“We soon learn to love what we know we must lose.” (From the book The Narnian by Alan Jacobs)
3/27/2011
And That’s How It Ends
3/02/2011
Dahil Wala Rin Naman ang Magbabasa Nito
Maraming una sa post na ito.
1. Ito ang unang beses na sinulat ko agad ito sa 'new post' ng blogger na dati sa MS Word ko ginagawa.
2. Ito rin ang unang post ko ngayong Marso.
3. Unang post ko na kahit marami akong ginagawa itinuloy ko pa rin. Ganoon ka urgent ito.
4. Unang post ko ng unang pagkadiskurahe ko sa CEGP, ang aking mahal na kolektib.
5. Unang post ko sa unang pagkadepress ko ngayong taon. (Hindi ako nadepress sa Midterms namin.)
March 2 ngayon, at sa Biyernes, March 4 ay ang 2nd Liwawa (CEGP Pangasinan Provincial Congress). Bagaman hindi ako ang Head ng organizing committee naging punong-abala ako sa pag-aasikaso sa maliliit at malalaking detalye't bagay para sa programa.
Mahusay namang kasama si Abby (ang head ng organizing committe). Ako ang lumapit sa kanya para magpatulong sa pagpaplantsa sa plano. Nagkita kasi sa Baguio, sa Luzonwide Press Con. Awkward akong makikiusap ako ng makikiusap sa kanya. Una dahil malayo kami, ikalawa dahil kasali nga ito sa commitment ko sa CEGP, at ikatlo graduating siya at nagrereview para sa board exam niya.
Hindi naging madali sa amin ang pag-oorganisa nito. Sa totoo lang. Pero pinipilit namin pareho na maging maayos. At kinakabahan na ako kung ano ang pwedeng mangyari sa Biyernes. Ayokong masira ang pangalan ng Guild nang dahil sa akin, more specifically.
Hindi ako masyadong na-aasistehan ng National Office (NO) tungkol dito dahil abala rin sila sa kampanya sa NCR. Ikalawa, bilang Chairperson ng Central Luzon Chapter (CL) dapat nga ay alam ko na ito. At ikatlo, ako ang may ideya nito. Botoomline, kelangang pangatawanan ko.
Ang nakaraan at ang kasalukuyang linggo ay hindi naging mabait sa akin. Nagsabay-sabay ang mga kelangan kong gawin.
Halos araw-araw akong nag-eexam. Importante ang exams ko ngayon. 4th year na ako bilang BSCE. At maraming tao sa pamilya ang umaasa na makakapagtapos ako ng Marso 2012. Inaasahan na rin ako ng aking magulang (si Mama, dahil wala na ang tatay) na makakatulong 'pag ako'y nagtapos na.
Umaasa sa akin ang publication. Kelangan matapos na namin ang 2nd Semester issue. Ulit, ikalawang semestre.
Umaasa sa akin ang kapartner ko sa Project Study, si Ryan ang aking bespren. Dahil hindi raw siya marunong sumulat ng mga ganung klase, at mahina raw siya sa wikang Ingles. Late na kami sa Chpater 2 ng aming sulatin. Due yun ng March 1. At nahihiya ako sa kanya dahil ipinangako ko iyon. Hiyang-hiya ako dahil yun ang unang beses.
Bukod diyan, maraming tao, bagay, at pangarap pa ang umaasa sa akin na hindi ko na maaaring banggitin. Malay ko ba kung sino ka?
Masaya ako sa trabaho ko sa CEGP. Masaya kahit sariling pera mo ang gastos kapag nagiging lagalag ka para mapuntahan ang mga eskwelahan. Masaya kahit pag-aalala lamang ang naidudulot nito sa iyo. Masaya kahit dagdag-pasanin ito sa iyo. Masaya dahil may kasama kang pareho sa interes at pilosopiya mo sa buhay. Masaya dahil naiisip mong may iba pang tulad mo ang nagsasakripisyo rin para sa mga ordinaryong tao. Masaya dahil minsan, pwedeng panakaw mong ituring ang sarili mo bilang bayani. Taong abala sa pagsulong ng karapatan ng iba kahit hindi ka kinikilala.
Masaya ang mga bagay na iyon. Isa sa pinakamasayang nangyari sa buhay ko ang CEGP. At ipinagpapasalamat ko iyon. Masaya akong dumating sa buhay ko sina Trina, Pher, Edrick, French, Tonet, Anna, Paola, Ivan, Pax, Robert, Marco, Mark, Sel, Gab, Liz, SJ, at sino Sir Myke, Sir Mark, Sir Jun Reyes, Ma'am Cynthia, atbp. Masaya talaga. Imba!
Pero ang kasiyahan lang ay hindi sapat para sa ating mga tao na manatili sa ating kinalalagyan.
Umaalis tayo, naglalakbay, at gumagalaw sa kurso ng ating buhay. Kaya siguro literal na umaalis talaga tayo. Hindi dahil hindi tayo kontento, bagkus may pinupuntahan tayo, may gustong patunguhan, at mayroong hinahanap.
Ayaw kong mag-self pity sa post na ito. Hindi ko raw bagay sabi ng kaibigan ko sa multiply. Gusto ko lang mag-unload ng emosyon. Mabigat na masyado. Baka mas lalong walang marating ang inoorganisa ko (namin ni Abby).
Basta hindi ko maramdaman ang presensya ng NO at CL officers. Prangkahan, hindi ko talaga gusto. Walang nagrereply, wala akong magawa. Helpless.
