa kawalan at katahimikan ng ating usapan sa kantina ni Tita Ellen “kapag break na kayo ng girlfriend mo, tayo na a.” , kasunod ang malapad mong mga ngiti. Nagitla ako. Inakala ko kasing niloloko mo lamang ako --- na alam kong bihira iyon sa pagkatao mo. Tinanong kita, “sigurado ka?”. Umoo ka.

Wala sa akin noon iyon. Mga apat na buwan mo rin akong niyaya sa alok mong tila isang biro pa rin na nagpapanting sa tenga ko.

Wala sa akin noon iyon. Taong 2010 na, hindi mo na ako kinukulit ng “kapag break na kayo ng girlfriend mo, tayo na a.”. Aaminin ko, na-miss ko iyon. Kung bakit ba naman kasi ang tao hinahanap ang mga bagay na wala na sa kanya. Siguro ganoon nga talaga. Patuloy tayong naghahanap ng mga bagay nang hindi natin nalalaman na nasa paligid lang pala ang hinahanap natin.

Wala naman sa akin noon iyon. Nang dumating ang taong 2011, naka-tatlong karelasyon ka na. Hindi pa kasama ang mga binasted mo sa mga manliligaw mo. Hindi ko naman maitatanggi na na-attract din naman ako sa iyo. Tanga na lamang ang lalakeng hindi mahuhulog sa iyo. Meron kang gandang hindi naluluma. Alam ko, wala kang panama kay Sam Pinto, ngunit iyong ganda mo, iyon yung klase na ‘panghabambuhay’. Iyong tipong gandang iingatan ng isang lalake hanggang sa kanyang huling hininga. Bukod doon, talentado ka. Nanalo ka nga sa Luzon-wide Press Conference e. Tapos, marunong ka pang kumanta. Kahinaan ko sa mga babae y’on. Ikaw ang unang nagparinig sa akin ng Two is Better than One. Sa iyo ko unang narinig ang Filipino version ng Runaway ng The Corrs na para sa akin, ang galling ng iyong pagkakakanta. Pero lahat ng iyon ay pawang maliliit na detalye mula sa tulad mong napakalaking pangyayari sa aking buhay. Kumbaga sa The Time-Traveler’s Wife maari mong sabihin sa akin na, “I was the big event.”

Wala naman sa akin noon iyon. Hanggang sa unti-unti na akong nasasaktan sa tuwing may kasama ka ng iba tuwing pananghalian. Hanggang sa pag-uwi mo, hindi na ako ang kasabay mo sa dyip. Hanggang sa hindi na tayo sabay kumakain ng soft ice cream sa 7-11. Hanggang sa dumalang na ang mga texts at tawag mo.

Wala naman sa akin noon iyon. Hanggang sa nalaman kong ikaw na pala ang laging nasa isip ko. Hanggang sa lagi ko binabasa gabi-gabi ang mga text messages mo bago matulog. Hanggang sa ipanagdadasal ko na na sana bukas, matiyempuhan man lamang kita --- nang nag-iisa, nang walang kasama. Upang makausap ka. At muling maranasan ang halakhak at ligaya habang kausap ka.

Pinagbibigyan rin naman ako paminsan-minsan. Madalas hindi. Pinagkakasya ko na lamang ang maigsing panahon na paminsan-minsan, na hindi mo kasama ang mga naging nobyo mo at nakakausap mo ako.

Wala naman sa akin noon iyon. Hanggang nitong huli, noong magpunta tayo ng Maynila. Hulyo 25, hindi ko malilimutan iyon. Dumalo tayo sa anibersaryo ng org natin. Dalawa lamang tayo mula sa pamantasan. Nauna akong dumating sa lunan. Sumunod ka, at sinundo kita dahil hindi mo alam ang gawi. Ang lugar na iyon ay Intramuros. Lugar na kung saan isinara ng mga pader. Tulad ng ginawa ko sa damdamin ko sa iyo simula ng una kitang makita, siguro ganoon na nga katagal.

Naisip ko, puso natin ang gumagawa ng kaguluhan. Puso ang nagdidikta kung sino nga dapat. Puso ang nakikiramdam. Puso ang naghihinagpis. Puso ang lumilimot. Puso ang muling magmamahal ulit. Lahat ng nabanggit ay itinakwil ko, maliban sa huli. Ang aking puso ay muling nagmahal ulit, salamat sa iyo.

Nilisan natin ang Intramuros. Apat na oras pang biyahe pauwi. Sumakay tayo noon ng air-conditioned bus. Madaling araw noon, alas-dos ng umaga. Sa bus. Maulan sa labas. Malamig. Nakatutok ang air-con sa aking mukha. Namamanhid. Nanlalamig. Ngunit nangingibabaw ang init ng damdamin. Matapos ang maraming buwan ng mailap na pag-uusap natin, nasolo kita. Sa bus. Maulan sa labas. Malamig.

