1/08/2011

Tala*

Tala

*Tulang bunga ng magulong isip. Na-retrieve ko mula sa memo ng phone ko.



Isa kang tala 
Gabay sa maitim na kalangitan
Nagniningning at kumikislap
Malayo at abot-tanaw ko lang.





Ngunit minsan pakatandaan
Mahuhulog ka din
Makakabitiw sa pagkakakapit
At sa aki'y mapapalapit







Maligaya na sana ako
Ngunit ganoon pa rin
Mahirap kang angkinin
Dahil nagdadaan ka lamang sa paningin.

Bagaman ganoon na nga
Hindi magbabago
Pagtingin ng abang tulad ko 
Sa isang kagaya mo.


Nakasisiya na rin
na ang isang bituin
Hindi man mapasakin
Natatanaw pa rin.

5 comments:

  1. Aaw. Grabeng pagmamahal niyan! jejje

    ReplyDelete
  2. This comment has been removed by a blog administrator.

    ReplyDelete
  3. This comment has been removed by a blog administrator.

    ReplyDelete
  4. hahahahahha nice 1

    ReplyDelete

Leave your mark.