Dahil campus journalist na si Ginoong Manunulat, konting oras na lang ang naaksaya niya sa pagba-blog. Pero 'wag mag-alala. Ako pa rin ang dati. Medyo nadatnan lang ng kaunting evolution. At ngayon dahil campus journalist na, madalas ng maikulong ang sarili niya sa 'standards' ng iba. Mahal ko pa din ang blogging. Mas gusto ko ang free at wild mehn! Ire-republish ko lang ang naisulat ko na ngunit marahil di niyo pa nabasa. Wala namang masama dahil di pa rin natin natututunan ang aral na nais nitong ipabatid. Sa madaling salita, parang sa book report lang: Walang lesson learned kaya dapat i-revise!
---
Myx Daily Top Ten ~ Aug 25 2009 (Tribute para sa Buwan ng Wika)
Nanonood ako habang ginagawa ang plates (drawings) ko. Paglabas ng programa, sina VJ Chino (kapatid ata ni Lui Pio, bokalista ng Hale) at si VJ Bianca. (Magiging 'hate mail' ito kaya sa mga pans nila, pasensyahan na lang).
Sa umpisa ng palabas, s'yempre, ipinalabas nila ang video ng No. 10. Nakakabanas dahil foreign, at mas nakakapang-init pa eh yung kanta ng Paramore ang 'Ignorance'. Dahil binigyan ko ng pagkakataon ang kanta, pinakinggan, pinanood, at inintindi ko ang lyrics. Pagkatapos ng kanta naisip ko, di rin naman pala ganoon ka-'ispesyal' ang kanta.
Matapos yun, kumana na ang dalawang VJ. Hindi naman ako galit sa kanila o sa show. Nakakapikon lang kasi ang pinaggagawa nila. Unang nagbasa ng 'fan message' para kay Chino.
"Hi VJ Chino. You're so handsome, talented, and intelligent. Actually ginagaya ko nga ang hairstyle mo." (Dave of Caloocan)
Nakakatakot naman yung sender. Obsessed na sa idolo niya. Tsk tsk.
Dahil daw magaling mag-Ingles eh intelligent na. Siguro yun ang pananaw niya. Pananaw lang naman eh. Madalas mali.:)
Sinabi naman ni VJ Bianca na meron daw silang guest. Miyembro ng sikat na banda sa Amerika. Sabi ko "Wow! Myx Philippines may guest na isang member ng international band." S'yempre inabangan ko. Hindi dahil makikiuso kundi curious ako kung sino siya.
Natapos ang tatlong kanta pa, Ipinakilala na. Siya pala si Anthony Improgo ng Metrostation. Yung dalawang miyembro nila kasama raw sa cast ng Hanna Montana (hindi ako fan ng pelikula.). At ang banda nila eh kasama ni Miley sa world tour niya ngayong taon at sa 2010 pa.
S'yempre todo hospitality ang dalawang VJ. Alam mo yung merong bigatin na bisita? Pakitang gilas sa Inglisan na masasabi kong 'okay' naman. Marunong sila magdala ng interview, ayun nga lang mga 'petix' ang tanong. Yung tipong 'superpisyal'. Tapos may sinabing nakakagulat si VJ Bianca:
"Sa mga nanonod po, huwag na kayong magulat kung nakakaintindi si Ant (palayaw niya) ng Tagalog. Pilipino po siya."
"Opo and actually I can speak a bit of Filipino." (sagot niya)
Tangna. Langhiya. Marunong palang mag-Tagalog tapos ang tagal na nilang nag-uusap sa Ingles? For formality? For ewan?
Maiintindihan ko pa kung: Una, ipinalalabas overseas ang MYX PH at ang countdown ng Pinoy. Ikalawa, Kung hindi naman nakakaintindi ang 'bisita'. Ikatlo, kung 'Kano ang audience. Ikaapat, kung nirequest ng manonood na Ingles ang gamitin. at Ikalima, kung mayayaman ang nanonood ng MYX. Kaso katulad ko ding commoner (hindi nanonood ng myx si Sy, Tan, Robinson, Ayala) at ang iba pa'y 'acting socialite' eh ang totoo'y lahat ng manonood eh nabubuhay sa third-world-country. Nasaktan ka? Mabuti at nang matauhan ka!
NAKAKAHIYA. Punyetissima! Buwan pa man din ng WIka. Tatlumpung araw na pag-alala at pagpapahalaga sa ating sariling Wika ang dapat gawin nilang alay para sa mga taong malaki ang naiambag upang magkaroon tayo ng bansang "may mababaw na paniniwala ngayon".
Kahit pinipilit ko silang intindihin, di ko magawa. mahirap intindihin ang bagay na mali. Hindi ko nais sabihin na bawal mag-Ingles. Pero sana iakma naman at gawin sa "tamang" pagkakataon.
Kaya nga mas bilib ako sa magaling mag-Tagalog lalo na yung malalalim na salita. Bibihira sila kesa sa mga p_____ conyo. (Hindi karapat-dapat na i-'capitalize' ang salitang konyo. Pang maliit na titik lang sila)
Hindi ko na alam ang nangyayari sa bansa. Kumikita ang mga pelikulang "ripped off" at may temang 'kababawan". Yung tipong inilalabas ng pelikula/programa ang damdamin ng manonood at hindi hinahayaang mag-isip at igiit ang mga dapat baguhin. (Mones, 2009). Nakakalungkot.
Kasali na ang music scene, ang resulta ng count down eh, 8 dayuhan na kanta laban sa dalawang OPM. Pangit ba ang musika natin? Hindi. Kahit na minsan may mga kantang walang kwenta. Mga "tagalized" version at may mga dobleng-kahulugan. Pero masasabi ko, mas okay ang musika natin, kahit na ang album ng mga magagaling na mang-aawit ay "covers" at ang nagiging recording artist ay ang mga sikat na wala sa tono. (Kilala mo na ang mga yan. Walang Pilipino ang hindi niya alam ang nangyayari sa bansa niya. Ngayon kung talagang hindi mo talaga alam, mag-isip ka!) Mas natutuwa pa nga ako kay Chris (http://akosichristv.multiply.com). Minamahal niya ng lubos ang OPM. Pinapaalala niya sa akin si Barth Surethsky, ang 'Kanong nagmahal ng lubos sa Pilipinas higit pa sa pagmamahal na kayang ibigay ng ibang Pilipino mismo. (siya yung nabanggit sa "Bakit Baliktad Magbasa ng Libro ang Pilipino")
Ingles, Ingles,Ingles, Ingles,Ingles, Ingles,Ingles, Ingles,Ingles, Ingles,Ingles. Masakit sa tenga. Pero kailangan natin. Huwag naman sana natin kalimutan ang Filipino. Pinoy lang ang gumagamit niyan, ngayon kung hindi pa gagamitin at patuloy na ikakahiya, sino pa ang gagamit? (Napilitan akong maglagay ng 1/2 out 5 na rate dahil no choice eh.)
O ano aangal ka??? X||
Caloy Hernandez
25 Aug 2009
taray!! pro tma k!!!
ReplyDelete