1/22/2011

Sorbetes

Magkasama tayo maghapon.
Nagtampisaw sa mainit na sikat ng araw
Sukob tayo ng iisang payong.
Sabay tayong naglakad.
Tumungo sa isang lugar na may
Bagong pagkakakilanlan
Liban sa lunang iniwan.

At tayo'y nahapo.
Mga damdamin na lamang natin ang hindi.
At ibinilhan kita ng sorbetes.
Ngumiti ka dahil hindi mo inasahan.
Wala kang tinuran.
Hindi ako nagsalita.
 Sa malinaw mong mga mata,
Matingkad na kulay ng iyong mukha.
Ako'y napapatitig, sumusuri,
Naghihintay sa mga susunod na mangyayari.
Minamasdan bawat huwad mong ngiti.
Inilalabas ng iyong mga mata.
Ang nadarama ng iyong kaluluwa.
Sana napasaya kita.
Kahit panandalian lamang.

2 comments:

  1. Agit ng post n to karl! haha anung flavor b ung sorbetes?

    ReplyDelete

Leave your mark.