3/27/2009

Ang Gusto Kong Girlfriend

Araw-araw na pinapaalala sa akin na mahal niya ako at nakikita kong tinutupad niya.

Yung kapag alam niyang may sakit ako, kakamustahin niya ako sa nanay ko at sasabihin sa kanya na huwag na niyang banggitin sa akin.

Yung hindi ikukumpara ang sarili niya sa DOTA.
Nandyan siya kapag naglalaro ako. At kapag nanalo ako, sasabihin niyang "Panis kayo sa BF ko."

Yung hahawak sa kamay ko kapag nakalimutan kong hawakan ang kamay niya at hindi bibitawan sino man ang makakitang kakilala niya. Kahit tsismosang taga-lugar pa nila.

Yung gumagawa din ng paraan para pasayahin ako. Reregaluhan din ako ng chocolates at bibigyan ng rose 'pag Valentines Day
na tulad ng ginagawa ko.

Yung kapag sinabi kong umiinom ako mag-isa nandyan siya. Umiinom din, babangagin ako sa alak, at ipapaisip sa akin na mali iyon.

Yung kahit busy sa pag-aaral, maglalaan ng panahon sa akin kakit lunchbreak o isang araw sa weekend minsan at babawiin ang araw na hindi niya ako nakita. 

Yung kapag naabutan ko siyang nakikinig ng MP4 niya eh lalapit sa akin at ibibigay ang kabilang pares ng earphone.

Yung matapang. Kaya niya ang sarili niya. Hindi iyakin. Pero kapag nakakita ng lumilipad na ipis, tatakbo agad sa akin.

Yung marunong din magsakripisyo. Marunong baliktarin ang sitwasyon na minsan ako rin ang ihahatid niya at sasabihing okay lang sa kanya kahit ipinagpipilitan kong ayaw ko na papayagan ko rin dahil alam niya na  may tiwala ako sa kanya na kaya na niya ang sarili niya.

Yung kahit hindi marunong magluto, magluluto pa rin siya. Magso-sorry kapag nasunog niya ang niluluto niya pero sasabihing hindi na mauulit.

Yung hindi obvious magselos. Kiber kunwari. Pero maya-maya titingin na lang sa akin ng seryoso na parang sinasabing "Tigilan mo siya!"

Hindi maarte. Yung tipong hahalikan ako kahit sinabi ko na pinapawisan ako.

Hindi paranoid. May tiwala sa akin kapag nagpaalam ako na kasama ko ang barkada ko. Magtetext lang para sabihing "Enjoy!" at hindi anupaman.

Hindi materialistic. Hindi pinapansin ang kakayahan ko sa pagbibigay.

Hindi ako ikinukumpara sa EX niya. "Bakit noong kami pa ni ano ganito..."

Matinong manamit. Ayoko kasi nababastos siya lalo na ng mga manyak at pinapansin ng mga tsismosa.

Yung masaya kasama. Tatawanan ang mga jokes kahit alam na namin pareho na corny na ito.

Mag-aaksaya ng oras para kilalanin ang nanay at maging close sister ko. 

Yung babae kumilos. Hindi yung masahol pa magmura sa akin.

Yung alam kong akin lang. Pero kapag may magtatanong kung may BF na siya, Lilingon sa akin at sasabihing "Siya ang lalake ko."

At,yung kahit na hindi na niya ako mahal, sasabihin niya. hinding-hindi niya ipaparamdam sa akin dahil alam niyang masasaktan ako. Makikipag-break ng maayos at balik kaibigan kami. Ipapaintindi sa akin na kung kami, kami talaga kahit anupa. Babati pag nasalubong ko at hindi itatanggi na minahal at naging EX niya ako.

25 comments:

  1. wow.
    haha.
    gagaya ako. "Ang Gusto Kong Boyfriend." :))

    ReplyDelete
  2. hahaa. ano yan parody? well then good.=))


    thanls for dropping by chenes.=))

    ReplyDelete
  3. nga pala. Off ako sa ym. dami OL eh. no time=)) I'll leave later.=)). take care.

    ReplyDelete
  4. at kilala na kung sino yun...

    haha... ang gusto ko sa lalake??? wala! haha

    dapat yung gusto ako... haha!

    ReplyDelete
  5. umuwi ka na. kumain ka na?

    ReplyDelete
  6. salamat at pinansin mo na ako dito sa multiply.=))

    ReplyDelete
  7. ang bagal nga e... naiinis ako.. gusto ko na ulit matulog.. uwi na ata ako...

    ReplyDelete
  8. kaw bahala. para makapag-pahinga ka pa.


    o dili kaya'y sulitin mo na ang puyat mo.=))


    wala ka naman ng pasok bukas diba? wahaha

    ReplyDelete
  9. sad to say.. me class ako ng 1:30

    at may mtg ng 9..

    T.T..

    ReplyDelete
  10. nyak. akala vac. mo na? ano na naman yan? wahahah


    magcobra ka,hehee

    ReplyDelete
  11. uwi na lang ako.. ahha.. cobra?? sawa na ko e.. haha.. droga kaya? joke lang! nyt carlo!

    ReplyDelete
  12. sige. till nest time.bisita ka ulit.=))

    ReplyDelete
  13. ang drama!,jeje,bgla 2loy aqng napaicp,

    ReplyDelete
  14. hahaa. just truth.=)). tama ayan mag-isip ka. para di ka lang sa math matalino.


    ano naman ang naisip mo?=))

    ReplyDelete

Leave your mark.