12/04/2012

Kawawang tadhana, friendzoned

Siya yung pasimuno ng Tales from the Friendzone. Follow mo na siya @ramonbautista




May nag-uusap sa twitter timeline ko. Nagpaparinigan yata. Walang mentions ang mga tweet pero totally related ang thread nila pareho.

Sabi ko sa tweet, "Parang may nag-uusap sa timeline ko. Wala nga lang mentions. O hindi naman siguro. Puyat at kalasingan lng siguro ito.". Pero confirmed. Nag-uusap nga silang dalawa. Bakit ko nasabi? Hindi sila nagreply pero pareho nilang ni-favorite ang tweet kong iyon. #WalaLungs

Tulad ng karaniwan, siyempre madrama. Ang daming binanggit na bagay na nakakaapekto sa isang tao upang makapag-desisyon nang maayos: sitwasyon, problema, "baka", balang araw, pagkakataon, tadhana.


Nagreply muli ako sa paraan ng tweet. Kako, "Sabi nga ni mama, huwag ka magdrama. Hindi mo angkin ang lahat ng problema." Ni-favorite na naman!

Sabi ko ulit, "Positive. Ang sakin lang naman, mag-usap kayo ng masinsinan. Walang mararating ang tweet. Sana maayos ang namamagitan sa inyo. Ngiti lang.". Ni-favorite na naman. Pero hayun na nga. Mahirap daw ang sitwasyon. Iba rin daw kasi si tadhana. Kawawang tadhana. -_-

Dahil sa palitan nila ng litanya, [may pagka-makata ang mga sinasabi nila kasi pareho silang campus journalists, di tulad ng mga temporal emo, yung mga nagma-makata ay forever emo tulad ng inyong lingkod] ako ay na-carried away at napatweet na rin ng:

"Ang bumubuhay na lang sa akin ay mga alaala." - Ako

Tapos. . .

"Parang hinahalukay ng alak ang lahat ng damdam at pait at sama ng loob ng taong impluwensyado."

Oo! Lasing ako ala-singko ng hapon! Galing ako sa binyagan. Unemployed pero 11 na ang inaanak ko. Menopausal baby pa itong huli so kumpare at kumare ko sina Tito at Tita. Pero malayong kamag-anak ko na sila.

Tapos. . .

"Tadhana ang bagay na resulta ng hindi natin pagkilos ngunit maluwag nating tinanggap. Tadhana ang pampapalubag-loob."

Medyo lumabas na naman ang pagka-creative-dramatic character ko. Minsan talaga kapag kinalilimutan ang isang ugali biglang may magpapaalala. Nakaka-braindead ang timeline kaya tinapos ko na lang ang cameo role ko sa lab istory nila ng. . .

"Kapag nagmamahal, piliin kung kanino sulit ang mga ngiti't luha."

Kinagabihan, nalaman ko ang ending. Unang naglakas loob mag-mention si babae kaya natapos na rin ang bogus thread nila ni lalake (na ayon kay lalake mismo ay torpe raw siya, na tulad ko). 

Nagtawagan sila ng #Bestfriend. Haaay. Friendzoned.

2 comments:

  1. ikwento mo rn kung panu ka nafrienzoned. Haahaha

    ReplyDelete
  2. uo nga may panahon bang nafriendzoned ka?

    ReplyDelete

Leave your mark.