Tinakbo ng usapan ang biyahe. Pagod at patay-katawan ngunit pinapawi noon ang lahat habang kausap kita. Hindi ko na nga maitatanggi. Mahal kita. Ngunit sa bus tayo ay pangkaraniwang magkaibigang babae at lalake. Wholesome kumbaga. Alam ko kasing may limitasyon, bagaman nag-uumapaw ang damdamin.

Mahal kita. Maaaring erotikong pag-ibig ito. Hindi ko maitatanggi. Lalake naman ako. Ngunit higit pa doon ang pag-intindi ko sa pag-ibig. Mahal kita kahit hindi naimbento ng diyos ang ‘procreation’. Pero hayun nga, nasa kontemporaryong diyalektiko na siya at mahirap patunayan na kaya mong magmahal ng tunay ng walang seks.

Para sa akin ang pag-ibig ay iyong buong magdamag kayo na magkausap lang, ngunit natatagalan ninyo ang isa’t-isa. Iyong tipong nag-uusap lang kayo habang-buhay pero nararamdaman niyo pa rin ang pag-ibig. Kaya sa tingin ko, kaya ko naman siguro gawin iyon, basta IKAW.

May aaminin nga pala ako sa iyo, (dahil umaasa akong binabasa mo ang blog ko, bagaman malabo). Noong sinabi kong may karelasyon ako, tungkol doon sa alok mo, nagsinungaling ako. Wala naman talaga akong karelasyon noon. Siyam na buwan na kaming hiwalay ng ex ko. Pero ayaw ko sumuong at sumugal sa pakikipagrelasyon sa iyo ng higit pa sa pagkakaibigan dahil:

Una, hindi pa ako sigurado sa nararamdaman ko.
Ikalawa, bagaman gusto na kita noong simula pa, para sa akin panloloko ang pakikipagrelasyon sa tao dahil lang ‘just for fun’.
Ikatlo, malalim ang pagpapahalaga at pag-intindi ko sa salitang pag-ibig. Bumabangga at umiigpaw ang salitang iyon sa ‘threshold’ ng distansya, panahon, at burgesya.

Noong nag-selebra tayo ng kaarawan mo sa Press Room, gabi ng Setyembre, kasama ang iilang kaibigan, pinilit kong pagtakpan ang mga emosyon sa birthday message ko sa iyo. Ayaw kong malaman mo na mahal na nga kita. Kaya ang mga emosyon, natunaw kasabay ng mga asukal sa cake. Ngunit naiwan pa rin ang tamis sa tinapay.

Ayaw kong madaliin ang sarili ko sa pakikipagrelasyon at pag-ibig, at ikaw rin. Masyado nang maraming pangkaraniwang bagay ang kinakaharap natin sa mga buhay natin araw-araw. At sana, hindi na kabilang ang pag-ibig doon.

Kaya muli, kung umabot ka sa puntong ito, at kung sakaling nagbabasa ka nga ng blog ko, o interesado ka sa mga sinasabi ko, mahal kita kahit napakagulo na ngayon ng lipunan.

“Ang mga puso natin ang lumilikha ng kaguluhan.”

Ang puso ko ang lumikha ng mga kaguluhang ito.

8/05/2011

Puso ang Lumikha ng Kaguluhang ito

Puso ang Lumikha ng Kaguluhang ito


Naalala kita kanina. Sa bus. Maulan sa labas. Malamig. Nakatutok ang air-con sa aking mukha. Namamanhid. Nanlalamig.

Ikaw ang nagbigay ng unang tingin. Nobyembre 2009 noon, habang hinihintay natin ang publication adviser natin para pumanaog sa gaganaping Student Press Conference. Hindi tayo magkakilala. Ngunit nagtagpo ang ating mga mata, nagsangang-daan mula sa kawalan. Nagkangitian lamang tayo. Hanggang sa marating natin ang lunan. Doon sinabi mo na wala kang kilala sa mga bago nating kasama. Ako rin naman. Kaya natuwa ako nang sabihin mong “tayong dalawa na lang ang magkasama.” Pumayag ako. Simula noon lagi ka nang nakahawak sa mga braso ko --- bilang kaibigan.

Wala sa akin noon iyon. Para bagang isang normal na bagay. Normal na bagay mula sa mga hindi normal na pangyayari sa aking buhay. Hindi ko inakalang hahanap-hanapin ko ang mga kapit sa aking braso ng isang kaibigang tulad mo.