Hindi na naman ako natulog kanina. At ngayong oras na ito, alas-tres na ng madaling araw ay gising pa ako. Hindi na rin siguro ako matutulog ulit. May exam pa ako sa Hydraulics at gusto kong pumasa ulit. Totoo, hanggang pagpasa na lamang ang habol ko ngayon. Hindi na ako nakakakuha ng matatas na marka (o nakakuha nga ba talaga ako?). Parang ang nagiging labas tuloy, joke ng isang kaibigan ko kanina, sagabal na lang daw ang pag-aaral ko sa mga gawain ko. Wala lang. Nalungkot lang ako kanina. Para kasing totoo.
Kanina nga kinamusta ako ng mga kaklase ko. Ano daw ba ang nangyayari sa akin. Hindi ko naman masabi dahil hindi naman nila naiintindihan kung bakit ko pa rin pilit ipinapasok ang CEGP sa buhay ko. Hindi ko sila masisisi. Pasalamat na lamang dahil nandyan sila kanilang umaga (kahapon). Kahit papaano'y napapatawa nila ako.
Ganoon din ang tayo ng sitwasyon sa pamilya. Sabi nga ni JD, ok lang daw iyon. Iyong iba nga raw humahantong pa sa paglalayas. Naiskandalo ako. Hindi ko gusto ang sagot. Pero tama naman siya. Wala lang ang stiwasyon ko para sa kanila dahil kung igo-gauge nga naman, walang panama ang sa akin.
At kanina naman, may iniutos sa akin ang adviser namin sa pub. May pinapahatid siyang mga dokumento sa apat na unibersidad pa sa lungsod, at bibiyahe ka ng malayo. Napagpalit ko ang dokumento ng dalawang eskwelahan na parehong may Lyceum ang pangalan. Hind ko kasi napansin na may 'address' pa sa sulat dahil generic naman ang nilalaman. At dalawang araw na akong tig-dalawang oras lang ang tulog kaya malabo ang isipan ko. Siyempre sinabi ko na nagkamali ako. Ayaw kong magsinungaling. Though naayos ko naman na maihatid at hindi naman nagreklamo ang addressee, nagalit pa rin siya. Nasa labas kami ng Urdaneta 168 Mall noon ng sinabi niyang ang simple-simple na lang raw ng pinapagawa niya hindi ko pa raw nagawa ng maayos. Ano ba daw 'yan.
"You can't stop a teacher when they want to do something. They just do it." - Holden Caulfield
At dahil doon na-drained lahat ng lakas (kung meron pa). Tumalikod na lang agad ako pagkatapos niyang magsalita. Irascible ako 'pag pagod at walang tulog pero hindi naman ako nagagalit kanina. Down-spirited lang. Mula doon, naiyak na lang ako hanggang sa paglalakad papuntang sakayan. Tumawid ako sa highway. At oo. Inisip kong tumigil sa pagtawid sa gitna ng kalsada at pasagasa na lang sa trak. Pero nabigo ako. Umiral pa rin ang pangarap ko para sa aming pamilya. At habang nasa biyahe iniyak ko na lang lahat ng masamang pangyayari. Hindi naman ako iyaking tao eh, occasional lang (pero sa totoo umiiyak na naman ako ngayon). Hehe
Pagsapit ko sa bahay diretso kwarto na lang ako. Ayaw kong makita akong nagkakaganun. Dyahe. At nahihiya na ako sa pamilya ko. Basta. Sa sobrang hiya ko ayaw ko na mag-stay sa bahay dahil wala rin naman akong pakinabang, tamang emo lang. Hehe. Pero ganun na rin eh.
Tapusin ko lang siguro ang pananagutan ko sa CL, tapos out na ako sa grupo. Nag-oath pa naman ako at ayaw kong sirain iyon.
Habang tumatagal, mas marami akong nababanggang paniniwala ng kolektib na taliwas sa gusto ko, sa perspektibo ko, at mismong sa akin.
Hindi ko rin naramdaman ang respeto nung isang ka-kolektib ko na sobrang mahal ko pa naman. Basta!
“To say 'I love you' one must first be able to say the 'I.'” | |
Siguro, pagkatapos ng aking termino sa CL, aasikasuhin ko na ang mga pangarap ko. Bahala na ang bayan sa pangarap nila (bayan). Apatetiko rin naman ang tao dun. Immune na. Nakakasawa na. |
Haay. Ano kaya itong post na ito. Walang direksyon at napapangitan ako. Kelangan ko nang tapusin ng ganito dahil 3:30 na ng umaga. Hindi ko rin naman inaasahan na may magbasa pa nito. Gusto ko lang ng kausap. Gusto ko ng karamay. At hanggang sa sandaling mai-post ko ito ay wala pang dumadating.
Sabi nga ng kuya ko kaninang umaga: "Maawa ka naman sa sarili mo!'
PS:
1. Pagkatapos pala ng Pangasinan, ay ang Nueva Ecija - Aurora naman, Pampanga, at Tarlac. Sunod na ang Zambales, Bulacan, at Bataan.
2. Kung officer ka ng CL o NO o kaya'y kilala mo sila at nabasa mo ito bago ang March 4, pakisabi sa kanila ang gist nito at isave my soul.
3. Hindi muna ako makikinig ngayon sa pangaral o sumbat. Hindi mo ako maarok ngayon dahil hindi mo alam ang sitwasyon. Kung iniisip mong alam mo ang sentimyento ko, mali ka! For once hayaan niyo muna ako.
4. At to rin pala ang unang post na na-cross-post ko sa multiply mula sa aking blogger account.
Ayaw ko nang tapusin. Napapagod na akong iparamdam ang sarili ko. Gusto kong mag-evaporate na lang bigla. At 4 AM na.#